You are on page 1of 2

Ayon sa UNESCO, ang Brazil batay sa kasaysayan ay kilala sa pagkakaroon ng

diskriminasyon sa aspektong sosyal, ekonomiko, at kultural. Tulad din ng Pilipinas,


ang Brazil ay sumailalim sa dalawamput isang taong pamamalakad na diktaturyal.
Kung kayat damang-dama ng mga Brazilian ang kasiyahan nang manumpa sa
katungkulan noong Enero 1, 2011 ang kauna-unahang babaing pangulo ng bansa
sa katauhan ni Pangulong Dilma Rousseff.

Ang Aralin 2.1 ay naglalaman ng talumpating pinamagatang Talumpati


ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon na isinalin sa Filipino ni Sheila
C. Molina. Ano kaya ang mahahalagang mensaheng ipinabatid ni Pangulong
Rousseff sa kaniyang mga kababayan? Ang sagot ay malalaman mo sa pagbabasa
ng talumpati. May mga gawain din na inilaan na makatutulong sa pagsusuri sa
kaisahan at kasanayan mo sa pagpapalawak ng pangungusap.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang
talumpati tungkol sa isang napapanahong isyu. Dapat taglay rin ng talumpating
iyong isusulat ang sumusunod na bahagi: a.) panimula (may pagpapaliwanag
sa layunin), b.) katawan (kalinawan at tibay/lakas ng argumento), c.) pangwakas
(pagbibigay ng lagom o kongklusyon), at d.) kaisahan at kasanayan sa
pagpapalawak ng pangungusap.
Inaasahang sa pagtatapos ng araling ito ay masagot mo nang may pagunawa ang mga pokus na tanong na: Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang
panlipunan ng bansang pinagmulan nito? At paano nakatutulong ang kasanayan
sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati

Paano ang pagsulat ng mabisang talumpati?


Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng
paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang
pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng isang
talumpati?
1. Tumutugon sa layunin naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod
na layunin:
1.1 magturo
1.2 magpabatid
1.3 manghikayat
1.4 manlibang
1.5 pumuri
1.6 pumuna
1.7 bumatikos
2. Napapanahon ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may
kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang
Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?
May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa pahayagan.

Halimbawa nito ay ang editoryal at lathalain.


Ano ba ang editoryal? Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng
isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala
o makalibang sa mambabasa.
Ang lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na
nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat. Hindi
ito kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng
madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw. Pangunahing
layunin nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo.
Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at lathalain ay naglalayon
na magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa
priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat upang
bigkasin ng mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling
masundan, at maunawaan ng mga tagapakinig.
- Mula sa Talumpati, Debate at Argumentasyon, (Villafuerte, 2002) at
Pamahayagang Pangkampus, (Ceciliano, 1991)

You might also like