0% found this document useful (0 votes)
85 views72 pages

Fil 10 Reviewer

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tanong at sagot na may kinalaman sa iba't ibang aspekto ng literatura, wika, at edukasyon. Kabilang dito ang mga kahulugan ng mga salita, mga pahayag, at mga sitwasyon na naglalarawan ng mga ugali at damdamin ng mga tauhan. Ang mga tanong ay nakatuon sa pag-unawa at pagsusuri ng mga teksto at konteksto sa mga akdang pampanitikan.

Uploaded by

benedicksagum58
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
85 views72 pages

Fil 10 Reviewer

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tanong at sagot na may kinalaman sa iba't ibang aspekto ng literatura, wika, at edukasyon. Kabilang dito ang mga kahulugan ng mga salita, mga pahayag, at mga sitwasyon na naglalarawan ng mga ugali at damdamin ng mga tauhan. Ang mga tanong ay nakatuon sa pag-unawa at pagsusuri ng mga teksto at konteksto sa mga akdang pampanitikan.

Uploaded by

benedicksagum58
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

Magandang

Umaga
Nakahulagpos sa tanikala si Liongo na
hindi namalayan ng bantay. Ano ang
kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. nakabitin
B. nakatali
C. nakasabit
D. nakawala
D
Pinagdadala ng matoke ng mga
nakikiigib kay Kibuka ang alagang baboy.
Ano ang ibig ipakahulugan ng matoke?
A. kalamay
B. tirang pagkain
C. mga gulay
D. isdang iniluto
C
Gumimbal sa buong nayon ang
pagpapatiwakal ni Okonkwo, ito ay isang
mabigat na kasalanan. Ano ang hindi
kasingkahulugan ng salitang gumimbal?
A. gumulat
B. nagsabi
C. nabigla
D. gumulantang
B
Nakatikim ng pandudusta ang mga
pinuno ng Umuofia. Ano ang
kahulugan ng nakasalungguhit?
A. paghahamak
B. pagpapasaya
C. pagpupuri
D. pagpapasalamat
A
Ano ang kahulugan ng matalinghagang
pahayag na ito? “Likas sa batang iyan
ang talas ng kanyang dila”.
A. bastos magsalita
B. may pagkabulol
C. matapang magsalita
D. masakit magsalita
D
Ang biswal na nabubuo sa isipan ng
isang mambabasa ay isa sa mga
elemento ng tula. Ano ang tawag dito?
A. Imahe
B. Saknong
C. Taludtod
D. Talinghaga
A
Sa ginawi ni Sogolon sa anak na si Sundiata,
bakit umabot sa ganoong lebel ang galit o
emosyon?

A. Hindi makontrol ng ina ang galit sa anak


dahil sa inutil ito.

B. Ibinaling sa anak ang pagkapikon at siya ang


sinaktan nang matindi.
C. Matigas ang ulo ng anak kaya hindi
nakapagpigil ang ang ina kaya siya
nasaktan.

D. May kinikimkim na galit ang ina sa


ama nito kaya ang lahat ay naibuhos
sa anak.
B
“Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro,
ang delubyung mananalasa, sasalpok at
bubura sa iyo sa lupa”. Anong damdamin
ang nasasalamin sa pahayag?
A. pagbabanta
B. matinding galit
C. paniniyak nang pagkatalo ng kalaban
D. paghihiganti at may katiyakang tagumpay
C
Sino ang pinakamahusay na panday ng
Haring Maghan Kon Fatta, at gumawa ng
tungkod na bakal ni Sundiata.
A. Fakoli
B. Dankaran
C. Soumaoro
D. Farakourou
D
Ang kanyang buhay ay nasa dakong
kanluran na. Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag?
A. kabataan
B. dalaga/binata
C. magulang
D. matanda
D
Ano ang tawag sa paglilipat ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin?
A. Panlapi
B. Gramatika
C. Pagpapakahulugan
D. Pagsasaling-wika
D
Ito ay matagal nang ipinaglaban ni
Manuel Luis Quezon upang mas
magkaunawaan ang bawat Pilipino.
A. Lahi
B. Watawat
C. Katarungan
D. Wikang Pambansa
D
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay
maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa
maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at
pagpupunyagi ng tao na pinakamumuhunan ng
puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit,
Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan
ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din
nga sa paghahalaman.
(mula sa Akasya o Kalabasa)
Kanino raw mas maamo ang
magandang kapalaran?
A. sa mga taong mababait at
mapagpunyagi
B. sa mga naghahanda at
namumuhunang magpaaral sa mga
pribadong paaralan
C. sa mga nakapagtapos ng kolehiyo
at sumunod sa tamang proseso ng
pag-aaral.

D. sa mga nag-aaral sa matagal ng


taon basta mayroong pansuporta ang
mga magulang.
C
Saang lugar at husay kilala si
Mullah Nassreddin?
A. Palau- mananalumpati at
manunulat
B. Panama- tagapayo at
manunulat
C. Paris- manunulat at
kwentista
D. Persia- pilosopo at
tagapayo
D
Si Okonkwo, isang matapang at
respetadong mandirigma, nagmula sa lahi
ng mga Umuofia. Anong elemento ang
nakasalungguhit?
A. banghay
B. damdamin
C. tagpuan
D. tauhan
D
Inakala ni Okonkwo na nais ng mga
kaangkan na maghimagsik kung
kaya’t gamit ang machete pinatay
niya ang pinuno ng mga mensaherong
lumapit sa mga kaangkan niya”. Suriin
ang ugaling hindi kanais nais.
A. marahas at mapagmahal
B. padalos dalos at marahas
C. matapang at may
paninindigan
D. mahusay na lider subalit
mabangis
B
Kilalanin si Okonkwo bilang pinuno, paano
ito inilarawan?
A. mahusay gumawa nang pagpapasya
B. may tapang at may dignidad na pinuno
C. hindi makatao at isang marahas na
pinuno
D. kahanga-hanga at natatanging
tagapamuno
C
Ang mga kababaihan ay nangimi kay
Mullah Nassreddin ng siya ay dumating.
Piliin ang kahulugan ng
nakasalungguhit.
A. nahiya
B. natuwa
C. nalungkot
D. nagtawanan
A
Sagisag ito na kumakatawan sa
isang tagong kahulugan.
A. idyoma
B. tayutay
C. talinghaga
D. simbolismo
D
Sasakyan: Daan
Barko: _________
DAGAT
_________: Silid-aklatan
Bulaklak: Hardin
AKLAT
Suriin ang sitwasyon na nagpapakita ng
karahasan.
A. nagtratrabaho sa palayan
B. tinatawag na panginoon ang may ari nito
C. ang nagbabantay ay nakasakay sa likod
ng kabayo
D. hinahampas ng latigo ang mga mabagal
sa paggawa
D
“Tumayo ka, ikaw na itim na baka”, hiyaw
ng tapagbantay. Ano ang ugaling
ipinapakita sa pahayag?

A. ginagawa lamang ng tagapagbantay


ang kanyang tungkulin
B. mapang-alipusta sa mahihirap ang
tagapagbantay
C. may pagkabastos lang talaga sa
pagsasalita ang tagapagbantay

D. kailangang maging matapang


ang bantay para sa hindi
magpabaya ang mga ito
B
Piliin sa mga pagpapaliwanag ang akma sa
unang pangungusap ng talata.
A. kung magtitinda ka at malaki ang
puhunan, dagdagan ang patong para
kumita.
B. ang tao na nagsisikap sa buhay ay
matatamo ang tagumpay sa pagdating ng
panahon.
C. kung mag-aaral ka at tatapusin
hanggang kolehiyo mas maganda ang
oportunidad na matatamo sa buhay.

D. kung pipili ka ng mabilisang proseso at


makapagtrabaho ng mas maaga sa
panahon, kaagad kang makakatulong sa
pamilya.
C
Tukuyin ang nais makita ni Saadi
sa kanyang pahayag, “Hayaang
ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para hanapin ang
magbebenepisyo sa kanyang
magandang gawa”
A. makikita ang bunga ng isang pangyayari batay sa
ipinapakitang gawi.
B. ang taong naghahanap ng paggalang ay kailangang
mamuhunan ng pamamahagi ng biyaya sa kanyang
nasasakupan.
C. kailangang maging halimbawa ang tagapamuno para
maibigay sa kanya ang kanyang kagustuhang matamo
mula sa nasasakupan.
D. kailangang sinusunod ng tao ang gusto ng tagapamuno,
dahil bilang sultan siya ang pinakamataas at
pinakamakapangyarihan sa kanilang lugar.
C
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang
magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at
sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo
na humuhubog sa isipan, damdamin at
pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin
ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang
pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang
kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang
kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang
kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila
sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang
nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman
tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan.
Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na
mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan
ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
(bahagI ng isinulat ni: Miggy the Great Virtuoso)
Ano ang pangunahing paksa
ng binasa?
A. Kabataan Ngayon
B. Edukasyon
C. Para sa Bukas
D. Hamon ng Buhay
B
Anong genra ng panitikan ang
binasa?
A. Dula
B. Sanaysay
C. Talumpati
D. Tula
B
Alin sa mga sumusunod ang
walang kaugnayan sa sanaysay?
A. may tema
B. may kaisipan
C. may mga kabanata
D. may anyo at istruktura
C
Suriin ang pagkakasulat ng akda,
sa anong uri ito maibibilang?
A. Pormal
B. Impormal
C. Personal
D. Pabalbal
A
Kung mabibigyan ka ng
pagkakataong kausapin
si Okonkwo, ano ang
sasabihin mo sa kanya?
A. maging mahinahon ka at huwag kang
papatay
B. alamin mo muna ang lahat lahat bago ka
umaksyon
C. walang maidudulot na maganda ang
sobrang katapangan
D. ang katapangan ay hindi nasusukat kung
gaano kadami ang pinatay
A/B/C/D

You might also like