You are on page 1of 47

PANITIKAN SA

PANAHON NG
ISINAULING KALAYAAN
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong
pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong
1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga
namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon
ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng
mga Amerikano.
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang
ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang
kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa
unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang
mga Pilipino.
KALAGAYAN NG
PANITIKAN
Tila naging mapaghangad sa makukuhang
gantimpala ang mga manunulat nang panahong ito
bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna
kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito ng
malaking halaga.Isa sa naging kapansin-pansing
pangyayari sa Panitikang Pilipino sa panahong ito
ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa
larangan ng panulat. Naging mga ulirang manunulat
na Amerikano sina Ernest Hemingway, William
Saroyan, at John Steinbeck sa kanilang mahusay na
teknesismo ng panulat.Sila ang nagbigay ng diwang
mapanghimagsik at kapangahasan sa panitikang
Tagalog at Ingles.
MGA PAKSA NG
PANITIKAN

1. Tungkol sa kalupitan ng mga


Hapones
2. Kahirapan ng pamumuhay sa ilalim
ng pamamahala ng mga Hapones
3. Kabayanihan ng mga gerilya
MGA PAHAYAGAN AT
MAGASIN

1. LIWAYWAY
2. BULAKLAK
3. ILANG-ILANG
4. SINAG-TALA
MGA AKLAT NA
NALIMBAG
• MGA PILING KATHA – (1947-1948) ni Alejandro G.
Abadilla; kinilala bilang “AMA NG MALAYANG
TALUDTURAN”
•ANG MAIKLING KWENTONG TAGALOG (1886-1948)
ni Teodoro Agoncillo
•AKO’Y ISANG TINIG (1952)-katipunan ng mga tula
at sanaysay ni Genoveva Edroza Matute
•MGA PILING SANAYSAY-(1952) ni Alejandro G.
Abadilla
•MANLILIKHA, MGA PILING TULA (1961-
1967) ni Rogelio Mangahas
•MGA PILING AKDA NG KADIPAN (1965) ni
Efren Abueg
•PITONG DULA (1968) – ni Dionisio Salazar
•MANUNULAT:MGA PILING AKDANG
PILIPINO (1970) ni Efren Abueg
•SINING AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
NG PANITIKAN (1965) ni Rufino Alejandro
MGA AKLAT KAY J.RIZAL
•Nang Musmos Pa si Rizal at Ulirang Mag-
aaral si Rizal na sinulat ni DIOSDADO
CAPINO
•Ang Buhay at Mga Akda ni Rizal – BEN
UNGSON
•Rizal, Ang Bayani at Guro at iba pa –
DOMINGO LANDICHO
•Gabay sa Pag-aaral ng Noli at Gabay sa Pag-
aaral ng Fili – EFREN ABUEG
ANG MULING PAGSIGLA
NG PANITIKAN SA INGLES
MGA PAHAYAGANG INGLES
•Philippine Free Press
•Morning Sun – Sergio Osmena Sr.
•Daily News- Ramon Roces
•Philippines Herald – pamilya Soriano
•Chronicle –pamilya Lopez
•Bulletin - Menzi
MGA AKLAT SA INGLES
•Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viray-
kalipunan ng mga tula
•Phil. Cross Section(1950) nina Maximo Ramos at
Florentino Valeros
•Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin
•Phil. Writing (1953) – ni T.D. Agcaoli
•Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at
Florentino Valeros
•Horizon’s East (1967)Artemio Patacsil at Silverio
Baltazar
ANG TIMPALAK-PALANCA
Isa ring nakapagpasigla sa ating mga
manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad
ng “Timpalak-Palanca” o “Palanca Memorial
Awards for Literature” na pinamumunuan
ni Ginoong Carlos Palanca Sr. noong 1950.
Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa
pagbibigay gantimpala ang timpalak na ito
bagama’t ang nagtatag ay yumao na. Ang
larangang pinagkakalooban dito ay ang
MAIKLING KWENTO, DULA at TULA.
ANG MAIKLING KATHANG
NAGWAGI NOONG
1950-1951

•MABANGIS NA KAMAY..MAAMONG KAMAY


– Pedro Dandan
•PLANETA, BUWAN AT MGA BITUIN – Elpidio
Kapulong
•KWENTO NI MABUTI – Genoveva Edroza-
Matute
DULANG UNANG NAGKAMIT NG
GANTIMPALANG PALANCA
-HULYO 4,1954 A.D. – sinulat ni Dionisio
Salazar

TULANG NAGKAMIT NG
GANTIMPALANG PALANCA
- ALAMAT NG PASIG – sinulat ni Fernando
Monleon
PANITIKAN SA
PANAHON NG
AKTIBISMO
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay
hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang
Pilipino, lalo na ng mga kabataan.
Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng
mga kabataan noong 1970-1972. Samutsaring
paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging
aktibista.
Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng
pamahalaan, marami sa ating mga kabataan ang
naniniwalang di na “demokratiko” kundi isang
“gobyernong kapitalista” ang umiiral sa ating bayan
sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap
ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga
Nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko
at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan
ang mga kakulangan. Ang iba naman ay may
paniniwalang dapat nang palitan ng “sosyalismo” o
“komunismo” ang bulok na pamahalaan. Iba’t ibang
samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga
kabataan nang panahong ito. May mga kabataang
napabilang sa “Bagong Hukbo ng Bayan [ New
Peoples’ Army], may mga naging “burgis” radikal o
rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang
walang pakialam sa takbo ng pamahalaan.
Sa kalahatan, maraming kabataan ang naging
aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng
pamahalaan. Subalit sa kanilang pamamahayag
hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng
matinding damdaming makabayan at upang
mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang
Kanilang kahingian ay naging matalim at
mabalasik ang panunulat ng ilan nating
kabataan. At dahil dito, kasama ng ilang
rebeldeng manunulat, marami sa kanila ang
nangapiit sa mga kampong militar ng bansa.
Marami ring akda ang naisulat sa
panahong ito, ngunit dahil sa ang mga
akda’y mahigpit na ipinagbawal sa una pa
lang na paglalahathala at karamihan sa mga
umakda’y kailangang lapitan pa’t
makapanayam, ang pangangalap at
pagpapahalaga ng mga akdang ito ay
ipinauubaya na sa mga masusing nagsaliksik.
ANG BINHI NG AKTIBISMO

Humantong sa pagkakadeklara ng “BATAS


MILITAR [Martial Law] noong 1972 ang BINHI NG
AKTIBISMO. Ngunit masasabing ang binhi ay
naihasik na sa mga kabataan maging noong mga
panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba
pa. Sadya pa ring masasabi na monopolohiya ng
kabataang may init ng dugong dumadaloy sa
kanilang ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa
makapangyayaring lakas ng Pilipinas. Kaya’t balido
ang sinabi ni Rizal na “ANG KABATAAN ANG SIYANG
PAG-ASA NG BAYAN”.
KALAGAYAN NG PANITIKAN

** Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik


** Nagkaroon ng kamulatang panlipunan
** Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng
PINSEL at isinulat sa mga plakard, sa PULANG
PINTURA ang mga kaugnay na salitang
nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka
** Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at
pulitika
MGA KABATAANG
BUMANDILA
• ROLANDO TINIO
•ROGELIO MANGAHAS
•EFREN ABUEG
•VIRGILIO ALMARIO aka RIO ALMA
•CLEMENTE BAUTISTA
PANULAANG FILIPINO

Nagtataglay ng tatlong [3] katangian ang mga


tulang naisulat ng mga batang makata at
mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo:
A. ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng
bayan
B. ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok
na pagpapasasa ng mga nanunungkulan at;
C. ang tahasang masasabing labag sa kagandahang-
asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita
MGA TULANG NAMAYAGPAG
• MGA A! NG PANAHON [1970] ni Alejandro Q. Perez
•KALIKASAN [1970] – ni Aniceto Silvestre
•PERIGRINASYON AT IBA PANG TULA [1970] ni Rio
Alma
•MGA TULA NG BAYAN KO AT IBA PA [1972] – ni
V.G. Suarez
•SITSIT SA KULIGLIG [1972] ni Rolando Tinio
•MGA GINTONG KAISIPAN [1972] ni Segundo
Esguerra
ANG DULA, MAIKLING KWENTO
AT NOBELA
Labis na naging mapangahas ang mga
manunulat ng dula, maikling kwento o maging
nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa
kundi maging sa usapan ng kanilang mga tauhan sa
akda.
Payak ngunit makatotohanan ang salitaan o
lenggwaheng ginagamit nila ngunit kadalasa’y ang
payak at makatotohanang usapan, bagama’t nasa
makabagong panahon na ay hindi pa rin
makayanang basahin ng mga babaeng may bakas pa
ni Maria Clara, lalo’t ang usapan ay usapang lalaki
o ginagamit sa tagpo ng pakikipagtalik.
ANG MGA PELIKULA AT
KOMIKS
Nang panahon ding ito ng aktibismo,
nagsimulang napanood ang mga pelikulang
malalaswa na nakasisira sa kaugaliang
silanganin-ang tinatawag na mga
PELIKULANG BOMBA.
Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba
pang babasahin na ang mga larawang
iginuhit ay walang mga saplot sa katawan.
PANAHON NG
BAGONG LIPUNAN
KALIGIRANG
KASAYSAYAN
Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan
noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin
ang gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak.
Halos tungkol sa IKAUUNLAD NG BAYAN ang
karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang
Rebolusyon (Green Revolution), Pagpaplano ng
Pamilya, Wastong Pagkain ( Nutrition), “Drug
Addiction”, Polusyon, at iba pa.Pinagsikapan ng
Bagong Lipunan na maputol ang malalaswang mga
babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng
masasamang impluwensya sa moral ng mga
mamamayan.Ang lahat ng mga pahayagang
pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at
maging ang mga samahang pampaaralan.
Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagon
kagawaran na tinawag na “MINISTRI NG
KABATIRANG PANGMADLA”upang siyang
mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat,
at iba pang babasahing panlipunan.
Muling naibalik ng dating Unang Ginang IMELDA
MARCOS sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga
SINAUNANG DULA tulad ng SENAKULO, EMBAYOKA
NG MGA MUSLIM at iba pa.Ipinatayo niya ang
Cultural Center of the Philippines, Folk Arts
Theater, at maging ang Metropolitan Theater ay
muli niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng
mga dulang Pilipino.
Naging laganap din ang pag-awit noon sa
wikang Pilipino. Maging ang mga
ipinadadala sa ibang bansa ay awiting
Pilipino rin ang inaawit
Ang mga lingguhang babasahin tulad ng
KISLAP, LIWAYWAY at iba pa ay malaki ang
naitulong sa pagpapaunlad ng Panitikan.
Naging Lagusan ito ng manunulat upang
mailathala ang kanilang mga akda.
Tahasang masasabi na nagningning din
ang Panitikang Filipino nang panahong ito.
ANG PANULAANG
TAGALOG
-Naglabasan ang mga “slogan” sa panahon na ito ng
Bagong Lipunan:
halimbawa: Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang
kailangan
Tayo’y kumain ng gulay, upang humaba
ang buhay
Magplano ng pamilya, nang ang buhay
ay lumigaya
Ang pagsunod sa magulang, tanda ng
anak na magalang
Naging paksa ng mga tula ang
PAGKAKAISA, TIYAGA, PAGPAPAHALAGA
SA PAMBANSANG KULTURA, UGALI,
KAGANDAHAN NG KAPALIGIRAN.
Kabilang sa mga nagsisulat ng tula sa
panahong ito sina PONCIANO PINEDA,
ANICETO SILVESTRE, JOSE GARCIA
RELEVO, BIENVENIDO RAMOS, VICENTE
DIMASALANG, CIR LOPEZ FRANCISCO.

Pilipino: Isang Depinisyon – PONCIANO


PINEDA
MGA AWITING FILIPINO
Ganito ang ilan sa mga awiting lumitaw
nang mga unang taon ng Bagong Lipunan
BAGONG LIPUNAN
I. May bagong silang/may bago nang buhay
Bagong Bansa, bagong dangal/ sa bagong lipunan
II. Nagbabago ang lahat/tungo sa pag-unlad
at ating itanghal/ Bagong Lipunan
III. Ang gabi’y nagmaliw nang ganap
At lumipas na ang magdamag
Madaling araw/ ay nagdiriwang
Sa umagang daratal/
IV. Ngumiti ang pag-asa/
Sa umagang anong ganda (ulitin ang I)

Noong 1975, nagbago ang takbo ng


kasaysayan ng awiting Pilipino nang ang “TL
Ako sa Iyo” ay awitin ng pangkat Cinderella.
Ang awiting ito ay naging popular sa tawag
na HIMIG-MAYNILA. Binubuo ito ng ilang
“balbal” na Pilipino may kakaibang kumpas
kaya mabilis na tinanggap ng mga tao.
Narito ang awit.
TL AKO SA ‘YO
Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman guwapo
Kahit malabo ang pagpili ko/ TL ako sa iyo
Panay kantyaw ng mga utol ko/ Dehins ka raw bagay sa kagandahan
ko/
Malabo na raw ba ang mata ko/ at TL – kita
[KORO]
Kalyeng liku-liko ang takbo ng isip ko/
Sabi ng lolo may toyo ang utak ko.
Sabi ng lola ay humanap ng iba/ may porma’t mayaman
TL wala naman.
[ulitan ang unahan]
at na –TL- kita…..Ikaw ang true love ko.
Naging tanyag din si RICO J. PUNO sa
pag-awit ng himig-Maynila tulad ng
kanyang “The Way We Were”. Narito
ang isang saknong ng kanyang awit.

Alaala/nang tayo’y mag-sweetheart pa


Namamasyal sa Luneta
Nang walang pera/
So it’s the laughter/we will remember/
The way we were/Remember the way we were.
Sa kaligirang ito, ang ilan pang mga
mang-aawit na kompositor ay nadagdag
pa. Kabilang dito sina Freddie Aguilar,
Florante, Jose Marie Chan, at ang
magkakasamang Tito, Vic at Joey.
Naging matagumpay ang “ANAK” ni
Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at
damdaming ipinahahayag ng awiting
ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga
ito ng salin sa Hapon at sa iba pang
wika. Narito ang awit:
ANAK
No’ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

Sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay


Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka ng iyong amang
Tuwang-tuwa sa iyo.
III. Ngayon nga’y malaki ka na
At nais mo’y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga’y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo.
IV. Di mo man lang inisip na ang kanilang
ginagawa’y para sa ‘yo.
Pagkat ang nais mo’y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin.
V. Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo.
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong “Anak, ba’t ka nagkaganyan?”
VI. At ang iyong mata’y biglang lumuha
Nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo’t nalaman mong
Ikaw’y nagkamali [3x]

Narito pa ang awit ni FLORANTE na kaisa


ng Bagong Lipunan sa panawagan sa lalong
makabuluhang pamamayan.
AKO’Y PINOY
I. Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.
KORO
Wikang Pambansa/Ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan/Hangad kong lagi ay kalayaan

II. Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika


Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
ANG DULA SA BAGONG
LIPUNAN
Nanguna sa pagpapanibagong-buhay ng ating
mga sinaunang dula ang ating Unang Ginang ng
bansa na si GNG. IMELDA MARCOS. Binuhay niya
ang sarsuwela ng mga Tagalog, Sinakulo at
Embayoka ng mga Muslim na pawang itinanghal sa
ipinakumpuni niyang Metropolitan Theater at
ipinatayong Folk Arts Theater at Cultural Center of
the Philippines.
Lalong nakapagpasigla sa dula nang panahong
iyon at maging sa kasalukuyan ang mga sumusunod
na samahang pandulaan.
1. PETA – nina Cecille Guidote Alvarez at Lino
Brocka
2. REPERTORY PHILIPPINES – nina Rebecca
Godines at Zenaida Amador
3. UP REPERTORY – ni Behn Cervantes
4. TEATRO FILIPINO – ni Rolando Tinio

ANG PELIKULANG PILIPINO


Nagkaroon ng taunang Pista ng mga Pelikulang
Pilipino sa panahong ito. Sa tuwing may ganitong
kapistahan ay pawang mga pelikulang Pilipino
lamang ang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro
Manila. Ginagawaran ng gantimpala at pagkilala ang
nagwawaging mga pelikula at artista.
Nagsilabas sa panahong ito ng Bagong Lipunan
hanggang 1979 ang mga pelikulang walang romansa
o seks subalit tinangkilik dahil sa kakaibang
kayarian nito, tulad ng :

-MAYNILA..SA MGA KUKO NG LIWANAG – sinulat ni Edgardo


Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka at sa pangunguna ni
Bembol Roco
-MINSA’Y ISANG GAMUGAMO- ang pangunahing bituin dito ay si
Nora Aunor
-GANITO KAMI NOON..PAANO KAYO NGAYON?- pinangunahan
nina Christopher de Leon at Gloria Diaz
-INSIANG –pinangunahan ni Hilda Koronel
-AGUILA – pinangunahan nina Fernando Poe Jr., Jay Ilagan , at
Christopher de Leon
PAHAYAGAN,KOMIKS,
MAGASIN AT IBA PANG
BABASAHIN
Sa panahong ito ng Bagong Lipunan,
nagbihis ng panibagong anyo ang nilalaman
ng mga pahayagan. Ang mga balitang dati’y
naglalahad ng karahasan tulad ng patayan,
nakawan, panggagahasa, at iba pa ay
napalitan ng mga balitang pangkaunlaran,
pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura,
turismo at iba pa. Narito ang mga
sumusunod na pahayagan
1. BULLETIN TODAY
2. TIMES JOURNAL
3. PEOPLE’S JOURNAL
4. BALITA
5. PILIPINO EXPRESS
6. PHIL. DAILY EXPRESS
7. EVENING EXPRESS
8. EVENING POST
Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga
mamamayang Pilipino ang magasing
LIWAYWAY simula pa noong 1922. Bukod sa
Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa
nang panahong ito ay ang:

1. KISLAP
2. BULAKLAK
3. EXTRA HOT
4. JINGLE SENSATION
Bukod sa mga magasin, para namang mga
kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na
siyang kinagiliwang basahin ng marami.
Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. PILIPINO
2. EXTRA
3. LOVE LIFE
4. HIWAGA
5. KLASIK
6. ESPESYAL
KABUUANG TANAW SA
PANITIKAN SA PANAHON NG
BAGONG LIPUNAN
Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng
Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong
Lipunan ay ang mga SANAYSAY, AWIT, MGA
TALUMPATI, AT TULA.

Walang pinag-iba ang mga maikling kwento


nang panahong ito sa mga naisulat noong bago
magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang
mga nobela at dula.

You might also like