You are on page 1of 5

III.

Mga Alamat ng Ef Filibusterismo


BUOD: Habang papalapit na sa Laguna ang bapor Tabo, pag-uusapan ng mga tauhan sa barko ang iba't ibang alamat tungkol sa ilog Pasig. Isasalaysay ng kapitan ng bapor ang alamat ni Donya Geronima, ang alamat ng Intsik na hindi binyagan, at ang kuwento ng mag-amang Ibarra. ______________________________________________________________________________ Nang bumati si P. Florentino sa, munting lipunan ay hindi na naghahari roon ang pagkakainisan dahil sa nakaraang pagtatalo. Marahil ay nakaakit sa mga budhi ang masasayang bahay sa bayan ng Pasig, ang mga kopa ng mga alak na Jerez na tinungga upang humanda, o marahil ay ang pagantabay sa isang mabuting pananghalian; maging alin sa mga tinuran ang sanhi, ang katunayan ay nangagtatawanan at nangagbibiruan na, sampu ng Pransiskanong payat, kahi't na hindi nangagiingay: ang kanilang mga tawa'y kahawig ng mga ngiwi ng isang mamamatay. Masasamang panahon!, masasamang panahon! ang sabing tumatawa ni P. Sibyla. Maano namang huwag kayong magsalita nang ganyan, Vice-Rectorang sagot ng kanonigong si P. Irene, sabay sa pagtutulak sa luklukan noonsa Hongkong ay malusog ang inyong pangangalakal at nagpapatayo kayo ng mga bahay na ang bawa't isa ay ... ba! Tate, tate!ang sagothindi ninyo nakikita ang aming mga gugol, at ang mga naninirahan sa aming mga aring lupain ay nagsisimula na sa pagtutol... Siya, siya na ang kadadaing, pagka't kung hindi ay iiyak na ako! ang masayang sigaw ni P. Camorra. Kami'y hindi dumaraing, gayong wala kaming mga lupain ni mga bangko. At alamin ninyo na nagsisimula na ng patawad sa mga deretsos ang aking mga Indiyo, at iniuukilkil sa akin ang mga taripa! Sukat ba namang ukilkilan ako ng taripa ngayon, at taripa pa naman ng Arsobispo na si D. Basilio Sancho, puales, wari bagang mula noon hanggang ngayon ay hindi namahal ang mga bagay-bagay. Ha; ha, ha! Bakit mamumura pa ang isang binyag kaysa isang inahing manok? Nguni't ako'y nagtataingang-kawali, sinisingil ko hanggang saan makaabot at hindi ako dumaraing kailan man. Hindi kami makamkam, ano, P. Salvi? Nang mga sandaling iyon ay siyang paglabas sa eskotilya ng ulo ni Simoun. Nguni't, saan baga kayo nagsuot?ang sigaw sa kaniya ni D. Custodio na nakalimot na sa sama ng loob: hindi ninyo nakita ang pinakamainam sa paglalayag! Psh! ang sagot ni Simoun nang makaakyat na nang tuluyan; nakakita na ako ng maraming ilog at maraming tanawin, kaya't wala nang may kabuluhan sa akin kundi iyong may mga alamat.... Kung sa alamat ay may ilan ang Pasigang sagot ng kapitan, na ayaw mawalang kabuluhan ang ilog na kaniyang nilalayagan at pinagkakakitaan ng pagkabuhay, nariyan ang Malapad-nabato, na sinasamba noong kapanahunang hindi pa dumarating dito ang mga Kastila, na umano'y tirahan ng mga espiritu; nang mawala na ang pananalig diyan at masalaula na ang bato ay naging

tirahan ng mga tulisan, na mula sa tugatog niya'y hinaharang ang mga bangka na nakikilaban na sa agos ay nakikilaban pa sa mga tao. Nang makaraan iyon at sa kapanahunan na satin, kahi't nababakas sa kaniya ang kamay ng tao, ay may nababanggit ding mangisa-ngisang bangkang natataob at kung ka pagliko ay hindi ko ginagamit ang anim kong sentido ay hindi malayong mapabarandal sa kaniyang tagiliran. Nariyan pa ang isang alamat, ang sa yungib ni Donya Geronima, na maibubuhay sa inyo ni P. Florentino. Walang hindi nakaalam niyon!ang pawalang bahalang sabi ni P. Sibyla.

Nguni't ni si Simoun, ni si Ben-Zayb, ni si P. Irene, ni si P. Camorra ay di nakaaalam, kaya't hiningi nilang maysay, ang ilan ay pabiro at ang iba'y sapagka't sadyang ibig mabatid. Ang klerigo ay umanyong pabiro, kagaya ng paghiling ng ilan, gaya ng pagsasalaysay ng isang sisiwa sa mga bata, at nagsalaysay: May isang lalaking nag-aaral, na nangakong pakakasal sa isang babae, sa kaniyang bayan, at pagkatapos ay hindi na naalaala ang pangako. Dahil sa pagkamatapat ng babae ay inantay-antay nang malaon ang lalaki; nakaraan ang kaniyang kabataan, naging dalagsot at isang araw ay nabalitaang ang kaniyang katipan sa pag-aasawa ay siyang Arsobispo sa Maynila. Nagsuot lalaki at lumigid sa ungos ng Cabo, sa pagparito, at humarap sa Ilustrisima na hinilingang tumupad sa pangako. Ang kahilinga'y hindi mangyayari, at ipinagawa nga ng Arsobispo iyang yungib na nakita ninyong may takip at napapalamutihan sa pagpasok ng mga punong gumagapang. Diyan siya nanahanan at namatay, at diyan din siya nalibing, at ayon sa sabi-sabihan ay tumatagilid si Donya Geronima kung pumapasok sa yungib dahil sa katabaan. Ang kabantugan niya sa pagkaengkantada ay buhat sa ugali niyang paghahagis sa ilog ng mga kasangkapang pilak na ginagamit sa mga piging niyang dinadaluhan ng maraming ginoo. Isang lambat ang nasa ilalim ng ilog at siyang sumasahod sa mga kasangkapang doon na nahuhugasan. Wala pang dalawampung taon ang nakaraan na ang ilog ay dumaraang halos humahalik sa pintuan ng yungib, nguni't unti-unting lumalayo, gaya rin naman ng pagkalimot ng mga tagarito kay Donya Geronima.
Mainam na alamat!ani Ben-Zayb,susulat ako tulngkol diyan. Nakaaawa.

Iniisip na ni Donya Victorina na manirahan sa isa na namang yungib at sasabihin na sana nang unahan siya ni Simoun, na nagsabing: Nguni't ano ang palagay ninyo, sa bagay na iyon, P. Salviang tanong sa Pransiskano na walang imik dahil sa may iniisiphindi baga lalong mabuti, sa palagay ninyo, na dapat sanang hindi sa isang yungib siya inilagay ng Arsobispo kundi sa isang beateryo, sa Santa Clara, halimbawa? Gunalaw na pamangha si P. Sibyla, nang makitang P. Salvi ay nanginig at sumulyap sa dako ni Simoun. Sapagka't hindi naman mainam ang patuloy na. walang tigatig ni Simoun,iyang bigyan ng munting tahanan ang nadadaya natin; labag sa pagkamapanampalataya ang ipain siya sa mga tukso, sa isang yungib, sa tabi ng ilog; nagnangamoy nimfa o driada ang gayon. Marahil ay naging mainam pa, lalo pang kabanalan, lalo pang maganda, lalo pang kapit sa ugali rito,ang kulungin siya sa Santa Clara, na waring isang bagong Eloisa, upang madalaw at mahimok maminsan minsan. Ano ang sabi ninyo? Hindi ko mahahatulan, ni dapat kong hatulan ang kagagawan ng mga arsobispoang tugong mabigat ang loob ng Pransiskano. Nguni't kayo, na siyang gobernador eclesiastico, ang kahalili ng Arsobispo, ano ang gagawin ninyo kung sa inyo mangyari ang bagay na iyon? Kinibit ni P. Salvi ang kaniyang balikat, at payapang tumugon ng: Walang kabuluhang isipin ang isang bagay na hindi mangyayari ... Datapwa't yayamang napaguusapan na rin lamang ang tungkol sa mga alamat huwag ninyong kaligtaan ang lalong mainam, dahil sa siyang lalong katotohanan, ang kababalaghan ni San Nicolas, na marahil ay nakita ninyo ang mga sirang moog ng kaniyang simbahan. Ibubuhay ko kay G. Simoun na siyang hindi dapat makaalam. Waring noong araw ay maraming buwaya sa lawa't sa ilog, mga buwayang napakalalaki't napakamasiba na dinudumog ang mga bangka at pinalulubog sa hagkis ng kanilang buntot. Sinasabing isang araw, isang Insik na ayaw pang pabinyag ang dumaman sa harapan ng simbahan, nang walang anu-ano'y sasisipot sa kaniyang harapan ang dimonyo na anyong buwaya, at itinaob ang kaniyang bangka upang lamunin siya at dalhin sa impiyerno. Sa tulong ng Diyos ay tinawagan ng Insik si San Nicolas at noon din ay naging bato ang buwaya. Sinasabi ng matatanda na ang kapanahunan nila ay nakikilala pang maliwanag ang anyo ng hayop sa putul-putol na batong nalalabi; sa ganang akin ay masasabi kong nakita ko pang malinaw ang ulo at kung huhulaan ang katawan dahil aking nakita ay dapat na maging lubhang malaki ang hayop na iyon. Kahanga-hangang alamat!ang pabulalas ni Ben-Zayb,at mainam na gawing isang salaysayin. Ang pagsasabi ng anyo ng hayop, ang takot ng Insik, ang tubig ng ilog, ang kakawayanan. At mainam ding paksa ng pahambing na pagsusuri ng mga relihiyong pinaghahawig-hawig. Sapagka't tingnan ninyo; tawagan pa naman ng isang Insik na hindi binyagan, sa gitna ng kasakunaan, ang isang santo, na hindi niya sinasamba at marahil ay kilala lamang sa dinig... Ito'y hindi sakop noong sawikaing mabuti pa ang masamang kilala na kaysa

mabuting kikilalanin pa. Kung ako'y mapapasa kainsikan at malalagay ako sa gayong kagipitan, ang una ko munang tatawagan ay yaong lalong hindi kilalang santo sa kalendaryo, kaysa kay Confusio o Budha. Kung ito'y isang kataasang tunay na uri ng Katolisismo o kaya'y kahinaan sa paghuhulo at paka walang katibayan ng pag-iisip ng mga lahing dilaw, ay malilinaw lamang ng isang pagkilalang masusi ng antropologia. Si Ben-Zayb ay gumamit ng kilos guro at pinagalaw sa hangin ang hintuturo, sabay sa pagtataka sa sariling pag-iisip na marunong-humango ng maraming banggit at katuturan sa maliliit na bagay. At sa dahilang nakita na si Simoun ay nagbubulay-bulay dahil sa bagay na kasasabi pa lamang niya, ay tinanong na kung ano ang iniisip. Dalawang bagay na mahalagaang sagot ni Simoun,dalawang katanungang maidaragdag sa inyong susulatin. Una: ano kaya ang mangyari sa diyablo nang biglang makulong sa bato? Nakatanan? Naiwan doon? Napilpil? At ang pangalawa, ay kung ang mga hayop na naging bato na napagkita ko sa ilang museo sa Europa, ay hindi kaya nagkagayon nang dahil naman sa ilang santong nabuhay na una sa panahon ng pag-apaw ng tubig sa sangmundo? Walang kapingas-pingas na biro, ang pagkakasabi ng magaalahas at itinukod pa sa noo ang kaniyang hintuturo, tanda ng malaking pagmumunimuni, kaya't si P. Camorra ay walang kapingaspingas ding sumagot na: Sino ang makapagsasabi, sino ang makapagsasabi! At yayamang mga alamat ang napag-uusapan at pumapasok tayo sa lawa,ang tugon ni P. Sibylaang kapitan ay dapat makabatid nang marami... Nang mga sandaling yaon ay pumapasok sa wawa ang bapor at ang tanawing nasa harap, ay lubhang mainam. Ang lahat ay nalugod. Sa harapan ay nakalatag ang magandang lawa, na nalilibid ng baybaying luntian at bughaw na bulubundukin, na waring isang malaking salamin na nakukulong nang palibid ng pawang esmeralda at sapiro, na sa kaniyang lunas ay nanalamin ang langit. Sa kanan ay nakalatag ang dalampasigang mababa, na may mga look na may maiinam na anyo, at doon sa malayo, halos napapawi na sa paningin, naroon ang kawit ng bundok Sungay; sa harapan at sa huling dakong abot ng paningin ay nakatayo ang Makiling, mataas na kahangahanga, napuputungan ng manipis na ulap; at sa kaliwa ang pulong Talim, ang Susong-dalaga at taglay ang matatampok niyang guhit na naging sanhi ng kaniyang pangalan. Isang malamig na simoy ang nagpapakulot sa malapad na ibabaw ng tubig. Maaalaala ko pala, Kapitanang sabi ni Ben-Zayb, na kasabay ang paglingonalam baga ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Guevara, Navarra o Ibarra? Lahat ay napatingin sa kapitan, tangi lamang si Simoun na ibinaling ang mukha sa kabilang dako, na waring may hinahanap sa dalampasigan. Ay!, siyangaani Donya Victorina,saan, Kapitan? Nakaiwan kaya ng bakas sa tubig?

Kumindat nang makailan ang tinatanong, bilang katunayan na laban sa kaniyang kalooban ang katanungan; nguni't nang makita ang samo sa mga mata ng lahat ay lumapit ng ang hakbang sa unahan ng bapor at minataan ang baybayin. Tumingin kayo roonang sabing marahan, matapos na maunawang walang ibang tao; alinsunod sa Cabo, na nangulo, sa pag-uusig, nang makita ni Ibarra na siya'y napaliligiran, lumunsad siya sa bangka, sa malapit sa Kinabutasan at sa kasisisid ay nalangoy ang habang may dalawang milya, habang hinahabol siya ng punlo kailanmat ilalabas ang ulo sa tubig upang huminga. Sa dako pa roon, ay hindi na siya nakita, at sa malayu-layo pa, sa may pampang, ay nakakita nang wari'y kulay dugo. At ngayon ang ikalabintatlong taon ng pangyayari, na walang kulang at labis na araw. Kung gayon, ang kaniyang bangkay?... ang tanong ni Ben-Zayb. Ay nakisama sa bangkay ng kaniyang ama,ang sagot ni P. Sibyla; hindi ba isa ring pilibustero, P. Salvi? Iyan ang mga murang libing, P. Camorra, ano? ang Sabi ni Ben-Zayb. Lagi nang sinasabi-sabi ko, na pilibustero ang mga hindi bumabayad ng maringal na libing ang sagot na tumatawa ng tinukoy. Nguni't ano ang nangyayari sa inyo, G. Simoun? ang tanong ni Ben-Zayb nang makitang ang mag-aalahas ay nakatigil at nag-iisipNahihilo baga kayo, kayong mapaglakbay, sa isang patak na tubig na kagaya nito?
Ang masasabi ko sa inyo,ang sagot ng kapitan na nagkaroon na ng giliw sa mga pook na iyon,ay huwag ninyong panganlan ito nang patak na tubig: ito'y malaki sa alinman sa mga lawa sa Suwisa at malaki pa kahi't pagpisanin ang lahat ng lawa sa Espanya; nakakita ako ng matatandang magdaragat na nangaliyo rito.

You might also like