You are on page 1of 2

ARALIN 70: MULING PAGGAMIT NG MGA BAGAY NA PATAPON

I. Layunin
1. Nagtatalakay sa kahalagahan nang muling paggamit ng mga bagay na patapon
2. Nakalilikha ng installation art na maaaring binubuo ng mga patapong bagay mula sa
kapaligiran ng paaralan.
II. Paksang Aralin
Muling Paggamit ng mga Bagay na Patapon
Sanggunian: BEC PELC V C.6, IV B 1.3 (SINING), at B 6.3.1 (EPP)
Kagamitan: papel, pandikit, gubting, retaso, tsart
Pagpapahalaga: Pagkamalikhain
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan ukol sa napapanahong isyu
2. Pagsasanay
Bakit dapat na tangkilikin ang sariling produkto?
3. Balik-aral
Sa paanong paraan ka makatutulong upang umunlad ang ating bansa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawang naglalaman ng mga bagay na patapon na.
2. Paglalahad
a. Naniniwala ba kayo na maaari pang pakinabangan ang mga patapong bagay?
Bakit?
b. Pangkatang Gawain
Pangkat I Itala ang mga kagamitan sa paggawa ng mosaic ng retaso
Pangkat II Itala ang mga paraan sa paggawa ng mga mosaic ng retaso
Pangkat III Itala ang mga kahalagahan nang muling paggamit ng mga bagay na
patapon
c. Pag-uulat ng Bawat Pangkat
3. Pagsusuri
a. Paano isinasagawa ang mosaic ng retaso?
b. Paano nakatutulong sa gawain ang sama-samang paggawa?
4. Paglalahat
Ibigay ang kahalagahan nang muling paggamit ng mga bagay na patapon.
5. Paglalapat
Pagsasagawa ng bawat Pangkat ng mosaic ng retaso na may sariling disenyo.
C. Pangwakas na Gawain
Pagpapahalaga
Anong katangian ang iyong naipakita sa pagsasagawa ng mosaik ng retaso?
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang maaaring ipalit sa retaso kung gagawa ka ng mosaic?
ARALIN 70: MULING PAGGAMIT NG MGA BAGAY NA PATAPON
a. Tali
b. Tuyong dahon
c. Balat ng itlog
d. Wala
2. Alin sa mga bagay sa ibaba ang pwedeng gawing flower vase?
a. Lata
b. Garapon
c. Tela
d. Baso
3. Ibig mong gumawa ng pencil holder. Anong bagay na patapon ang pwede mong
gamitin?
a. Bote
b. Tela
c. Dahon
d. lata
4. Anong katangian ang dapat taglayin kung gagawa ng mosaik?
a. Malikhain
b. Matulungin
c. Mabait
d. Madasalin
5. Bakit mahalaga ang muling paggamit ng mga patapong bagay?
a. Para makatipid
b. Para mabasawan ang basura
c. Para kumita
d. Lahat ay tama
V. Kasunduan
Itala ang mga paraan ng patitipid ng kuryente.

You might also like