You are on page 1of 12

El filibusterismo

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

El Filibusterismo

Ang sulat-kamay na kopyang facsimile ng unang pahina ng El filibusterimo May-akda Bansa Wika Anyo Naglimbag Jose Rizal Pilipinas Kastila (orihinal) Nobela F. Meyer van Loo Press ni Ghent

Petsa ng pagkalimbag 1891 ISBN Naunahan ng Sinundan ng ---Noli Me Tangere Makamisa

Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman[1] ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jos Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.[2] Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,[3] tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa

Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.[4] Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. [5]

Mga nilalaman
[itago]
y y y y y

1 Mga tauhan 2 Buod 3 Tingnan din 4 Mga sanggunian 5 Mga panlabas na kawing

Mga tauhan
Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal.[6]
y

y y y y y y y

Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan. Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Mga Nobela ni Jose Rizal

y y y

Noli Me Tangere El filibusterismo Makamisa

y y y y

Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari. Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan. Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego. Padre Florentino - ang amain ni Isagani

y y y y y y y y y y y y y y y y y y y

Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido. Gertrude - mang-aawit sa palabas. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

Buod
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa. Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral. Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya. Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon. Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan. Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalangsala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako

naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito. "Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Kabanata 1
Kabanata 1: Sa Kubyerta sic itur ad astra Ganito ang landas ng mga Bituin

Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna: Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura. Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta. Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa. Donya Victorina tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok. Mga Nasa Kubyerta: Tatlong Fraile uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan Don Custodio payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat siya ay nag-iisip Simoun ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral. Ang Pagtatalo: Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib. Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas, Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho. Sumagot naman si Don Custodio sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa proyektong iyan. Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.

Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma. Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon? Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa. Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.
Kabanata 2 Kabanata 2:Ibabang Kubyerta Basilio nakatatanda at nakasuot ng itim, estudyante ng Medisina , at kinikilala sa kaniyang mabuting panggagamot at kahanga-hangang pag-aalaga sa may-sakit. Isagani higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga makakata kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali, karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo. Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano kung saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo para tumulong sa pagkumbinsi. Pondo? Magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral Propesor? Mga Filipino ang kalahati at mga Peninsular ang kalahati Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino. Pakikipag-usap ni Simoun: Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting uminom nito, ngunit tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro ang iniinom ni Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni Isagani ay: napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo! dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris Kapitan Heneral Si PADRE FLORENTINO: Siya ang klerigo na tiyuhin ni Isagani Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan niya ang kanyang si Simoun ng

parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila. Kabanata 3

Kabanata 3:Mga Alamat

Ich weiss nich was sol les bedeuten Dass ich so traurig bin! Hindi ko batid ang kahulugan kaya lubha kong ikinalulumbay

MGA ALAMAT:

1. Donya Jeronima dati siyang kasintahan ng isang estudyante na nangakong magpapakasal sa kanya. Matagal siyang naghintay ngunit nakalimot ito kaya naman siya ay tumaba nang lubusan. Isang araw nakatanggap na lamang siya ng balita na arsobispo nap ala ang dating kasintahan at nang puntahan niya ito upang tuparin ang dating pangako, ngunit sa huli ay imposible na itong mangyari kaya naman nagutos na lamang ang arsobispo na gumawa ng kweba para kay donya Jeronima. Sa sobrang katabaan daw nito, kailangan pang tumagilid para makapasok ito sa kweba at naging bantog din siyang engkantada, sapagkat may ugali daw itong maghagis sa ilog ng mga pinggan at kubyertos na pilak.

2. Buwaya na naging bato nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka niya at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya.

3. Alamat ng Malapad na Bato

4. Ang pagkamatay ni Ibarra

Kabanata 4 Kabanata 4:Kabesang Tales * Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo kanyang asawa at 3 anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nila y wala naman itong mayari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na 20 o 30 piso. * Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang

nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay. * sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang. Kabanata 5 Kabanata 5: Ang Nochebuena ng Isang Kutsero Sinong ang kutsero ni Basilio na kinulata ng mga guwardiya SIbil sapagkat naiwan niya ang kanyang sedula. Mga Santo sa Prusisyon: Matusalem Gaspar, Baltazar, Melchor San Jose Birheng nakasuot ng Divina Pastora Kabanata 6 Kabanata 6: Basilio Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman, makalipas ang kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig na tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat sa tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang banal para kay Basilio ang puntod ng kanyang ina. 13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding pagdaralita. Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nila. Hibang at tigib sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalaking nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha ng mga panggatong. Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di kilalang lalaki na nasa tabi ng bangkay ng nauna. Tinulungan siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila ng bangkay ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng kanyang ina. Matapos ay inabutan siya ng salapi at inutusang tumakas. Istorya ni Basilio: Nilisan niya ang lugar na ito at nagtungong Maynila upang magpaalipin sa mga mayayaman upang sabay nito ay makapag-aral. Nakipagsapalaran siya sa pagpunta hindi alintana ang gutom. Dumating siya sa Maynila na nanlilimahid at may sakit nagbahay bahay siya upang ialok ang kanyng paglilingkod ngunit walang tumatanggap sa kaniya dahil nga naman isa itong paslit na probinsyanong may sakit na wala man lang alam ni isang salitang Espanyol. Nawalan siya ng pag-asa at ilang ulit siyang natuksong magpasagasa na lang sa mga karwaheng dumadaan. Isang araw, nakita niya ang karwahe nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel at dahil sa malungkot si Kapitan Tiago sa pagkakapasok ni Maria Clara sa Beateryo, tinanggap siya bilang utusan, walang upa ngunit makapag-aaral siya kailanman niya gustuhin sa San Juan de Letran. Pumasok siya sa unang taon ng pag-aaral ng Latin kahit na gusgustin at bihis dukha; pagkakita ng kanyang mga guro sa kanyang ayos, nilayuan na siya pati ng kanyang mga kaklase. Sa loob ng walong buwan ng pag-aaral, tangging ang pangalan niya lamang sa listahan ang masasabing palatandaan na parte siya ng klase sapagkat ni minsay ay hindi ito tinawag o tinanong ng guro. Pag darating ang pasko at babalik sa Sandiego si Kapitan Tiago, sinasama siya at doon niya sinasabi sa puntod ng kaniyang ina ang mga hinanakit niya at problema. Nagsikap siya at isinaulo ang lahat ng mga aralin kahit na hindi niya naiintindihan ito. Pumapasok kse noon ang mga bata sa kolehiyo hindi upang

matuto kundi upang matapos ang kurso. At kung maisaulo nila ang mga aklat, wala nang maaari pang hingin kaya t nakapapasa sa pagtatapos ng taon. Sa pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwang kuwit, nagtamo siya ng marking aprobado sa labis na pagkamangha ng mga tagasulit. Sa ikalawang taon niya, dahil nanalo ng malaki ang manok ni Kapitan Tiago na ipinalaga sa kanya ay binigyan siya nito ng malaking pabuya na agad naman niyang ibinili ng sapatos at sombrerong fieltro. Nabago ng bahagya ang kanyang palad pagtuntong niya sa ikatlong taon; Naging gurop niya ang isang dominikong masayahin, palabiro at mapagpatawa sa mga mag-aaral, may katamaran sapagkat sa ilang kinalulugdang mga mag-aaral niya ipinauubaya ang mga aralin. Isang araw napag tripan siya ng guro (sapagkat sa isip nito ay may pagka-kulangkulang si Basilio kaya t tinangka niyang patunayan ito as pamamagitan ng pagtatanong dito tungkol sa aralin). Ang problema nga lang nasagot ito ni basilio nang walang pagkakamali kaya binansagan siyang loro ng guro, at nagbigay pa ng patawa sa klase at nagtanong pa ulit kay Basilio upang patunayan na maaliw nga sila. Mabuti na lamang at marunong na noon si Basilio ng Kastila kaya t sumagot ito na hayag ang hangaring hindi magpapaphalakhak sa kahit sino. Dahil dito, hindi na siya tinawag pang muli. Noong ikaapat na niyang taon, naipasa parin niya ang Latin kahit na natukso itong isuko na ang pag-aaral May isang guro doon na itinuturing bilang pantas, dakilang makata, at may maunlad na pagkukuro. Isang araw na kasamang namamasyal ang mga mag-aaral, napaaway ito sa ilang kadete na humantong sa isang labo labo at hamunan. Sa pagkakataong ito, sinabi ng guro na ang mga sasali sa sagupaan sa darating na linggo na iyon ay bibigyan niya ng mga matataas na marka, at napatanggi si Basilio sa isa sa mga labanan na iyon. Dahil dito at sa kanyang pagsisikap nagtamo siya ng grading sobresaliente na may kasama pang medalya noong taong din yon. Sa nakitang ito, inudyukan siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal na nasa tugatog ng katanyagan noon. Tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa gitnan ng kasiyahan ng kanyang mga propesor, ipinagmalaki sya ng mga ito at inanyayahan pang daanin sa isang pagsusulit si basilio ng mga huradong Dominiko Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito bago ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipinas kaya naman pumayag na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na nakakapagtistis na si basilio ng mga bangkay kaya t magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ng kanyang panabong na manok ( dugo ng Intsik na namatay sa sipili). Ipinagpatuloy ni Basilio ang kanyang pag-aaral at sa ikatlong taon ay nakapanggagamot na, kaya naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis ng marangal at upang makapag-impok ng kahit papaano. Huling taon na niya ngayon at dalawang buwan na lang ay magiging ganap na doctor na siya. Pakakasalan niya si Juli at siya rin ang magbibigay ng speech sa kanyang graduation Kabanata 7 Kabanata 7:Simoun Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha. Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra. Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak. Istorya ni Simoun: Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa

kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba t ibang part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito. Kabanata 8 Kabanata 8: Maligayang Pasko Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya. Kabanata 9 Kabanata 9: Ang mga Pilato Naipatalo ang kaso ng asundo na isinampa ni Tales Laging pinagdadasal ni Hermana Penchang si Juli at pinag nonobena Lumuwas si Basilio ng Maynila para tubusin si Juli Kabanata 10 Kabanata 10: Karangyaan at KaralitaanHiniling ni Simoun na makituloy siya kina Tales upang doon maganap ang bentahan ng mga alahas niya. Kapitan Basilio, Sinang, Hermana Penchang mga bisita noong gabi na namimili sa samut saring mga alahas na ipinapakita ni Simoun. Sumulat si Tales: Kinuha niya ang rebolber ni Simoun at ipinalit ang relikaryo ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio kay Juli. Sumali na ito sa mga tulisan at namundok Dumating ang mga guwardiya sibil at dahil wala si Tales (Telesforo Juan de Dios) si Tandang Selo ang dinakip Kinagabihan, natagpuang patay ang asenderong fraile at ang bagong kasama, basag ang bungo at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman, natagpuang patay ang asawa ng kasama na ginilitan ng leeg at may lupa rin sa bibig. Sa papel na tabi nito may pangalang Tales na isinulat sa dugo na matatagpuan. Kabanata 11 Kabanata 11: Los Banos Nangangaso ang Kapitan Heneral ngunit wala namang dumaraang hayop kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay upang makapag pahinga at gumawa ng trabaho. naglalaro sila ng baraha, sina Padre Irene, Padre Sybila at ang kapitan heneral, nagpapatalo naman ang mga fraile. Panukala ukol sa armas: Pahintulutan ang pagbili ng lahat ng hindi sais milimetrong armas de salon Titser sa Tiani: mareklamo daw ito at dapat suspendihin. Lahat daw ng hihingi ng tulong ay sususpendihin sabi ng kapitan heneral. Proyekto ni Don Custodio: magkakaroon ng mga eskwelahan nang hindi gumagastos ng isang kusing ang pamahalaan kung gagamiting mga eskwelahan ang mga sabungan kahit lamagn Lunes hanggang Biyernes. Akademiya sa Wikang Kastila: sinabi ni Padre Sibyla na isa raw itong rebolusyon sa selyadong papel na ipinagtanggol naman ni Padre Fernandez (guro ni Isagani) at ni Padre Irene. Lumabas ang mga pangalan nila Makaraig, Isagani at Basilio sa usaping ito. Padre Camorra: Hindi daw dapat matuto ang mga indio ng Kastila sapagkat pag marunong na sila makikipagtalo na ito sa kanila. Dapat lamang sa mga Indio ay sumunod at magbayad. Hindi sila dapat makialam sa interpretasyon ng kung ano ang sinasabi ng mga batas at mga libro. Nalaman ni Padre Camorra ang ginawang pag petisyon ni Juli para sa paglaya ni tandang selo at tinulungan ito. Kabanata 12 Kabanata 12: Placido Penitente

Mga taga Ateneo mabibilis lumakad, may hawak na aklat at kuwaderno, abala at iniiisip ang kanikanilang mga leksyon, nakadamit ng parang europeo ang ilan. Letranista nakadamit Filipino at higit na kaunti ang dalang aklat Juanito Pelaez kaklase ni Placido na anak ng isang mestisong Espanyol na negosyante. Kaibigan ni Padre Camorra at kasama nitong nangharana noong bakasyon. Dumating ang karwahe ni Paulita Gomez, lahat ay natulala at nakatingin at namumutla si Isagani. Tadeo bagamat lakwatsero at mahilig magpalusot na may sakit o di kaya y may gagawin para hindi lamang maka pasok sa klase ay pumapasa at sinasabing mahal ng mga propesor Nahuli si Placido sa klase at nagdabog pa sa pagpasok kaya naman sinabi ng guro na magbabayad ito. Kabanata 13 Kabanata 13:Klase sa Pisika Padre Millon guro ni Placido noong umagang iyon; pinakakabisa ang lahat ng nsa libro. May natutulog sa klase na nahuli ng guro kaya naman inulan ito ng tanong at noong minsay sumabat si Juanito, napasa ito sa kanya at humingi ng tulong kay Placido. Nahuli ni Padre Millon na tinutulungan ni Placido si Juanito kaya naman ito ang tinanong ng tinanong. Sa huli ay napuno na si Placido at sinabing walang karapatan ang pari na magsalita ng ganoon. Wala daw itong karapatang mang alipusta ng kapwa at bigla na lang umalis ito ng klase. Kabanata 14 Kabanata 14: Isang Bahay ng mg Estudyante Ito ang bahay ni Makaraig: malaki, maluwang at may dalawang palapag na entresuwelong may mga eleganteng rehas. Pinag-uusapan nila yung naging resulta nang petisyon nila kung nanalo ba si Padre Sibyla o si Padre Irene sa pagkuha ng panig ng kapitan heneral Pecson pesimistiko; isang tabatsoy na may tawang sinluwag ng isang bungo nagsasalita tungkol sa panlabas na impluwensya kung nasangguni nab a kay Obispo A, Padre B etc. Sandoval peninsular at liberal; Nirerespeto ang mga Fraile at ang kapitan heneral Iniwan sa Comision Superior de Instuccion Primaria ang petisyon nila na pamumunuan ni Don Custodio Mga paraaan ng pagkumbinsi: ang bailarinang si Pepay o ang abogadong si Senyor Pasta (may burdadora). Pupuntahan daw muna ni Isagani itong si Senyor Pasta bago gawin ang Plan B. Kabanata 15 Kabanata 15: Si Senyor Pasta Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang kanilang sitwasyon at ang naging reaksyon nito ay mapanganib daw ang ganyang uri ng mga petisyon, mas mabuting hayaan daw na gobyerno ang kumilos. Kabanata 16 Kabanata 16: Mga Hapis ng Isang Tsino Naghahangad na magtatag ng isang konsulado para sa mga Intsik si Quiroga kaya naman nagdaos ito ng hapunan sa itaas ng kaniyang malaking bazaar sa Kalye Escolta. Pumayag ito sa kasunduan nila ni Simoun sapagkat sa dami ng utang nito, kapag pumayag siya sa gusto ni Simoun, ang 9,000 piso na utang nito ay magiging 7,000 na lang. Papayag lamang siya na ilagay sa bodega ang mga armas na kakailanganin ni Simoun. Kabanata 17 Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo Tuwang tuwa si Padre Camorra sa dami ng mga nag gagandahang mga babae kaya naman nakukurot na niya si Ben Zayb. Dumating si Paulita kasama si Donya Victorina. Nababalisa si Isagani sa dami ng nakatingin sa mga tao.

Parang sa bawat pag titig ay nababawasan ang kagandahan ng kasintahan niya. Mr Leeds may-ari ng palabas na kaibigan ni Simoun Kabanata 18 Kabanata 18: Mga Panlilinlang Ninais na patunayan ni Ben zayb na optikal ilusyon lamang ang palabas na ulo. Sinabi niya na puro lamang ito salamin ngunit nang inspeksyunin ay walang nakita. nagtatago si Padre Irene: nag suot ng bigote Nagpakita si Imuthis (na nakaharap kay Padre Salvi) na isinilang daw sa panahon ng Amasis at pinatay sa panahon ng pananakop ng mga Persas. ( similar ang kwento kay Ibarra kaya naman nasindak si Padre Salvi at nahibang sa takot. Kinabukasan umalis na ng bansa si Mr Leeds patungong Hong Kong Kabanata 19 Kabanata 19: Ang Mitsa Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay Placido at nagmamaka awa na bumalik ito sa unibersidad. Yung dating Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura Sinabi na ni Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa rebolusyon. Kabanata 20 Kabanata 20: Ang Ponente Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo kilalang Buena Tinta ( Mapagkakatiwalaan ang sasabihin ) Kilala sa mga ideya nito: tulad na lamang ng panukala nito sa Maynila na gumamit na ilawang de gaas kapalit ng ilawang langis ng niyog. Dahil dito, namatay ang industriya ng niyog at kung may kumita man, isang konsehal lamang ito.

You might also like