You are on page 1of 11

ANG ARALIN 2.

1 AY NAGLALAMAN NG
TALUMPATING PINAMAGATANG
TALUMPATI NI DILMA ROUSSEFF SA
KANIYANG INAGURASYON NA
ISINALIN SA FILIPINO NI SHEILA C.
MOLINA.
SINO BA SI DILMA ROUSSEFF?

Noong Enero 1, 2011, si nanumpa ang kauna-unahang


babaeng pangulo ng Brazil matapos manalo sa eleksiyon noong
2010. Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo,
Horizonte, Brazil. Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang
kaniyang ina ay isang Brazilian. Estudyante pa lamang si Dilma
ay naugnay na siya sa isang militanteng sosyalistang grupo
kung saan nakasama niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay
siya niyang naging pangalawang asawa. Noong 1970, dahil sa
kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na
tumagal ng tatlong taon.
Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang labis na
pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang siya ay
makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977) at
pumasok sa lokal na politika bilang kasapi ng Democratic
Labor Party. Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni
Rousseff ang pagiging consultant at mahusay na Nang
mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong
2002, kinuha niya si Rousseff bilang consultant. Matapos
ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister ng Enerhiya.
Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya
ay kinuha ni Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong
2005 hanggang mapagdesisyunan niyang tumakbo sa
eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.
Alam mo ba na..

kung paanong may tinatawag na tulang pambigkasan,


may sanaysay rin nabinibigkas – ang talumpati? Ito ay
kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang
ito ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa,
pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan. May
paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang-alang
din ang tagapakinig o bumabasa, pook, pagdiriwang at
iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang nilalaman
ng talumpati at maaari rin na biglaan na kung tawagin sa
Ingles ay extemporaneous.
Paano ang pagsulat ng mabisang talumpati?

Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay


ang pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa
mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati.
Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng
isangtalumpati?
1. Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati
dahil sa sumusunod na layunin:
1.1 magturo 1.5 pumuri
1.2 magpabatid 1.6 pumuna
1.3 manghikayat 1.7 bumatikos
1.4 manlibang

2. Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay napapanahon


kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang
Paano naiiba ang
talumpati sa iba pang
uri ng sanaysay?

May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa


natin na nakasulat sa pahayagan. Halimbawa nito
ay ang editoryal at lathalain.

Ano ba ang editoryal? Ito ay isang mapanuring


pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang
napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa
mambabasa. Ang lathalain naman ay isang
sanaysay batay sa tunay na pangyayari na
nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at
impresiyon ng sumulat. Hindi ito kathang-isip
lamang.
Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito
ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya
o mga pananaw. Pangunahing layunin nito na
manlibang kahit maaari ring magpabatid o
makipagtalo.
Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at
lathalain ay naglalayon na magbigay-kaalaman sa
mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa
priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na
ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng
mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang
masining, madaling masundan, at maunawaan ng
mga tagapakinig.
INFOGRAPHIC
Chart Title
6

0
Category 1 Category 2 Category 3 Category 4
Series 1 Series 2 Series 3
ADD YOUR TEXT HERE

TEXT TEXT TEXT

Nunc ta viverra Nunc ta viverra Nunc ta viverra


imperdiet wate imperdiet wate imperdiet wate
enim. A fusce enim. A fusce enim. A fusce
est. Vivamus a est. Vivamus a est. Vivamus a
tellus. tellus. tellus.
THANK YOU
FOR YOUR WATCHING
Don’t forget to like, comment and share
ANIMATED SLIDE
AESTHETIC POWERPOINT

pl a te
Tem e
Fre

You might also like