You are on page 1of 27

m   




 
V   

Tanong: Nabalitaan niyo ba ang mga sumusunod na
balita na ito na nangyari noong nakaraang linggo?
- CNN Hero of the Year Edgar Penaflorida
- Maguindanao Massacre
- Fuel Prices Rises Anew
- Start of Filing of Certificate of Candidacy
- Bagyong Urduja
- Eid-l Adha
- Andres Bonifacio
 Itanong: Pumili ng isang balita at ilahad ang nalalaman
ninyo sa balitang ito? Ano ang epekto sa iyo ng balitang
ito? Paano mo pinahahalagahan ang balitang ito
I. Layunin:
A. Sa katapusan ng sesyon na ito, nais kung
matutunan, maunawaan at maipaliwanag ninyo
sa inyong sarili ang pinagmulan ng lupain ng
ating bansa.

B. Simulan natin: Alam ninyo ba ang ibig sabihin ng


salitang ± TEORYA o ³Theory´ sa wikang Ingles.
 Buksan ang inyong aklat sa pahina 222 at pag-
aralan at bakasin ng daliri ang mga tulay na lupa
na nagdurugtong sa Pilipinas sa lupain ng Asya.
 Itanong: Anu-anong mga teorya ang nalalaman
mo tungkol sa pinagmulan ng lupain ng
Pilipinas?
 Magbigay ng mga impormasyong nalalaman mo
tungkol sa mga Teorya ng Pinagmulan ng Lupain
ng Pilipinas:
1. Tulay na Lupa
2. Bulkanismo
3. Paglindol
4. Pagbaha
5. Tsunami
1. Teorya ng Tulay na Lupa
Ayon sa teoryang ito, sinasabing dating bahagi ng
lupain ng Asya ang Pilipinas na tinatawag na Sunda
Land. Noong Panahon ng Yelo, ang sapin-saping
lupa sa ilalim ng dagat, ang sunda at sahul shelf ay
dating nakalitaw sa ibabaw ng tubig na parang mga
tulay na lupa. 5 tulay ang tinatayang nagdurugtong
sa Pilipinas sa lupain ng Asya. Ang mga ito ay nasa
pagitan ng Taiwan at Hilagang Luzon, Borneo at
Palawan, Borneo at Sulu, Celebes at Mindanao at
New Guinea at Australia.
þ Teorya ng Bulkanismo
 Noong Pebrero, 1976, si Dr. Fritjof Voss, isang
siyentipikong Aleman (German) na nag-aral ng
Heograpiya sa Pilipinas, ang kumontra sa Teorya
ng Tulay na Lupa.
 Sinasabi niya na may mga pag-aaral siyentipiko
noong 1964 hanggang 1967 ang nagpapatunay na
may 35 kilometrong kapal ng crust na nasa ilalim
ng bansang Tsina ay hindi man lamang umabot sa
Pilipinas.
 Dahil dito sabi niya nabuo ang Pilipinas sa mga
bulkang sumabog sa ilalim ng dagat na umangat
sa ibabaw ng tubig at nabuo ang Kapuluan ng
Pilipinas.
 Sinasabi sa Teorya ng Pangaea na ang lahat ng mga Kontinente
noon ay magkakadikit na isang ³supercontinent´ na tinatawag na
Pangaea. Ang salitang ³Pangaea´ ay nangangahulugan na ³lahat
ng bansa´ sa Griyego, na siyang akmang kahulugan para sa mga
kontinente may 200 milyong taon na ang nakakaraan bago sila
nagkahiwahiwalay dahil sa paggalaw o paglindol. Ang mga
paglindol na ito ay dahan dahang nangyari sa loob ng 200
milyong taon. Kahit ngayon, ang itsura ng mundo ay nagbabago
at habangbuhay na ito, hanggang ang lupa sa ilalim ng daigdig
ay patuloy na gagalaw at gumagalaw.
 Ang Teorya ng Pangaea ay hindi masyadong pinaniniwalaan
noong una itong binanggit. Pero mula noon, mas marami nang
ebidensya ang nagpapatunay nito.
 ue can see on our planet 17 very strange features
which can now be systematically explained as a result of
a cataclysmic global flood who's water erupted from
subterranean chambers with an energy release
exceeding the explosion of ten billion hydrogen bombs.
 "This expiation shows us just how rapidly major
mountains formed. It explains the coal and oil deposits,
the rapid continental drift, why on the ocean floor there
are huge trenches and hundreds of canyons and
volcanos. It explains the formation of the layers strata
and most of the fossils; of the frozen mammoths, the so-
called ice ages and major land canyons, especially the
grand canyon.
 Sinasabi sa Teoryang ito nabuo ang mga
kasalukuyang mga lupain dahil sa pagbagsak ng
isang malaking bulalakaw (asteroid o comet), isang
uri na maaaring pumatay ng isang kaapat ng
populasyon ng mundo, na tumama daw sa may
Karagatang Indian may 4,800 taon na ang
nakararaan, na siyang lumikha ng isang tsunami na
may taas na 600 talampakan, may 13 beses na taas
sa tsunami na tumama sa Indonesia may 2 taon na
ang nakararaan. Ang tsunami na ito ay siyang
naglagay ng mga sediments sa mga bansa na galing
sa ilalim ng dagat.
 Gamit ang inyong mga pangkat, sagutin ang mga
sumusunod na katanungan tungkol sa ating paksa
sa araw na ito:
 Alin sa mga Teorya ng Pinagmulan ng Lupain ng
Pilipinas ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit?
 Isulat ang inyong kasagutan sa Cartolina, gamit
ang mga markers ninyo.
 Humanda sa pag-uulat nito sa harapan ng klase.
 PANUTO: Sa inyong kuwaderno ipaliwanag kung
paano nabuo ang bansa sa pamamagitan ng mga
sumusunod na Teorya:
 1. Tulay na Lupa
 2. Bulkanismo
 3. Paglindol
 4. Pagbaha
 5. Tsunami
 Itanong: Ano ang natutunan mo sa paksa sa araw
na ito? Ano nga bang teorya ang bumuo sa bansa
natin? Paano nga ba nabuo ang bansa natin?

You might also like