You are on page 1of 10

Katangian ng wika

.Ang wika ay.

Masistemang balangkas
Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema tawag sa makabuluhang tunog Ponolohiya makaagham na pag-aaral ng mga tunog Morpema pinakamaliit na yunit ng salita Morpolohiya pag-aaral ng morpema

Morpema
Salitang-ugat paruparo halu-halo sarisari alang-alang Panlapi unlapi unahan gitlapi gitna hulapi hulihan kabilaan kabilaan laguhan una, gitna at hulihan Ponema ponema --- morpema --- salita --- parirala --- sugnay (makapag-iisa at di makapag-iisa) --- pangungusap Sintaks makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap Diskors makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao.

Sinasalitang tunog
Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema. Makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o di kayay may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng isang morpema o salita.

Pinipili at isinasaayos
Pinipili ang wikang ating gagamitin upang tayoy maunawaan ng ating kausap. Samantala upang maging epektib ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika.

Arbitraryo
Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. Kakaiba

Ginagamit
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng ib pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.

Nakabatay sa kultura
Nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ice formations (Ingles) = yelo at nyebe (Filipino)

Nagbabago
Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Halimbawa nito ay mga salitang balbal, pangkabataan, pamprodukto.

You might also like