You are on page 1of 31

Kabanata III, Aralin I

Mga Ibong Mandaragit

Kamalayang Panlipunan Pagbigkas ng Talumpati

Ipinasa ni: Janina Marie B. Supelana 1 Ipinasa kay : G. Antiola

I. Pamagat:

Mga Ibong Mandaragit


II. Mga Magaaral na Gagamit:

Ikaapat na Taon

III. Lagom o Pananaw:

Ang Pagtuturo ng Araling ito ay para sa iyong karagdagang kaalaman at mas malalim na pagunawa sa mga nangyayari sa Paligid.

IV. Layunin :
Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Magkaroon ng kamalayang panlipunan Magamit ito sa tunay na buhay Matutong bumigkas ng talumpati

V. Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaaral:


a) b) c) d)

Hapyawan ang panimula Tandaan ang mga mahahalagang detalye Basahin ang mga panuto at sagutan ang bawat pagsasanay na ibinigay Unaawaing mabuti ang mga kwento at aralin.

VI. Alam mo ba?


Si Amado V. Hernandez ay ipinanganak noong 1903. Siya ay nakaabot ng kolehiyo ngunit tatlong taon lamang ng batsilyer ang natapos . Una siyang nakilala bilang peryodista, kuwentista, at makata noong ikaapat na dekada. Naging lider ng obrero bago pa man magkadigma, si Hernandez ay maraming taong nabilanggo sa Muntinlupa dahil a sedisyon at rebelyon dahil sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga makabayang kilusan. Nang makalaya, naging kolumnista siya sa Taliba at noong 1962 ay nagtamo ng Republic Cultural Heritage Award. Yumao na si Hernandez nang igawad sa kanya noong 18973 ang pinakamataas na karangalang pansining sa bansa, ang National Artist Award.

Ipinamalas ni Hernandez ang marubdob na pagmamahal sa bayan kapwa sa kanyang buhay at sa kanyang sining, Hindi lamang nobela ang ginamit niyang paraan ng pagpapahayag ng makamasang kaisipan. Matatagouan sa kanyang mga tula, sanaysay, maikling kwento, at dula ang malalim na pakikisangkot sa kapalaran ng bansa. Nadalumat niya ang ang kinauugatan ng mga tiwaling kalagayan sa bansa, at sa kanyang pakikipag ugnayan sa kanyang publiko ay nailantad niya ang tunay na mukha ng pyudalismo at imperyalismo. Para sa Maraming manunulat ay nagsilbing huwaran ng sining si Hernandez. - Soledad Reyes
-

Sa ikalawang kabanata ng Mga Ibong Mandaragit ay makikilala ng lubos ang adhikain ni Tata Matyas. Siya ay isang rebolusyonaryong nagdesisyong mamundok dahil ipinaganulo ng mga dapat magtaguyod ng kanilang rebolusyon. Nais niyang higit na pag- alabin ang pagiging makabayan ni Mando sa tulong ng kayamanan ni Simoun na matatagpuan sa kaagatan. Nabatid ni tata Matyas na hindi magtatagal ang pamamayani ng mg Hapones nang panahong iyon. Kahit magtatalong taon nang matagumpay ang mga ito sa Bataan ay marami pa ring hindi sumusuko at patuloy a nakikibaka laban sa mga Hapones. Sila ay namundok at tinawag na Gerilya.

Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) ay isang kilusang bilang unyon ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon noon pang 1933. Ito ay nabuo upang magkaroon ng maipahayag ng mga magsasaka ang kanilang mga saloobin sa mga nagmamay-ari ng lupa at ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang manggagawa sa hacienda. Nang dumating ang mga Hapones, sila ay namundok at naging mga gerilya upang labanan ang pananakop ng mga Hpones. Naging pinuno nila si Luis Taruc. Hindi sila umalis sa kabundukan ng umalis ang mga Hapones at sa halip ay nagpatuloy sa kanilang pagiging armadong grupong sumusuporta sa mga magsasaka at umuusig sa mga nagmamayari ng lupang hindi makatarungan at lumalabag sa mga karapatan ng mga magsasaka. (Kerkvliet, 1977) Sa kabanatang ito, mababatid mong patuloy na lumalaban ang natirang tatlong gerilya nang lusubin ng mga Hapones ang kanilang kuta. Dahil kulang sa lakas ng armas, napilitan silang umurong at nakipagkita kay Tata Matyas sa isang kubling kabundukan. Mababakas sa akdang ito ni Hernandez ang pagkamakabayan. Sa katauhan ni Tata Matyas, pinakikilos niya ang kabataan upang mag isip at lumaban gamit ang lakas at talino upang matamo ang kalayaan at kaunlaran ng bayan. Ipinakikita sa kabanatang ito ang tamang oras at panahon sa pakikipagtuos at pakikihamok sa kalaban. Ang pakikipaglabang pinaghahandaang mabuti ay kailangan upang masiguro ang tagumpay.

VII. Pagyabungin natin


a) b) c) d) e) f) g)

Kabuktutan Kumuha Inanyayahan Pagkagapi Umubos Umigting Kasamaan

h) i) j) k) l) m) n)

Inimbitahan Pagsaid Tumindi Sakim Tukod Magtutulak Magbubuyo

o) p) q) r) s) t)

Pagkatalo Mahuli Madakip Pag ubos Suporta makasarili

1. Kinayag sa ibaba ng kubo ___________ __________ 2. Nag-ibayo ang mataas na pagtingin ___________ __________ 3. Ganid na mga ibong mandaragit ___________ __________ 4. pag-asa at suhay ng panahon ___________ __________ 5. Pagakahagis sa labanan ___________ __________

6. Paglipol sa makamandag na hayop ___________ __________ 7. Tubig na lumulon sa kayamanan ___________ __________ 8. Kaimbihan ng duwag at taksil ___________ __________ 9. Ikinaila ng matutop ___________ __________ 10. Kayamanang maguudyok ng kasakiman ___________ __________

VIII. Mga Sagot sa Talasalitaan

1. 2.

Narito ang sagot sa talasalitaan. maging totoo sa pagt-tsek!

3. 4. 5.

c, h J, f K, t L, s O, d

6. 7. 8. 9. 10.

I,r E, b A, g P,q M,n

Ngayon dumako na tayo sa pagbabasa ng ikalawang kabanata ng Mga Ibong Mandaragit

VII. Kamalayang Panlipunan

Mga Ibong Mandaragit


Ikalawang kabanata Amado V. Hernandez
Ang limang gatong na sinaing at ilang pirasong daing na inihain ni Tata Matyas ay tila hinabhab ng mga lobong gutom. Mininsan ni Mando at ng dalwang kasama ang gahol na tanghalian at maagang hapunan. Pagkaligpit ng kinainan, sinabi ng matanda sa mga panauhgin na magpahinga na sila kung kanilang ibig, yamang silay maghapong pagud na pagod. Naryan ang banig at unan, ani ni Tata Matyas maglatag na kayot nang mapatag ang inyong katawan. Kinuha ni Mando ang nakalulong malapad na bangkuwang sa tabi ng lumang kaban at inilatag sa kabahayan. Sina Martin at Karyo ay dagling umunat sa banig. Pagkaraang mag-inat at maghikab ay madaling nakatulog. Ilang saglit pay kapwa na sila naghihilik. Si Mando ay hindi muna nahiga. Nanaog na mandiy kinayag sa ibaba ng kubo ng isang anyayang hindi matanggihan. Nilanghap niya ang lamig ng hanging karaniwan na sa gayong kataasan at tinanaw sa siwang ng mga sanga ng kahoy ang buwang kabilugan na walng iniwan sa isang pintor na kinukulayan ng pilak ang bala nang abutin ng kanyang mga sinag.

Bat di ka pa matulog Mando? tawag ni Tata Matyas mula sa pinto ng kubo. Pinanonood ko po lamang ang ganda ng gabi, sagot ng binata. ang sama ng panahon kaninay di ko aakalaing sundan ng gabing ginto. Ang madilim na gabiy siyang nagsisilang ng maningning na umaga patalinhagang susog ng matandang lalaki. Ipinukol ni Mando ang kanyang malas sa dagat na pinanununghan. Malawak at napakatahimk. Samantalang ang langit na nananalamin sa kanya ay mumunting abuhin, ang dagat namay matingkad na berdeng maipagkakamali sa alpombra ng lusaw na Esmeralda. Tuwing may isdang lulundag, ang malaking tipak ng Esmeralday nagiging isang libong tapyas ng makikislap na brilyante, pero ang karakarakang nilululon din ng mandiy dambuhala sa kadiliman. Walang anu ano ay nangubli ang buwan sa sapot ng panganorin, na tila nakaramdam ng sumisidhing lamig ng hangin. Nagbalik si Mando sa kubo at inabot niyang nakaupo pa rin sa pinto si Tata Matyas. Kung nakikita kong parang pilak ang liwanag ng buwan, at esmeraldat brilyante ang tubig ng dagat, naaalala ko namanan ang mga hiyas ni Simoun, di kawasay nakangiting turing ng binate sa matandang lalaki. Nanariwa sa gunita niya ang mahabang salitaan tungkol sa El Filibusterismo may apat na buwan na ang nakaraan. A, ang mga hiyas ni Simoun! himutok ni Tata Matyas. Ang kaibahan lamang, dagdag niya, iyang nakikita moy malikmata, guni- guni, samantalang ang mga hiyas ni Simouy katotohanan. . . Nakaligpit sa ilalim ng dagat, Pabulong ni Mando.

10

Walang malalim na dagat na hindi maggawang sisirin, puwing ng matanda. Nakatayo si Mando sa malapad na batong buhay na siyang pinakahagdan sa kubo, subalit si Tata Matyas ay hindi tuminag sa pagkakaupo sa makitid na pinto. Sa malas ay hindi ninanais ng matandang rebolusyonaryo na maputol agad ang pakikipag- usap niya sa binatang gerilyo. Mi isang panahon kayoy batang kaparis ko, sinikap ni Mando na maging malumanay at malambot ang kanyang bigkas upang huwag isipin ng kausap na isang paglalapastangan ang kanyang sasabihin. Bat di niyo naisip sisisrin nun ang mga alahas ni Simoun? Namilaylay sa mga labi ni Tata Matyas ang isang mapaklang ngiti, ngunit walang kapaitan sa tinig niya nang siyay tumugon. Mabutit yay itinanong mo, aniya. Dapat mong malaman ang sagot, sa halip na isipin mong ipapagagawa ko sa iba ang ipinasyang gawin nung kapahunan ko. Hindi po sa gayon habol ni Mando. Tama ang tanong mo at huwag mopng bawiin, ani Tata Matyas. Ang pagsisid sa kayamanan ni Simouy nasa isip ko sa ilampung taong lumipas, sapul nung 1898. At yan ang tunay na dahilan kaya ditto ko namugad sa lugal neto. Ngunit nang Makita kong ipinagkanulo ang rebolusyon ng mga dapat ding magtaguyod, nun gang pagsukoy siyang nagging tanda ng mga patriotism at ang patuloy na pakikibakay tinawag na kataksilan, tinalikdan ko ang aking malaing balak at sinabi sa sariling mabuti pa ngang ang kayamanang yaoy ingatan ng kalikasan sa ilalim ng dagat.

11

Pagkuway tumindig ang matanda at binigyang daan si Mando upang makapanhik sa kubo. Kapwa sila nagtuloy sa kabahayan. Ang himbing ng tulog nina Martin at Karyo ay hindi natigatig. At ngayon, baling ni Mando kay Tata Matyas, inakala nyong napapanahon ang pagsisid at paggamit sa kayamanan. Higiit kelan man, matuling pakli ng paghihimagsik. sa anong sanhi? Pagkat ngayoy lalong walang budhi an gating kaaway. Labis na ang pagtitiis ng bayan na bunga ng pagsakop at hirap. At may mabubuting kamaya --- kayong mga gerilyang tapat na siyang dapat na gumamit. Pero Tatang, ang kayamanan ni Simouy oo ngat malaki para sa isang taon, gayon may maliit kung iuukol sa pagliligtas ng isang bayan na nagong biktima ng makabagong giyera, pasubali ni Mando. Gaano na yon? Ilang pung angaw kung sasalapiin. Ni hindi pa katumbas ng isang pandigmandagat at ilang eroplano. Di ko sinasabing sapat na ang kayamanan ni Simuon para magpanalo o kayay ipanustos sa pakikidigma. Di salapi lang ni armas, ang susi ng tagumpay. Manapay ang tapang at giting ng isang bayan ayaw lumhod sa manlulupig. Ngunit ang gusto ko sabihin, ang kayamanang gayang ki Simouy isang mahalagang kasangkapan sa pakikibaka. Maaaring gamitin sa pagbubuwag o sa pagtatayo. Kung yay nasa kamay ng iyong kilusan. . . at yay gagamitin, Mandi hindi na sa giyerang ito, kundi pagkatapos ng giyera, sa panahon ng kapayapaan, yamang hindi na makatatagal ang Hapon. Biglang nauntol si Tata Matyas nang mapansing tila umungol so Mando, isang pahiwatig ng pag aalinlangan.

12

Ang aming himpilay nadurog at kaming tatloy muntik nang di nakaligtas, tinuran ni Mando na taglay ang pagkabakla. Segurong ngayoy patungo na ang Hpones sa pangkalahatang kuta ng mga gerilya sa Infanta. Nangangamba kong. . . . . Nadurog ang Kwartel, patuloy ni Tata Matyas na inagawa ang pangungusap kay Mando, pero buhay ka at buhay ang iba. Ang pagkahagis sa isang labanay hindi ganap na katalunan. Di ba napasok ng kaaway ang Maynila, naagaw ang Bataan at Corregidor? Kanila ang Gobyerno. Yay tatlong taon na. Ngunit sabihin mom di bang pagattanggol ngayon ng mga Pilipinoy lalong masigasig kesa nung mga unang bugso ng digma? Nang sumuko ang USAFFE, ang bayan na rin ang napilitang magsanggalang ng kanyang sarili, kaya naman magpasya at mabisa. Nung panahon ni Napoleon, sinalakay niya ang Espana at Rusya at nakasakop siya ng malalaking teritoryo. Ngunit hindi siya nakapangyari nang totohanan ni isang araw. Ganyan din ang dinaranans ng Hapin sa Pilipinas, nabibilang na nag kanyang mga araw. Nakakalungkot na di kokonti sa inaasahan ng bayan ang kumampi sa kaaway, ani Mando na nagtitiim ang mga ngipin. Nagunita niyang kundi siya nakatakas ay naipapatay na siya ni Segundo Montero sa Kempetai. Huwag mong pakadamdamin ang kaimbihan ng mga duwag at taksil. payo ng dating rebolusyonaryo. Bat di mo ikalungkot ang paglaki at pagkati ng tubig sa ilog, ang pagkalagas ng mga dahon, at pagkawala ngf maga ibon sa pantag- araw sa dapyo ng taglamig? Yay kalikasan, anak. Kalikasan po ba ang magtaksil? lipus pa rin ng pagkamuhi ang tanong ni Mando.

13

Isa sa mga kahinaan ng tao, patunay ni Tata Matyas. Sa alinmang pulutong at sa lahat ng panahon, tandaan mong di mawawala ang mga hunyango, ang mga mapagsamanatala. Labindalawa ang apostoles ni Jesus, pero nagkaroon ng Judas. Maging ang pinakatangio niyang alagad na si Simon Pedroy maikatlo siyang ikinaila nung itoy matutop. Ang malalaking pangyayariy kaparis ng isang baha: itinatangay ng lahat ng mga bagay na mahina at marupok; pero ang matitibay na haligi at malulusog na punongkahoy e di natitinag. Habang sa isang bayay mi mga pusong pinagpapala na handing pumatay at mamatay, alang alang sa dangal at kalayaan ng lupaing kinkaitaan nila ng unang liwanang, ang bayang ganyay hindi magiging alipin, kasakdalang magahis at masakop ng nakahihigit sa lakas. Pero kailangan lipulin ang mga taksil na gaya ng paglipol sa ahas at ibang makamandag na hayop, giit ni Mando. Ang kataksilan nila ang kainla ring libingan, paaninaw ni Tata Matyas, Saka kung minsay ang pangyayari ang lumikha ng taksil kung panong ang pagkakataon din ang gumagawa ng bayani. Huwag kang maniwalang mi ipinanganak na taksil o mi bayani na kapagkaraka. Maraming nagsusuwail sa panahong ito ng kagipitan ang itinuring pang patriota nung kinakasihan pa ng mabuting panahon. Saglit na tumigil si Tata Matyas na parang may gumugunita bago nagpatuloy: Nangyari yan sa min sa digmaang AmerikanoPilipino. Nang Makitang masama na ang ihip ng hangin sa panig ng Republika, ilan sa mga mismong ministro ng Aguinaldo ang lumipat sa kaaway. Sa kataksilan at karwagan nilay dinahilan ang kaligtasan at kapayapaan ng bayan. Natural, kinilala silang makabayan ng bagong panginoon, at pinremyuhan. Binigyan ng mataas na pwesto, pinagkalooban ng mga lupa at iba pang pagkakataon. Ang mga hindi sumukoy siyang nagging taksil sa Gobyernong dayuhan, tinawag na tulisan at pinanagot sa ibat ibang kasalanan.

14

Ang mga tuluyan nang namundok at mga ayaw nang bumalik sa bandera ng Amerika, nang mahuli ay ibinilanggo o pinatapon, gaya ni Mabini, Ricarte, at iba pang bayani. Ang ibay ipinabitay, paris ni Macario Sakay at ng kanyang mga kasama. Nakalarawan sa mukha ni Tata Matyas ang matinding kapaitan habang nagdaraan sa alaala niya ang mga pangit na anino ng isang kabanata ng kasaysayan sa panahon ng digmaang Hapones laban sa Amerikano Pilipino., na may mga pangyayaring naulit sa digmaang Hapones laban sa Amerikano Pilipino. Yan ang dahilan, Mando, kaya akoy hindi na nagbalik sa kabayanan at nabuhay nang parang ermitanyo ditto sa Sierra Madre, paliwanag ni Tata Matyas. Binigo ako ng istorya, pero ikaw. . . Isa pa kong maparis din senyo. Hindi, Mando. Bata ka, at aliwalas ang yong mga daan. Maibabawi mo ang mga biktima, ang mga nasawi. Maging pag asa kat suhay ng bagong panahon. . . kayong mga kabataan. . . Sino ba sa ting mga bayani ang inyong ulirat iniidolo, Tata Matyas? usisa ni Mando. si Rizal o si Bonifacio? Ibig kong maniwalang si Rizal pagkat . . . ? Pinutol ng matanda ang pangungusap ng gerilyo. Lahat ng bayaniy dapat uliranin: Sina Bonifaciot Rizal, gayon din sina Burgos, Plaridel, Mabini, Jacinto, Luna, at pati sa Aguinaldo sa ilang katangian niya. Silang lahat e mi angking kadakilaan, at paraparang naglilingkod sa Inang Bayan. Pero hindi rin naman maitatangging si gayoy mi kahigtan ki ganito. Sa ganang akin, ang tatsulok o tungko ng kabayanihang Pilipinoy sina Rizal, Bonifacio, at Mabini. Si Rizal ang martir at diwang patnubay na nagtaas ng uri at dangal ng kayumanggi; si Bonifacio ang lakas at tapang na lumagot ng tanikala at bumuklod sa bayan upang maging totohanang bansa; si Mabini naman ang utak na bumabalangkas ng Unang Republika at nagpatunay na ang lideratong

15

Pilipino sa gobyernoy kapantay ninoman sa talino, tigas ng loob at pag ibig sa bayan. Mi pambihirang kagitingan din nga sina Plaridel at Jacinto, pero ang mga yaoy taglay din naman nina Rizal at Bonifacio Sumakatuwid po, kinumpasan ni Tata Matyas si Mando na hindi pa siya tapos. Ngunit ang kadakilaan ng isang bayaniy di sarili niyang lubos, patuloy ng matanda. Uulitin ko ang aking sinabi kanina, na ang pangyayari ang lumikha ng taksil kung papanong tumutulong din ang pagkakataon sa paggawa ng bayani. Halimbawa, ang pagtataksil ng pagpatay ki Bonifacio, at ang mga panira sa kanya pagkatapos, e nakabawas sa dapat niyang maging kaningningan. Kung si Plaridel namay nakabalik sa Pilipinas bago sumiklab ang rebolusyon, gaya ng kanyang hangad, at siya ang nakapamuno sa mga maghihimagsik, disiy siya nag pangunang bayani ng bansa ngayon. Ngunit sa kasamaang palad e namatay siya sa tuberculosis sa Barcelona. Tignan mo si Rizal, alam niyang malapit na ang pagbabangon, pagkat sinugo ni Bonifacio sa kanya sa Dapitan si Dr. Valenzuela, pero siyay tumangging makilahok. Sa halip, upang patibayan sa Espana na wala siyang kaugnayan sa katipunan, hinihinging ipadala siya sa Cuba pang sa rebolsyon ng mga Kubanoy maging siruhano ng ehersitong Kastila. Di ba patungo na nga siya sa Havana nang dakpin at ibalik sa Maynila? Ayaw siyang patawarin ng mga Prayle at pinunong Kastila rito sa kanyang mga atakeng nasa Noli at El Fili. Saka silay takot sa intelektwal. Umaasa silang masusugpo ang mga gulok ng Katipnan ni Bonifacio, ngunit ang mga Ideya sa dalawang libro ni Rizal e lalaganap hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Espana at Europa. Kaya mapalad si Rizal, hanggang sa kanyang kamatayan. Pagkat kundi siya binaril sa Bagumbayan, at nagging tunay na marir, baka naparis lamang siya sa mga Trinidad Pardo de Tavera, Fernando Canon at iba pang marunong na Pilipino. Tignan mo rin naman si Heneral Aguinaldo. Kung napatay siya sa Palanan at di nabihag ni General Funston sa tulong mga Makabebe, talo niya si Rizal at Bonifacio, at malilimot na ng bayan ang ginawa niyang pagliligpit sa Supremo ng katipunan at kay Heneral Antonio Luna. SA iabng araw, isasalaysay ko sa iyo ang kadakilaan at kasawian ni Macari

16

Habang nakikinig si Mando sa mga salaysay ni Tata Matyas na parang binabasa sa mga dahon ng istorya, at pinatitingkad ng kanyang mga sariling kuro at pagsusuri, lalong nag ibayo ang pagitan at paghanga ni Mando sa matandang ito na gayong lumigpit at lumimot sa isang sulokng Sierra Madre ay puspos ng kaalaman at kagitingan. Naisip ni Mandi na si Tata Matyas sana ang maging huwaran ng Bagong Pilipino sa hinaharap. Akoy nasa orasyon nan g buhay, anak, at hinawakan ni Tata Matyas ang isang bisig ng banata, na nadama niyang ang kalamnay matigas na parang asero. Oo, akoy matanda na, samantalang ikaw e kainitan. Isang araw kang bagong sumisikat. Aaminin kong hindi ka nalalayo sayong sapantaha kanina. Na, ang pinangarap kong gawiy nais kong sa ibang araw hindi ko man masaksihan e maganmpanan mo sana. Di ang bala nay kinakausap ko nang ganito. Mi kompiyansa ko sayo. At naniniwala akong hindi an gaming panahon, kundi ang saling ito, ang tinutukoy ng banal na pare. Ano po ang gsto niyong gawin ko? tanong ni Mandong hindi ikinukurap ang mga mata. Mapapansin na tumalaga siyang umalinsunod sa kalooban ng matandang makabayan. Nasabi ko na sayong minsan ang gagawin ko, tiyak ni Tata Matyas Kung akoy kasing edad mo, at sa harap ng kalagayan ng bayan ngayon. A, oo, ang mga alahas ni Simoun! si Mando rin ang tumurol sa inaakala niyang nasa isip ng kausap. Walang iba, patibay ng matanda. Marahang humakbang si Tata Matyas sa pagitan ng dalawang natutulog, binuksan ang lumang baul at kinuha uli ang aklat na Filibusterismo sa tampiping yantok. Munti may hindi nagambala sina Karyo at Martin sa kanilang kahimbingan. Binalikan ng matanda si Mando na nakasandal sa dingding. Nakatingn siya kay Tata Matyas habang binubuklat nito ang mga huling dahon ng aklat at paglatagpo sa hinahanap niyay iniabot iyon kay Mando.

17

Nung huling maparito kay binasa mo ang ukol sa kung sino si Simoun, ang kanyang mga hangarin, pakana, at kung bakit hindi siya nagtagumpay. Ngayoy basahin mo naman ang bahaiging nagsasanay ng kanyang pagkamatay, at ang naiwan niyang kahangbakal na inihagis ni Padre Florentino sa dagat, hiling ng matanda. Sinundan ni Mando ang banghay na tinukoy at binasa niya nang madalang at dinig ni Tata Matyas. Patay na ang maysakit, marahan pero maliwanag ang tinig ni Mando nang lumapit sa kanyang mga pare. Lumuhod siya at nanalangin. Nang siyay tumindig at pagmasdan ang banghay at masinag sa buong kaanyuan nito sa lalong pinakamatinding hapis, ang sakuna ng isang buong buhay na walang saysay na dadalhin niya sa dako pa roon ng kamatayan, ay nanginginig ang matandang pare at almusal; Kaawaan naawa ng Diyos ang mga nagligaw sa kanya sa matuwid na landas! Tumigil si Mando subalit hiniling ni Tata Matyas na ituloy niya ang pagbabasa. Samantalang ang mga alilang tinawag niyay nangagdarasal ng sunod- sunod na requiem ay klinuha ni Padre Florentino sa kinalalagyan ang bantog na kahangbakal na kinasisidaln ng malaking kayamanan ni Simoun. Sandali siyang nagalinlangan, ngunit pagkatapos ay buong katatagang pumanaog sa hagdanan na dala ang kahangbakal at tinungo angf baging palaging inuupuan ni Isagani upang masdan ang kailaliman ng dagat. Lumanghap ng hangin si Mando bago nagpatuloy. Kumilos si Karyo sa banig, pero hindi naman nagising. Malakas ang hilik ni Martin. Si Tata Matyas ay nakatingin sa binatang bumabasa.

18

Tumingin sa may paanan niya si Padre Florentino. Nakita niya ang mga alon ng Dagat Pasipiko na humahalik sa batuhan at lumilikha ng ingay at kapag nasinagan ng buwan ay kumikinang na wariy apoy. Mandiy dakut- dakot na mga brilyanteng inihagis ng isang geni mula sa kailaliman. Luminga linga sa kanyang paligid si Padre Florentino. SIyay nag-iisa. Sa gayoy inihagis niya sa dagat ang kahangbakal ni Simuon. Makailang umikit ang kaha bago nahulog sa tubig, ngunit patuloy ang daga sa kanyang pag alon at parang walang nahulog sa kanyang pusod kundi isang munting bato lamang. Tumikhim si Tata Matyas. Isinagad ni Mando sa wakas ang kanyang pagbabasa. Naway ingatan ka ng kalikasan sa kanyang kailaliman ng lasama ng mga korales at perlas ng kanyang walang hanggang karagatan anang pareng iniunat ang mga kamay. Kung dahil sa isang banal at matayog na layunin ay kailanganin ka ng tao, ipinahintulot ng Dios na makuha ka sa sinapupunan ng mga alon. Samanatala;y hindi ka lilikha ng kasamaan diyan, hindi mo ililiko ang katarungan at hindi ka mag uudyok ng kasakiman! Malalim na ang gabi nang matigil sa pag uusap si Tata Matyas at si mando. Kinaumagahan, ang tatlong gerilyo ay nagpaalam nsa sa matandang nuno ng kabundukan.

Tapos na ang kabanata, tignan naring kung may naintindihan tayo

19

VII. Sagutin natin


A.

Nagbasa ka nga ba talaga? Tignan natin

Sagutin ang mga sumusunod: 1. Sinu-sino ang umakyat ng bundok? Bakit sila umakyat doon? 2. Ano ang nangyari sa pinanggalingan nilang kwartel? 3. Paano nakatulong si Tata Matyas sa pangangailangan ng mga dumating na gerilya lalo na kay Mando? 4. Sinu sino ang kanilang naging inspirasyon sa pakikipaglaban sa mga maniniil? 5. Paano nakatulong ang nobela ni Rizal kay Mando at sa kanyang layunin? 6. Bakit kay Mando isiniwalat ni Tata Matyas ang tungkol sa hiyas na itinapon sa dagat? 7. Kung ikaw si Tata Matyas, kay Mando mo rin ba sasabihin ang lihim? Ipaliwanag 8. Ano kaya ang mangayayari kung di tanggapin ni Mando ang hamon ng matanda? 9. Anong bisa sa isip, damdamin, at kaisipan ang nahayag sa akda? 10. Anu-anong uri ng pakikipaglaban ang naganap ayon sa binasa? Isa-isahin at talakayain. Paano maiuugnay ang mga pakikipaglabang ito sa ipinakipaglaban nina Mando?

20

Pagtukoy sa Diwa ng pahayag. Balikan ang akda, Sundan ang bilang ng talata upang matukoy ang diwang nais ihatid ng may akda sa mambabasa. 1. Talata 1 a) Gutom na gutom ang tatlong gerilya b) Kulang ang pagkain sa bundok c) Mahirap ang buhay sa Bundok 2. Talata 12 a) Totoo ang hiyas na nasa nobelang binasa b) Nagtatampo si Tata Matyas kasi di nag-iisip si Mando c) Niloloko lang si Mandio ng kanyang nakikita 3. Talata 14 1. Kayang lumangoy at sumisid ng lahat ng tao 2. Mahirap mang gawin, kakayanin para sa mabuting layunun 3. Kahit malalim ang dagat, malalangoy ng maninisid. 4. Talata 18 1. Natuwat nag-isip at mausisa si Mando 2. Gustong linisin ang matanda ang sarili sa mga bagay na di na niya nagawa 3. Nagalit si Tata Matyas sa pagiging praknka ni Mando 5. Talata 20 1. Ipinaliwanag niyang tama si Mandi 2. Ipinaliwanag niyang nabago ang planong pagkuha ng hiyas dahil sa malalaking armas na panlaban. 3. Ipinaliwanag niyang dapat lang na sa dagatt maingatan ang kayamanan.

21

1.

2.

3.

4.

5.

Talata 26 1. Nagpaliwanag si Mando na walang kuwenta ang kayamanan ni Simuon na masisisid sa dagat. 2. Nakita ni Mando na mahalaga ang kayamanan subalit di sapat sa malaking armas na panlaban 3. Nakipagtalo si Mando kay Tata Matyas na maliit lamang ang halagang hiyas sa dagat at iyy kasya lamang sa mga gamit pandigma Talata 30 1. Naniniwala si Tata Matyas na makakaya nila ang labanan dahil sa tagumpay ng ibang tulad nilang makikibaka 2. Ipinaliwanag niyang matapang si Napoleon dahil nasakop niya ang Espanya at Rusya at pinamunuan niya ang mga ito ng matagal 3. Malaya na ang Pilipinas ayon kay Tata Matyas Talata 37 1. Bukas ang isip ni Tata Matyas tungkol sa nagiging ugali ng tao sa panahon ng kagipitan 2. Ang mga taksil ay malilibing agad ayon kay Tata Matyas 3. Napakaraming tao ang ipinanganak na taksil o bayani agad. Talata 42 1. Bata pa si Mandi kaya tinuruan siya ni Tata Matyas na paghihiganti 2. Kaya niyang lumaban para sa gerilyang mamumundok. 3. May nakita kakayahan at pag-asa kay Mando ang matanda Talata 49 1. Ipinaggagawa ni Tata Matyas kay Mando ang mgadi niya nagawa at natapos para sa samahan 2. Nagsisisi si Tata Matyas dahil di niyanagawa ang mga gusto niyanggawin sa kilusan/ 3. Pinupuri ni Tata Matyas si Mando na bata, nasa labas ka ng tahanan ko.

22

Pagbibigay ng Sanhi at Bunga lagyan ng sanhi o bunga ang pangyayari

Kung may sapat na pera ang samahan

Para sa tahimik at maunlad na bansa

23

VIII. Buuin Natin


Gutom na gutom ang mga gerilya nang dumating sa tahanan ni Tata Matyas. Ang limang gatang na sinaing at dalawang daing ay simbilis ng kidlat nilang naubos. Kung ikaw ay may kakayahang maghanda ng isang hapunan para sa isang pangkat na pinaniniwalaan mong may mabuting layunin para sa bayan, ano-ano ang ihahanda mo? Ilista ang iyong bibilhin at magkano ang iyong gagastusin. Ipaliwanag din kung bakit ang mga ito ang iyong inihanda.

Bilang ng mga bisita: __________________ Mga Ihahanda: Kanin: ____________________ (uri ng bigas na isasaing) Ulam: ____________________ ____________________ Panghimagas: ___________________ ___________________ Inumin: __________________ __________________ Iba pa: __________________ __________________

Mga Bibilhin _________________ _________________ _________________ _________________ _________________

Presyo (tantya) _________________ _________________ _________________ _________________ _________________

24

Inihanda ko ang nasa listahan para sa aking mga bisita dahil . .. _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________

IX. Magagawa natin


Maraming Pilipino ang nagbuwis, nagbubuwis, at patuloy na magbubuwis ng buhay para sa kapwa at sa bayan. Pumili ng tatlo sa mga nakatalang talata. Muling balikan ang kuwento at basahing mabuti ang tatlong talatang napili mo. Ipaliwanag ang mensahe ng mga talatang napili mo bilang Pilipino.
1. 2. 3. 4. 5. 6.

Talata 27 Talata 33 Talata 38 Talata 45 Talata 47 Talata 65

25

X. Alamin Natin
A. Kamalayang Panlipunan Sa pananaw na ito inilalarawan ang makatotohanang pangyayari sa buhay, ang suliraning panlipnan na totoo sa panahon iyon at totoo pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez ay gumamit ng mala-Diyos na pananaw kayat nailarawan niya ang kilos ng mayayaman at napasok niya ang kanilang pag-iisip . Sa pamamagitan nito ay nailahad niya ang mga politiko, asendero, hukom, diputado, at obispo ay nakakakiling lamang sa kanilang pansariling kapakanan kayat hindi sila interesadong baguhin ang sistema. Itoy isang naglalayong magmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng mga mamamayang Pilipino upang manindigan para sa pagbabago at kumilos upang labanan ang umiiral na sistema. B. Pagbigkas ng Talumpati Ang pagtatalumpati ay isang pasalitang paraan ng pagpapahayag ng saloobin, kaisipan, at damdamin sa isang masining na pamamaraan. Layunin nitong mapapanig ang mga tagapakinig sa ideyang inilalahad o pinaniniwalaan ng mananalumpati. Sapagkat ang pagtatalumpati ay mabisang instrumento ng pagpapahayag, mangangailangan ito ng kahandaan hindi lamang ng bibigkasing tala kundi gayundin ng iba pang salik na lalong magbibigay ng kariktan at lalo pang hihikayat sa mga manonood upang pagtuunan ng higit na pansin ang mananalumpati.

26

Dapat Tandaan sa Pagtatalumpati 1. Tinig Napakahalaga ng tinig sa isang matagumpay na pagtatalumpati, nararapat na batid ng mananalumpati kung kailan dapat lakasan o hinaan ang kanyang boses ayon sa pangangailangan. Ang tinatawag na Voice variation o pag iiba iba ng boses ayon sa pangangailangan ang lalong nagbibigay buhay sa talumpati at nakaaakit sa tagapakinig upang lalong pagtuunan ng pansin ang kaisipang inihahatid nito. Napakahalagang ang tinig ay buong buo at naipararating nang buong linaw sa tagapakinig. 2. Tindig Mahalaga sa isang mananalumpati ang magkaroon ng tinatawag na tindig panalo. Ito ang pagtindig sa entablado na kakikitaan nfg tikas at tiwala sa sarili. Ang posisyon ng mga paa ay mahalaga ring pagtuunan ng pansin. 3. Pagbigkas Kung nais ng mananalumpati na makuha ang atensiyon ng kanyang tagapakinig, nararapat lamang na sikapin niyang mabigkas nang malinaw at matataas ang kanyang talumpati. Ang bitaw ng bawagt salita ay dapat may wastong diin at may wastong pagkakapantig pantig. Ang pagbuka ng bibig ay lubhang kailangan sa pagbigkas ng bawat pantig. Kung ang bibig ay lubhang kailangan sa pagbigkas ng bawat pantig. Kung ang bibig ay nakabuka ng ayon sa salita, magiging maliwanag ang mensahe ng bawat linya at maihahatid ng buong linaw ang kaisipan ng talumpati sa madla.

27

Dapat Tandaan sa Pagtatalumpati 4. Pagtutuunan ng Pansin Bago pa man magsimula ang talumpati, ang mananalumpati ay dapat magkaroon ng ugnayan sa kanyang tagapakinig sa pamamamagian ng pagtutuon ng paningin sa mga ito. Karaniwang nakatuon ito sa gawing likuran, gitna subalit maaari ring baguhin papuntang kanan o kaliwa. Mahalaganf mapanatili ang pagtutuon ng paningin sa mga tagapakinig upang madama nila ang sinseridad ng talumpati. 5. Pagkumpas Katulad ng paglakas o paghina ng boses, ang pagkumpas ay mahalaga upang mabigyang diin ng mananalumpati ang mga dapat pagtuunan ng pansin. Dito, higit na nagiging epektibo ang paglalahad sapagkat ang galaw ng mga kamay ay nakatutulong upang lalo pang maihatid ang damdamin ng talumpati sa mga tagapakinig. Mahalaga kung gayon na angkop ang kumpas. Hindi biglang itinataas o ibinababa ang mga kamay at hindi rin parang nanlalambot sapagkat hindi ito makakatulong sa paghahatid ng diwang nais bigyang diin.

28

XI. Gawin natin


Bumuo ng isang bibigkasing talumpati tungkol sakalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga kasalukuyabf namumuno sa bansa. Magsaliksik upang maging wasto ang ihahayag. Gawin din itong maikli subalit malaman at malinaw. _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________

XII. Palawakin Natin


Nakita mo ang pagkamakabayan nina Tata Matyas, Mandi at iba pang gerilyang lumaban para sa kalayaan ng bana mula sa mga Hapones. Naipakita nila ng kanilang pagka-Pilipino. Unawain ang talumpati tungkol sa isang Pilipino. Sanayin itong bigkasin ayon sa pinagaralan tungkol sa pagtatalumpati at saka itanghal sa klase.

29

Ako ay Pilipino Paz M. Belvez Ako ay isang Pilipino sa isip, sa salita, sa gawa. Pilipino ako sa dugo, sa balat, sa diwa. Akoy Pilipinong kaangkan ng lahing kayumanggi. Nananalaytay sa aking mga ugat ang dugo ng liping malayo. Dugong may angking katapangan, kabayanihan, at kagitingan; dugong nag-uudyok sa libu libong kawal na ipinagsanggalang ang kalayaan at karapatan mula roon sa Pulo ng Mactan, sa Pasong Tirad, Kuta ng Corregidor, at Tangway ng Bataan. Akoy Pilipino mula sa lipi ni Lapu-lapu, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang, Rizal, del Pilar, Mabini, Luna, Jaena, at Bonifacio. Tagapagmana ako ng dakilang kahapon, ng maningning na kasaysayan, ng mahabang salaysay ng kabayanhan, pagpapakasakit, at pakikilaban upang mapamalagi ang isang malayang pamayanang paninirahan ng mga mamamayang may pananalig sa Poong Maykapal at paniniwala sa katarungan at pagkakapantay-pantay. Akoy Pilipino, pagkat may liping Malayo, tatak ng aking bayan ang kayumangging balat ko. Kayumanggi sa silab ng sikat ng araw na laging kayakap ng bayan ko. Tatak ng aking pagkatao ang kasipagan at sagisag ng marangal na pamumuhay sa pagbabanat ng buto at pagpapatulo ng pawis sa marangal na paggawa sa malawak na bukirin at mga parang, sa mga gulod, burol, at kabundukan, sa mga ilog, mga lawa, at karagatan na pinuspos ni Bathala ng iwing kariktan. Akoy Pilipino . Wikang Pambansa koy wikang Filipino. Matamis na wikang may sariling letrat alpabeto. Wikang pinayaman at pinatamis ng pupung mga wika ng bayan ko Cebuano, Ilocano, Pampango, Hiligaynon, Samarnon, Pangasinense, Tagalog at Bicol at sandaang mga wika ko.

30

Akoy Pilipino. Tagapagmana ng isang mayamang kalinangan, ng lambing ng mga oyayi, talindaw, at kundiman, ng sigla ng tinikling at kumintang, lindi at lamyos ng mga balitaw, rangya ng Singkil, Tadek at Pangalay. Akoy Pilipino. Malayang mamamayan ng isang bansang may pamahalaang demokratiko. Mga mamamayang may angking karapatan, mga kalayaang tinatamasa, at may mga pananagutan at tungkuling buong siglang tinutupad at tutuparin sa abot ng kaya. Iyan ako. Akoy Pilipino.

XIII. Pagsulat ng Dyornal


Napansin mo bang paulit-ulit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga dayuhan at maging sa sariling kababayan naniil sa kanilang kalayaan? Kung susuriin at pakikinggan mo ang kabataan ngayon, may nakikita ka bang ipinaglalaban nila? May batayan ba sila? Kanino sila nakikipagtos at bakit? Isulat ang iyong pananaw ukol dito.

31

At iyan ang pagtatapos ng modyul na ito, sana ay may natutunan kayo Hanggang sa muli, Paalam!

You might also like