You are on page 1of 50

INTRODUKSYON

ANG KOMPYUTER AT ANG MAGSASAKA

Paano magkakasaysay sa kabukiran ang pag-aaral tungkol sa mga kompyuter?

Mahirap buuhin sa isip, lalo kung biglaang ipapabuo sa imahinasyon—ang

imahen ng isang tambak na kompyuter sa gitna ng pilapil, at si Juan na nagtatanim ng

mais at naglalaro ng Counterstrike (Valve Software, 1999) o DOTA (Blizzard

Entertainment, 2003) o kaya'y nakikipag-YMi (Yahoo!, 1998) o nagsusulat sa kanyang

blog. Anong praktikal na silbi nga ba ang naibibigay ng teknolohiyang ito sa mga sektor

na malayo sa galamay ng lungsod?

Hindi lang iisang beses kong nakabangga ang tanong/ mga tanong na ito. Sa

mangilanngilang mga forum, lecture, kumperensiya, halos sa lahat ng akademikong

interaksyong nalalahukan ko, sa bawat pagkakataong naibabahagi ko ang aking interes sa

pag-aaral sa mga usaping may kaugnayan sa teknolohiya ng kompyuter at kulturang

popular, palaging naihahayag ang ganitong saloobin mula sa mga kapwa iskolar sa loob

ng unibersidad. Pinakauna marahil sa mga karanasang ito ay ang panahong

dinedepensahan ko ang salitang blog bilang salita ng taon sa Sawikaan 2005. Habang

ibinabahagi ko ang potensyal ng anyong ito sa pagbabahagi ng impormasyon at mga


2

adbokasiya sa anyong mabilisan at interaktibo, lumitaw ang interogasyon sa konkretong

silbi nito para sa mga rehiyong ni hindi naaabot ng mga linya ng Meralco.

Kailangang maging malinaw na hindi ko ito tinatrato bilang isang interogasyong

walang saysay. Dahil totoong hindi masamang adhikain, kahanga-hanga pa ngang tunay

ang tukuyin ang sitwasyong kinapapalooban ng mga sektor tulad ng mga magsasaka,

sektor na madalas ay walang representasyon sa mga popular na materyal na nakalugar sa

lungsod. Siguro'y mas magandang sabihing interesado akong bulatlatin kung saan

hinuhugot ang ganitong saloobin, at kung paano ito hinahanay ng mga kapwa iskolar sa

kanilang sariling mga disiplina ng pag-aaral. Hindi lang iisang beses na hinanapan ang

epekto ng intelektuwal na diskurso, lalo pa't nasa linya ng Humanidades (Araling

Kultural, Panitikan, Wika, Malikhaing Pagsulat) ng mga mabilisan at praktikal/

napanghahawakang silbi. Na dapat ay magrerehistro sa kamalayang empirikal (dapat

nakikita, naririnig, nahihipo, nalalasahan, at naaamoy) ang epekto ng isang ideolohikal na

gawain (at muli, lalabas ang tanong na “gawain” nga ba ang mga proyektong nasa antas

ng ideolohiya ang paggalaw?). Na, sa araw-araw na pakikipagsapalaran bilang bahagi ng

akademya, mistulang bahagi ng bawat maliit na pagsusuri tungkol sa wika, panitikan, at

malikhaing pagsulat ang direktang epekto nito sa mga sektor na tinatatakan bilang

“nasasagilid”—na halimbawa'y kayang-kayang pababain sa isang iglap ng pagsusuri sa

kasaysayan ng mga Manuvu o ng pag-aaral tungkol sa mga dalit at tanaga ang presyo ng

mga batayang pangangailangan, na kaya nitong pataasin ang suweldo ng mga

nagtatrabaho sa pabrika't puksain ang kontraktuwalisasyon sa SM o sa Jollibee, na kaya


3

nitong bawiin ang mga lupaing inagaw ng ating mga pambansang burgesya at ikalat ito sa

hanay ng mga manggagawa't pesante.

Bilang isang taong minsan ay may pagkapikon, sumusulpot sa aking makulit na

imahinasyon ang ilang mga “pambara” sa mga ganitong klaseng tanong. Gusto kong

sabihin sa kanila, lagi ninyong pinamumukha na walang silbi ang ideolohiya, ang

pagsusulat, ang pag-aaral ng popular na teknolohiya't kultura, pero kapag nagiging

bayolente ang mga anak-anak ninyo, sinisisi ninyo ang paglalaro nila ng Counterstrike

(Valve Software, 1999 ) o Resident Evil (Sony Playstation, 1996); pag may napapanood

kayong teenager na nanggahasa ng kabarkada, sasabihin ninyong dahil iyon sa mga

binabasa nilang FHM o Playboy, o Chika-chika o Playgirlii; kapag may napatay na kung

sino, madaling sisisihin ang mga komiks at pelikulang may mga tauhang walang

pinagkakaabalahan kundi ang makipagbarilan at magpasabog ng katawan ng taoiii.

Kapag lumalabas sa mga survey na nabobobo na ang mga estudyanteng Pinoy, wala pang

isang segundo bago ihayag na dahil iyan sa MTV-Internet Age. PERO, kapag magsasalita

ang isang tao tungkol sa mga posibleng benepisyo ng isang popular na anyo—tulad nga

ng blogging—may tendensiyang magsara agad ang mga tenga't mata bago pa umabot ang

nagsasalita sa pinakaubod ng kanyang pagtalakay. Wala kasing silbi sa mga magsasaka.

Kawawang mga magsasaka, biglang naaalala ng milyun-milyong iskolar kapag gustong

mambara at ipakitang matalino sila, o kaya’y baka posible ngang tinatalakay pala sila

pero napagsarhan na agad ng mga “intelektuwal” na panghuhusga. Kaya lang, bilang

bahagi rin ng akademya, mas madalas kong napapa-behave ang sarili at pinipilit sumagot
4

sa mas mahinahon at obhetibong paraan.

Palagay ko, nagmumula ang ganitong lantad na “konsern” dahil sa mas naikakabit

ang computers at ang pag-aaral tungkol dito sa usapin ng agham at hindi sa kultura.

Dahil nasa linya ng agham at teknolohiya, mas iniimbestigahan ang materyal na bigat

nito sa isang lipunan. Hindi madaling mahiraya nang agad-agad ang mga kultural na

implikasyon ng ganitong teknolohiya’t midyum. Kaya naman sa mga unang

engkuwentro sa ganitong linya ng pagtatanong, palagi kong naiisip at naisasagot, “may

kaugnayan bagaman hindi direkta.” Ngunit sa pag-uulit ng ganitong pagtatanong, hindi

ko rin mapigilang isiping “bakit nga ba walang direktang epekto?” O kaya, bakit nga ba

atat na atat ang maraming tao sa mga epektong nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo,

nalalasahan nang agad-agad?

Hanggang saan nga ba kayang magpakilos ng mga ideolohikal na adhikain, tulad

ng mga pag-aaral sa teknolohiya at ang kaugnayan nito sa kultura, at sa malikhaing

pamamahayag? At bakit, sa aking sariling obserbasyon, tila naikakahon na agad ang

paggamit ng teknolohiya ng kompyuter bilang isang teknolohiyang hinding-hindi

magagamit ng mga naaaping sektor, gayong may posibilidad namang ang malaking

bahagi ng pag-aaral sa akademya'y umaandar sa mga aktibidad na wala sa direktang

dimensyon ng praktikal at mabilisang silbi?


5

ANG SARILI BILANG MANUNULAT, AKADEMISTA

AT PANATIKO-INTELEKTUWAL

Higit na magiging malinaw ang pinanggagalingan ng mga problematisasyong ito

kung maisasakonteksto ko sa aking sariling pag-iral: ako ay isang manunulat, estudyante,

at guro ng panitikan na may tutok sa pag-aaral sa media, teknolohiya at kulturang

popular. Bago o habang umiiral ako sa mga nabanggit na kategorya, ako rin ay isang

geek, isang panatikong may pagkiling sa mga lokal at dayuhang TV series tulad ng TGIS

(Zapata, 1995), Gimik (Dyogi, 1996), Palibhasa Lalake (1986), Chika-chika Chicks

(1986), Mana-mana (ABS CBN, 1986), Captain Power (Goddard, 1987), Buffy the

Vampire Slayer (Whedon, 1997), Bioman (Abe, 1984), Maskman (Ochiaei, 1987),

Shaider (1984), Charmed (Burge, 1998), Smallville (Gough, 2001), at Super Twins

(Zapata, 2007). Adik na adik din ako sa cartoons tulad ng Thundercats (Wolf, 1985),

Futurama (Cohen, 1999), Spider-man and His Amazing Friends (Marks, 1981), X-men

Evolution (2000), Justice League Unlimited (2004) at Danny Phantom (Hartman, 2004),

maging sa Anime, na pinasimulan ng Dragonball Z (Nishio, 1989), at naipagpatuloy sa

Ghost Fighter (Abe, 1992), Yaiba (Yuyama, 1993), Sailormoon (Satoh, Ikuhara, at

Igarashi, 1992), mga pelikula ni Hayao Miyazaki, Gundam Wing (Ikeda, 1995), Gundam

G (Imagawa, 1994), Naruto (Date, 2002), Full Metal Alchemist (Mizushima, 2003), at

Bleach (Abe, 2004). Naging tagasubaybay din ako ng Pilipino Funny Komiks (Islas

Filipinas Publications, Inc., 1978), Seksing Tapusan (Garcia, 1990), Pinoy Komiks

(Marcelino, 1963), at Aliwan (Marcelino, 1963), at sa ngayon ay panaka-nakang bumibili


6

o humihiram ng mga dayuhang bersyon nito. Masasabi kong may pagkababad ako sa

marami-raming popular na media. Hanggang sa ngayon, pinaniniwalaan kong ang aking

mga unang hakbang sa pagiging manunulat at estudyante ng Malikhaing Pagsulat ay dito

ko maiuugat sa paghanga sa napakaraming mga panoorin at babasahing ito.

Ang espasyo ng akademya ay isang espasyo ng mga kahon at kontradiksyon.

Bilang estudyante'y tinuturuan tayo nitong umalpas sa mga personal at panlipunang

harang at kahon. Paulit-ulit na sasabihin ng mga gurong nasa labas ng apat na sulok ng

klasrum ang mga “tunay” na leksyon ng buhay. Upang matutunan ang “paglabas” na ito,

tatambakan ang mga mag-aaral ng iba’t ibang babasahin (depende sa guro ang kapal o

nipis nito) at “hihikayatin” (o, ire-require) ding bumili o manghiram ng mga “angkop” na

aklat. Sa ilang pagkakataon, literal na palalabasin ng silid-aralan ang estudyanteng hindi

nakapagpakopya ng babasahin para sa araw ng leksyon. Patuloy na ikakahon sa mga

leksyon ng pagpapalaya ng guro ang kanyang mga nasasakupan, dadaan sa proseso ng

pagtatasa sa anyo ng mga naiplanong quiz, seatwork, recitation, pagsusulit. Sa

pagtatapos ng semestre, umaasa ang estudyanteng mabibilugan ng guro ang numerong

“1.0,” patunay na lubusang pumaloob ang bata sa kahon-kahong pamantayan upang

maging namumukod-tangi.

Bilang estudyante ng Malikhaing Pagsulat, nakasisiguro akong lumang tugtugin

na ang ganitong klase ng senaryo—sasabihin ng propesor na maging bukas ang isip at

palaging lumabas sa mga nakasanayan nang materyal, pamantayan at sensibilidad;


7

pagdating sa mga palihan, sinasadya man o hindi'y may naididiing personal na estetika at

pulitika. Dahil sa hawak ang kultural na kapital (ang klas kard, o CRS grade sa

kasalukuyan), madalas na magwawagi ang instruktor. Sa ganitong pagkakahon din

madalas umiiral ang sistema ng pagpapalimbag sa mga antolohiya, paglahok sa mga

kompetisyon sa pagsusulat, at maging sa mga prestihiyosong writing workshop. Lahat ay

binubuo ng mga kahong may kanya-kanyang kahingian upang makapasok ang isang

taong nagnanais na mabigyan ng tatak na “manunulat.” Ito ang naging esensya ng aking

thesis sa di-gradwadong antas, at sa loob ng ilang taon bilang gradwadong mag-aaral,

tinangka kong maghanap pa ng mga dagdag na sagot sa problematisasyong ito.

Isa rin akong guro. Nagsimula akong maging opisyal na guro noong 2003 at

hanggang sa ngayon ay guro pa rin. Sa loob ng maiksing panahon ng pagiging guro,

nakapagturo ako sa loob ng dalawang akademikong institusyon. Pumasa ako sa mga

kahingiang magdidikta na ako ay isang “matinong” guro. Tumutok ako sa disiplina ng

Malikhaing Pagsulat, Panitikan at Kulturang Popular. Ang mga paboritong palabas na

pinanonood ko, mga programang dati'y ine-enjoy ko lamang, ay magiging mga piyesang

pangleksyon na. Matututunan at maituturo ko na ang konsepto ng “popular” ay

nagbabagu-bago depende sa kung sino ang magtatakda nito—mula sa simpleng gusto’t

tinatangkilik ng nakararami, magiging instrumento ito ng pagpapanatili ng mga

dominanteng puwersa’t kaayusan sa lipunan, o di kaya’y ang puwersang kokontra sa

itinuturing na dominante, o kung hindi pa rin ay ang puwersang maglulusaw sa mga

harang ng nakatatataas at nakabababa, at bubuo ng isang kulturang wala nang


8

kinikilalang harang ng ari, uri, lahi, espasyo, tinig, kapangyarihan at iba pa (Storey,

2006). Sa huli, maitatahing muli ang lahat ng ito sa salitang “popular,” sa dami, sa bilang

ng tao, at uusbong ang posibilidad na ang mga inaaral bilang “popular” ay posibleng

“anti-popular” pala, mga midyum na nararanasan at napoproseso lamang ng kakaunting

bilang ng populasyon.

Sa sabay na pagtuturo at pag-aaral, muling maididiin ang napakaraming mga

kahon at kontradiksyong naging mga palaman sa aking mga isinusulat na akda.

Natutunan kong may nosyon sa kulturang popular bilang isang aspekto ng kulturang

itinuturing bilang “mababa,” latak ng “mataas” na anyo ng kultura—ang kulturang

itinatakda ng akademya. Sa kabilang banda, ang mismong pag-aaral ng kulturang

popular sa mga klase sa akademya, at ang pagbuo ng mga pag-aaral at mga malikhaing

akdang may impluwensya nito, ay maaaring basahin hindi lamang bilang isang proseso

ng lehitimisasyon mula sa isang naghaharing puwersa, kundi pagkilala din sa mismong

mga butas ng institusyon at pagsuko sa kapangyarihan ng puwersang dati’y itinuturing

bilang mababa. Ang tunggalian at pagkakasundo o/at pagkokompromiso ng Panig-

Kulturang Popular at Panig-Akademya ay nagdulot ng malaking interes sa akin, at bilang

patunay ay nakabuo ako ng isang koleksyon ng mga malikhaing akdang pumapaksa

rito—ang Dirty Pop Machines vs. Academia Nuts (2005). Ito rin ang naging paksa ng

naisulat kong comics script na pinamagatan kong A Little Less Conversation, A Little

Less Action (2005)iv, kung saan ginawang katatawanan ang bangayan ng mga “Popular”

at mga “Iskolar.”
9

Dahil sa ganitong direksyon ng pag-aaral, pagsusulat at pagtuturo, nairekomenda

ng isang kaibigan ang mga pag-aaral ni Henry Jenkins, isang iskolar sa Massachussets

Institute of Technology na may pagtutok sa kulturang popular, at sa Media at Fan Studies.

Sa pagbisita sa Weblog ni Prop. Jenkins (2007), nadiskubre ko ang terminong Aca-Fan

(2007), isang terminong naglalarawan sa hybrid ng mga panatiko ng iba’t ibang popular

na media na nakapaloob din sa istruktura ng akademya. Pagsasanib ng iskolar at geek, ng

intelektuwal at personal na panlasa, ito ang esensya ng pagiging Aca-Fan. Sa

pagkakadiskubre ng termino at konseptong ito, lubos akong natuwa, dahil sa nalaman

kong maraming taong nasa linya ng akademya ang umiiral sa mga prinsipyo ng ganitong

tatak, at syempre’y bahagi ako ng grupong ito. Hindi ako nag-iisav.

At, kasabay ng lahat ng ito, sa gitna ng aking pagiging Aca-Fan na Manunulat,

ako ay isang taong umiiral sa isang lipunang Pilipino. Sinasadya ko man o hindi, sa

pagbababad sa akademya’t paglilimi sa mga kabalintunaang nararanasan ko dahil sa

aking iba pang multiple na identidad, nababagabag ako ng mga isyu tulad ng enforced

disappearances at extra-judicial killings. Kilala ko si Jovito Palparan at malay ako sa

dami ng mga taong nawala o napatay sa ilalim ng kanyang pamamalagi sa AFP.

Naniniwala akong ang Presidential Proclamation 1017 o ang deklarasyon ng State of

National Emergency ay isang bersyon lamang ng Martial Law. Kasama akong

nadidismaya habang bumababa ang pondo para sa Edukasyon at tumataas namang lalo

ang matrikula, at sa kabilang banda'y lalong binibigyan ng diin ang Gera laban sa
10

Terorismo, na mukhang alingawngaw lang din ng gerang kontra-terorismo na inilunsad

ng US. Unti-unti kong naiintindihan ang katotohanan ng Pilipinas bilang isang

malapyudal at malakolonyal na bansa, at ang esensya ng pagbaklas sa sistemang

Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo. Nailalapat ko ang aking mga

natututunan sa pagmamatyag sa latest developments ng Human Security Act, ng ZTE

Broadband Deal at sa Cyber Education Project.

At oo, naaapektuhan din ako sa mga taong macho shit, sa mga mata-pobre, sa

mga pasosyal, sa mga nagmamatalino, at sa iba pang mga kaugnay na personalidad at

kuwento.

Ito ang mga kahon at harang na aking binubuno at pinipilit na magkasundo-sundo.

Ito ang nakikita kong motibasyon sa paghahanap ng pinakamapagpalayang anyo ng

malikhaing pamamahayag. Sa ganitong motibasyon ko nakilala ang konsepto ng

hypertext.

ANG HYPERTEXT

Naimbento ni Theodore H. Nelson ang terminong hypertext noong 1960’s

(Website: A Little History of the World Wide Web). Ito ang ginamit na termino para sa

anumang mga simbolong nabuo sa pamamagitan ng electronic codes at nakikita sa


11

kompyuter skrin. Naging ekstensyon ng terminong ito ang hypermedia, na tumutukoy

naman sa mga elementong binubuo rin ng electronic codes ngunit hindi nakikita bilang

mga alphanumeric na simbolo—mga larawan, tunog, video at iba pa. Kasabay sa

pagkakabuo ng mga terminong ito ang pagkakabuo at pagpapaunlad ng teknolohiya ng

kompyuter at Internet, at magiging makabuluhang konsepto pa rin sa pagkakauso ng

World Wide Web noong 1994 (Website: The World Wide Web: Origins and Beyond)vi.

Maraming inobasyong taglay ang mga teknolohiyang nakabase sa hypertext. Sa

pamamagitan ng E-mail, nakapagpapadala ng mga liham na may kasamang larawan at

iba pang mga elemento sa isang iglap lang. Nakakapag-usap sa pamamagitan ng chat

ang mga taong nasa magkabilang panig ng mundo. Sa pagpasok ng taong 1997,

nagkaroon na ng iba’t ibang software na nagbibigay ng kapasidad para sa mga

ordinaryong indibidwal na gumawa ng kanilang sariling Website, isang kakayahang

dati’y reserbado para sa mga corporate programmer na binabayaran ng malaking halaga.

Maaaring magsulat ng term paper habang nagpi-print ng mga dokumento habang nagda-

download o/at nagpapatugtog ng mga paboritong kanta nang sabay-sabay, mga gawaing

dati’y iniisa-isa ang prayoridad. At nagpapatuloy sa pag-unlad ang teknolohiyang

nakabase sa hypertext, lalong bumibilis ang mga kompyuter at Internet akses, lumalaki

ang mga espasyong pinaglalagyan ng impormasyon. Madalas, nagiging mas mura at

aksesibol din ang mga teknolohiyang ito sa pag-usad ng mga taon (Website: A Little

History of the World Wide Web).

Sa mga pag-aaral nina Nelson, George Landow at iba pang eksperto sa hypertext,
12

nakabuo sila ng mga katangiang taglay ng isang hypertext-based system, mga katangiang

umaalingawngaw sa kultura ng mga taong lubog sa paggamit nito. Ang sistemang batay

sa hypertext ay “non-linear, non hierarchical, borderless, object-oriented” (Website:

Hypertext Paradigm) at “multivocal”. (Landow, 2000) Nilulusaw ng hypertext ang mga

nakasanayang harang ng ari, uri, lahi, espasyo, at tinig. Nawawala ang mga kasanayang

limitasyon ng oras at heograpiya sa pamamagitan ng E-mail, chatting, at mga katulad na

aplikasyon. Pinapayagan ng napakaraming networking sites tulad ng Friendster

(Friendster Team, 2002), Multiply (VantagePoint Venture Partners, 2003), at Facebook

(Zuckerberg, 2004) ang pagbuo ng napakaraming mga bagong pagkatao, mga pagkataong

posibleng naiiba sa taong nabubuhay sa pisikal na realidad. Nabubuhay ang hypertext sa

isang docuverse, isang mundo ng pinagtagni-tagning nodes, networks, hyperlinks, mga

birtuwal na dokumentong walang tiyak na umpisa, gitna, wakas. Bilang implikasyon,

nakikita ang mundo bilang isang global villagevii, isang espasyong kinikilala ang pag-iral

ng bawat nilalang, o bawat nilalang na may computer at Internet akses.

Sa pag-aaral ng hypertext at ng hypertext paradigm na ito, at ikukumpara ito sa

isang sistemang nakalimbag o print-based, makikita ang malaking pagkakaiba ng una sa

huli. Kung ang hypertext-based system ay non-linear, non hierarchical, borderless,

object-oriented at multivocal, ang print-based system naman ay maaaring tingnan bilang

linear, hierarchical, de-kahon at may mga harang, subjective at univocalviii sa iba't ibang

lebel (Website: Print Paradigm).

Magpapatotoo sa ganitong suri ang sariling danas ng Pilipinas sa pagpapakilala ng


13

unang palimbagan. Mula sa isang mayamang tradisyong oral—isang tradisyong walang

konsepto ng tiyak na panahon o espasyo (isinasagawa sa iba’t ibang lugar at kung saan

kailangan), bahagi ng araw-araw na pamumuhay, libreng bawasan, dagdagan at

pagpapasa-pasahan (walang konsepto ng pag-aari)—ipinasok ng mga paring Dominikano

ang mga unang makinang-palimbagan at inilimbag ang una nilang aklat na Doctrina

Christiana en Lengua Espanola y Tagala (1583). Magkakaroon ng monopolyo sa

paglilimbag ng mga manuskrito at ipinamudmod sa mga Pilipino ang mga tekstong

nakasentro sa pagpapalaganap ng kapangyarihan ng mga Espanyol sa anyo ng mga

romansa metrikal, pasyon, nobena at sermon. Taong 1593 noon, maghihintay pa ang

mga Pilipino nang hanggang ikalabingwalong siglo upang mabasa ang mga unang

akdang kumokontra sa dominanteng kolonisador, sa anyo ng mga tekstong isinulat nina

Francisco Baltazar at Jose Corazon De Jesus. (Agoncillo at Guerrero, 1977)

Kung hindi man babad ang isang tao sa kanyang kasaysayan, makikita pa rin niya

ang sinasabing limitasyon ng isang nakalimbag na teksto sa pinakasimpleng pisikal na

istruktura nito. Ang isang tipikal na libro, halimbawa, ay may tiyak na pagkakasunud-

sunod—may pabalat, fly leaf, cover page, table of contents, at iba pa. Kailangang

pasadahan ang isang pahina upang makapunta sa isa pa. Limitado rin ang laman ng isang

libro—ang libro tungkol sa calculus ay hinding-hindi maglalaman ng balita tungkol kay

Vic Sotto at Pia Guanio, at ang showbiz magazine naman ay hindi magtatalakay tungkol

sa pagkuha ng value ng i o imaginary number gamit ang points sa isang bilog. Kung may

mga detalyeng nakalagay sa isang libro na hindi sinasang-ayunan ng mambabasa, ang


14

tanging magagawa niya ay magreklamo sa guro o sa kamag-aral, pero wala siyang

magagawa para aktuwal na baguhin ang laman ng binabasa niya, kasabay/kasama ang

ilang libo o milyong kopya ng babasahing ito. Hindi rin madali para sa isang indibidwal

na gumawa ng sarili niyang libro sa oras na hindi siya kontento sa mga librong nababasa

niya, dahil sa simpleng dahilang mahal ang pagpapalimbag ng isang libro. Ang isang

100-page, two-color na libro'y maaaring umabot sa lampas dalawampung libong piso

bilang pinakamurang halagaix. Kung gusto naman ng isang manunulat na magpalimbag

ng libro sa isang kinikilalang institusyon, gaya ng nabanggit sa umpisa, kailangang

sumunod at pumasa siya sa mga pamantayan ng “ganda” at pagiging “lehitimong” libro

ng institusyong pinagbibigyan niya ng kanyang manuskrito. Kasama na sa proseso ang

minsang pagpapabago ng estilo at maging ng nilalaman upang maging isang “katanggap-

tanggap” na publikasyon.

Sa isang hypertext-based system—isang simpleng Website, halimbawa—

nawawala ang sense ng tiyak na pagkakasunud-sunod dahil sa pagiging hyperlinked ng

bawat item. Hindi kailangang pasadahan ang lahat ng Webpage, maaaring i-click ang

link ng item na nais lang mabasa. Windowed ang mga operating system na nagpapatakbo

sa mga kompyuter, at posibleng magbukas ng maraming windows para sa iba't ibang

aplikasyon kaya may posibilidad para sa sabay-sabay na pagtatrabaho. Kung sa print

paradigm ay may papel na naglalaman ng mga teksto, may tinatawag si Landow na

metadokumento (Website: Docuverse Paradigm), isang birtuwal na papel. Ang birtuwal

na papel na ito, kung magiging istrikto sa teorya at hindi bubusisiin muna ang mga
15

teknikal na butas ng hypertext-based systems, ay tila walang umpisa, gitna at wakas dahil

sa bawat pahina ay may hyperlink na nagkakabit sa iba pang pahina na magkakabit pa uli

sa iba pang mas maraming mga pahina. Para itong isang multi-direksyunal na

dokumentong pinagkabit sa bawat at lahat ng posibleng mga birtuwal na “dulo.” Dahil sa

pagiging hyperlinked ng sistemang ito, hindi na limitado sa iisang paksa lamang ang

pagdanas dito. Kinakatawan ng metadokumentong ito ang lahat ng mga librong

posibleng kailangan ng gumagamit at pinagsama-sama sa isang user-friendly, interaktibo

na presentasyon. Ang interaktibidad na ito ay hindi lamang limitado sa simpleng

mabilisang pagbabagtas sa mga entry sa anyong non-linear, kundi maging sa pagbibigay

ng kakayahan sa mga mambabasa na maging manunulat rin nang sabay. Isang matingkad

na halimbawa nito ay ang Wikipedia (Wales at Sanger, 2001), ang online encyclopedia

kung saan ang sinumang may user account ay may kakayahang magpasok, magdagdag at

magbawas ng encyclopedia entry nang walang bayad. Isa pa ay ang nabanggit na sa

unang bahagi, ang blogging—isang anyo ng pagsusulat sa espasyo sa Internet na

nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may Internet akses na magsulat ng kanyang nais

isulat, at “ipalimbag” ito sa isang pandaigdigang saklaw. Ang presensya ng mabilisang

input at feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa kayang lubos na gayahin

ng isang print-based system. Pinayagan ng Youtube (Google, Inc., 2005) na maging

instant broadcasters ang isang taong walang control sa isang malakihang TV station, pero

may mabilis na Internet akses at digital camera.

Isa pang biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa espasyo ng


16

pamamahayag ay ang Webcomics na Choose Your Own Carl ni Scott McCloud (2001).

Sa tekstong ito, pinapapili ni McCloud ang kanyang mga tagasubaybay ng kung anong

panel ang ilalagay niya upang mabuo ang kuwento ng bidang si Carl. Ang panel na may

pinakamaraming boto ang idudugtong sa istoryang nagsisimula sa pagbilin ng nanay ni

Carl na huwag magmaneho nang nakainom, at matatapos sa pagkamatay ni Carl.

1. Full Screen Capture ng Choose Your Own Carl, mula sa


http://www.scottmccloud.com/comics/carl/3b/cyoc.html
17

2. Detail ng Choose Your Own Carl

ANG HYPERTEXT AT POPULAR NA MEDIA

Sa aking pag-aaral at pagtuturo ng Panitikan at Kulturang Popular, sa tulong na

rin ng mga nauna nang pag-aaral dito, nakapaghanay ako ng iba't ibang klase ng popular

na media at naipaghambing ito ayon sa mga sumusunod na kategorya:


18

1. Teknikal na deskripsyon;

2. Konsepto ng oras at panahon;

3. Ideyal na haba o durasyon ng pagdanas;

4. Lebel ng presentasyon, o kung gaano kakonkreto ang paghahatid ng

impormasyon;

5. Empirical senses na tina-target.

Ang mga kategoryang ito ang ginamit sa paghahambing at pag-iiba ng mga

sumusunod:

1. Ang pasulat/ print-based na teksto;

2. Isahang imahen tulad ng print ads at billboards;

3. Komiks/ Comics/ Graphic Novels/ Sequential Art, mga imaheng di-gumagalaw

na nakahanay sa isang espasyo sa isang tiyak na pagkakasunodx;

4. Tunog at Tugtog;

5. Audio-visual;

6. Hypertextual.
19

TITIK IMAHEN COMICS/ TUNOG/ AUDIO- HYPERTEXTUAL


(Still) KOMIKS TUGTOG VISUAL
TEKNIKAL NA Binubuo ng Walang Binubuo ng mga Mga salitang Magkasabay na Binubuo ng electronic
DESKRIPSYON mga titik na kaukulang sukat, larawan at iba nilapatan ng paggamit ng codes na bumubuo ng
sumusunod sa karaniwang 2 pang imahen tono, tunog at iba't ibang multimedia
partikular na dimensional, (titik) na nagkakaiba larawang elements sa computer
anyo ng binubuo ng nakahanay sa depende sa uri. nagpapalit-palit screen. Hyperlinked
balarila. imahen at teksto, isang tiyak na Minsan ay sa napakabilis ang halos lahat ng
Ginagamit ang hindi gumagalaw pagkakasunud- puro tunog na antas sa output
nakasulat na sunod. Binubuo lamang at iisang espasyo
wika sa ng “panels” walang titik (photoplay)
paghahatid ng
ideya
KONSEPTO NG Wala. Maaaring Walang Maaaring May pressure Dahil sa pagiging
ORAS O Maaaring magamit nang limitasyon maging na tapusin ang konektado ng bawat
PANAHON basahin kahit pangmatagalan, mahaba pagdanas sa hypertext-based form
kailan gusto; walang (classical iisang tiyak na sa iba pa sa
maaaring limitasyon sa music) o mas panahon pamamagitan ng
lumikha ng oras ng pagdanas maiksi (pop lamang, dahil hyperlinks,
mahahabang ng midyum na music), pero dito'y mas perpetuwal na
tekstong ito malinaw ang mahirap ulit- gumagalaw ang
nakapaloob sa pagdidiin sa ulitin o balik- pagdanas, kaya
mahahabang umpisa at balikan “habambuhay” itong
timeframe wakas, umiiral
kailangang
tapusin ang
danas sa isang
pakikinig
IDEYAL NA Walang Dahil sa walang Walang ideyal Nag-iiba Dalawang oras Hindi natatapos, o
HABA/ limitasyon kalayaang dulot na haba depende sa para sa full maaaring tapusin
DURASYON ng paggalaw, klase ng length at sampu anumang oras
kailangang tugtog, hanggang
maging mabilis karaniwang dalawampu
ang tatlo hanggang para sa short
presentasyon, limang minuto films at TV
dapat ay nasa kada isang shows
iisang imahen na kanta
ang lahat ng
kailangan
LEBEL NG Hindi ganoon Mas konkreto sa May ilusyon ng Umaasa sa Mas angat ang Kumpletong-
PRESENTASYON kakonkreto. titik, sa tulong paggalaw dahil impact na pagkakonkreto kumpleto, object-
Nakabase sa ng mga sa paneled form, magagawa ng kesa sa naunang oriented, ibinibigay
tagatanggap konkretong bagaman may kombinasyon mga midyum ang kung ano lang
ang imaheng larawan mga puwang o ng mga titik at dahil sa ang gusto ng
mabubuo sa gaps sa pagitan tunog. gayang-gaya gumagamit, maaaring
imahinasyon, ng mga panel na Pinupunuan pa ang paggalaw baguhin ng
pinupunuan pinupunuan ng rin ng ng tunay na gumagamit
ng mambabasa tagapakinig mundo
imahinasyon ang biswal na
ang lahat ng kakulangan
kulang/
puwang
EMPIRICAL Mata, para sa Mata, para sa Mata, upang Tenga Mata na Mata at tenga, may
SENSE NA TINA- pagproseso ng pagpoproseso ng iproseso ang umaayon sa potensyal para sa iba
TARGET mga salita; mga konkretong mga imaheng mabilis na pang pandama
nakadepende imaheng isahan nakahanay sa pagpapalit ng
sa tiyak na imahen sa isang
imahinasyon pagkakasunud- espasyo, at
ang pagbuo ng sunod tenga
imahen
20

Pinatutunayan ng paghahambing sa mga midyum na ito ang mga puntong

binibigyang-diin ng kritiko't manunulat na si Rolando B. Tolentino sa kanyang mga

sanaysay na nasa Sa Loob at Labas ng Mall kong Sawi; Kaliluhan ang siyang

Nangyayaring Hari (2001). Dito natumbok ni Tolentino ang pangangailangang

humiwalay sa mga linear at univocal na pamamahayag, ang pagkakaroon ng

interaktibidad na tinatangkang taglayin ng mga nakasulat na teksto. Nagmimistulang

totoo rin ang isa sa mga binibigyan ng pagdidiin sa mga sanaysay—na ang pasulat na

midyum ang pinaka-“low tech” sa grupo. Low tech ang pasulat na midyum dahil sa ito

ang pinakamababa sa antas ng pagiging konkreto, hinahayaan pa niyang iproseso ng

tagatanggap (ang mambabasa) ang mga salita na posibleng may iba-ibang implikasyon.

Halimbawa, sa pangungusap na “namumukadkad ang bulaklak,” malaking-

malaking puwang ang inilalaan nito sa imahinasyon ng taong makababasa, na posibleng

tingnan bilang isang malaking-malaking puwang din sa hindi pagkakaintindihan. Ang

“bulaklak” para sa isa ay rosas, samantalang “sunflower” naman sa iba. Pipiliting

irasyunalisa ito ng nakabasa sa pamamagitan ng pagsalin ng kanyang sarili sa set ng mga

salitang ito, gagamitin niya ang kanyang sariling karanasan upang ipampuno sa mga

kulang na impormasyon sa binasang pangungusap. Naaalala ko tuloy ang binanggit ng

isang lalaking estudyante sa aming pagsusulit para sa Panitikan ng Pilipinas 19, tungkol

sa pagbabasa niya ng aming readings. Sabi niya, tumigil siya sa pagbabasa noong

umabot na siya sa mga tekstong may kaugnayan sa relasyong lalaki sa lalaki. Paano

kasi’y kapag nagbabasa siya, iniisip niyang siya ang tauhang lalaki sa mga akdang
21

binabasa niya. Inililipat at inilalapat niya ang kanyang sarili sa kumpol-kumpol na mga

salitang bumubuo ng aming readings.

Kung may larawan na kaakibat ang teksto, larawan ng kung sino ang mga bida,

mababawasan na ang pag-extend ng sariling ginagawa sa pasulat na teksto. Ano pa kaya

kung ihanay ang mga larawan at salita bilang mga panel sa komiks, o kaya’y lapatan ng

tugtog, o gawin nang movie version ang nakasulat na kuwento? Sa huli, magwawagi ang

mga hypertextual medium sa antas ng pagiging pinakakokonkreto’t pinakamabilis sa

pagproseso ng impormasyon dahil taglay nito ang lahat ng elementong taglay ng mga

midyum na pasulat hanggang audio-visual, at may malaking potensyal pa ito na pumasok

pa nang mas malalim sa mga pandama dahil sa potensyal nito para sa mataas na lebel ng

interactivity at bilis ng multimedia na presentasyon ng impormasyon.

Sa isang banda, bagaman low-tech daw ay kapansin-pansin naman ang pag-alis ng

pasulat na teksto sa pakiramdam ng urgency o pagmamadali sa pagpoproseso ng mga

impormasyon, hindi tulad ng awit o pelikulang may tiyak na umpisa at katapusan. Totoo

rin na kung bilis ng pagproseso ng impormasyon ang batayan ng ganda, tunay na

magwawagi ang hypertextual medium, dahil sa kapasidad nito para sa simultaneous

multi-tasking at sa pagsasanib ng lahat ng multimedia elements na taglay ng mga midyum

na kasabay niya. Kaya lang, kasabay din nito ang potensyal na panganib sa pagkaputol

ng ugnayan sa tagatanggap at tagalikha ng mga teksto. May posibilidad na sa pagiging

tunay na tiyak, obhetibo, at mabilisan ng anyong ito, magiging malabung-malabo rin ang
22

pagpapasok ng sarili sa mga pinoprosesong impormasyon sa teksto. Ang pagiging

pinakamapagbigay sa usapin ng impomasyon, bilis at dami ng empirical senses/

pandamang tina-target ang isang posibleng dahilan kung bakit sa kasalukuyang mundo,

madaling mainip ang isang tagapakinig o tagapanood sa anumang bagay na hindi niya

nakikitaan ng malinaw at mabilisang silbi o katuturan sa kanyang sariling danas (o, sa

ibang mga sektor tulad ng magsasaka, manggagawa, lumpen, kabataan, kababaihan, at

iba pa).

HYPERTEXT, KASAYSAYAN, KULTURA

Print=Bad/ Hypertextual=Good. Ito ang isang posibleng sintesis ng

paghahambing sa mga umiiral na anyo ng pamamahayag. Parang sumasagot ang

hypertext sa lahat ng kakulangan ng isang print-based system, isang sistemang may tiyak

na sentro ng kontrol at may malaking posibilidad para sa pagsusulong ng makasariling

interes.

Nabanggit na sa unang bahagi ang pagpasok ng mga unang makinang-palimbagan

at ang implikasyon nito sa produksyon ng mga kahulugan. Dahil sa mga prayle ang may

hawak ng mga makina, natural na hindi sila maglalabas ng mga babasahing tutuligsa sa

kanilang mga pamamalakad. Noong naitayo ang mga unang pampublikong paaralan,

nagkaroon ng mga textbuk na siyang naglaman ng mga “lehitimong” anyo ng panitikan,


23

kasabay ng pagtatayo ng ilan pang mga “lehitimong” espasyo, tulad ng unang closed

theater system, kung saan lahat ng ipinapalabas sa loob ang siyang “lehitimo” at “tunay”

na teatro. Lahat ng mga nasa labas ng pahina at espasyong ito ay hindi na tinitingnan

bilang panitikan. Kaya naman ang mga pre-kolonyal na anyo ng malikhaing

pamamahayag—mga anyong oral, walang konsepto ng paglalagay ng sariling pangalan o

tatak sa anumang akdang naisasagawa, nagbabagu-bago at may luwag sa pagdaragdag at

pagbabawas, at bahagi ng araw-araw na pamumuhay—ay napalitan ng mga tekstong ang

mga pangunahing layunin ay isulong ang kaluwalhatian ng kanilang mga pananakop

(Fernandez, 1996). Sa loob ng matagal na panahon, naihiwalay sa araw-araw na

pagdanas ang panitikan at ito’y nagbago patungo sa isang disiplinang required upang

magkamit ng mga kasanayang magbibigay ng mga administratibong posisyon, kasabay

pa ng pagtuturo ng mga kaalamang nagsisilbi sa mga kolonisadorxi. Ang ganitong

oryentasyon din ang posibleng dahilan kung bakit may pananamlay ng interes sa

panitikan, partikular na sa pagbabasa ng mga akdang nakalagay sa libroxii.

Ang hypertext din ang pinakarurok ng tinatawag ni Jenkins na participatory

culture (2008). Sa kulturang pinangungunahan ng isang interaktibong anyo, may

pagbibigay-diin sa halaga ng tagatanggap bilang tagalikha rin. Hindi na lamang simpleng

tagapanood o tagabasa ang odyens, may kalayaan siyang bumuo ng kanyang sariling mga

pagpapakahulugan. Makikita ito sa pagsasagawa ng nitpicking (Jenkins, 2007), isang

gawaing tinalakay din ni Jenkins sa kanyang Weblog, na tumutukoy sa mga

pagkakataong hinihimay ng tagapanood ang kanyang palabas dahil sa nakukulangan siya


24

o nasosobrahan dito. Halimbawa'y ang paghihimay sa mga palabas na remake tulad ng

Marimar (Bernal, 2007) at Zaido (Zapata, 2007). Ang mga nakapanood ng orihinal na

palabas ay may mga detalyeng makikita o hindi makikita sa remake at mahuhusgahan

nila ang pagiging maganda o pangit na palabas base rito. Ilan pang bakas ng

partisipatoryong kulturang ito ay ang pagkakaroon ng mga palabas na umaasa sa text-

voting, ang mga babasahing tulad ng Choose Your Own Adventure (Bantam Dell

Publishing Group, 1979-1998 )xiii, at mga programang alam na may nanonood sa kanila't

“nakikipag-usap” pa sa mga tagapanood (tulad ng mga pambatang palabas na Dora the

Explorer at Blue's Cluesxiv).

Makikita rin ang impluwensya ng sistemang hypertext sa kung paano binubuo ang

isang palabas. Ang dating mga maiksing bilang ng episodo sa isang serye ay mapapalitan

ng daan-daang episodong tila walang katapusan, tulad ng mga Anime na Naruto (Date,

2002) at Bleach (Abe, 2004). Gumagawa ng paraan ang mga manunulat at producer na

dumisenyo ng palabas na may dinamikong cast, pwedeng palit-palitan ang artista nang

hindi nagbabago ang daloy ng kuwento, halimbawa'y ang seryeng Lost (Bender, 2004),

kung saan ang premise ay may eroplanong bumagsak sa isla at ang mga bida'y ang mga

nakaligtas sa bumagsak na eroplano, kaya kahit may mawalang artista ay maaaring

magpasok ng bago at sabihing isa pa ito sa pasaherong hindi agad nakita; presinto naman

ang tagpo ng seryeng Oz (Fontana, 1997), kaya napakadaling magpasok at mag-alis ng

mga artista dahil sa kalikasan ng institusyong ginawang paksa. Sa lokal na palabas,

mapapansin ang pagpasok ng mga production number na mahabang-mahaba at tila hindi


25

natatapos—sikat na sikat para sa ganitong katangian ang mga programang SOP (1997)xv

at ang ASAP (Manahan, 1995)xvi. At matagal-tagal na rin namang natatalakay ang pag-

usbong ng napakaraming mga bagay na mabilisan at “instant”—mga mabilisang

pantawid-gutom, mga mabilisang micro-vacationxvii, mga instant salon na hindi na

kailangan pang maligo ni maghugas ng buhok, at iba pang mga katulad na produkto.

Posibleng kainggitan ang hypertextual medium dahil sa taglay nitong katangiang

borderless. Ngunit kung totoong malaya ito, bakit lumabas noong Setyembre 2007 ang

balita tungkol sa pagpapahuli sa Web Master ng Website na boybastos.com (Eder, 2007),

isang online forum ng mga taong mahilig sa mga biro at usapang sex? At bakit, sa

pagtatatak sa hypertext bilang object-oriented, bakit tinatadtad ng pop-up advertisements

ang ginagamit na Web browser? Bakit pinupuno ng Spam messages ang ating mga E-

mail account? Kung talagang malayang-malaya, bakit may ilang mga online dating

service tulad ng FilipinoFriendFinder.com (Various Inc., 1996) na nagbibigay ng mga

espesyal na pribilehiyo sa mga taong may sapat na pambayad para sa Gold at Silver

membership, samantalang pinipigilan namang pumasok sa ilang chatrooms ang mga

kasaping nasa free membership lamang? Maraming pagkakataon na ring nag-click ang

isang Internet User sa isang hyperlink at dinala siya sa isang window na may mensaheng

“the page cannot be displayed,” isang teknikal na pagtatapos ng “walang katapusang”

metadokumento. Ang mga anomalyang ito'y kumukuwestiyon sa teknikal na integridad

ng isang hypertextual medium, na magdudulot ng duda sa mga kultural na implikasyon

nito.
26

HYPERTEXT, CYBERPUNK, PAGSUSULAT

Sa librong A History of Webcomics (Campbell, 2006), tinalakay ang pagpasok ng

comics na ina-upload sa Internet bilang mga anyong tumutugon sa limitasyon sa

pagpapalimbag ng comics na print-based. Dahil sa hypertextual na kalikasan ng Internet,

nakagamit ng multimedia elements ang maraming Webcomics upang bigyan ng boses ang

mga isyung hindi napapansin daw sa mainstream media. Paborito nilang paksa ang

pagtuligsa sa patriyarkiya at sexismo, buhay computer-geek, at pagkalaban sa

komersyalisasyon ng mga espasyo ng pamamahayag at muling pang-aagaw ng mga

elitistang grupo sa espasyo ng Internet, isang espasyong dapat sana'y libre para sa lahat.

Nasa ibaba ang unang isyu ng Nerdcore (2004):

3. Unang isyu ng Nerdcore, mula sa


http://www.piratejesus.com/nerdcore/001.html
27

Ang Argon Zark (Bjordahl, 1995) naman ay nagpapahayag sa parehong

sentimiyento. Sa larawan, binabagtas ni Argon at ng kanyang kapareha ang mundo ng

Cyberspace, kung saan pinupuna niya ang dami ng mga profit-oriented Website:

4. Panel # 60 ng Argon Zark, mula sa http://www.zark.com/pages2/az60.html

Sa artikulong Cyberpunk (Elmer-DeWitt, 1997), hinimay ang terminong

Cyberpunk mula sa pagiging terminong ginagamit bilang pantukoy sa grupo ng 1980's

Science Fiction writers, papunta sa grupo ng mga taong may kaalaman at kamalayan sa

hypertext, at naglalayong gamitin ang potensyal nito patungo sa pagsasalibre ng

impormasyon para sa nakararami. Kasama rin sa prinsipyo ng Cyberpunk ang


28

pagsusulong ng desentralisasyon, pagtatangkang lubusin ang anumang nakahaing

teknolohiya sa pagpapalaya, at ang patuloy na pag-aaral at pag-iimbestiga sa mga bagong

anyo at kaalaman upang manatiling mga makabuluhang elemento ng pagbabago sa mga

sistemang may pagkiling sa kakaunting grupo ng tao lamang.

Nakatutuwang sa gitna ng pag-usbong ng maraming identidad, ng kawalan ng

mga harang, ng posibilidad sa makaindibidwal at paloob na klase ng pag-iisip, may pag-

asa sa hypertextual medium, kung handa lamang ang gumagamit na magtakda ng mga

layuning bagaman ituturing bilang kahon din ay kahong may linyang nakadirekta sa

interes ng nakararami. Dito na pumapasok ang pagsingit ng mga paksang may

kaugnayan sa mga panlipunang tunggalian. Isa itong malaking hamon, lalo pa't ang

mismong anyong ginagalawan ay nagtatalo sa mga puwersang kolektibo at pang-

indibidwal, at ang taong gumagamit ng hypertextual na anyong ito'y posibleng mahati rin

sa mga puwersang personal at pulitikal, akademiko, popular at anti-popular.

Noong una kong nadiskubre ang mga pag-aaral sa hypertext at naipagkabit-kabit

ito sa kultura ng pagpapalimbag, ng pagbabasa't pagtangkilik sa panitikan, parang may

malaking bombilyang nagsindi sa aking tuktok. “Oo nga ano! Totoo nga!” Parang

ganito ang nasabi ko sa aking sarili. Parang ang hypertext-based na anyo ang magbabalik

sa malaya at mapagpalayang oral na tradisyong posibleng nasasagilid na sa kasalukuyan.

Hindi ko minasama ang pagiging dayuhang anyo nito, lalo pa't nadiskubre kong sa

kasaysayan natin ay marami ang gumamit ng dayuhang anyo ng pamamahayag upang


29

maglabas ng mga makabayang sentimiyento. Naaalala ko ang unang pagbabasa ko ng

Dasalan at Tocsohan (Del Pilar, 1888), isang mapang-uyam na paglalaro sa konsepto ng

dasal ng Espanyol, na itinago bilang mga maliit na prayer book/ pamphlet (Agoncillo at

Guerrero, 1977); naaalala ko si Balagtas, at kung paano niya binago sa Florante at Laura

(1838) ang mga romantikong kumbensyon ng anyong pinaghalawan, partikular ang

pagiging kaibigan ng mga Morong sina Aladin at Flerida kina Laura at Florante, at ang

hindi nila pagpapabinyag bilang Katolikoxviii; si Rizal din, na ipinamalas ang kanyang

mga pagmumunimuni sa papel ng intelehensiya at ng armadong pakikibaka sa mga

nobelang Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), mga nobelang hindi

naman sa Filipino unang naisulat pero hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ang

mga panlipunang bigat at implikasyon; ang buhay ng mga manggagawa at rebelde sa mga

akda sa wikang Ingles ni Manuel Arguilla (1940), na nagsimula muna sa mga kuwentong

pinagbibidahan ng mga dalagang may malalaking suso. May puwang ang ating

kasaysayan sa paggamit ng dayuhang anyo bilang subersyon, ano't maiiba ang

hypertextual na anyo?

Nirekomenda ng kaibigang si Adam David, isang manunulat na nag-

eeksperimento sa mga hypertextual na pag-akda at iba pang alternatibong pagkatha

(2006) ang aklat na Hamlet on the Holodeck ni Janet H. Murray, at tinalakay sa aklat ang

posibilidad ng integrasyon ng panitikan at agham sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga

pasulat na teksto sa mga anyong hypertextual tulad ng hypertext fiction at games (1997).

Kasabay nito’y “ipinabasa” niya ang nalikhang mga naratibong nakalapat sa hypertextual
30

medium, ang Project Crumbs (David at Endaya, 2002). Ang marami sa naratibo’y

tumatalakay sa buhay ng tagalungsod at hyperlinked ang halos lahat ng entries. Kaya

kapag binasa, parang walang katapusan dahil sa patuloy itong nag-uugnay sa iba pang

mga kuwento. Parang isang buhay na halimbawa ng intertextuality ang mga naratibong

ito.

5. Detail ng Magnetic Prose Section ng Project Crumbs, mula sa


http://indira.exultrade.com/crumbs/version1.0/magnets/index.htm
31

6. Detail ng Magnetic Prose Section ng Project Crumbs, mula sa


http://indira.exultrade.com/crumbs/version1.0/magnets/index.htm

Ang window na nasa itaas (unang larawan) ay binubuo ng mga maliit na

pangungusap, na pag na-click ay magbubukas sa mga maliit na kuwento (ikalawang

larawan). Maaari ring galawin ang mga pangungusap upang makabuo ng sariling

kuwento.

Naiisip ko ang mga kuwentong print-based na nabasa ko at naiisip kong may

impluwensya ito ng panahong lubog sa hypertext. Kung hindi man, may potensyal silang

maimapa sa mga anyong may kaugnayan dito. Magandang gamitin ang talinghaga ng

pagbasa ng isang hard disk o optical drive upang maakses ang anumang klase ng
32

impormasyon—binabasa ngunit hindi direktang nahahawakan, konektado na hindi, may

ugnayan kahit hindi pisikal.

Ganito ang ilan sa mga non-linear na nobelang tulad ng Mr. Palomar (Calvino,

1983) at Castle of Crossed Destinies (Calvino, 1977). Sa Mr. Palomar, tinatangkang

bilangin, gawing tiyak, napanghahawakan o isakonkreto ng bida ang mga bagay na

mahirap panghawakan o hindi binibilang ng “karaniwang” tao: dami ng alon, damo o

buhangin; ang harang ng pagiging lalaki o babae; ang halaga ng buhay. Sa Castle of

Crossed Destinies, nagkita-kita sa isang palasyo ang iba't ibang tauhan mula sa iba't

ibang sulok ng mundo. Nawala ng kakayahan ang mga tauhang magsalita, habang ang

isang tagapagsalaysay na may hawak na tarot cards ang humahabi ng kanilang mga

kuwentong-buhay mula sa pagbibigay ng kahulugan sa inilalatag na mga baraha.

Sa maikling kuwentong Rashomon (Akutagawa, 1915), nabubuhay ang mga

tauhang may kanya-kanyang bersyon ng katotohanan, at kanya-kanyang pagkuwestyon sa

kung ano ang tinatawag na “realidad.” Hindi mahuli ang salarin sa isang pagpatay dahil

sa bawat saksi ay may magkakaibang salaysay; hinagilap ng isang sundalo ang

pinakamasarap na minatamis na kamote, at nang matagpuan ito sa isang nayon ay

naumay siya sa dami ng matamis na pagkain; ninakawan ng isang manlalakbay ang

babaeng nagnanakaw ng buhok mula sa libingan ng mga sundalo upang gawing peluka;

pinatay ng taong-bayan ang isang ulilang nanggahasa at nakabuntis raw ng isang babae,

pagkatapos ay madidiskubre nilang ang pinagbibintangan nila ay babae rin.


33

Sa mga kuwento ni Haruki Murakami, o sa mga kuwento niyang nabasa ko,

naglalakbay ang mga tauhan sa mga mundong mahirap tantiyahin kung nasa mundo ba

ng mga gising o mundo ng mga nananaginip. Mahirap mapaghiwalay ang “totoo” sa

“hindi totoo,” habang hinahanap ng mga tauhan ang solusyon sa mga hindi

maipaliwanag na pagnanasang bumiyahe (Murakami, 2000), o sa di maipaliwanag na

gutom, o sa paghahanap ng mga nawawalang pusa o naglalahong elepante, o sa

kakaibang sakit ng damdamin sa pangungulila sa 100% perfect partner (Murakami,

1993).

Sinubok ng mga kuwentong “Mga Kuwentong Kapos” (Reyes, 1981),

“Horoscope” (Guieb, 1999) at marami sa mga kuwento ni Rolando Tolentino tulad ng

“Fastfood” (1999) at ng “Sa Kanto ng Annapolis at Aurora” (1993), ang aking kakayahan

sa pagproseso ng mga salaysay na tagpi-tagpi, mga kuwentong parang hindi kuwento. Sa

pagkatuto sa mga konseptong kaugnay ng hypertext, nae-excite akong magmapa ng mga

kuwentong gaya ng kanilang mga naisulat, ilapat sa isang digital na anyo, at abangan ang

reaksyon ng mga mambabasa. Sino sa labindalawang Zodiac Sign ang susundan nila?

Anong depinisyon ng mga linyang Fastfood ang dapat nilang paniwalaan? Kung may

pagkakataon ang tagabasang punuan ang mga patlang na iniwan sa ilang mga kuwentong

nabanggit, anong bersyon ng kuwento ang kanilang isusulat?

Kapag inuulit-ulit kong basahin ang kuwentong “Ang Lohika ng mga Bula ng

Sabon” (Cleto, 1991), naaalala ko ang Webcomics na The Right Number (McCloud,
34

2003), naiisip kong pwede ring lapatan ng parehong estilo sa pagkukuwento ni McCloud

ang kuwento ni Cleto. Maaaring gumamit ng mga panel na patuloy na nagzu-zoom in sa

loob ng bawat isa upang maipakita ang pagpasok din sa “pagkabaliw” ng isang persona:

7. Screen Capture ng The Right Number ni McCloud, mula sa http://www.scottmccloud.com/comics2/trn/

Naiisip ko ang malaking potensyal ng pag-akda ng mga bagong kuwento sa

panahong maraming bagong teknolohiya ang nasa aking mga kamay. Pero maraming

pagbabantulot, dahil kinikilala ko hindi lamang ang kakayahan kundi ang limitasyon ng

bawat kultural na tekstong tinatalakay; kinikilala ko ang mga tunggaliang panloob at

panlabas na palaging tinitimbang sa pagbuo ng aking mga kuwento; kinilala ko na may

mga bahagi ng konstruksyon ko bilang akademista, manunulat at Pilipino na hindi ko pa

maiiwanan o maaalpasan, pero hindi masamang imbestigahan at tangkaing basagin para

sa kapakanan ng artikulasyon ng mga usaping panlipunang madalas ay hindi napapaboran


35

sa terrain ng akademya, kulturang popular, sa mundo ng print at maging sa mundo ng

hypertext.

PAGPAPAKA-HYPER SA ISANG LOW-TECH, PRINT-BASED NA DOMINASYON

Ihinaharap ko ang proyektong ito bilang isang personal na proyekto, at isang

kahingian upang makatapos ako ng aking kursong masterado. Sa ganitong pagtingin,

maraming-marami nang mahuhugot na implikasyon ang sinumang babasa rito.

Nagsasalita ako tungkol sa halaga at potensyal ng hypertext, pero sinasabi ko ring

ito ang isang posibleng sanhi ng pagiging mainipin at materyalistiko ng maraming tao.

Sinasabi kong makatutulong sa isang manunulat o artista ang kumawala sa mga pagkiling

at pagkakahon ng isang print-based na sensibilidad, pero isinasapraktika ko ang mga

impluwensya nito—paglalagay ng sariling tatak (pangalan ko) upang “mag-angkin” ng

isang teksto; paghingi ng pagsang-ayon mula sa mga kasama sa akademya—mga

potensyal na ahente ng paglilimita; paggamit ng mga taktika sa pagsusulat na sa malaking

porsyento'y natutunan ko rin naman sa mismong institusyong kinakalaban ko.

Tinatangka kong maging mapagpalaya, magbigay ng boses sa mga sektor na hindi

nabibigyan ng tinig, nang may pagkabatid na anumang teksto ang kathain ko sa ngayon,

gaano man kaluwag sa usapin ng puwang at eksperimentasyon, ay magtatakda ng mga


36

harang. Masusukuban nito ang kung anuman ang kayang maabot ng aking imahinasyon,

karanasan, sensibilidad. Lilitaw ang aking mga pagkukulang, ang aking mga pagkahilaw,

ang aking mga hindi naiintindihan. Gusto kong maging malaya ang tagabasa sa

pagbibigay ng kanilang mga nais na kathaing kahulugan, pero ayokong umabot sa

puntong magmumukhang pinapabayaan ko na rin ang aking responsibilidad bilang

tagakatha ng kahulugan. Gusto kong maniwala at hindi maniwala sa aking sinasabi ang

aking mga mambabasa. Gusto kong magsulat sila ng sarili nilang mga kuwento, kahit na

alam kong baka mainis o mainggit ako sa mga tekstong kakathain nila. Gusto kong

matalinuhan sa akin ang mambabasa, pero kasabay nito ay ayoko ring magmukhang

sobrang nagmamatalino.

Siguro, ang mga nag-aangkla sa akin upang ipagpatuloy ang proyektong ito, sa

gitna ng pagtatalo ng aking mga iba't ibang persona't impluwensya, ay ang pinakadalisay

na pagnanasang kumatha. Ang paniniwala na may magagawa ang mga ideya, sa gitna ng

napakaraming nailuluwal na mga bagong ahente ng pamamahayag. Naniniwala akong

habang tinitimbang natin ang pinakaangkop na paraan ng pagsasaboses ng mga isyung

panlipunan, patuloy na umaandar ang panahon. Hindi maghihintay sa atin ang mga

suliranin ng bansa, ng ating mga kababayan, patuloy silang aandar kahit hindi tayo

kumatha. Ayokong lumipas ang panahon at mapagbintangang hindi ko ginamit ang mga

armas na kaya kong gamitin upang magtangkang magbigay ng boses, upang

magtangkang magpasok ng pagbabago sa mga sistemang natimbang ko bilang

mapanupil.
37

Nagkakaroon na ba ng paradigm shift mula nakalimbag patungong hypertextual?

Posible. Dapat bang ibasura ang naunang anyo sa pagpasok ng bago? Hindi sa lahat ng

oras. Bakit hindi hanapin ang balanse? Bakit hindi subukang gamitin kung ano ang

tinataya bilang pinakaangkop? Siguro'y dito magandang tapusin ang mga pagbabantulot,

sa pagkilala at pagdiin na may magagawa ang ating pagsusulat, at bahagi ito ng

napakaraming mga pagkilos. Sinisikap at sisikapin kong hanapin ang pinakaepektibong

paraan ng pagkatha, habang ipinagpapatuloy ang mga gawaing itinuturing ko bilang

mapagpalaya, mapa-geek, estudyante, o guro man ako. Pipilitin kong maging hindi

makasarili kahit gumagalaw ako sa mga espasyong ito ang ituturo bilang pinakamadaling

lusot.

ANG MGA HYPER-KUWENTO

Ano ang pinakapositibong disposisyon sa pagbabalanse ng print-based at

hypertext-based na mga kaalaman?

Nasa mga titik, sa mga “mabagal” na salita, narito ang pinakamalaking paglalaan

ng espasyo para sa sariling paghihiraya, sa pag-extend ng sarili papunta sa teksto. Ang

hypertextual, bagaman posibleng umaandar sa paglulusaw ng napakaraming mga

kinikilalang harang, ay isang sistemang may mga butas din, may mga harang at kahon.

Maaari, sa pagtatangkang batakin ang pasulat na teksto, sa pagiging malay sa mga


38

katangian at limitasyong taglay ng mga kaakibat nitong popular na midyum, maaaring

makagawa ng balanseng naratibo. Naiintindihan ng naratibong ito ang pangangailangang

sumabay at umayon sa mga kultural na implikasyon ng teknolohiya; ito'y mabusisi, sabay

na nag-iimbestiga sa dinamiks ng anyo at nilalaman, handang sumailalim sa mga

eksperimentasyon hanggang sa makuha ang pinakaangkop na paraan ng pamamahayag;

naniniwala ito sa pagbibigay-tinig sa mga sektor na nasasagilid, at sa pagbabalik ng

anumang umiiral na teknolohiya sa masa; may espesyal na paghahanap sa “bago,” ngunit

may konsepto pa rin ng pagbabalik-tanaw; tatangkain nitong baliktarin ang

indibidwalistikong konsepto ng identidad at magtuturo ito ng pagmamapa ng sarili sa

lipunan, kahit pa nasa isang kasalukuyang batbat ng paghihiwa-hiwalay at pagkalusaw;

sapat ang pagbatak sa potensyal nito, na sa panahong kailanganin itong ilapat sa anumang

bagong teknolohikal na sisidlan, nakamit na nito ang pinakamataas na antas ng

kakayahang transpormatibo. Ganito ang antolohiya ng Hyper-kuwento na nais kong

kathain.

Kakatawanin ng koleksyon ang mga imbestigasyon sa pinakilalang bagong

sistema ng pamamahayag, kasama na ang mga personal na duda at pagdadalawang-isip

tungkol sa saysay at implikasyon nito sa pagkatha ng isang lipunang Pilipino.

Pangkalahatang layunin ng proyekto ang makabuo ng mga naratibong (kuwento, akda,

istorya, o anumang tawag) sumusuri at tumatalakay sa isang lipunang Pilipinong

nakalubog sa mundo ng hypertext. Bilang pangkalahatang framework na susundan ng

mga naratibo sa koleksyon, tutugon ang proyekto sa mga anak-anakang layunin tulad ng:
39

1. pagbibigay ng pamilyaridad sa mambabasa tungkol sa konsepto ng hypertext

at mga implikasyon nito;

2. makapaghandog ng isang makatwirang interpretasyon ng kung paano

pinoproseso ng isang Pilipinong tauhan ang mga implikasyong nabanggit

(ano nga bang mga pagbabago ang nararanasan ng isang Pilipino sa

pagkakaroon ng updates sa usapin ng teknolohiya? Sino ba ang

naaapektuhan at sino ang hindi?);

3. sa abot ng makakaya, sa halos lahat ng paiba-ibang aspekto, makabuo ng

mga naratibong taglay ang katangian ng isang hypertext system—accessible,

mabilis/ madali, masaklaw, interaktibo, nakikipag-ugnay sa ibang media at

sining, atbp., o/ at masuri ang mga katangiang ito;

4. dahil sa nagpapakilala ng bagong paradigm, dapat ay makapagpakilala rin ng

mga “bagong” kuwento;

5. mabalanse ang mga “bagong” elemento sa mga gagamiting “lumang”

elemento (kung mayroon man, at mukhang mayroon nga);

6. makabuo ng mga tekstong may pag-uugat sa lipunang Pilipino hindi lamang

ng kasalukuyan kundi ng nakaraan at ng posibleng hinaharap;

7. magkaroon ng mga naratibong may kamalayang panlipunan pa rin (muli,

malaki ang posibilidad na mayroon naman, binibigyan lamang ng diin);

8. maituring ang mga naratibo bilang mga kuwentong naiintindihan,

napapahalagahan at naiuugnay ng mambabasa sa sarili niyang danas

(pagdidiin lamang uli ng ilang mga nabanggit na layunin, pagpapakita


40

lamang ng personal na ambisyon ng manunulat-mananaliksik—na bagaman

tadtad sa teorya ang pagpapakilala’y huwag sanang maging kawangis ang

eksekusyon, ang mismong mga kuwento);

9. gamitin bilang mga instrumento ang mga anyong partikular sa isang

hypertext-based system (blog memes, blogs, drabble makers, fan fiction,

games, atbp.);

10. masiyasat ang mga pagbabago sa kultura at ideyolohiya sa pagpapasok ng

teknolohiyang naka-target sa paglusaw ng mga umiiral na nosyon ng

istruktura at (posible ring) kaayusan.

Ang mga layuning nabanggit ay isasalin sa koleksyon ng mga naratibo na

mahahati sa tatlong bahagi:

I. Ako ang Daigdig

II. Aca-Fan/ Panatiko-Intelektuwal

III. Transtextual

Ako ang Daigdig. Sa bahaging ito tinipon ang mga kuwentong-buhay ng iba't

ibang mga tao. Ang mga kuwentong buhay na ito'y maiiksi, 100-300 salita, at sumasagot

sa tatlong tanong:

1. Sino ka;

2. Sino/ kanino ka nakaugnay/ nakikiugnay;

3. Sa anong mundo ka umiiral.


41

Nagsilbing inspirasyon ang tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro Abadilla

(1955) sa pagtipon ng mga kuwentong-buhay na ito. Gusto kong muling idiin ang

sentimiyento ng pinaghugutang tula—na ang tao'y bahagi ng daigdig, at ang daigdig ay

bahagi ng taong nagluluwal ng mga teksto. Kasabay nito, gusto kong ibalik ang

pakiramdam ng komunidad sa espasyo ng thesis na ito, kaya naman pati espasyo ng

pagkatha ay ilalaan sa mga taong maaabot ng kampanya (sinimulan ang panawagan sa

pamamagitan ng E-mail lamang). Ibig sabihin, sa mismong anyo’y ipapakita sa bahagi

ito ng thesis na ang pagkatha’y maaaring tingnan bilang pag-aalis-pagbabalik-pagsisira-

pagbubuo ng mga sentro, na nagtatalo ang iba’t ibang mga salaysay na isinisiksik natin sa

ating mga papel bilang mga tula, kuwento, o anumang klase ng akda. Hindi lilinawin

kung kathang-isip o base sa aktuwal na karanasan ang mga ibinigay na salaysay. Hindi

rin ibibigay ang tunay na pangalan ng nag-ambag, maliban kung isinulat nila ito. Habang

may kakayahang tumayo nang mag-isa ang mga salaysay na ito, ginamit ko rin ang

karamihan dito bilang inspirasyon sa iba pang mga bahagi ng proyekto.

Ilalapat ang bahaging ito sa anyong digital, tulad ng iba pang mga kuwento.

Magkakaroon siya ng espesyal na interface kung saan ang bawat kuwentong-buhay ay

sumusulpot sa isang random na sequence. Random, upang lalong mailarawan sa mas

lantad na paraan ang pagiging sala-salabat ng ating mga kanya-kanyang salaysay,

kasabay ng pag-iiba-iba ng antas ng halaga o prayoridad sa mga salaysay na ito.

Magkakaroon din ng espasyo ang tagabasa na mag-ambag ng sariling kuwentong-buhay.

Inaasahang magiging dire-diretso ang pagdaragdag ng mga kuwento, na siyang


42

mangangahulugang pagdagdag din ng mga akda sa iba pang bahagi ng thesis.

Mabubuhay ang mga salaysay na ito nang lampas pa sa mga kuwentong-buhay na

maikukulong sa mga papel ng thesis na ito.

Aca-Fan/ Panatiko-Intelektuwal. Fan Fiction naman ang inspirasyon at

instrumento sa bahaging ito. Mga naratibong hinugot mula sa mga umiiral nang popular

na teksto. Isa itong mahusay na paglalapat ng konsepto ng Aca-Fan na nabanggit sa

unang bahagi, isang manipestasyon ng tekstong nagsimula bilang mga bagay-bagay na

nagdulot ng anumang espesyal na bigat sa karanasan ng isang tao—posibleng dahil sa ito

ang kinalikahang paboritong libro, o palabas sa TV, o kantang pinapakinggan sa radyo—

at nang umabot sa yugto ng pag-aaral ay nadiskubreng may potensyal pa ang mga

tekstong ito para sa mga akademikong (at posible ring panlipunang) pagsusuri at

diskusyon.

Parang espadang may magkabilang patalim ang ganitong anyo. Dahil sa

paghugot sa mga elementong kilala na at nakasanayan ng maraming tao, may malaking

potensyal na dumami ang tagabasa ng kuwento. Halimbawa, kung magsusulat ang

sinumang manunulat ng mga tula o kuwentong base sa mga kanta ng bandang

Eraserheadsxix, may malaking potensyal na basahin ito ng mga taong lumaki sa panahong

naging sikat ang bandang ito. May posibilidad na mabasag na ng mga akdang nakabase

sa nabanggit na pop icon ang inisyal na harang na nararanasan ng mga manunulat—ang

harang ng paghatak sa mailap na atensyon ng kanyang mambabasa. Sa kabilang banda,


43

dahil nga sa hinugot sa mga popular na anyo, maaaring tingnan ito bilang kawalan ng

orihinalidad—isang katangiang hinahanap kapag nagwo-workshop ng mga malikhaing

akda. Kapag hindi nakagawa ng isang piyesang orihinal, mas malaki ang posibilidad na

tingnan ang piyesa bilang “pangit,” “mababa,” o “latak.”

Ngayon, bakit tatahakin ang isang anyong naglalaro sa linya ng pagiging

nakaaaliw at pagiging di-orihinal? Sapagkat para sa akin at sa iba pang nag-aaral ng

anyong ito, may potensyal ng pagpapalaya ang fan fiction. Umiigpaw ito sa parehong

pampanitikan at popular na canon: hindi ito sumusunod sa itinatakdang pamantayan ng

producers sa usapin ng nililikhang panahon, tauhan, problematisasyon, at resolusyon para

sa mga tagatangkilik ng nililikhang palabas. Ibig sabihin, maaaring lumikha ng mga

bagong timeline, sitwasyon, at relasyon ang mga dating tagapanood lamang ng palabas.

Binabasag ang inisyal na pagtingin sa fans ng isang popular na palabas bilang isang

tatanga-tangang tagatanggap lamang, mga nilalang na walang ibang kayang gawin kundi

ang kainin ang anumang ipinakakain sa kanila ng mga higanteng korporasyon ng mass

media (Jenkins 1992)xx.

Samantala, lumalabas ang fan fiction sa mga naitakdang pamantayan ng

“literariness” sa akademya. Inherent sa anyong ito ang pagtunggali, ang “resistance,”

dahil na rin sa ang premise ng anyong ito’y paglusong sa mga posibilidad na hinding-

hindi lulusungin ng mga tagapaglikha ng mga popular na palabas na ito, dahil sa ilang

mga “mas mahalagang konsiderasyon,” tulad ng pagbawi ng puhunan sa pamamagitan ng


44

paggamit ng mga nakapormula nang tauhan at plot points. Pinakamatingkad ang

pagtunggali sa pagsasagawa ng mga relasyon ng iba’t ibang mga bidang tauhan. Sa iba’t

ibang fansites at discussion boards sa Internet, ibinabahagi ang mga titik at larawan ng

mga heterosexual na bidang tauhan, mga tauhang may taglay na kakaibang pisikal na

lakas at kagila-gilalas na makaligtas-mundong kapangyarihan, na nasa magkakaibang

antas ng relasyong homosexual. At kung susuriin ito sa espasyo ng akademya, maaari

itong basahin bilang isang anyo ng pagbaligtad sa mga nakasanayang kahulugan, ang

pagpapakilala na may espasyo sa ating kamalayan ang mga tauhang may kahanga-

hangang lakas at mga katangian, at kasabay nito’y kinikilala ang sarili bilang bahagi ng

isang sexual orientation o preference na mas madalas tinitingnan bilang “mahina,”

“katawa-tawa” o “mali.”

Nilapatan ng reimbensyon ang fan fiction sa thesis na ito. Mula sa mas madalas

na taktikang ginagamit sa paghabi ng ganitong genre—ang pagkukuwento ng mga

salaysay ng romansa at pakikipagtalik sa pagitan ng mga popular na tauhan, ipinasok sa

thesis na ito ang mga kuwentong nasa antas ng pagtalakay sa mga usaping hindi lamang

sakop ng sexualidad, kundi ng mga tunggalian ng uri at usaping panlahi. Na, kung

paniniwalaan ang konsepto ng Aca-Fan, ay may malaking posibilidad lalo na sa ginamit

na batis—ang ilang sikat na Anime series na pumapaksa sa mga isyu ng korupsyon, gera,

pananakop, pag-unlad laban sa pag-atras, at walang kamatayang pag-asa sa gitna ng mga

napakalaking balakid.
45

Pinili bilang mga panimulang materyal ang mga sikat na Anime series na Card

Captor Sakura (Asaka, 1998), kung saan halos lahat ng anim na salitang kuwento'y

hinugot mula sa mga isinumiteng kuwentong-buhay sa “Ako ang Daigdig,” ang unang

bahagi ng thesis; B'T X (Hamatsu, 1996), at pinaglaruan naman ang relasyon ng imahen

ng tao sa imahen ng makina; Full Metal Alchemist (Mizushima, 2003), na ipinasok sa

konteksto ng pulitika sa loob ng isang akademikong institusyon; Magic Knight Rayearth

(Hirano, 1994), ang hindi nababanggit na tunggalian ng sex, kasarian at seksuwalidad; at

Yu Yu Hakusho (Abe, 1992), na pinagbasehan ng huling kuwento sa bahaging ito ng

koleksyon. Naniniwala akong ikatutuwa ng mga mambabasa ang pagbibigay-pugay sa

mga sikat na palabas na nabanggit, at umaasa akong makatutulong ang paglalapat ng

salik ng “aliw” na ito sa pagproseso ng mga pamilyar na (minsan ay itatrato na bilang

palasak) na hinaing ng lipunang Pilipino.

Ang aking kuwentong “Pulang Rosas para kay Dennis,” bukod sa paggamit sa

tauhang si Dennis/Kurama mula sa seryeng Yu Yu Hakusho (Abe, 1992), ay naglapat ng

mga taktika sa pagkukuwentong nakuha mula sa lumang akdang Red Roses for Rebo

(Guerrero, 1987). Ito'y isang akdang may espesyal na halagang malikhain, sentimental at

pulitikal sa akin, at una itong naipakilala sa pag-sit in ko sa MP 110 class ni Prop. Reuel

Aguila noong 2001.

Transtextual. Bukod sa Aca-Fan at Participatory Culture, ginagamit din ni

Henry Jenkins ang terminong transmedia (2007). Pumapatungkol ito sa mga naratibong
46

tumatalon mula sa isang platform patungo sa iba pa. Hindi lamang ito simpleng

adaptasyon ng istorya kundi pagpapatuloy ng mga salaysay na napipigilan o hindi

naisalaysay sa naunang sisidlan nito.

Sa tulong ng mga digital na likhang-sining ni Piya Constantino, at sa paglalapat

ng mga grapikong elemento’t mga titik sa anyong flash-based sa tulong naman ni Om

Narayan Velasco, magiging mas malinaw sa tagabasa ng koleksyong ito ang direksyong

nais nitong tahakin. Habang kinukuwestyon din mismo ng koleksyon ang limitasyon ng

masyadong lantad na multimedia presentation, tinatangka pa rin nitong ilatag ang mga

limitasyong ito sa midyum na mismong sinusuri (at minsan ay tinutuligsa rin) ng

proyekto. Dito lulubus-lubusin ang paghaharap sa mga positibo at negatibong kakayahan

ng isang interactive, hypertextual na anyo.

Binabasag ng ilan sa mga kuwentong ito ang mga harang ng linearity—isang

manipestasyon ng pagkakaroon ng mga harang at hirarkiya—habang idinidiin pa rin ang

pagnanais ng isang nilalang na magkaroon ng koneksyon o saysay sa mundong

ginagalawan niya. May mga naratibong parang hindi naratibo, mas umaandar sa

pagpapakita ng mga imahen, sa paghihimay ng mga eksena, sa paglalaro sa mga anyo

patungo sa imbestigasyon ng mga “ibig sabihin.” Ang kuwentong “Sa Kanto ng

Makabud at Mangga, may Eskuwela,” halimbawa, ay umaandar sa mga tauhang parang

magkakahiwalay kahit na pinagtatahi-tahi naman ng kani-kanilang mga bersyon ng

katotohanan, katotohanang pinalalabo o pinalilinaw ng libog; ang “Lunes, Alas-diyes ng


47

Umaga” at ang “Abot-talampakan ang mga Bituin sa Cagbalete” naman ay may

magkaibang atake sa pagsusuri ng parehong usapin—ang isyu ng relasyon ng tao sa

kanyang mundong batbat ng teknolohiya, at ang epekto ng unti-unting pagkawala ng

control dito; mambubugbog sa napakaraming mga popular na imahen ang “Patayin sa

Indak si Anastasha” habang ikinukuwento ang kuwento ng romansang hinaluan ng isang

karaniwang science-fiction plot—ang pagsakop ng alien body snatchers—at paghahalong

muli nito sa kontraktuwalisasyon at kawalan ng identidad; tinatangka namang pag-

eksperimentuhan ng mga maiiksing salaysay sa “Maiksi ang Aking Pasensya” ang

potensyal ng paghihimay ng iba’t ibang katotohanan sa pagkatha, sa interpretasyon, sa

pagsasapraktika.

Malay ang mga naratibong ito sa mga kakayahan at limitasyon ng mga umiiral na

anyo ng pagkukuwento, malay sa halaga at di-pagpapahalaga sa anyo ng pagsusulat

mismo, kumukuwestyon ito sa mga kinikilalang bakas ng pagiging normal, maayos,

karaniwan. Ito'y mga kuwentong magkakaroon ng ibang timpla sa paglapat sa kanilang

hypertextual na pagpapatuloy.

ANG TAO AT ANG MEMORYA

May bago akong kinahuhumalingang palabas, ang Kyle XY (2006). Si Kyle ay

isang taong genetically-engineered, at sa loob ng labing-anim na taon ay pinalaki siya sa


48

isang mala-bath tub na sisidlan. Dahil sa matagal na gestation period, naging lubos ang

paglaki at paggana ng kanyang utak. Nakagagawa siya ng mga superhuman na gawain

tulad ng pagtalon mula sa mataas na mga gusali, pagpasok sa nag-aapoy na bahay,

pagbubuhat ng mga sementong sampung beses na mas mabigat sa kanya, bukod pa sa

paglutas ng mga pinakakumplikadong mathematical problem. Ginawa si Kyle upang

magamit ang kanyang utak bilang isang supercomputer.

Higit sa ano pang abilidad na taglay ng bidang ito, pinakainteresante ang

kapasidad ng kanyang memorya. Lagpas pa sa pinakamalaking hard disk ang kanyang

kakayahang magtago at magbalik-tanaw sa impormasyong tumatak sa nakalipas. Sa loob

ng ilang segundo, gamit ang kanyang holographic memory ability, nagagawa ni Kyle na

mamasyal sa mga bakas ng alaalang humulma sa kanyang kasalukuyan.

Ganito ang aking nakikitang direksyon ng proyektong ito. Sa panahong

ipinapangalandakan ang walang hangganang kasalukuyan, ang panahong walang umpisa,

gitna at wakas, sa panahong ang pinakamahabang nobela'y alikabok na lamang sa

napakalaking elektronikong gunita, mas lalong matindi ang pangangailangang umaalala

at maging bahagi ng panlipunang alaala. Ang pagmamapa ng sarili, ang pagsasatinig ng

mga sektor na nilulunod ng bilis at dami ng hyper-reality immersed na mundo, dito

nakasalalay ang pagiging mapagpalaya ng pag-akda sa panahon ng hypertext.


49

MGA NOTA
i
Yahoo Messenger, isang instant messaging application ng kompanyang Yahoo.
ii
Ang FHM, Playboy, Chika-chika, at Playgirl ay mga babasahing gumagamit ng imahen ng sex bilang
pambenta sa kanilang target audience. Ang FHM (Verlagsgruppe, 1985) at Playboy (Hefner, 1953) ay
nakadirekta isang lalaking heterosexual na tagabasa, samantalang ang Chika-chika (walang tala) at Playgirl
(Caldwell, 1973) ay sa heterosexual na babae o/ at sa homosexual na lalaki (na pinatutunayan ng mga
eksena ng parehong lalaking nagtatalik sa anyo ng mga kuwento o larawan).
iii
Sa katunayan, may isang punto sa kasaysayan ng produksyon ng comics/ komiks na nagbuo ng isang
censorship committee—ang Comics Code Authority (CCA) sa US, at ang Comics Code ng Association of
Publishers and Editors of Philippine Comics-Magazines (APEPCOM)—dahil sa ipinagpapalagay na
nakasisira ng pag-iisip ng kabataan ang pagbabasa ng ganitong klase ng babasahin. Ang CCA ay may
suporta ng US Senate, na nagpasulong pa ng isang malawakang pagsusunog ng comics-magazines noong
1960’s, samantalang ang APEPCOM naman ay sumusunod sa isang katolikong sensibilidad (Villegas,
2007).
iv
Nasa apendiks ng thesis ang kopya nito.
v
Sa sariling danas sa publikasyon, maraming mga publishing house na gumagawa ng mga popular na
teksto—romansang nobela, ghost stories, chic lit, erotica, atbp.—ay nakikipag-ugnayan sa mga manunulat
na nag-aaral sa akademikong institusyon; pinag-aaralan na sa mga paaralan ang mga tekstong dati’y
tinatatakan bilang “pambobo o pangkatulong,” tulad ng ng mga iskolar na sina Soledad Reyes at
Josephine Barrios (2001), at ang pag-aaral nila sa nobelang romansa; ang pagbuo ni Paolo Manalo ng
koleksyong nakabase sa pagiging jologs, ang Jolography (2003), ang presensya ng mga kursong Game
Studies sa ibang bansa, mga kursong nakatutok sa pag-aaral ng video games; ang mga koleksyong tulad ng
Reading the Vampire Slayer: An Unofficial Critical Companion to Buffy and Angel, isang aklat ng mga
kritika na ginawa ng mga panatiko ng mga TV series na Buffy the Vampire Slayer at Angel (Kaveney,
2001); ang pagdagdag ng mga module tungkol sa fandom, fan writing at mga kaugnay na paksa sa 2006
edition ng librong Introuction to Critical Theory and Pop Culture (Storey, 2006).
vi
Ayon din sa parehong dokumento, ang orihinal na disenyo ng World Wide Web Project ay nagsimula
bilang isang network para sa eksperimentasyon ng mga eksperto sa larangan ng nuclear physics. Ang
orihinal na pangalan ng network ay CERN, mula sa Conseil Europeen pour la Recherche Nucleaire, o
European Council for Nuclear Reasearch. Bago naman magkaroon ng CERN, may ARPANET naman ng
Advance Research Projects Agency, isang ahensya ng depensa sa US (Chapter 2 The Internet and World
Wide Web).
vii
Unang ginamit ang terminong “global village” ni Marshall McLuhan sa kanyang mga librong The
Gutenberg Galaxy” (Canada: University of Toronto Press, 1962) at Understanding Media: The Extension
of Man (London: Routledge, 1964).
viii
Bagaman hindi lantarang sinasabi ang pagiging univocal ng isang nakalimbag na teksto, sa pag-aaral ng
kasaysayan at popular na kultura ay makikita ang ganitong katangian, lalo kung ikukumpara sa isang
hypertext-based system, na naipapaliwanag naman sa introduksyong ito.
ix
Ayon ito sa sariling danas ng pagpapalimbag, at ang presyong ito'y noong taong 2000 pa.
x
Hinalaw ang depinisyong ito sa panatiko at manunulat/ilustrador ng comics na si Scott McCloud (2003).
Idinidiin niya sa unang bahagi ng kanyang libro na ang comics ay dapat bigyan ng kahulugan base sa anyo
at hindi sa nilalaman, isang bagay na may paralelismo ang danas sa Pilipinas at Amerika. Marami mang
pangalan, sa aktuwalidad ay walang pinagkaiba.
xi
Sa pagpasok ng public school system sa Pilipinas noong 1901, ipinasok sa espasyo ng paaralan ang
50

pagbabasa ng mga teksto, mga tekstong batbat ng kultura at imaheng Amerikano. Ang ganitong
oryentasyon sa pagpapabasa ng teksto, isang oryentasyong taglay din ng mga kolonisador na Espanyol, ang
isa sa sinisisi sa pagkabura ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga katutubong anyo ng panitikan
(Agoncillo at Guerrero, 1977), at posibleng dito rin maiuugat ang pagkabura ng pagiging natural at bahagi
ng sariling identidad ang panitikan.
xii
Posibleng dahil ito sa institusyonalisasyon ng pagbabasa at pagsusulat ng panitikan, posible ring dahil sa
mga kasabay nitong ibang mga anyo ng pamamahayag. Sa blog ni Dennis Villegas, ikinabit niya sa
pagpasok ng Anime noong 1970’s ang pagbagsak ng industriya ng komiks, partikular ng Graphic Arts
Services, Inc. o GASI (Villegas, 2008). Sa artikulo naman ni Aleks Krotoski, pinansin niyang bagaman
may updates na sa teknolohiya ng pagkukuwento, mas naaakit pa rin ang tagabasa sa mga anyong tulad ng
video games (Krotoski, 2008).
xiii
Ang librong ito’y sumikat dahil sa istrukturang non-linear nito. Maaaring pumili ang mambabasa ng
mga alternatibong direksyon ng istorya depende sa kung ano ang pahina ang pipiliin niya.
xiv
Sa Dora the Explorer (Chialtas, 2000), parang nakikipag-usap ang bidang si Dora sa camera/ tagapanood
at nagpapatulong din siya sa iba’t ibang mga hamon tulad ng pagbibigay ng pangalan sa mga gamit sa
eskuwela, paglusot sa iba’t ibang mga maze, atbp. Ganito rin ang format ng Blue’s Clues (Johnson, 1996),
kung saan nagpapatulong ang taong si Steve sa mga tagapanood na malaman ang gusting gawin ng asong si
Blue sa pamamagitan ng mga clue na minamarkahan ni Blue ng asul na paw print.
xv
Sa kanilang segment na Constellation of Stars, nagsisimulang kumanta ang mga senior host, pabata nang
pabata hanggang sa umabot sa grupong Sugarpop, pagkatapos ay muling babalik sa mga naunang umawit
para sa big finale.
xvi
Supahdance naman ang pinapalabas nila, kung saan lahat ng available na mananayaw ay ginagamit nila.
xvii
Sa artikulong Micro-vacations in a Micro-driven World (Website: Micro Vacations in a Micro-driven
World), ipinagmamalaki ang pag-compress sa dating isa o dalawang buwang bakasyong ginagawa sa labas
ng siyudad sa anyong hindi lalampas ng ilang araw at hindi kailangang lumabas ng siyudad o mismong
tahanan.
xviii
May ekstensibong mga pagtalakay sa iba’t ibang pagbasa sa Florante at Laura, na mababasa sa aklat na
Himalay (Chua at Cruz, 1988), partikular sa mga sanaysay na Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas
(Santos, 1988) at Mga Tapyas ng Brilyanteng Florante at Laura (Cruz, 1988).
xix
Ito’y isang proyektong nasimulan ko na ilang taon na ang nakaraan, sa pag-uudyok ng kaibigang si
Adam David, at hanggang sa ngayon ay tinatrabaho pa rin.
xx
Tinatawag ni Jenkins ang fans na may kritikal na pag-iisip at may kakayahang magbigay ng iba’t ibang
interpretasyon sa mga popular na palabas na tinatangkilik nila bilang textual poachers (Jenkins, 1992).

You might also like