You are on page 1of 4

Balagtasan (30 mins)

ANG MGA TAUHAN:

AKONG TUWID AKONG MAGTUTUWID LAKANDIWA


AKONG TUWID: (lalaki) Iniisip ko ang kapakanan ng aking pamilyat kalikasan AKONG MAGTUTUWID: (babae) Iniisip ko ang kapakanan ng kabuhayan at gamot sa pasirang kalikasan LAKANDIWA: Magandang araw sa aking mga pinuno, sa mga kupunan at mga manonood ng balagtasan na ito. Ako ay tumatayong punong tagahatol ng dalawang nag-uumpugang panig. Nagpapasalamat sa pagtitipong ito dahil mayroon tayong matutugunang sagot na marahil bumabagabag sa atin. Meron ba sa atin ang naiindayog sa daing ng hirap sa buhay? At sa kahirapang pinag-uusapan, kailangan bang may masisirang kalikasan? Aking ipinapakilla si AKONG TUWID-isang nagmamalasit sa kapakanan ng pamilya at kalikasan. Tumututol sa pagkakaroon ng MINAHAN sa kanyang lunan. Si AKONG MAGTUTUWID- ang panig ay mas malawakang pagkalinga sa pamilyat pangkabuhayan. Nag-iisip at sumasang-ayon sa pagkakaroon ng MINA sa kanyang bayan. Masaya, maganda at malalim na kaisipan. Sa lahat ng maganda, magbigay ng tipak sa kamay (palakpak).Sa tulad kung masaya, tipak at kendeng layaw ni neneng (tayo at kendeng). At sa lahat ng malalim mag-isip, mga kamay ay iwidawid (hand raise). At dahil tayo ay nagkakaisa, masaya at tiyak pagutom na, uumpisahan ko na ang paligsahan ng dunong at tatag ng paninindigan. Sabayan ninyo ang aking humpay at atin nang ipapakita si AKONG TUWID- tumatayong may paninindigang pangalagaaan ang pamilya at ipunyagi ang bihis ng kalikasan. AKONG TUWID: Sa pamilya ko akoy saludo. Pagpapalaki ni tatay at nanay ay binhi ng aking pagkatao. Itataguyod ang kapakanan, ipaglalaban ang samahan at walang hadhadlang na anu pa man. Ano itong naririg-rinig na karimlang padating? Agam-agam koy hihiwain ang lupang kinalakihan at babaguhin ang aking pangkabuhayan. Huwag naman po sanang lapastanganin ang mga alaala ko, yan ang daing. Ang aming kabuhayan ay sapat, sabay ang pag-aaruga. Payak na kinabukasan ang ganti sa magandang kalikasan. Ayokong mabago, ayokong malipat sa iba ang yaman ng lunan ko. LAKANDIWA: Sa sentimentong ito, paniniwala koy tapat sa pangako ang pamilyadong ginoo. Maiintindahan ng mga amang tulad nya ang lalim ng pagmamalasakit. Maraming salamat sa unang tagapagsalita. Ngayon naman ay isang pagpapaunlak sa pangalawang tagapagsalita. Sa aking kabilang panig ay isang mayumi, magandang binibini, at may mensaheng hihimayin at ihahain. Sa inyong palakpak, mag-uumpisa SI AKONG MAGTUTUWID. AKONG MAGTUTUWID: Ang inyo pong lingkod ay kasalukayang nakakasaksi ng isang kamulatang di pansarili lamang. Sa mga nagdaang panahon, marahil ay inyo nang narinig ang panganib na kinalulugmukan ni Inang kalikasan. Tulad ng inyong pag-aalinlangan, ako din ay di noon makapaniwalang ang lubusang magbubukas sa isipan ang susi sa tunay na pag-ibig sa ating mga mahal sa buhay. Ako ay kasapi ng isang pamilyang malayang nangangarap ng mas mahinahon na pamumuhay. Subalit di ako SARADO sa progreso. Di ako sarado sa mga bagay na pwedeng ipaliwanag at malinawanagan. Pamilya ba kamo? Ang aking nais ay pagbubuklod at patuloy na paglago ng pamilyang Pilipino. Ako, tulad ninyo ay naniniwalang ang pamilya ay hibla ng bawat kimkim na pagkatao. Naiintindihan

ang pagsangguni sa bawat dinaing ng aking katungggali. Ang sa aking panig lamang ay pagpapatuloy sa pag-aaruga sa kapakanan ng mas magandang bukas para sa bawat pamilyang umaasang may mas maayos na bahay, may kasangga sa edukasyon, medisina, patubig at hanapbuhay na matibay. Ako ay sumasang-ayon ng bukas ang diwa sa pagmimina. AKONG MATUWID: Hindi ba ang iyong pagsang-ayon sa pagmimina ay paglapastangan sa biyayang dulot ni kalikasan. Sundan mo ang lawak ng kasiraan ng TAMPAKAN? (visuals). Huhukay, puputol ng pagkarami-raming kahoy, hihinto ang pagsasaka at ano pang kasakiman ang kasunod? Sino ang makikinabang? Sino ang masisiraan? AKONG MATUTUWID: Sa bawat dalawang punong-kahoy na pinutol, kapalit ay dalawampo. Ang paghukay sa lawak ng lupain saklaw, may pag-aalagang kapalit, walang pagnanakaw saglit. At ang takot mong mawalan ng hanap-buhay na matibay tulad ng pagsasaka, wala ba sa iyong hinuha na iyong mga supling ay magkaroon ng ibang pagkakataon --- sa ibang industriya, mag-kompyuter, maging maalam sa artes at siyensiya? AKONG MATUWID: Baha, pagguho ng lupa, paglikas ng aking pamilyat kapitbahayan ito ba ay magandang paninindigan? (visuals) Kung inyong batid ang aking panig, samahan ninyo ako sa aking KANANG panig. AKONG MATUTUWID: May tugon na teknolohiya sa isyung katulad ng BAHA. Maaring DAM system o mainam na pamamahala sa kagubatan at tubig na yaman. Nasusukat ang ihip ng hangin, lalo na ang bilis ng daloy ng tubig at maging ang paggalaw ng lupa. Sa makabagong pagmamasid, kaalaman at pamamaraan ng mundo, may paraan upang maiwasan ang sakuna. AKONG TUWID: Ano ang sapat mong batayan aking kaibigan kung ang aking karanasan ay hindi naman din natugunan ng mga unang nangako niyan? AKONG MAGTUTUWID: Malungkot mang isipin ang iyong naranasan, maari mo bang tingnan na kaya pang maibsan ang hagupit ng nakaraan?. Mahirap ang iyong napagdaanan subalit akoy di manghihinayang sa pwedeng ilaang bagong pagkakaibigan. AKONG TUWID: Pagkakaibigang magdudulot ng paghihiwalay sa lupang kinalikahan? Paglikas? Paglimot at pagwalang bahala sa mga sentimiyento, kagawian, at ano pang yaman ng nakaraang henerasyon? AKONG MATUTUWID: Ang PAGLIKAS ay hindi pagtakas o paglimot sa ginintuang kinalakihan. Ang sa ganang amin ay pagpapatuloy ng buhay, pinag-planuhang pag-asenso kasama ninyo, ginoo. Pag-iingat sa bawat naisin mong dadalhin, aaniin at lahat ng mamahalin. Maaring sa bagong tirahan, ikaw ay lalago, mamumuhay na mas may biyaya, magkakaroon ng malayang pamamaraan sa bagong pangkabuhayan. Di ba biyaya ang mahandugan ng dagdag na pagpipilian? Sa lahat ng nanaisin, mga panalanging daing ay maaari nang mapansin: patubig, pabahay, medisina, lahat alang sa pagtataguyod ng pamilya. Kung may sapat na tiwala, karampatang pagpapaibayo ng kakayahan, wala tayong hindi makakamtan. AKONG TUWID: Akoy lubusang natatakot sa mga dambuhalang salita tulad ng OPEN PIT MINING, akoy tulungan sa ibig sabihin. AKONG MAGTUTUWID: (demonstrate). Ang OPEN PIT MINING ay isang pamamaraan ng paghukay sa lupa upang makuha ang mina. Ito ay ang bukas na pamamaraan na kilala sa buong mundo tulad ng mga bansang Canada, Australia at New Zealand. Sa pamamaraang ito, abot-tanaw lagi ang langit para sa minero. Maliit ang pagkakataong siyay matabunan, ano ang ikinatatakot mo? Kasamang nagta-trabaho sa mina ay mga eksperto at bihasang inhinyero!

Ang mga nagiging kahinaan ng mga unang minahan ang HALIGI ng pagbabago at paggawa ng tama at mahusay. Katulad ng open-pit, narinig mo na rin ba ang BLOCK CAVING o underground Mining? Ang pangalawang pamamaraan na ito ang humuhukay ng tunnels sa ilalim ng lupa, gumagamit ng natural na lakas --- ng pababang hila ng gravity --- upang mailabas sa pamamagitan nitong tunnels ang yamang bato. May kabuhayan mula sa bato, ginoo. Sa mga makabagong paraan, ang bato ay katapat ng bagong pag-asa para sa mga anak ko. AKONG TUWID: Anong pangkabuhayan ang dulot sa akin ng iyong sinasabing pagmimina? AKONG MAGTUTUWID: Ikaanim sa buong mundo ang Pilipinas kung yaman sa mina ang paguusapan. Ito ba ay basta mo na lamang tatalikuran? Hindi mo ba tatanggapin ang pamana ng kalikasan? Ang aking panaginip ay isang bansang payapa. Ang kanyang kilos ay puno ng pagyayaman sa kanyang kalikasan. Hindi ako papayag na hindi natin makuha ang mga mineral na biyaya dahil lamang sa di sapat na kalinangan at saradong kamuwangan. Kayat ang aking payak na panawagan, ating isipin ang parabulo ng talento. May nakatanggap ng sampu, ginamit at pinalago. Mayroong iisa, itinago sa takot na mawala, hindi nakinabangan, may kalakip pang parusa (dusa?). AKONG TUWID: Ako man ay tawaging matatakutin at ayaw magbahagi, hindi pa rin magwawagi ang aking katunggali. Sa aking pamiliya, ang aking imumulat na gawa, huwag nang umasa at mangarap ng hindi kaya. LAKANDIWA: Bago ang paghahatol, aking hihilingin ang dalawang panig na lumapit sa ating mga tagapakinig at makibalita sa mga haka-haka. Meron ba tayong isang tagapagsalita na gustong magbahagi? y (community representative) PRO Akong TUWID __________________________ PRO Akong MAGTUTUWID______________________ Magaling, magaling ang mga kaisipang naibahagi. Salamat at kayoy narito at sinadyang tayong lahat ay matuto. Sa aking mga narinig, ako ay naniniwala na ang dalawang panig ay sadyang kapanipaniwala. Ako ay napa-isip, at mukhang may kuro-kuro na nag-binhi. Si AKONG TUWID ay sadyang makapamilya, ayaw ang pagbabago, pinangungunahan ng takot. Saludo ako sa pagpapahalaga sa pamilya, ngunit hindi kaya kulang ang biyaya kung TAKOT AT KULANG SA TIWALA ang lagi nating panangga? Si AKONG MAGTUTUWID naman ay malambing ang pakay. Malawak ang kanyang pangarap para sa pamilya, komunidad at sa bansa. Ngunit batid ko ang mga maisasakripisyo sa panig nya sa gitna ng pag-asa. Matatas man ang adhikain, maaari kayang may pagmamadali na magdadala ng luha sa kasapi? Akong Tuwid at Akong Magtutuwid, ang batong yaman na ating kinatatayuan, batid koy isang katotohanang di natin maitatanggi. Lupa nating kinalakhan, buhay ng ating kanuno-nunuan. Hindi man natin akalain, ito ay biyaya ng mundo sa atin. Akong Tuwid, hintayin ang aking hatol makasandali. Akong Magtutuwid, isapuso mo ang aking sasabihin. Ang mina ay biyaya sa iyo, sa kanya, sa ating pamilya, bayan at bansa. Ngunit ang mina ay mananatili sa lupa kung walang maaabot na pagkakasundo. Sa katutubong kaalaman, naitaguyod ang ating pamayanan mula sa henerasyon noon-noon hanggang ngayon sa pamamagitan ng matuwid na pag-uusap at paglatag ng adhikain at intensiyon.

Akong Magtutuwid, makapangyarihan ang siyensiya at makabagong teknolohiya. Akong Tuwid, tunay ka, ang iyong pamilya ang puso at ating konsensiya. Sandaling huminahon! Heto ang gawad na hatol na pangarap kong baon nating lahat ngayong gabi sa pagtulog: Ang mina ay magkakaroon ng mabuting bunga KUNG ito ay para sa pamilya. Pakiusap lamang, at pakaintindihing hindi ang katumbas na pera ang tinutukoy kong magbibigay ng mabuting bunga. Ang mina, totoo, ay may katumbas na pera. Ngunit ang yaman na bato ay hindi dapat mauwi lang sa pera na panandali lamang makapagpaligaya. Batid ng puso ko na ang biyaya na bato ay regalo ng mundo sa ka-apo-apohan ko. Itong bato ang pamanang makakasama niya, kahit limampung taon nang ako ay sumakabilang-buhay na. Batid niyo ba ang sinasabi ko? Limampung taong mula ngayon, ang bato ay maaaring wala na sa lupang ito. Ngunit ang biyaya nito --- kung magagamit nang maayos at magtataguyod sa kapakanan ng henerasyon ngayon at henerasyong susunod --- ay ang magsisigurong ang bato ay nagging tunay na yaman ng pamilyang magkakaharap sa araw na ito. Akong Tuwid, isang huwarang ama sa pagpapahalaga mo sa iyong pamilya. Akong Magtutuwid, paniguruhin mong ang teknolohiya at siyensiyang sinasabi mo ay magamit para sa iyong pamilya, sa ating pamayanan, dito sa ating bansa. Isang masigabong palakpakan para kay AKONG TUWID and AKONG MAGTUTUWID! Higit sa lahat, isang madamdaming pagpadyak at pagpalakpak --- para sa pamilya, sa buhay, sa pag-asa. Magkamay lamang po ang dating magkatunggali. * (magkatungggalibow / clap,clap)

You might also like