You are on page 1of 5

Pakialam sa Pag-ibig ng Anak

LAKANDIWA (Pagbubukas) magandang araw po sa inyong lahat,kababayan Narito po kami upang kayo ay handugan Ng inyo pong paboritong nagbabagang Balagtasan. Jenz eries Serrano po ang lingkod n'yong bumabanat Dito'y ako'ng tagahahatol, Lakandiwa po ang tawag, Ang magulang ba ay dapat o di dapat makialam Sa pagpili nitong anak ng nais na mapusuan? Iyan po ang paksa ngayon nitong ating paglalaban. Kahit na may kabigatan ang napili nating paksa, Mabibigat din po naman ang makatang magbabangga Palakpakan sila habang lumalapit papagitna!

DAPAT (Pagpapakilala) Sa akin pong katunggali na kutis ay takipsilim Ang sarili ay ihanda at isip ay patalimin Jonald Garcia po, nagpupugay, buong giliw Sa lahat ng kababayang katulad ko ang hangarin.

HINDI DAPAT (Pagpapakilala) Akong nagmamahal sa kaloob na mga anak Ang sila'y panghimasukan sa kakatuwangin ay di dapat Jose Lorenzo Mariano po ang lingkod nyong taga-San Jose Sa tanan ay nagpupugay, buong tuwa at ng galak.

LAKANDIWA Mukhang handang-handa na po ang makatang paraluman Ang makatang taga-San Jose, tila gayon din po naman Unang tindig, si Jonald po ang sya munang pagbibigyan Upang lalong ganahan po'y ihatid ng palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig) Kahulilip ay ligayang hindi kayang mapantayan Ang nadama nitong ina nang ang anak ay isilang Ang sanggol ay inaruga ng malingap na kandungan Ng magulang na nagsilbing sa bukas nya'y mga tanglaw. Tungkulin ng magulang ay pangalagaan ang anak Iwasto sa kalagayan, sa di tama ipangilag Ang higit na karanasan sa kanila ay di hamak Mas pa nilang nababatid sa anak ang nararapat. Kung sumapit sa panahong anak ay mag-aasawa Pakialam ba ng magulang, itatanggi, itatatwa? Malasakit nga ba nila'y ipagwawalang-bahala? Ang sa aki'y pagtatanong, dulutan po ng unawa.

LAKANDIWA Maliwanag na nagsaysay ng katwiran ang makata Na dalaga pa pong tunay, maganda at batambata, Ang kalaban nya po namang binat-na ang syang tutudla Palakpakan din po't dinggin, tingnan kung may binatbat nga!

HINDI DAPAT (Unang Tindig) Wika din niya kung ang anak ay umibig at gumiliw Sa kanya ang karapatang damdamin ay pairalin Ngayon nama'y nakikialam, hangad niya'y nais sundin Hindi kaya kahulugang ang dilag po ay balimbing? Kapag puso ay umibig, magmahal ay natutunan Paraan ay magagawa lalo na nga't hahadlangan Malimit ngang nagaganap, kapag magulang nakialam Anak ay napipilitang sa kasintaha'y magtanan. Di po lubos maunawa ng makatang paraluman Kung gaanong hapdi sa anak ang kabiguan Tayo'y mga nagdaan na sa ganiyang kalagayan Hanggang ngayon siya'y bulag pa sa isang katotohanan.

LAKANDIWA Para lalong magkaigi ang dalawang nagtatalo Hahayaan ko na silang magbaknatan hangga't gusto Kayo namang nakikinig sa istudyo at sa radyo Ipabaon sa kanila'y palakpakang todong-todo!

DAPAT (Ikalawang Tindig) Pag-ibig ang siyang bulag, hindi yaring pang-intindi Taliwas po ang pasaring ng mahanging katunggali Hindi ba't ang kabataan, kahit anak mong sarili, Mapupusok sa pag-ibig, sa pagpili'y namamali? Kapintasan bang masabing ang anak ay maturuan Sa nababagay na kasuyong kakasamahin sa buhay? Di ikaw ang masusunod, kahit ikaw'y nakialam, Mahalaga'y pagpapayo na nagmula sa magulang. Mas mahapding madarama lalo't anak mo'y babae Napakasal halimbawa sa tampalasang salbahe Sa altar kung ibinuklod, habang buhay magsisisi Dahila'y di nakialam ang magulang sa pagpili.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) Hilong talilong na yata ang dilag kong kabanggaan Ang bunga sa pakikialam ay kanyang nakaligtaan Anak, kung ipinagkasundo sa hindi napupusuan, Hantungan nitong malimit ay di ba paghihiwalay? Pag sinabing nakikialam ang magulang po sa anak

Kanilang pinipintuhong balak nila ang matupad Ang sustansiya ng hidwaan, nais po yatang isadlak Nitong aking katunggali, sa paglihis, pangingilag. Pag-ibig ay kawikaang labis makapangyarihan Ang lahat ay hahamakin maging pati kamatayan Kapag puso ang nag-utos sa anak at hinadlangan Kundi sa hukay babagsak ay do'n sa Mental Hospital.

DAPAT (Ikatlong Tindig) Kagaya ng nasabi kong karapatan ng magulang Sa anak magmalasakit pagkat dugo nila't laman Halimbawang ang anak mo may asawa ang napusuan Anong uring magulang ka kung ito'y di tututulan? Balakid ngang sasambitin pag nakialam ang magulang Ngunit dapat na mangyari pagkat isang pagmamahal Kahit sabihin pa nating anak sa aki'y masuklam Kung akin siyang napanuto, ina akong nagtagumpay.

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Katulad sa isang anak na dalaga't ubod ganda Sa mayamang manliligaw, isinabwat nitong ina Sa takdang araw ng kasal, sa halip na pagsasaya Ang ina ay tumatangis, masakit na nagluluksa. Halimbawa ko po lamang itong aking inihayag Bagaman may pangyayari na dito ay natutulad Nasaan ang pagmamahal ng magulang po sa anak Kung karapatan sa pag-ibig ng bunso ay winawasak?

DAPAT Maganda ang halimbawa ng makatang kahidwaan Ngunit ang tema ng paksa'y di maunawang lubusan Ang pakialam ng magulang sa anak ay nakabatay Kung sa kanyang kakatuwangin ay may punang kapintasan. Katulad din halimbawa ng sa anak lumiligaw Lasenggo at butangero, sugarol po at batugan Ang anak ba'y hahayaang sa ganyan mapasakamay Kapag ito'y napangyari, magulang ang masasaktan.

HINDI DAPAT Muli akong sinapawan kaya ako'y di maka-draw Katunggali'y lumiliko, mahirap ang makapusoy Bakit ba kung nagigipit, kahidwa ko'y lumiligoy Sala sa init at lamig kung baga po sa panahon. Ngunit po sa isang dako ay hindi niya nababatid Mas liligaya ang anak sa kaniyang nilalangit Batugan at lasenggo man, kahit kapintasa'y labis Kung tibok ng kanyang puso, magulang ay huwag magkait.

DAPAT Ako Ang Ang Ang lang ay nagtataka sa pasaring ng kalaban pangarap ba sa anak, isadlak sa kamalian? gawang pangungunsinti sa anak po kalimitan bunga ay di maganda, tuturingang walang inam.

HINDI DAPAT Pangungunsinti nga kayang unawain yaong anak Kung siya'y di pakialaman sa pipiliing kapilas? Kung ako'y manghihimasok ay akin pong natitiyak Ako'y kanyang sisisihin sakaling siya'y di pinalad.

DAPAT Pagmamahal po sa anak kung magulang ay makialam Sa pagpili ng kasuyong sa buhay niya'y makakatuwang.

HINDI DAPAT Sasabihing ako po ay malupit na isang ama Kung sa anak makikialam sa pagpili ng asawa.

DAPAT Kapag hindi ka nakialam ay wala kang malasakit!

HINDI DAPAT Ama akong makatuwiran, di gaya mong mapagkait!

DAPAT Pagkakait ba sa anak kung siya ay iwawasto?

HINDI DAPAT Kapag ikaw ba'y nakialam, may bukas siyang mapipiho?

DAPAT Tiyakan at sigurado!

HINDI DAPAT Hindi sa paniwala ko!

LAKANDIWA (Paghatol) Puputulin ko na ngayon ang pagdada ninyong dal'wa Kung umibig ba ang anak at ang puso ay tumibok

Ang magulang ba ay dapat o di dapat manghimasok? Dapat raw po, ani Elvie; Di dapat, kay Gonie'ng sagot Ano naman ang "say" ninyo kung kayo ang masusunod? Minsan pag nanghimasok ka, nagrerebelde ang anak Kapag di ka nakialam, baka naman mapahamak Kung kailan nababagay ang maghigpit o magluwag, Yan ang hamon sa magulang na dati ring naging anak.

You might also like