You are on page 1of 6

Ang Puting Bahay sa Cebu

Sulat ni: Charles Matthew Japitan

Isang pangkaraniniwang gabi ng lahat ng tao ngunit para kay Carlos isa

itong gabi ng puno ng misteryo at kababalaghan. Hindi pa mag iisang linggo

ng lumipat si Carlos at ang kanyang pamilya sa abandonadong bahay na

iyon. Ayon sa kwento ang malaking bahay iyon ay itinayo para raw sa

panahon ng Americano ditto sa Pilipinas. Maraming mga kwentong

nakakatakot ang naka balot sa bahay na iyon. Kapag sumapit na ang gabi

wala na ang gustong gumala sa kalsada sa tapat ng puting bahay dahil

marami naraw ang nakakita at nakakarining ng isang batang nakaputi na

umiiyak sa bahay na iyon. Halos isang dekada nang walang tumitira sa puting

bahay.

Ang bahay ay pinalilibutan ng malalaking puno at ang bahay ay

nakakatakot tignan. Sumapit na ang gabi ng lagim habang ang buong pamilya

ni Carlos ay himbing na natutulog si Carlos ay may naririning ng isang

naglalaro na bata sa kanilang sala. Sa takot ayaw ng lumbas ni Carlo sa

kanyang silid. Pero ang tinig na kanyang naririnig ay palapit ng palit.


Nag lakas loob si Carlo na tingnan kung saan ba talaga galling ang

tining na iyon. Dahang dahang binuksan ni Carlo ang pintuan ng kanyang

kwarto. Hawak-hawak rin ni Carlo ang isang flash light para mailawan niya

kung sino ang naroon sa sala. Inalawan ni Carlo ang sala pero bigla nalang

nawala ang tining at wala siyang nakita.

Bumalik nalang sa kanyang silid si Carlo at natulog pero hindi parin

mawala sa kanyang isipan ang kababalaghang iyon. Kinabukasan nag kwento

si Carlo sa kanyang Ina na si Nanay Barbara. Inay alam mo kagabi mayroon

akong narining na ingay na nangaling sa sala at ang ingay ay parang boses

ng isang batang babae. Sabin ng kanayang Inay baka galing lang yun sa

kabilang bahay o kaya guni-guni mu lang iyion. Pero ang sabi ni Carlo umalis

nalang tayo rito Inay at maghanap ng bagong bahay marami namang mura na

paupahan diyan wag nalang tayong mag tiis ditto. Pero sabi ng kanyang Inay

cge kapag sumapit na ang gabi pakikinggan ko ang sinasabi mong ingay ng

isang bata kapang meron akong aalis tayo.

Hindi mapakali si Carlo sa araw na iyon tila ang oras ay tumatakbo ng

mabilis. Kinakabahan na si Carlos kung ano ang mangyayari sa kanya ng

kanyang pamilya. Si Carlos ay may dalawang batang kapatid si Wendy at

Harry. Alam paman ni Carlo na wala na silang pera upang humanap ng


bagong matitirhan at iniwan na sila ng kanyang mabuting ama na sumama sa

isang kanyang kalaguyo. Ang tanging hanap buhay ng kanayang ina ay

pananahi ng mga damit sa isang pabrika.

Si Carlos ay nasa second year hayskul sa isang pang publikong

paaralan dito sa Cebu. Guston niyang makatapos ng pagaaral at maging

isang doctor balang araw. Kaya nag sisikap siyang magaral ng mabuti. Gusto

kasi niyang maka kuha ng isang scholarship para sa kolehiyo. Maganda ang

mga nakukuhang marka ni Carlos sa kanyang pagaaral at lagi siyang Honor

Student.

Nilakasan nalang ni Carlos ang kanyang sarili upang hindi matakot sa

mga naririnig niya sa puting bahay. Kaya hindi nalang niya pinapansin ang

mga ito nguit wala paring nangyari lalong gumagambala hindi lang sa kanya

pati narin sa kanyang pamilya ang batang naka puti. Sumapit na naman ang

gabi sa bahay na puti habang ang buong pamilya ay sabay na kumakain sa

kanilang hapunan. May malakas na hangin ang tila umihip sa sirado nilang

bahay at nag si bukasan ang mga pinto at binta ng buong bahay.


Takot na takot ang mga kapatid ni Carlos na sina Wendy at Harry

tumakbo sila sa kanilang Inay. Umiiyak ang mga bata samantalang si Carlos

hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Patuloy ang kababalaghang

nagaganap sa bahay na puti.Ang ilaw ng kanilang bahay ay laging patay sindi

habang ang mga gamit nila ay gumagalaw. Bigalang sumara ang pinto ng

kanilang bahay at hindi maka labas sa kanilang bahay sina Carlos. Walang

tigil ang mga nakakapanindig balahibong pangyayari ang nagaganap sa

bahay na puti.

Tinipon ni Carlos ang kanyang mga kapatid at Inay sa isang silid sa

bahay. Doon sila nag palipas ng gabi. Kinababukasan tumawag ng albolaryo

ang kanyang Inay upang paalisin ang mga masasamang elemento at

kaluluwa na nakatira sa buong bahay. Habang pumasok ang albolaryo sa

puting bahay biglang bumukas ang pinto nito. Ang albolaryo ay may dalang

kandila, pausok at mga halamang na sinasabi daw na pangtaboy ng

masasamang elemento.

Sinindihan ng alboryo ang kanyang kandila at pumasok sa bawat sulok

ng bahay. Nagdasal siya ng latin para pang taboy at kinausap niya ang

kaluluwang nang yari pero tila malakas ang kaluluwa at hindi kayang pa alisin

ng albolaryo. Natakot ang alboryo baka siya balikan ng kaluluwa at nag


mamadaling umalis ng bahay. Pero bago umalis ang albolaryo ay mayroon

siyang nakita isang bata naka puti at isang Babae na tila galit ang kanyang

mukha.

Dumating na naman ang gabi ni kina tatakutan ng pamilya ni Carlos

hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin kung mang gagambala

ang mga kaluluwa sa bahay na puti. Maagang nag hapunan ang maganak at

sabay silang pumunta sa kanilang altar upang mag dasal. Namatay na naman

ang ilaw at lumakas ang ihip ng hangin sa bahay. Natakot sina Wendy at

Harry na sumisigaw dahil mayroon silang nakita sa salamin. Isang

nakakatakot na dugoang babae at katabi niya ang kanyang anak na tila galit

na galit na naka tingin sa kanila ang multo.

Ano ba ang kailang ninyo? Bakit ninyo kami ginagambala ng ganito?

Tanong ni Carlo sa mga multo. Wala naman kaming ginagawang masama sa

inyo! Paiyak na sinabi ni Carlo. Tila galit na galit ang multo at nag babasagan

ang kanilang mga gamit. At doon na sinapian ang kanyang Inay ng babaeng

dugoan. Nag iba ang mukha ng kanyang inay. Nag wawala ito at hindi

mapigilan ang kanyang Ina. Nag sasalita pero hindi ma intindihan ginapos ni

carlo ang kanyang ina sa kanilang higaan.


Pero tila malakas ito at hindi niya kayang pigilan. Sinasaktan ng

kanyang ina ang kanyang sarili dahil sa sumasanib na multo nito.Tumawag ng

tulong ang si Carlo sa kanyang kapitbhay at dumating ang mga tao sa

kanilang bahay. Doon nila na datnan ang ina ni carlo na sinasapian ng

masamang espritu. Tinalian ng mga tao ang Ina ni Carlo upang hindi

makalabas at baka kuna anong gawin sa sarili.

Tumawag sila ng isang pari upang ma paalis nila ang masamang

esprito. Dumating ang pari dala dala nito ang isang agua bendita , isang

biblya at isang Krus. Ang sabi ng pari sa kanila magdasal kayo para hindi

kayo madala sa masamang esprito. Nagdasal ang buong tao sa bahay na

iyon habang ang pari ay nag simula ng pumasok sa silid kung saan nakahiga

ang Ina ni Carlo. Doon nag dasal ang pari at pinaalis nito ang espirito na

sumapi sa Ina ni Carlo. Binasbasan ng pari ang babae at ang bahay na puti.

Bumalik sa dati ang Ina ni Carlo at tila isang masamang panaginip

lamang ang nangyari sa kanilang pamilya. Isang pag subok na nalampasan

ng may kasamang pagdarasal. Doon nila nalaman na ang mga nag mumulto

sa kanila ay pinatay sa bahay na puti dahil sa isang galit. Ginahasa raw ang

babae at ang anak. Kaya ito nag mumulto dahil nag hahanap sila ng

katarungan sa kanilang pagkamatay.

You might also like