You are on page 1of 1

Alamat ng malunggay

Akda ni Kristopher Lloyd furio ng 1 del pilar

Sa isang gubat, Mayroong unggoy na ang pangalan ay malu. Si malu ay masakitin na unggoy marahil hindi siya kumakain ng gulay at laging nagaalala ang kanyang kapatid na uggoy at pinsan niyang unggoy.

Si Malu ay mahilig umakyat at magpahinga sa isang puno na pangalan ay Lugay dahil sa mga maluluwag at magkakahiwalay nitong sanga at narito ang gulay na hindi pa napapangalanan na kanyang ikinaaayawan.

Isang Araw, Si Malu ay umakyat sa Lugay upang magpahangin kasama ang kanyang kapatid at pinsan.Ngunit hindi alam ni malu na mahina at madali maputol ang sangay ng lugay kaya nung may isang malakas na hangin ang dumayo.Naputol ang sanga at Nahulog si malu na biglang napasigaw ang mga unggoy habang nahuhulog si Malu mula sa lugay.

Malu

Sabi ng kanyang kapatid

Unggoy sabi naman ng kanyang pinsan Ay! Sabi ni Malu.

Habang nahuhulog si Malu. Nakuha niya ang gulay na ikinaaayawan at bigla itong nakain. Sa kanyang pagbagsak. Napasabi siya ng Aray at napaisip na masarap at masustansya pala ang gulay na kanyang ikinaayawan. Mula noon. Si malu ay naging malusog dahil siya ay kumakain ng gulay . at pinangalanan nila itong Malunggay na nagmula sa Puno ng Lugay at sa mga sigaw ng mga unggoy. Kaya kung mapapansin natin. Ang malunggay ay may mga espasyo o pagitan at madali itong maputol ngunit ito ay masustansya at pinapalakas nito ang resistensya ng ating mga katawan

You might also like