3 sa 35
sariling bahay at lupa, at wala ring trabaho. Batay naman sa National StatisticsOffice/NSO (2010), halos 3,000,000 Pilipino ang walang trabaho at mahigit 7,000,000naman ang kulang sa trabaho o
underemployed.
Dahil sa kawalan ng sapat naoportunidad na makapaghanapbuhay sa sariling bansa, 4,000 Pilipino ang umaalis sabansa araw-araw para magtrabaho sa ibayong-dagat ayon sa Philippine OverseasEmployment Administration/POEA (2006). Tatlo hanggang apat na OFW bawat arawang umuuwing “nakakahon” na. Ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)ay tinatayang mula mahigit 8,000,000 hanggang 10,000,000.
Bato,
Noodles
, Prostitusyon at
Surrogate
Ulam: Kakaibang Sukatan ng Kahirapan
Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di karaniwang sukatan ng kahirapan.Iniulat ng Agence France Presse (2008) na 3,000 sa 50,000 residente ng Baseco (isangkomunidad ng mga maralita sa Maynila) ang nagbenta ng isang bato nila sa mgadayuhan. Marami ring Pilipino ang nagbebenta ng dugo, ngipin at iba pang bahagi ngkatawan dahil sa matinding kahirapan. Bagamat ilegal ang prostitusyon sa bansa,tinatayang may “800,000
prostitute
ang nakatira at nagtatrabaho sa Pilipinas. Kalahatisa kanila ang menor de edad” (Yrasuegui at Esselborn, 2008). Tinalakay naman noongAbril 29, 2010 sa ispesyal na edisyon ng Sine Totoo ng GMA 7 ang matindingkagutuman na dinaranas ng maraming Pilipino sa isang
episode
na pinamagatang“Philippine Agenda: Gutom.” Inilahad nito ang karanasan ng mga pamilyang Pilipino nakumakain ng tira-tirang pagkain mula sa basura (tinatawag na “pagpag” o “kaning-baboy”). Maraming Pilipino na rin ang nagtitiis sa kanin na tinambalan ng “
surrogate
ulam” gaya ng toyo, kape, mantika ng baboy, asin, pulang asukal, bagoong at iba pa.Ang lumang
euphemism
sa pagdaralita – “pagdidildil ng asin” – ay literal na nagaganap