You are on page 1of 1

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES Department of National Defense PHILIPPINE VETERANS AFFAIRS OFFICE Veterans Memorial Building Arroceros St.

, Manila

PVAO-4 Agosto 11, 1998

Kgg. PONCIANO B.P. PINEDA Direktor Linangan ng mga Wika sa Pilipinas Mabini Building University of Life Pasig, Metro Manila Mahal na Direktor: Lubos po kaming nagpapasalamat sa pagpapaunlak ninyo sa aming kahilingang maging tagapanayam sa aming Seminar/Pasanayan sa Korespondensya Opisyal sa Filipino ang inyong mga kagawad na sina: 1. Dr. Pamfilo D. Catacataca 2. Dr. Fely S. Castillo 3. Gng. Araceli M. Manaligod na buong tiyaga at pagmamalasakit na nagbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa ating Wikang Pambansa at sa Korespondensya Opisyal sa Filipino, mula Hulyo 6 hanggang Hulyo 13, 1988. Lubhang naging mapaghamon, ngunit makatuturan at mabisa ang kani-kanilang pamamaraan ng pagtuturo sa kasiyahan at pagkatuto ng mga kalahok. Lalo pang naging matagumpay at makulay ang nasabing pasanayan nang kayo at ang mga naging tagapanayam ay dumalo sa kanilang pagtatapos bilang panauhing pandangal. Umaasa po kami sa muli ninyong pakikiisa sa mga susunod pa naming panayam.

Marami pong salamat.

(Lgd.) ERNESTO S. GIDAYA Brigadyer Heneral SLP (Ret.) Tagapangasiwa

You might also like