You are on page 1of 1

Depinisyon Kapag nais bigyan-kahulugan ang isang di-familyar na termino o mga salitang bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay

o ano pa man, kalimitang ginagamit ang istilong definisyon o pagbibigay kahulugan. Ito ay karaniwang nagtataglay ng tatlong bahagi: 1. Ang termino o salitang binibigyang-kahulugan; 2. Ang uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyang-kahulugan; at 3. Ang mga natatanging katangian nito (distinguishing characteristics) o kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri nito. Tatlong paraan na maaaring gamitin ng isang manunulat sa pagbibigay depinisyon 1. Paggamit ng sinonim o mga salitang katulad ang kahulugan o kaisipan 2. Intensive na pagbibigay kahulugan 3. Ekstensiv na pagbibigay-kahulugan ~ pinalalawak ang kahulugang ibinigay sa pamamagitan ng pag-uuri, analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan, pagpapaliwanag, pagbibigay-halimbawa, pagbanggit ng hanguan o awtoridad atbp.

You might also like