You are on page 1of 50

WEEK 1 NILIKHA NG DIOS ANG LAHAT NG BAGAY

TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Ang Dios ang Manlilikha at Siyay dakila at makapangyarihan. Ang tao ay nilikha sa larawan o wangis ng Dios. Lahat ng kailangan ng tao para mabuhay nang may kasiyahan ay ibinigay ng Dios. Nilikha ang tao para sa walang-hanggang buhay. Binigyan ng Dios ang tao ng kalayaang pumili kung magtitiwala sa Dios o sa sarili. Nagrebelde ang tao at pinalayas sa presensiya ng Dios. Walang karapatan ang taong husgahan kung ano ang mabuti at masama; Dios lang ang may awtoridad dito. Hinahabol ng kabutihan ng Dios ang tao, kahit na silay mga rebelde. May misyon ang Dios na binigay din niya sa tao.

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

SIMULAN
Maaaring simulan ang pag-uusap sa ganitong tanong Ano ang gusto mong makita sa mundong tinitirhan natin na iba sa nangyayari ngayon? Di ganyan ang nakikita natin ngayon, pero may panahon na ang mundo natin at buhay ng tao ay katulad ng isinalarawan ninyoat darating ang araw na ibabalik ng Dios sa dati ang lahat ng ito. Ipinakita sa Biblia kung paano gagawin iyon ng DiosSimulan natin sa pinaka-simula ng Kuwento ng Dios

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena. Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).

1-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 1

UNANG EKSENA ~ MGA UNANG TAO


Hango sa Genesis 1-2 Ang Kuwentong ito ay tungkol sa Diyos kung sino siya, ano ang ginawa niya, at ano ang plano niyang mangyari. Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang mundo. Wala pa ang lahat ng bagay narito na ang Dios. Lahat ng bagay sa mundo at sa langit ay ginawa ng Dios mula sa wala. Lahat ng nakikita natin, pati di natin natatanaw galing sa Dios, at para sa Dios. Mula sa mga anghel sa langit hanggang sa mga insekto sa lupa, lahat para sa Dios. Sa kapangyarihan ng kanyang salita, nalikha ang lahat. Sinabi niyang, Magkaroon ng liwanag, nagkaroon nga ng liwanag. Dito nagsimulang buuin ng Dios ang mundong titirhan ng tao, ang mundong magsisilbing lugar na paghaharian ng Dios. Sa unang araw, pinaghiwalay niya ang liwanag sa kadiliman, ang araw sa gabi. Sa ikalawang araw, pinaghiwalay niya ang tubig at kalawakan. Sa ikatlong araw, pinagbukod niya ang tubig at lupa sa mundo. Sa araw ding ito sinimulan niyang ihanda ang mundo para maging maganda at kapaki-pakinabang. Pinatubo niya ang ibat ibang uri ng puno at halaman. Sa ika-apat na araw naman, nilikha niya ang araw, buwan at mga bituin. Sa ikalimang araw ay ang ibat ibang uri ng isda at mga ibon. Sa ika-anim naman ay ang mga hayop sa lupa may maliit, may malaki, may maamo, may mailap. Nakita ng Dios ang lahat ng kanyang ginawa at nasiyahan siya sa ganda ng nakita niya. Pero may kulang pa, hindi pa tapos ang kanyang obra maestra. Pagkatapos niyang ihanda ang mundo, sinabi ng Dios, Likhain natin ang tao ayon sa ating larawan. Sila ang mamamahala sa mundo, sa mga halaman at mga hayop na naririto. Kaya dumampot ang Dios ng lupa, hiningahan niya ito, nagkaroon ng buhay, at naging tao. Siya ang unang lalaki na ang pangalan ay Adan. Pagkatapos nito, nilikha ng Dios ang unang babae, si Eba. Hindi lang lalaki ang ginawa ng Dios dahil sabi niya, Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya. Kaya mula sa isa sa mga tadyang ni Adan, ginawa itong babae ng Dios, at iniharap kay Adan. Kaya nilikha ng Dios ang tao na lalaki at babae ayon sa wangis niya. Pinagpala ng Dios ang unang mag-asawa at binigyan ng kakayahang magpakarami sa pamamagitan ng mga anak na galing sa kanila. Sinabihan niya sila, Magpakarami kayo para mangalat ang lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. Inilagay niya sila sa isang magandang hardin, isang lugar kung saan nasa kanila na ang lahat ng kailangan nila para masiyahan sa buhay. Sabi sa kanila ng Dios, Ibinibigay ko sa inyo ang mga pananim na nagbubunga ng butil at ang mga punongkahoy na namumunga para kainin ninyo. Sa gitna ng hardin, merong dalawang espesyal na puno. Ang isa ay ang Punong Nagbibigay-Buhay. Ang isa naman ay ang Punong Nagbibigay-Kaalaman ng Mabuti at Masama. Sinabi ng Dios kay Adan at Eba na puwede silang kumain ng galing sa anumang puno maliban lang sa isa ang Punong NagbibigayKaalaman ng Mabuti at Masama. Nagbigay siya ng babala na kung kakain sila ng bunga nito, tiyak na mamamatay sila. Araw-araw, dumarating ang Dios, naglalakad na kasama ng mga tao, at nakikipagkuwentuhan sa kanila. Ipinakita niya sa kanila kung paano mamuhay nang kasiya-siya isang buhay na malapit sa Dios at nasa ilalim ng kanyang pangangalaga at pamamahala. Nasisiyahan naman sina Adan at Eba na kasama ang Dios. Nang matapos ang paglikha ng Dios, tiningnan niya lahat ng ginawa niya at lubos siyang nasiyahan. Nagpahinga siya at naglaan ng isang araw sa loob ng isang linggo bilang araw ng pamamahinga para sa kanyang mga nilikha.

1-2

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ MGA UNANG TAO


1. Ano ang kaibahan ng tao sa lahat ng nilikha ng Dios? Nilikha sa larawan ng Dioshiningahan ng Dios para magkabuhaymay awtoridad na mamahala sa iba pang nilikha ng Dios. 2. Saan natin makikita sa Kuwento na nilikha ang tao na mabuti at maganda? Nilikha sa larawan ng Diosnasiyahan ang Dios sa nakita niyang nilikha niya. 3. Ano ang pagkakakilala mo sa sarili mo (trabaho, pamilya, relasyon, abilidad)? Gaano kahalaga ang mga bagay na ito sa iyo? Anong magbabago kung ang pagkakakilanlan (identity) mo ay nakadepende sa pagiging larawan ng Dios? 4. Anong klaseng relasyon meron ang Dios sa mga tao? Nakikipagkuwentuhan siya sa mga taonasisiyahan silang kasama ang DiosBinigyan sila ng responsibilidadPinakita niya kung ano ang kasiya-siyang buhayInilalayo sa kapahamakan. 5. Anong klaseng relasyon meron ang tao sa isat isa? MalapitSi Eba galing sa katawan ni AdanHubot hubad at di nahihiya. 6. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng dalawang puno sa gitna ng hardin? 7. Sa tingin mo bay nilikha ang tao na mabuhay nang walang hanggan (di mamamatay)? Saan sa kuwento makikita iyon? 8. Ano ang natutunan natin tungkol sa Dios sa eksenang ito? Pinagmumulan ng lahat ng pagpapala Makapangyarihan, Manlilikha ng lahatIpinapakita sa tao kung paano mamuhayIpinagkatiwala sa tao ang pangangalaga sa kanyang nilikhaNagbibigay ng lahat ng kailangan ng taoNasisiyahan sa kanyang ginawaNaglaan ng araw ng pahinga. 9. Ano ang natutunan natin tungkol sa kahulugan o layunin ng buhay ng tao? Bakit tayo naririto? Saang bahagi ng kuwento makikita natin iyon? Para masiyahan at matuto sa DiosGugulin ang panahong kasama siya at namumuhay ayon sa kanyang kalooban. 10. Anong kaibahan nito sa buhay at pag-iisip ng mga tao ngayon?

IKA-2 EKSENA ~ PAGREREBELDE


Hango sa Gen. 3; Job 38; Isa. 14; Rev. 12 Habang inilalagay ng Dios ang pundasyon ng mundo, nanonood ang mga anghel hangang-hanga sa ginagawa niya, kumakanta, at humihiyaw sa tuwa! Nilikha niya ang magagandang anghel na ito para sambahin niya. Pero ang ilan sa mga ito ay nagrebelde sa Dios at sa kanyang paghahari. Anumang pagrerebelde sa Dios sa isip, sa salita, at sa gawa ay tinatawag na kasalanan. Dahil di hahayaan ng Dios na manatili ang kasalanan sa kanyang presensiya itinapon niya ang mga rebeldeng anghel sa kadiliman sa mundo, at darating ang araw na haharapin nila ang tiyak na parusa ng Dios.
1-3

Isang araw, ang pinakapuno sa mga anghel na ito na si Satanas ay nag-anyong ahas at lumapit kay Eba. Tinanong niya ang babae, Totoo bang pinagbawalan kayo ng Dios na kumain ng bunga ng alin mang puno sa halamanan? Sumagot si Eba, Hindi, puwede naman naming kainin lahat puwera lang dun sa Puno na NagbibigayKaalaman ng Mabuti at Masama. Sinabi ng Dios na kapag kinain namin iyon, o hinawakan man lang, tiyak na mamamatay kami. Sabi ng ahas sa kanya, Hindi totoong mamamatay kayo! Sinabi iyan ng Dios dahil alam

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 1

niya na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ang mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Nang makita ni Eba na maganda at mukhang masarap ang prutas na iyon, at dahil gusto niyang maging marunong, pumitas siya at kumain. Binigyan din niya ang asawa niya, na katabi niya, at kumain din si Adan! Pinili nilang di maniwala sa Dios kundi sa kasinungalingan. Noon din ay nabuksan ang kanilang isip at nalaman nilang hubad sila kayat nahiya sila at natakot. Kumuha sila ng mga dahon at pinagtagpitagpi para pantakip sa kanilang katawan. Pagdating ng hapon, narinig nila ang Dios na dumarating, kaya nagtago sila sa likod ng puno. Tinawag ng Dios si Adan, Nasaan ka? Sumagot si Adan, Narinig ko po kayong dumarating, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako. Sumagot ang Dios, Sino ang nagsabi sa iyo na hubad ka? Kumain ka ba ng bunga ng punongkahoy na sinabi ko sa iyo na huwag ninyong kakainin? Sinisi ni Adan ang asawa niya at ang Dios, Ang babae po kasi na ibinigay nyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko. Bakit mo ginawa iyon?, tanong ng Dios kay Eba. Sinisi naman ni Eba

ang ahas, Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain po ako. Kaya sinabi ng Dios sa ahas, Dahil sa ginawa mong ito, sa buong buhay moy gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at ang bibig mo ay palaging makakakain ng alikabok. Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay magaaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya. Nalungkot ang Dios sa ginawang pagsuway ng tao, pero di niya puwedeng palampasin lang iyon. Lahat ng ginagawa ng Dios ay mabuti, tama at perpekto dahil makatarungan siya dapat lang na parusahan ang kanilang pagrerebelde sa kanya. Kaya pinarusahan sila ng Dios at pinalayas sa hardin malayo na sa naranasan nilang pangangalaga at pagiingat ng Dios. Dahil di na sila nagpasakop sa Dios, pumasok ang sakit, hirap, sirang relasyon at kamatayan sa buhay ng tao. Sa kabila noon, patuloy pa ring ipinakita ng Dios ang kanyang pag-ibig kina Adan at Eba tumahi pa nga siya ng damit para sa kanila na mula sa balat ng hayop na pinatay niya. Ginawa niya para sa kanila, para matakpan ang kanilang kahihiyan.

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ PAGREREBELDE


11. Ano ang kaibahan ng tao sa lahat ng nilikha ng Dios? 12. Pero ano ang piniling gawin nina Adan at Eba sa eksenang ito? Pinaniwalaan ang kasinungalingan ng ahaspiniling hindi magtiwala sa salita ng Diossa halip ay nagtiwala sa sarilina pamahalaan ang mabuti at masama sa kanilang buhay nang hiwalay sa Dios. 13. Ano ang tuksong iniharap ng ahas kina Adan at Eba? Na piliin ang sarili nang hiwalay sa relasyon sa Dios (pagmamataas)na paniwalaang may karapatan tayong husgahan kung ano ang mabuti at masama nang hiwalay sa Dios. 14. Ano ang karaniwang kuwento ng buhay ng tao ngayon? Ano ang resulta nito? Sino ang bida sa kuwentong ito? Makababalik pa kaya tayo sa orihinal na kuwento? 15. Ano ang unang tugon ng Dios kay Adan pagkatapos na siyay sumuway? Hinanap sila ng DiosTinanong, Nasaan ka? 16. Sa tingin mo bay di alam ng Dios kung nasan siya? Bakit niya hinanap si Adan at tinanong? 17. Ano ang resulta ng ginawang pagsuway nina Adan at Eba? Paghatol ng Dios pagkahiwalay sa kanyaNasirang relasyon sa Dios at sa isat isasakit, hirap at kamatayanngunit may awa pa rin ang Diosdi sila agad pinataybinihisan pa sila. 18. Bakit sa tingin mo may parusa sa ginawang pagsuway ng tao? Bakit di na lang ito pinalampas ng Dios? Hindi niya hahayaang manatili ang kasalanan sa presensiya niyaBanal siya lahat ng ginagawa ay tama, mabuti at perpekto.
1-4

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 1

19. Tulad ba tayo nina Adan at Eba o iba sa kanila? Sa paanong paraan? 20. Anu-ano ang natutunan natin tungkol sa Dios sa kuwentong ito? Alam niya ang lahat ng bagay, walang maitatago ang tao sa kanyaMakatarungan at banalNangako ng Isang darating na papatay sa ahas Pinagmumulan ng lahat ng biyaya at pagpapala.

KARAGDAGANG PAGSASABUHAY
Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang puwedeng pag-usapan ng grupo: Kung totoo ang pinag-usapan natin ngayon, paano ito dapat makaapekto sa buhay mo? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa Dios? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA SA BAHAY
Genesis 1-3 Awit (Salmo) 19:1; Roma 3:23 (puwedeng isaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/)

1-5

WEEK 2 NAGREBELDE ANG TAO


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Bawat tao ay piniling magkasala piniling pahalagahan ang sarili nang higit sa Dios at hiwalay sa Dios. Tumitingin ang Dios sa puso ng tao. Ang kasalanan at pagkamakasarili ay nauuwi sa pagkahiwalay sa Dios at sa kamatayan. Ang pagtitiwala at pagsunod ay tungo sa ganap na buhay at relasyon sa Dios. Nilikha tayo ng Dios at inutusang mamunga o magpakarami. Ang Dios ang pinagmumulan ng awa at pagpapala.

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).

2-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 2

UNANG EKSENA ~ ANG MAGKAPATID


Hango sa Genesis 4 Pagkatapos palayasin ng Dios, nagkaroon ng dalawang anak na lalaki sina Adan at Eba, na ang pangalan ay Cain at Abel. Si Cain ay naging magsasaka at si Abel naman ay nag-aalaga ng hayop. Nang umani na si Cain, naghandog siya sa Dios ng galing sa kanyang ani. Si Abel naman ay nagdala ng pinakamaganda sa kanyang mga alagang hayop. Tinanggap at natuwa ang Dios sa handog ni Abel, ngunit kay Cain ay hindi. Dahil dito nagalit si Cain. Ano ba ang ikinagagalit mo? tanong ng Dios sa kanya. Bakit ka nakasimangot? Tatanggapin ko ang handog mo kung tama sana ang puso mo sa paghahandog. Pero mag-ingat ka! Ang kasalanan ay maghahari sa iyo. Sapagkat ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay sa iyo para tuklawin ka. Kaya kailangang talunin mo ito. Di nakinig sa Dios si Cain. Naghari sa kanya ang inggit at galit kaya pinatay niya si Abel. Nasaan ang kapatid mo? tanong ng Dios. Sumagot si Cain, Ewan ko. Bakit, ako ba ang tagapagbantay niya? Sabi ng Dios, Dahil sa ginawa mo, isusumpa ka. Kahit magtanim ka pa, ang lupa ay hindi na magbibigay sa iyo ng ani. At wala kang pirmihang matitirhan, kaya magpapagala-gala ka kahit saan. Sabi ni Cain, Napakabigat ng parusang ito. Itinaboy ninyo ako ngayon sa lupaing ito at sa inyong harapan. Kung may makakakita sa akin, tiyak na papatayin ako. Sumagot ang Dios, Hindi! Ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses. Kaya nilagyan ng marka ng Panginoon si Cain para hindi siya mapatay. Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa bandang silangan ng hardin.

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ ANG MAGKAPATID


1. Ano ang sinabi ng Dios kay Cain pagkatapos na di niya tanggapin ang inihandog nito? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin noon? Tumitingin ang Dios sa puso ng tao. Hindi isyu ang handog kundi ang puso ng naghahandog. Alam ni Cain kung ano ang dapat gawin pero di naman niya ginawa. Di tama ang relasyon niya sa Dios. 2. Bakit sa tingin mo pinatay ni Cain ang kanyang kapatid? Galitinggitpagnanais na maging katanggaptanggap sa sariling paraan. 3. Ano ang ginagawa mo kapag hindi mo nararamdamang tanggap ka? Ano ang gagawin mo para maging katanggap-tanggap? Ano sa tingin mo ang magbabago sa buhay mo kung alam mong kahit sino ka pa at ano ang ginawa mo ay minamahal ka at tinatanggap ng Dios? 4. Ano ang reaksiyon ng Dios sa pagpatay ni Cain sa kanyang kapatid? Bakit di niya na lang pinalampas ang kasalanan ni Cain? Dapat lang na mamatay si Cain. Makatarungan ang Dios, pero nagpakita pa rin siya ng habag at awa. 5. Ano ang matututunan natin tungkol sa tao sa eksenang ito? Nagtatago sa kasalananNaiiinggitDi marunong makinig sa DiosDi ginagawa ang alam na dapat gawin. 6. Ano ang matututunan natin tungkol sa Dios sa eksenang ito? Interesado ang Dios sa buhay ng taoPinaparusahan ang kasalanan.Mahabagin at maawainAlam ang lahat ng bagay. 7. Sino ang mas katulad mo sa eksenang ito? Si Cain o si Abel? Paano mo nasabing ganoon?

2-2

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 2

IKA-2 EKSENA ~ ANG BAHA


Hango sa Genesis 6-9 Hindi nagtagal, dumami nang dumami ang mga tao sa mundo. Sa pagdami ng tao, kumalat din ang kasalanan hindi lang mula kina Adan at Eba tungo sa kanilang mga anak, kundi sa bawat salinlahi. Kahit na ang taoy nilikha sa larawan ng Dios, pinili nilang sumuway sa Dios. Naging marahas sila sa isat isa. Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama, nanghinayang siya kung bakit ginawa pa niya ang tao sa mundo. Labis ang kalungkutan niya, kaya sinabi niya, Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain. At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa dahil nanghihinayang ako sa paglikha sa kanila. Pero may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe. May malapit siyang relasyon sa Dios at siya lang ang namumuhay na matuwid noon. Kaya sabi niya kay Noe, Lilipulin ko ang lahat ng tao. Pababahain ko ang mundo para malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo. Pero may plano ako para maligtas ka at ang pamilya mo. Pangako ko ito sa iyo. At sinabihan siya ng Dios na gumawa ng isang barko kung gaano ito kalaki at kung ano ang itsura nito. Gumawa ka ng isang barko na may mga kuwarto para sa iyo at para sa mga hayop na ililigtas ko. Magdala ka ng pitong pares ng mga hayop na ihahandog nyo sa akin at tigisang pares ng iba pang hayop. Magdala ka ng sapat na pagkain para sa pamilya mo at sa mga hayop. Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Dios sa kanya. At tulad ng sinabi ng Dios dumating ang malaking baha naglabasan ang mga tubig mula sa lupa at bumuhos ang malakas na ulan. Nang dumating na ang tubig, pumasok na si Noe at ang kanyang pamilya sa barko. Sa pagbuhos ng malakas na ulan, tumaas nang tumaas ang baha hanggang nalubog ang pinakamataas na bundok, at lahat ng tao at lahat ng nabubuhay sa mundo ay nalunod at namatay; maliban lang doon sa mga nasa loob ng barko. Tumigil ang ulan pagkatapos ng 40 araw, at pagkatapos ng halos isang taon nang magsimulang umulan, humupa na ang baha, at lumabas na sa barko si Noe at ang kanyang pamilya, pati mga hayop. Paglabas ng barko, gumawa si Noe ng altar para sa Panginoon, pumili ng mga malilinis na hayop para ihandog, at sinunog niya ito sa altar bilang handog sa Panginoon, bilang pasasalamat at pagsamba sa kanya. Natuwa ang Dios sa handog ni Noe at sinabi, Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa ginawa ng tao, kahit alam kong makasalanan ang tao mula nang bata pa siya. Pinagpala ng Dios si Noe at ang kanyang mga anak, at sinabing silay magpakarami, at muling punuin ang mundo ng mga tao. Sinabi ng Dios kay Noe at sa mga anak niya, Kayo ang maghahari sa lahat ng mga hayop. Puwede nyo silang kainin, wag lang ang mga hayop na hindi pa lumalabas ang dugo, dahil ang dugo ay simbolo ng buhay. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa kanyang kapwa. Sapagkat ang tao ay ginawa ng Dios na kawangis niya. At dugtong pa niya, Bilang palatandaan ng kasunduan ko sa inyo at sa mga hayop, maglalagay ako ng bahaghari sa ulap. Tuwing lilitaw ang bahaghari sa mga ulap, aalalahanin ko agad ang walang hanggang kasunduan ko sa lahat ng uri ng nilikha na nabubuhay sa mundo.

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ ANG BAHA


8. Bakit sinira ng Dios ang halos lahat ng nilikha niya sa mundo? Meron ba siyang sapat na dahilan para gawin to? Kasalanan ng tao at pagrerebelde sa Dios. 9. Bakit naligtas si Noe at ang kanyang pamilya? Ano ang ibig sabihin ng namumuhay na matuwid? Wala bang kasalanan si Noe? Hindi dahil sa ginagawa ni Noe, kundi dahil sa relasyon niya sa Dios at sa biyaya ng Dios sa kanya. 10. Ano ang kahahantungan ng kasamaan, pagrerebelde at karahasan ng tao? Kamatayan!
2-3

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 2

11. Ano naman ang kinahantungan ng pagtitiwala at pagsunod ni Noe? Naligtas ng Dios, kasama ang pamilyaGumawa ang Dios ng paraan para siya maligtas. 12. Batay sa eksena ngayon, at sa mga nauna pa sa Kuwento, ano ang pagsasalarawan sa mga tao? Simula sa pagrerebelde nina Adan at Eba, lahat ng tao ay mga rebelde rin at makasalanan. 13. Ang mundo ba at mga tao sa panahon ni Noe ay iba sa panahon natin ngayon? Paano mo nasabi? 14. May nakilala ka na bang isang taong PERPEKTO ang naging buhay? Na walang nagawang makasariling bagay, kahit kailan? 15. Mula sa eksenang ito, ano ang nararamdaman ng Dios sa mga tao? Nalulungkot at nagagalit sa kanilang kasamaanNahahabag, pinakita nang iligtas si Noe at mangakong di na niya ulit sisirain ang kanyang nilikha. 16. Ano ang ibig sabihin ng mamunga at magpakarami? Ano ang kinalaman nito sa pagpapalaki ng anak, sa paghawak ng pera, sa paggamit ng talento, sa paggamit ng oras, at sa relasyon sa ibang tao? 17. Ano ang sinabi ng Dios tungkol sa hayop at sa dugo nito? Tungkol sa pagpatay at buhay ng tao? Bakit ito mahalaga? Lahat ng buhay ay para sa Dios, at ang buhay ay nasa dugo. Sisingilin niya ng dugo (buhay) ang sinumang aagaw ng buhay ng kapwa. 18. Anu-ano ang natutunan natin tungkol sa Dios sa kuwentong ito? Makapangyarihan, kontrolado ang kalikasanHindi hahayaan ang kasamaan sa kanyang presensiyaNagpaparusaNagbibigay babala sa parating na paghatolNangakong di na muling sisirain ang mundo, kahit makasalanan ang tao.

KARAGDAGANG PAGSASABUHAY
Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang puwedeng pag-usapan ng grupo: Kung totoo ang pinag-usapan natin ngayon, paano ito dapat makaapekto sa buhay mo? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa Dios? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA SA BAHAY
Genesis 4-9; Hebreo 11:4-7 1 Samuel 16:7; Roma 3:23; Roma 6:23a (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/)

2-4

WEEK 3 NANGAKO ANG DIOS


TANDAAN NG LIDER
Ang ating pagkakakilanlan (identity) bilang isang bayan o pamilya ng Dios. Pinili ng Dios ang kanyang bayang pag-aari (o pamilya) dahil lamang sa kanyang biyaya (grace), hindi sa anumang kabutihan o kakahayan na mayroon sila. Nais ng Dios sa kanyang pamilya ay magtiwala sa kanya at sa kanyang pangako hindi magtiwala sa sarili nilang pamamaraan o kakayahan. Ang kasalanan at pagkamakasarili ay nauuwi sa pagkahiwalay sa Dios at sa kamatayan. Ang mga taong pinili niyang gamitin para matupad ang kanyang pangako at layunin ay mga makasalanan at mahina ang pananalig sa kanya. Ito ang kundisyon ng lahat ng tao. Paulit-ulit ang Dios sa kanyang pangako para patibayin ang pagtitiwala sa kanya ng kanyang mga anak, at alisin ang mga takot nila.

IPAALALA SA GRUPO
Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).

3-1

UNANG EKSENA ~ ANG PANGAKO


Hango sa Genesis 11-18, 21 Di lumaon, nakalimutan ng mga sumunod na lahi ni Noe ang Dios na nagligtas sa kanila sa baha. Nagbalak silang gawing tanyag ang sarili nila sa halip na bigyang karangalan ang Dios. Sabi nila, Magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng aabot sa langit, para maging tanyag tayo. Nakita ng Dios ang kahambugan ng tao. Sa panahong iyon, lahat ng tao sa mundo ay may iisang wika lang. Kaya pinag-ibaiba ng Dios ang wika ng mga tao para di sila magkaisang magrebelde sa kanya. At ikinalat ng Dios ang mga tao sa ibat ibang dako ng mundo. Noon nagsimula ang mga bansa Pagkatapos ng ilang panahon, mula sa maraming bansang nangalat ay tumawag siya ng isang tao na ang pangalan ay Abram at nagbitaw siya ng isang pangako na tinatawag na tipan na siyang pinakamatibay sa lahat ng kasunduan sa pagitan ng dalawang tao. Ito ang tipan ng Dios kay Abram, Gagawin kong isang tanyag na bansa ang lahi mo. Pagpapalain kita at magiging tanyag ang pangalan moPagpapalain ko ang magmamagandang-loob sa iyo. Pero isusumpa ko naman ang susumpa sa iyo. Sa pamamagitan mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo. Napakalaking pangako ang binitawan ng Dios. Pinili niyang pagpalain ang buong mundo sa pamamagitan ng isang pamilya! Pero merong isang problema. Si Sarai, na asawa ni Abram, ay di magkaanak. Paano ngayong mangyayaring pagpapalain ang mundo sa pamamagitan ng mga anak nila? Bukod doon, tumatanda pa sila. Si Abram ay 75 taon na at si Sarai ay 65! Iniutos ng Dios kay Abram, Iwan mo ang bansa mo at mga kamag-anak mo at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo. Dinala ng Dios sina Abram at kanyang pamilya sa lupang tinatawag na Canaan. Doon, sinabi ng Dios sa kanya, Ang lahat ng lupain na maaabot ng paningin mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo, at magiging inyo ito magpakailanman. Kaya ang Canaan ay tinawag na Lupang Pangako. Lumipas ang ilang taon, wala pa ring anak ang mag-asawang Abram at Sarai. Nagtanong si Abram sa Dios, Ano po ang halaga ng gantimpala nyo sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa po akong
3-2

anak. Tumatanda na ako at ang magiging tagapagmana ko ay isa sa mga alipin ko. Pero tugon ng Dios, Hindi siya ang magmamana ng mga ariarian mo kundi ang sarili mong anak. Pagkatapos dinala siya ng Dios sa labas at sinabi, Masdan mo ang mga bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din karami ang lahi mo. Nanalig si Abram sa Dios at sa kanyang pangako, at dahil dito, itinuring siyang matuwid ng Dios. Lumipas pa ang maraming taon at nainip na si Sarai dahil di pa siya nagkakaanak. Nagplano siyang ibigay si Hagar, ang alipin nilang galing Egipto, para magkaanak para sa kanya. Pumayag naman si Abram dito. Nabuntis si Hagar at nanganak ng isang lalaki na ang pangalan ay Ishmael. Di naging maganda ang relasyon ng mag-inang ito sa pamilya ni Abram kaya di lumaon ay pinalayas sila. Nang 99 taon na si Abram, muling nagpakita sa kanya ang Dios at sinabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo; pararamihin ko ang mga lahi mo. Papalitan ko ang pangalan mo at gagawin kong Abraham, na ang ibig sabihin ay ama ng maraming bansa. Si Sarai naman ay gagawin kong Sarah, na ang ibig sabihin ay ina ng maraming bansa. Tandaan mo itopatuloy akong magiging Dios ninyo. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Ang asawa moy manganganak ng lalaki at papangalanan mo siyang Isaac. Parehong natawa ang mag-asawa at nagduda sa ipinangako ng Dios. Nagtaka si Abraham, Magkakaanak pa ba ako na nasa 100 taong gulang na? At si Sarah, mabubuntis pa kaya siya na nasa 90 taong gulang na? Si Sarah naman, sa isip-isip niya, Magkakaanak pa ba ako ngayong matanda na ako, at mas matanda pa ang asawa ko? Nagtanong si Abraham sa Dios, Puwede po bang kay Ishmael nyo na lang ipasa ang pagpapalang pinangako nyo? Pero sabi ng Dios, Bakit kayo natawa? May bagay ba na hindi ko kayang gawin? Isang taon mula ngayon, magkakaroon ka ng anak na lalaki. At sa kanya ko ipapasa ang pagpapalang ipinangako ko sa iyo hindi kay Ishmael. Totoo nga, paglipas ng isang taon eksakto ayon sa sinabi ng Dios ipinanganak kay Sarah ang

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 3

kanyang unang anak na lalaki, at pinangalanang Isaac, na ang ibig sabihiy tawa. Ang pagsilang kay Isaac ang pasimula ng pagtupad ng Dios sa pangako niya kay Abraham. Nais ng Dios sa lahi ni Abraham na

silay maging isang bagong bayan, pamilya ng Dios, na magpapakita sa buong mundo kung paano mamuhay ayon sa kalooban ng Dios.

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ ANG PANGAKO


1. Bakit pinigilan ng Dios ang balak ng mga taong gumawa ng tore? 2. Mula sa eksenang ito, ano ang matutunan natin tungkol kay Abraham? Tungkol naman kay Sarah? Pinili siya ng Dios para dalhin ang kanyang pagpapala sa mundoMatanda na siyaNagtiwala siya sa Dios at sumunodKahit na nagtiwala siyat sumunod, nahirapan pa rin siyang lubos na magtiwala sa pangako ng Dios. 3. Saan sa eksenang ito makikita nating nagduda o nag-alinlangan si Abraham sa pangako ng Dios? Inisip ni Abraham na ang isa sa mga alipin niya ang magiging tagapagmana niyaSilang mag-asawa ay natawa sa pangako ng Dios at nagtanong, Paanong mangyayari to? 4. Bakit tinawag ng Dios na matuwid si Abraham? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng matuwid? Paano mo isasalarawan ang relasyon ng Dios kay Abraham? 5. Ano ang tawag sa espesyal na pangakong ito ng Dios kay Abraham? Bakit ito espesyal? Saang bahagi ng Kuwento nakita nyong nagbitiw ang Dios ng pangako? Tipan o covenantKay Cainkay Noe. 6. Ano ang ipinangako ng Dios kay Abraham? Gagawin siyang ama ng dakilang bansabibigyan ng maraming anakpagpapalainiingatanPagpapalain lahat ng bansa sa pamamagitan niya. 7. Kung maghihintay ka ng 25 taon bago matupad ang pangako ng Dios, magtitiwala ka pa kaya sa Dios? Maging totoo sa sagot. 8. May narinig ka ba sa eksenang ito na may koneksiyon sa mga naunang bahagi ng Kuwento? Ano yon? 9. Anong sinasabi ng pangakong ito ng Dios tungkol sa kung sino siya? Gusto niyang pagpalain ang lahat ng taoPumili siya ng isang pamilya (bansa) na pagpapalain niya at mamumuhay sa kanyang kalooban.

IKA-2 EKSENA ~ ANG ANAK


Hango sa Genesis 22 Hindi kayo maniniwala sa sumunod na nangyari. Nang magbibinata na si Isaac, sinubukan ng Dios ang pananampalataya ni Abraham. Tinawag siya ng Dios, Abraham! Opo, nakikinig po ako! tugon naman niya. Sabi ng Dios, Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac. Umakyat kayo sa bundo na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog. Kinabukasan din, bumangon nang maagangmaaga si Abraham, nagsibak ng ilang kahoy para sa
3-3

paghahandog, at isinakay ito sa asno. Pagkagayak lahat, isinama niya si Isaac at ang dalawa sa kanyang mga alipin at nagsimulang pumunta sa bundok na sinasabi ng Dios. Pagkaraan ng tatlong araw na paglalakbay nila, nakita na nila ang bundok. At sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, Dito muna kayo, dahil aakyat kami roon ni Isaac para sumamba sa Dios. Babalik din kami agad. Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang mga kahoy na gagamitin sa paghahandog, at siya ang nagdala ng itak at sulo.

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 3

Habang naglalakad sila papunta sa bundok, nagtaka si Isaac at nagtanong, Tatay, may dala po tayong sulo at paggatong pero nasaan po ang tupa na ihahandog? Sumagot si Abraham, Anak, ang Dios ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog. Pagdating nila sa taas ng bundok, gumawa sila ng altar at inilagay ang mga kahoy sa ibaba. Pagkatapos, iginapos niya si Isaac at inihiga sa ibabaw ng altar. Pagkatapos, kinuha niya ang itak, itinaas at papatayin na ang kanyang anak para ihandog sa Dios. Sa oras ding iyon, sumigaw ang Anghel ng Dios mula sa langit, Abraham! Abraham! Opo, nakikinig po ako! sagot naman niya. Sabi ng Anghel, Ibaba mo na ang itak. Wag mo nang saktan ang anak mo. Ngayon, napatunayan ko na na nagtitiwala ka sa akin dahil hindi mo ipinagkait ang

kaisa-isa mong anak. Paglingon ni Abraham, may nakita siyang isang tupa na ang sungay ay nasabi sa mga sanga ng kahoy. Kaya kinuha ito ni Abraham at inihandog bilang handog sa Dios kapalit ng kanyang anak. Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na Ang Dios ang Naglalaan. Pagkatapos noon, sinabi ng Dios kay Abraham, Sumusumpa ako sa sarili ko na pagpapalain kita dahil hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak. Lalaki nang lalaki ang pamilya mo magiging singdami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sa pamamagitan ng iyong lahi pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil pinili mong sumunod sa akin. Pagkatapos nito, bumaba na sila ng bundok, binalikan ang kasama nilang alipin, at umuwi na sa kanila.

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ ANG ANAK


10. Ano ang ipinapakita ng eksenang ito tungkol kay Abraham? Tungkol sa relasyon ni Abraham sa kanyang anak na si Isaac? Tungkol sa relasyon ng Dios kay Abraham? May espesyal na relasyon sa Diospiniling maging pagpapalaMay pananalig sa Dios na tutuparin ang pangakoMahal ni Abraham si IsaacNakikinig siya sa Dios 11. Ano ang sabi ni Abraham sa kanyang mga alipin? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa pananampalataya ni Abraham? Babalik kamiNaniniwala si Abraham na gagawa ang Dios para di mabali ang ipinangako niya. 12. Ano ang makikita natin tungkol kay Isaac? May tiwala sa kanyang ama. 13. Ano ang nakasalalay sa pagsunod ni Abraham sa Dios sa eksenang ito? Ang pangakong pagpapalain ng Dios ang buong mundo sa pamamagitan ng mga lahi niya. 14. Saang bahagi ng Kuwento nakita na nating naghahandog ang tao sa Dios? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang itinuturo ng Dios tungkol sa mga paghahandog na ito? Cain at AbelNoepagkilala sa mga biyaya ng Diosna ang Dios ang nagbibigay ng buhaysiya ang nagkakaloob ng kapalit na ihahandogbuhay sa buhay. 15. Ano ang tinuturo ng eksenang ito tungkol sa Dios? Siya ang naglalaan ng kailangan ng kanyang mga anak para makasunod sa kanyaSinusubok niya ang pananampalataya ng kanyang mga anakNais niyang pagpalain niya tayoSa kanya nagmumula lahat ng biyayaTinutupad niya ang pangako niya. 16. Susunod ka ba sa Dios kapag sinabi niyang gawin mo ang tulad ng pinagawa niya kay Abraham? May nakikita ka bang koneksiyon nito ngayon sa nais niyang ipagawa sa iyo ngayon?

KARAGDAGANG PAGSASABUHAY
Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang puwedeng pag-usapan ng grupo: Kung totoo ang pinag-usapan natin ngayon, paano ito dapat makaapekto sa buhay mo? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa Dios? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?
3-4

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 3

IPABASA SA BAHAY
Genesis 11-18; 22; 26-50; Exodo 1 Genesis 12:1-3; Kawikaan 3:5; 2 Corinto 12:9 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/) and The Story of God by Michael Novelli and Caesar Kalinowski, available as pdf download at http://echothestory.com and http://www.gcmcollective.com/article/story-of-god/

3-5

WEEK 4 NAGLIGTAS AT NAG-UTOS ANG DIOS


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Ang Dios ang nagliligtas sa kanyang bayan mula sa pagkaalipin/pagkabihag sa kasalanan. Ibinigay ng Dios ang kanyang kautusan para ipakita sa kanila kung paano mamuhay na siya ang kinikilalang Dios. Ang Kautusan ay ibinigay sa kanila pagkatapos na sila ay iligtas mula sa pagkaalipin, nagpapakita kung paano sila dapat mamuhay bilang mga malaya na. Nagbigay ang Dios sa kanyang bayang pinili ng paraan para bilang kapatawaran/kabayaran ng kanilang kasalanan at mamuhay na malapit ang relasyon sa kanya. Sila ay dapat maging isang bayang ipinapakita sa mga bansa ang karangalan ng Dios. Nagrebelde ulit sila ang namuhay sa sarili nilang paraan na ginagawa kung ano ang sa tingin nilang tama (nagpapasya kung ano ang mabuti at masama para sa kanilang sarili).

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).
4-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 4

TULAY SA KUWENTO
Ilang taon pa ang lumipas si Isaac ay nagkaroon ng anak na si Jacob pinalitan ang pangalan niyang Israel na ang ibig sabihiy nakipagbuno sa Dios. Ang bayang nagmula kay Abraham ay tatawaging Israel. Si Jacob ay may 12 anak na lalaki. Si Jose, isa sa mga anak niya, ay napunta sa Egipto (Sa ibang pagkakataon, magandang pag-usapan ang kuwentong ito). Inanyayahan niya ang kanyang pamilyang doon na tumira para makaligtas sa matinding taggutom. Habang nasa Egipto sila, dumami nang dumami ang mga Israelita. Nang mamatay si Jose, ang Hari ng Egipto (tinatawag na Faraon) ay nabahala sa dami ng mga Israelita. Pinagmalupitan niya sila at ginawang mga alipin. Naging alipin sila nang halos 400 taon. Nagsimulang silang dumaing sa Dios at inalala ng Dios ang kanyang pangako na pagpapalain niya ang kanyang bayan

UNANG EKSENA ~ ANG PAGLILIGTAS AT MGA UTOS


Hango sa Genesis 37-50, Exodo 1-2, 7-12, 19-20 Tumawag ang Dios ng isang taong gagamitin niya para iligtas ang mga Israelita mula sa pagkaalipin, ang pangalan niya ay Moises. Pinadala niya si Moises sa Faraon para balaan na masasama ang mangyayari kung hindi papakawalan ng mga Egipcio ang mga Israelita. Pero nagmatigas si Faraon at hindi nakinig. Kaya nagpadala ang Dios ng sunud-sunod na mga nakapangingilabot na mga salot para parusahan ang mga Egipcio, pero ang mga salot na ito ay hindi nakaapekto sa mga Israelita. Ginawang dugo ng Dios ang tubig, pinuno ang buong bansa ng mga palaka, mga lamok at langaw, pinatay ang mga hayop, pinuno ang katawan nila ng mga bukol, sinira ang mga tanim ng mga yelo at balang, at nagdala ng kadiliman sa buong lupain. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, ayaw pa ring paalisin ni Faraon ang mga Israelita. Kaya nagpadala ng panghuling salot ang Diosisang salot na papatay sa bawat panganay tao at hayop sa Egipto. Ngunit nagbigay ang Dios ng paraan para maligtas ang mga panganay ng mga Israelita. Binilinan niya sila na kumuha ng isang panganay na lalaking tupa na walang kapintasan, at ihandog ito sa kanya na hindi binabali ang anumang buto nito. Pagkatapos, kukunin nila ang dugo ng tupa at ipapahid sa hamba ng pinto ng kanilang bahay. Kaya ginawa ng mga Israelita ang mga sinabi ng Dios. Pagdating ng hatinggabi, nagpadala ang Dios ng anghel na dadaan sa buong Egipto para patayin ang lahat ng panganay, pero nilagpasan nito ang lahat ng bahay na may nakapahid na dugo sa hamba ng kanilang pinto. Umiyak ang mga Egipcio sa nangyaring trahedya sa kanila at nagmakaawang
4-2

umalis na ang mga Israelita. At ngayon ang Israel, malaya na mula sa pagkaalipin sa Egipto at higit dalawang milyon na ang dami, ay nagsimulang bumalik sa lupang pinangako ng Dios kay Abraham. Pero gustong maghiganti ni Faraon nagpadala siya ng mga tauhan para habulin ang Israel at patayin. Nang malapit na ang mga Israelita sa dagat, natakot sila dahil akala nila aabutan sila ng mga tauhan ni Faraon. Pero hinati ng Dios ang dagat para makatawid sa tuyong lupa ang mga Israelita. Nang subukan ng mga tauhan ni Faraon na tumawid din sa dagat, nagpadala ang Dios ng malakas na hangin na nagbalik sa mga tubig. Patay lahat ng mga tauhan ni Faraon, ngunit ang mga Israelita ay naligtas. Dalawang buwan pag-alis sa Egipto, nagpahinga muna ang mga Israelita sa paanan ng Bundok ng Sinai. Bumaba ang Dios sa bundok sa naglalagablab na apoy at nabalot ng usok ang bundok. Tinawag ng Dios si Moises na humarap sa kanya sa tuktok ng bundok. Doon, sinabi ng Dios sa kanya, Sabihin mo ito sa aking bayan, Nakita nyo kung paano ko kayo dinala na parang sa isang pakpak ng agila at iniligtas mula sa Egipto. Ngayon kung susundin nyo ako at magiging tapat sa tipan ko sa inyo, kayo ay magiging bayang pag-aari ko isang kaharian ng mga pari ibinukod para kumatawan sa akin sa mundo. Pagbaba ni Moises, sinabi niya sa mga tao ang sinabi ng Dios. Sumang-ayon naman sila, Gagawin naming lahat ng gusto ng Dios na gawin namin. Totoo nga, susundin namin lahat ng utos niya. Pagkatapos noon, binigyan ng Dios si Moises ng mga tagubilin kung paanong ang mga tao ay babalik sa pagsunod sa kanyang kalooban at mamuhay nang may

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 4

kalayaan, isang buhay na malapit sa Dios at nasa ilalim ng kanyang pangangalaga. Tinatawag natin ang mga tagubiling ito na Sampung Utos, na siyang mga pangunahing gabay natin sa buhay Ako ang inyong Dios na nagligtas sa inyo mula sa pagkaalipin sa Egipto. Pahalagahan nyo ako nang higit sa lahat. Huwag kayong sasamba sa ibang mga bagay. Huwag nyong aabusuhin o lalapastangin ang aking pangalan. Alalahanin nyong maglaan ng isang araw sa isang linggo para mamahinga at sumamba sa akin. Igalang nyo ang inyong mga magulang. Huwag kayong papatay, o magnanakaw, o magsisinungaling. Huwag kayong sisiping sa iba maliban sa inyong asawa maging tapat kayo sa inyong asawa. Huwag mong pagnanasahan ang pag-aari ng iba maging kuntento ka kung ano ang bigay ko sa iyo. Nagbigay pa ang Dios kay Moises ng ilan pang mga tagubilin, na tinatawag na Kautusan, para ibigay sa Israel. Ang mga utos na ito ay nagbibigay ng mga detalye tungkol sa mga bagay tulad ngPaano tatratuhin ang kapwa, pati mga kaaway, paano aayusin ang mga alitan, ano ang makatarungang parusa sa kasalanan, kailan magtatrabaho at magpapahinga, kailan magdiriwang at sasamba, at anu-anong mga handog ang katanggap-tanggap sa Dios. Pero ayaw ng mga taong mamuhay ayon sa itinakda ng Dios. Nagrebelde sila ulit, na tinawag ang

mga utos na Dios na parang isang klase na naman ng pagkaalipin. Kahit ang mga taong sinubukang sumunod sa mga utos na ito ay nalamang di pala nila kayang makasunod sa lahat. Dahil ang palaging ginagawa ng Dios ay kung ano ang mabuti, tama, at perpekto, hindi niya puwedeng palampasin ang kanilang mga kasalanan. At ang pinakahuling parusa sa kasalanan ay kamatayan. Ang buhay ay dapat ibigay kapalit ng pagsuway ng bawat tao. Pero mahal ng Dios ang kanyang bayan, kaya nagbigay siya ng paraan para ipalit nila sa kanilang buhay bilang kahalili ang buhay ng isang inosenteng hayop. Magdadala ang mga tao ng malinis na hayop sa Dios, at hihilingin sa kanyang ilipat ang kanilang kasalanan sa walang kamalay-malay na hayop. Ang hayop ay pinapatay at ang dugo nito ay binubuhos bilang kabayaran sa kasalanan ng taong nagkasala. Ang ganitong sistema ng paghahandog ay nagpatuloy sa sumunod na daan-daang taon. Ang mga handog para sa kasalanan ay kailangang gawin araw-araw, taun-taon. At tinanggap ito ng Dios, pero bilang simbolo lang ng mga bagay na mangyayari. Naghahanda ang Dios para sa isang minsanan at panghuling handog na siyang magbabayad ng mga kasalanan ng mga tao sa mundo.

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ ANG PAGLILIGTAS AT MGA UTOS


1. Ano ang itinuturo ng eksenang ito tungkol sa ating mga tao na masasalamin sa reaksiyon ni Moises, ng Faraon, at ng mga Israelita sa salita ng Dios? 2. Ano ang itinuturo ng eksenang ito tungkol sa Dios? 3. Paano maliligtas ang mga Israelita sa pagpatay sa mga panganay? Dapat silang pumatay sa isang tupang lalaki, panganay, at walang kapintasan, at ilagay ang dugo nito sa pinto ng bahayDapat silang pumasok sa loob ng bahayAng Dios ang nagbigay ng kaligtasan! Magagawa lang nila nito kung maniniwala at magtitiwala sila sa Dios.

4-3

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 4

4. Saan pa sa mga nakaraang bahagi ng Kuwento nakita nating ang buhay (o dugo) ng isang inosenteng hayop ay ibinigay para takpan o bayaran ang kasalanan ng isang tao? Kay Adan at Eba nang gumawa ang Dios ng damit nila mula sa balat ng hayop. 5. Bakit mahalaga ang mga handog at ang dugo? Sinabi ng Dios na dapat pagbayaran ang kasalanan ng tao. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayanAng bayad sa kasalanan ay buhay, buhay sa buhay. Ang tipan kay Noe ay nagtuturo sa ating ang buhay ay nasa dugo. Dugo (buhay na binigay o inialay) lang ang paraan para mabayaran ang kasalanan. 6. Ano ang isang tipan? Anong tipan ang tinutukoy ng Dios? Kanino ito unang ibinigay? Kay Abraham Sa bayang Israel(balikan ang ibat ibang bahagi ng mga pangako ng Dios sa tipan kay Abraham) 7. Paano ang dapat gawin ng mga Israelita para magampanan ang bahagi nila sa tipan? Sundin ang mga utos ng Dios. 8. Babalewalain ba ng Dios ang tipan kung hindi sila sumunod sa kanya? Hindi lahat, bahagi lang. Maaaring tanggalin niya ang pagpapala at proteksiyon niya, pero sa bandang huli pinili pa rin niyang iligtas sila para ipakita kung gaano siya kadakila ang habag niya, na hindi nakadepende sa nagawa nilang kabutihan. 9. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng Dios nang sabihin niyang, Kayoy magiging isang kaharian ng mga pari? Dapat silang maging isang bayan na sasalamin o magpapakita sa buong mundo kung sino ang DiosSila ang magiging tagapamagitan sa Dios at sa ibang bansa, para ang pagpapala ng kaligtasan ng Dios ay maranasan din nila. 10. Ano ang layunin ng Dios sa pagbibigay ng mga utos? Ibinigay ang utos pagkatapos na silay iligtas mula sa pagkaalipin, para ipakita sa kanila kung paano mamuhay nang may kalayaan, na malapit ang relasyon sa Dios. Para manatili silang tapat na mamuhay ayon sa tipan ng Dios sa kanila. 11. Anu-ano sa mga utos ang sa tingin mong pinakamahirap sundin? [Subukang gabayan ang grupo para makitang ang una sa sampung utos ang nagsasaad ng kabuuang utos ng Dios.] 12. Ano ang ipinapakita ng mga utos ng Dios tungkol sa kanya? Na siya ay banal at nais niyang sila ay mamuhay na tulad niya at may malapit na ugnayan sa kanya. 13. Ano ang resulta ng pagsunod sa kalooban ng Dios? Ng di pagsunod?

IKA-2 EKSENA ~ MGA HARI AT MGA PROPETA


Hango sa Deuteronomio, Josue, Mga Hukom, 2 Samuel, 2 Hari; Mga propesiya mula sa 2 Samuel 7; Isaias 7, 9, 40, 53, 61; Awit 22; Mikas 5; Zacarias 12

Pagkatapos na magpaikut-ikot sa disyerto sa loob ng 40 taon, pinangunahan ng Dios ang Israel para mapasakanila ang Lupang Pangako mula sa mga kaaway ng Dios. Ang Dios ang nagbigay sa kanila ng maraming tagumpay sa mga digmaan. Lahat ng ipinangako niya sa kanila, tinupad niyang lahat. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, itinakwil pa rin siya ng mga Israelita at sumamba sa mga diyus-diyosan. Ang pagkakaroon nila ng ibang diyos ang nagdala sa kanila sa marami pang kasalanan. Dahil sa kanilang kasalanan at pagsuway, tinanggal ng Dios ang kanyang proteksiyon at hinayaan silang masakop at maparusahan ng mga dayuhang bansa. Kapag nahihirapan na sila, babalik
4-4

sila sa Dios at magmamakaawang tulungan at patawarin. Muli naman silang pinatatawad ng Dios at nagpapadala ng mga pinuno, na tinatawag na hukom, para pangunahan silang talunin ang kanilang mga kaaway. (Di ito tulad ng mga hukom sa panahon natin ngayon, mas tulad sila ng mga kumander ng mga sundalo.) Sa sunud-sunod na digmaan, tinatalo ng Israel ang mga kaaway nilang bansa nakadikit sa kanila. Kapag nagtatagumpay sila, sasamba sila sa Dios, pero di magtatagal tatalikod na naman sila sa Dios at gagawin kung ano ang sariling gusto nila. Nakakalungkot na ito ang paulit-ulit na nangyayari mula sa isang henerasyon hanggang sa mga sumunodlalapit sila sa Dios at sasamba kung kailangan nila ng tulong, pero kapag maayos na ang lahat, sasamba na naman sila sa ibang bagay. Ito ang

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 4

panahon na ginagawa ng lahat kung ano ang sa tingin nilang tama. At dahil mga hari ang namumuno sa ibang mga bansa, nagreklamo ang mga Israelita sa Dios at sinabi, Gusto namin ng isang haring nakikita namin at siyang mamumuno sa amin. Ibinigay ng Dios sa kanila ang gusto nila at hinayaan silang pamunuan ng mga haring di nagtagal ay sila rin namang nagrebelde sa Dios. Dahil sa kanilang pagrerebelde, tinanggal ng Dios ang kanyang proteksiyon sa Israel at hinayaang pasukin sila ng ibang mga bansa para sakupin. Napilitan silang lumabas sa Lupang Pangako at marami sa kanila ang naging alipin ulit. Sa panahon ng mga haring ito, nagpadala ang Dios ng mga propeta para maging mensahero niya. Nagsalita ang Dios sa pamamagitan ng mga propeta, nananawagang magsisi na sila at bumalik sa pagsunod sa kanya. Binalaan sila ng mga propeta kung ano ang mangyayari kung patuloy silang magrerebelde sa Dios. Sinabi din ng mga propeta ang tungkol sa isang bagong tipan na gagawin ng Dios para sa kanila. Sila ang nagturo sa mga tao tungkol sa darating na Mesias, isang dakilang hari na siyang tutupad sa tipang ito, ililigtas sila at walang-

hanggang mamumuno sa kanila. Binigyan ng Dios ang mga propeta ng ilang mga larawan ng darating na Mesias. Ang mga propetang tulad ni Isaias ay nagsabi may isang birheng magsisilang sa kanya sa Bethlehemmanggagaling siya sa lahi ni Haring David (ang pinakadakilang hari nila), na siyang galing sa lahi ni Abrahamwala siyang gagawing mali, mamumuhay nang walang kasalananbubugbugin siya, papatayin at ililibing sa libingan ng isang mayaman lalakiang buhay niya ay iaalay para sa kasalanan natinmagtatayo siya ng isang kahariang walang katulad sa mga nakita na ng Israelsiya ang magiging katuparan ng lahat ng pangakong sinabi ng Dios kay Abraham at sa mga lahi niyailalagay sa kanya ng Dios ang parusa at kabayaran ng lahat ng kasalanan natinang buhay niya ang magiging handog para sa atindahil sa kanya, marami ang magiging matuwid sa harapan ng Dios. Sa kabila ng mga babala ng mga propeta, ayaw pa ring makinig ng mga Israelita sa Dios, at di na ulit nagsalita ang Dios sa mga tao sa sumunod na 400 taon

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ MGA HARI AT MGA PROPETA


14. Ano, para sa iyo, ang ilan sa mga kakaibang katangian ng kasaysayan o kuwento ng bansang Israel? 15. Ano ang paulit-ulit na nangyayari sa mga Israelita? Nagtiwala sila sa sarili nila sa halip na sa Dios, ginagawa kung ano ang mabuti sa paningin nilaTapos, paparusahan sila ng Dios sa pamamagitan ng ibang mga bansaTapos, tatawag sila sa Dios para humingi ng tulongTapos, ililigtas sila ng DiosTapos, balik na naman sila sa dating gawi, tatalikod sa Dios at susunod sa ibang mga diyus-diyosan sa kabila ng mga ginawa ng Dios para sa kanila. 16. Sa anu-anong paraan nakikita mo ang sarili mong buhay sa buhay ng mga Israelita? 17. Paano mo isasalarawan ang naging ugali mo kapag may ibang tao na mas mataas ang awtoridad sa iyo at sinasabi sa iyo kung anong dapat mong gawin (hal., magulang sa anak, gobyerno sa mga mamamayan)? 18. Sa kabuuan ng Kuwento (mula pa sa simula), paano mo isasalarawan ang nagiging buhay ng mga tao kung hindi sila sumusunod sa mga utos ng Dios at nabubuhay para lang sa sarili nila? 19. Magbigay ng ilang mga nangyayari sa paligid o sa lipunan natin na nakikita nating mas pinapahalagahan ng mga tao ang sarili nilang kagustuhan (kung ano ang kumportable sa kanila) kaysa sa pagsunod sa kalooban ng Dios. 20. Sino ang nagligtas sa kanila sa pagkaalipin at siyang paulit-ulit na nagliligtas sa kanila? Ang Dios! 21. Sa mga nagdaang bahagi ng Kuwento, anu-ano na ang natutunan mo tungkol sa Dios? a. Ang Dios ay banal hindi niya hahayaan ang kasamaang manatili sa presensiya niya. Lahat ng ginagawa niya ay mabuti, tama, at perpekto. Makatarungan siya sa lahat ng ginagawa niya, hindi unfair.
4-5

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 4

b.

c.

d.

e. f.

Siya ang humatol kay Satanas at sa mga nagrebeldeng anghel sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila mula sa langit. Siya ang nagpalayas kina Adan at Eba mula sa hardin. Siya ang nagpalayas kay Cain para magpagala-gala siya. Winasak niya ang mga buhay sa mundo sa pamamagitan ng baha. Siya ang nagparusa sa Egipto. Siya rin ang nagparusa sa Israel nang itapon at alipinin sila sa ibang bansa dahil sa pagsunod nila sa mga diyus-diyosan. Nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan. Siya ang lumikha ng lahat pati ang mga anghel. Siya ang lumikha sa tao at inihanda ang mundo para matirhan nila. Pinatay niya ang mga tao at mga hayop sa baha. Ang mga babaeng di magkaanak ay binigyan niya ng anak. Kaya niyang wasakin ang pinakamakapangyarihang bansa (Egipto) at hari (Faraon), sa isang salita lang niya. Kontrolado niya ang lahat sa nilikha niya: Ginawang dugo ang tubig sa ilog, nagpabagyo nang malakas, nagpadala ng mga insekto para sirain ang mga tanim, nagawang gabi ang umaga, nahati ang tubig ng dagat. Kontrolado ang hangin at alon! Siya ang may kontrol sa mga bansa: Nang sumuway ang Israel siya ang nagpadala ng dayuhang bansa para alipinin sila. Alam niya ang lahat ng bagay. Alam niya ang iniisip ni Satanas. Alam niyang nagkasala sina Adan at Eba. Alam niyang nagbabalak gumawa ng masama si Cain. Alam niya ang lahat ng iniisip at binabalak ng lahat ng tao sa mundo. Alam niyang magkakaroon ng anak si Sara. Alam niyang ililigtas ni Jose ang kanyang pamilya mula sa taggutom. Sa kanya nagmumula ang lahat ng biyaya o pagpapala. Hindi pa niya pinatay si Satanas. Hindi niya agad pinatay sina Adan at Eba. Nalugod siya kay Noe. Tinawag niya si Abraham at nangakong gagawin siyang isang tanyag na bansa at pagpapalain lahat ng bansa sa pamamagitan niya. Binigyan niya si Sara ng isang anak kahit matanda na siya. Sinabi niya kay Moises kung paano maliligtas ang mga panganay ng Israel kapag dumating na ang anghel na papatay sa mga panganay. Gumawa siya ng paraan para mapatawad ang mga kasalanan ng mga Israelita sa pamamagitan ng dugo ng mga handog na hayop upang manahan ang Dios sa kanila. Siya ang nagpadala ng mga hukom, mga hari at mga propeta para ibigay sa mga tao ang kanyang salita. Nangako siyang may darating na hari na magtatayo ng isang kahariang pangwalang-hanggan at siyang magliligtas sa mga tao mula sa kanilang mga kasalanan. Siya ang nagsasabi kung ano ang dapat gawin o ang layunin ng tao. Lagi siyang tumutupad sa kanyang pangako. Sinabi niya kina Adan at Eba na kapag kumain sila ng bungang ipinagbabawal niya mamamatay sila. Nangako siyang magpapadala ng baha, at ginawa nga niya.
4-6

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 4

Nangako siya ng isang anak kina Abraham at Sara at nagkaanak nga sila. Nangako siya kay Abraham na gagawin siyang isang tanyag na bansa at nagkatotoo nga. Nangako siyang papalayain niya ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto at ginawa nga niya. Nangako siyang ililigtas niya ang mga panganay kapag nagpahid sila ng dugo ng tupa at ginawa nga niya. Nangako siyang ibibigay sa lahi ni Abraham ang lupa ng Canaan at ibinigay nga niya. Nangako siyang may darating na Mesias at Tagapagligtasdarating kaya siya?

KARAGDAGANG PAGSASABUHAY
Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang puwedeng pag-usapan ng grupo: Kung totoo ang pinag-usapan natin ngayon, paano ito dapat makaapekto sa buhay mo? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa Dios? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA SA BAHAY
Exodo 14; 20; 2 Samuel 7; Isaias 7; 9; 53 Exodo 20:3; Levitico 17:11; Kawikaan 14:12 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/).

4-7

WEEK 5 DUMATING SI JESUS


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Si Jesus ay ipinanganak ng isang birhen. Siya ay tunay na tao. Si Jesus ay binautismuhan sa tubig. Siya ay nakikipag-isa sa mga makasalanang tao. Siya Jesus ay pinapangunahan ng Espiritu. Sa Espiritu ng Dios nanggagaling ang kanyang kapangyarihan. Si Jesus ay tinukso, nagtagumpay at kailanmay di nagkasala. Si Jesus ay isang perpektong tao. Ginawa niya ang hindi nagawa ni Adan nang magtagumpay siya sa tukso ni Satanas at patuloy na namuhay na may pagtitiwala, pagpapasakop at pagsunod sa Dios. Nais ng Dios na tayo rin ay maging handa na matuto at magpasakop bilang isang lingkod o alipin ng isang Panginoon.

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).
5-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 5

UNANG EKSENA ~ ANG KAPANGANAKAN NI JESUS


Hango sa Mateo 1-2, Lucas 1-2 400 taon ang lumipas bago nagsalita ulit ang Dios sa kanyang bayan. Ang mga Israelita, na ngayoy tinatawag nang mga Judio, ay napasailalim sa kontrol ng ibat ibang bansa sa panahong ito. Ngayon, sila na ay pinamumunuan ng mga Romano, ang pinakamakapangyarihang imperyo sa kasaysayan ng mundo. Naghihintay pa rin ang mga Judio at umaasang darating ang isang haring magliligtas sa kanila at pangungunahan sila sa pagpapatalsik sa mga Romano. Sa wakas, nagpadala ang Dios ng isang anghel sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria na nakatira sa Nazareth. Nakatakda siyang pakasal sa isang lalaking nagngangalang Jose, na siyang galing sa lahi ni Haring David, at galing din sa lahi ni Abraham. Sinabi ng anghel kay Maria na siyay mabubuntis ang magsisilang sa Anak ng Dios kahit na siyay isa pang birhen! Sinabi sa kanya ng anghel na ang batang ito ay manggagaling sa Banal na Espiritu at magiging isang hari na ang kahariay hindi magtatapos. Totoo nga, sa sumunod na taon, habang sila ay nasa Bethlehem, nagsilang si Maria ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Jesus, na ang ibig sabihin ay, Ang Panginoon ang nagliligtas. Tinawag din siyang Emmanuel, na ang ibig sabihin ay, Kasama natin ang Dios. Ipinakita ng Dios hindi lang kina Jose at Maria na ang lalaking ito ang pinakahihintay na Haring Mesias, kundi sa ibang tao rin. Ibinalita rin ito ng mga anghel sa mga tagapagalaga ng tupa, na sila namang nagmadaling hinanap ang bagong silang na sanggol, at masayang ikinalat ang nakakatuwang balita! May isang bituin pa na nagdala sa mga mago mga matatalinong tao mula sa silangan mula pa sa malayong lugar para puntahan, sambahin at dalhan ng mga regalo ang bagong silang na Hari. Ang pagsilang ni Jesus ay isang himala gawa ng Dios! Lumaki si Jesus na malusog at marunong, minamahal ng Dios at ng lahat ng nakakilala sa kanya.

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ ANG KAPANGANAKAN NI JESUS


1. Ano ang mga kakaiba sa kapanganakan ni Jesus? 2. Kaninong lahi nanggaling si Jesus? Bakit ito mahalaga? Haring David at AbrahamKatuparan ito ng tipan o kasunduan ng Dios sa IsraelKatuparan ito ng mga propesiya. 3. Ano pa ang narinig nyo sa kuwentong ito na nagpaalala sa inyo ng ilan sa mga binanggit ng mga propeta tungkol sa darating na Mesias? Isinilang ng isang birhen sa Bethlehemgaling sa Nazareth. 4. Bakit mahalaga ang mga ito? Ang pagkapanganak sa kanya ng isang birhen ay nagpapakitang siya ay isang tunay na tao. Sinabi ng mga propeta na ito ang palatandaan ng isang tunay na Mesias. 5. Ano ang kahalagahan ng pangalang Emmanuel? Na si Jesus ay Dios, Anak ng Dios. 6. Ano ang ibig sabihin ng pangalang Jesus? Ang Panginoon ang NagliligtasPanginoon nino? Ano ba ang kaligtasan? Kaligtasan mula saan? Para saan?

5-2

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 5

IKA-2 EKSENA ~ ANG PAGPAPABAUTISMO NI JESUS


Hango sa Mateo 3; Marcos 1; Lucas 3; Juan 1

Nagpadala ang Dios ng isang mensahero na ang pangalan ay Juan para sabihin sa mga taong maghanda sila dahil parating na ang Mesias. Si Juan ay pinsang makalawa ni Jesus, matanda lang ng anim na buwan kay Jesus. Matapang niyang hinahamon ang mga Judio, Wag nyo lang basta sabihing mahal nyo ang Dios patunayan nyo to sa buhay nyo. Tumalikod na kayo sa mga kasalanan nyo at magbalik-loob sa Dios! Nakilala siya na Juan na Tagapagbautismo dahil inilulubog niya sa tubig sa Ilog Jordan ang mga taong nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Ang bautismo ay simbolo ng paghuhugas at paglilinis sa kasalanan at pagpili sa isang bagong paraan ng pamumuhay. Nang tanungin si Juan ng mga pinunong Judio kung siya ba ang Mesias, sagot niya,

Hindi! Pero may isang parating na higit na dakila kaysa sa akin ni hindi nga ako karapat-dapat magtanggal ng kanyang tsinelas o maging alipin man lang niya. Abangan nyo tonagbabautismo ako sa tubig, pero siyay magbabautismo sa Espiritu ng Dios! Hindi nga nagtagal, dumating si Jesus para magpabautismo kay Juan. Nang makita siya ni Juan, sabi niya, Ako pa nga ang dapat magpabautismo sa iyo. Pero sinabi ni Jesus na dapat gawin iyon bilang pagsunod sa kalooban ng Dios, kaya binautismuhan na siya ni Juan sa harap ng maraming tao. Pag-ahon ni Jesus mula sa tubig, bumaba ang Espiritu ng Dios mula sa langit para itong isang kalapating dumapo sa kanya. At may narinig na malakas na boses mula sa langit at nagsabi, Ikaw ang aking Anak na minamahal. Lubos akong nasisiyahan sa iyo!

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ ANG PAGPAPABAUTISMO NI JESUS


7. Ano ang matututunan natin tungkol kay Juan sa eksenang ito? 8. Ano ang mensahe niya sa mga tao? 9. Bakit pumupunta ang mga tao para magpabautismo kay Juan? 10. Kung wala namang kasalanan si Jesus, bakit siya kailangang magpabautismo? Para maipakita ang pakikipag-isa niya sa mga taong makasalananpara matupad ang kalooban ng Dios. 11. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng sabihin ng Dios kay Jesus, Ito ang aking anak na minamahal? Nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Dios! 12. Ano ang gustong patunayan ng Dios sa mga tao sa pamamagitan noon? Kung sino si Jesus!

IKA-3 EKSENA ~ ANG PAGTUKSO KAY JESUS


Hango sa Mateo 4; Lucas 4

Pagkatapos mabautismuhan ni Jesus, agad siyang dinala ng Espiritu ng Dios sa disyerto. Doon, tinukso siya ni Satanas sa loob ng 40 araw at 40 gabi. Sa mga araw na iyon, di kumakain si Jesus at siyay gutom na gutom. Sinubukan ni Satanas na linlangin si Jesus at sinabi, Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, bakit hindi mo gawing tinapay ang mga batong ito para may makain ka? Sinagot siya ni Jesus, Hindi! Nang magsalita ang Dios kay Moises sinabi niya, Hindi lang tinapay ang kailangan ng tao para mabuhay kailangan nilang mabuhay sa pamamagitan ng mga salita ng Dios. Tapos dinala ni Satanas si Jesus sa tuktok ng pinakamataas na gusali sa Jerusalem at sinabi, Kung
5-3

ikaw nga ang Anak ng Dios, tumalon ka nga! Di bat sinasabi sa inyong banal na kasulatan na, Magpapadala ang Dios ng kanyang mga anghel para saluhin ka at hindi lumagpak sa lupa! Sumagot si Jesus, Isinulat din ni Moises, Huwag na huwag mong susubukang subukin ang Dios. Tapos, dinala naman siya ni Satanas sa tuktok ng isang mataas na bundok. Ipinakita niya sa kanya ang lahat ng mga bansa sa mundo at ang mga kayamanan nito. Sabi niya, Ibibigay kong lahat ito sa iyo kahit anong gusto mo kung luluhod ka sa harap ko at sasamba sa akin.

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 5

Sumagot si Jesus, Lumayas ka sa akin, Satanas! Ipinag-uutos ng Dios, Pahalagahan mo ang Dios nang higit sa lahat ay siya lang ang iyong sambahin! Pagkatapos ay umalis na si Satanas at dumating ang mga anghel para alagaan si Jesus. Sa panahong

ito, halos 30 taon na si Jesus. Sa buong buhay niya ni hindi man lang siya nagkasala o nagrebelde laban sa Dios. Lagi niyang pinipiling gawin kung ano ang mabuti, kung ano ang tama, at kung ano ang perpekto.

PAG-USAPAN ANG IKA-3 EKSENA ~ ANG PAGTUKSO KAY JESUS


13. Sa sarili mong salita, ano ang tuksong iniharap ni Satanas kay Jesus? [Makikita rin ito kung paano sumagot si Jesus sa bawat tukso.] Para magtiwala sa magagawa o maibibigay niya para sa sarili niya pero and Dios ang talagang nagbibigay at siya ay mabuti kaya hindi na tayo dapat humanap o tumingin sa ibaPara subukin agn kanyang pagtitiwala o relasyon sa Dios pero ang Dios lang talaga ang mapagkakatiwalaan at dakila ang Dios kaya hindi nating kailangang ilagay sa kamay natin ang kontrol sa mga bagay-bagayPara makuha ang pagsamba ni Jesus, hiwalay sa Dios pero ang Dios lang talaga ang karapat-dapat sambahin [Saang bahagi ng kuwento nakita mo nang ginawa ito ni Satanas?] kaya hindi tayo dapat matakot o sumamba sa iba. 14. Paano tumugon si Jesus sa mga tukso ni Satanas? Paano ito iba sa naging tugon nina Adan at Eba? Tinanggihan niya si Satanas, di pinaniwalaan ang kasinungalingan niya, at binanggit ang katotohanan mula sa Salita ng Dios. 15. Ano ang hinahamon ni Satanas nang tanungin niya si Jesus, Kung ikaw ang Anak ng Dios? Hinahamon niya ang pagkakakilanlan o identity ni Jesus. 16. Saang ibang bahagi ng Kuwento nakita nating hinamon din ni Satanas ang tao at tinukso? Hinamon din ba niya ang pagkakakilanlan o identity ni Eba? Alam ng Dios na magiging katulad niya kayo kung kakainin nyo to Nilikha sila sa larawan ng Dios! Para maging katulad niya!...Palaging ganito ang istratehiya ni Satanas baluktutin ang orihinal na salita ng Dios at hamunin ang ating pagkakakilanlan sa harap ng Dios. 17. Ano ang naiiisip mo, nararamdaman o reaksiyon mo sa bahagi ng eksenang ito na sinabi, Sa buong buhay niya ni hindi man lang siya nagkasala o nagrebelde laban sa Dios. Lagi niyang pinipiling gawin kung ano ang mabuti, kung ano ang tama, at kung ano ang perpekto? 18. Sa mga nakita natin at natutunan tungkol sa mga tao sa Kuwento mula pa sa simula, may nakita na ba tayong tulad nito? 19. Naging tapat ba ang mga tao sa pagdesisyon kung ano ang mabuti at ano ang masama, ano ang tama at ano ang mali? Pero si Jesus ay isang tao rinpaano ito magiging posible!? Dios lang ang makagagawa ng mabuti, tama, at perpekto sa lahat ng pagkakataon. Dios lang ang perpektong nakakapagpasya kung ano ang mabuti at masama. Si Jesus ay Dios! Siya ang Anak ng Dios parehong Dios at taoPero kahit na siyay walang kasalanan, nagpabautismo siya para makipagisa sa mga taong mga makasalanan!

IKA-4 NA EKSENA ~ ANG MGA DISIPULO


Hango sa Mateo 4; Marcos 1; Lucas 5

Di nagtagal, nakita ni Juan na lumalapit si Jesus papunta sa kanya at sumigaw siya, Tingnan nyo! Narito ang Tupang Ihahandog para sa Dios siya ang mag-aalis sa mga kasalanan ng mga tao sa mundo! Pinakita ng Dios sa akin na siya ang Mesias na
5-4

matagal na nating hinihintay siya mismo ang anak ng Dios! Habang naglalakad si Jesus sa tabi ng dagat, sinabi niya sa ilan sa mga tagasunod ni Juan, Halikayo at sumunod kayo sa akin!

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 5

Mula noon, laging kasama ni Jesus ang ilan sa kanyang malalapit na mga tagasunod, na tinatawag na disipulo (o alagad), at ipinapakita sa kanila kung paano mamuhay nang ayon sa kalooban ng Dios. Naglalakbay si Jesus kasama ang kanyang mga disipulo sa mga lugar kung nasaan ang mga tao tulad ng palengke, mga bahay, at bahay-sambahan (sinagoga) ng mga Judio, at dooy itinuturo sa kanila ang kalooban ng Dios. Nagdala siya ng bagong mensahe sa kanila at sinasabing, Dumating na ang Kaharian ng Dios ngayon ay tumalikod na kayo sa

inyong mga kasalanan at magsimulang lumapit sa Dios! Puno ng kapangyarihan ng Espiritu ng Dios, nagpapagaling si Jesus ng mga taong may ibat ibang uri ng sakit at karamdaman. Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanya at nagsimulang sundan siya ng maraming mga tao kahit saan siya magpunta. Kahit malayo ang pinanggalingan, pupuntahan siya ng mga tao para makita ang mga himalang gagawin niya.

PAG-USAPAN ANG IKA-4 NA EKSENA ~ ANG MGA DISIPULO


20. Bakit sinabi ni Juan, Tingnan nyo! Ang Tupang Ihahandog para sa Dios! 21. Ano sa tingin mo ang mga naisip ng mga tao nang sabihin niya ito? Ano ang implikasyon nito tungkol sa kung sino si Jesus? Anong detalye ang naaalala nyo tungkol sa tupang inihahandog tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel (o Passover)? 22. Saang bahagi ng Kuwento natin ngayon nakita nating nabanggit ang Espiritu ng Dios (Banal na Espiritu)? Nabuntis si Maria sa pamamagitan ng gawa ng EspirituSa pagbabautismo kay JesusAng Espiritu ang nagdala kay Jesus sa disyerto para tuksuhin ni SatanasGumagawa ng himala si Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu. 23. Anu-ano ang matututunan natin tungkol sa Espiritu? Ang Ama ang nagsugo sa EspirituMay kapangyarihan siya at siya ang gumagabay kay Jesus. 24. Anu-ano ang matututunan natin tungkol kay Jesus mula sa lahat ng apat na eksena ng kuwento ngayon? Nagpakababa si JesusSiya ay Dios at taoTinawag siya ng Dios na kanyang Anak na pinakamamahalNi hindi siya nagrebelde laban sa Dios, wala siyang kasalananNakagagawa siya ng kamangha-manghang mga himalaGusto ng mga taong lumapit sa kanyaNagtuturo siya sa paraang iba sa nakagisnan ng mga Judio.

KARAGDAGANG PAGSASABUHAY
Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang puwedeng pag-usapan ng grupo: Kung totoo ang pinag-usapan natin ngayon, paano ito dapat makaapekto sa buhay mo? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa Dios? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA SA BAHAY
Mateo 1-4; Lucas 1-4; Juan 1 Lucas 3:22; Hebreo 4:15 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/). 5-5

WEEK 6 NAGTURO AT GUMAWA NG HIMALA SI JESUS


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Si Jesus ay nakagagawa ng mga himala nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at ng kanyang pagiging Dios. Nagturo si Jesus tungkol sa Kaharian ng Dios si Jesus ang kaisa-isang taong naging perpektong HARI na dumating na parang isang mababang alipin. Ipinakita (preview) niya at nagpatikim (foretaste) siya kung ano ang mga bagay na mangyayari ang kanyang buhay at mga katuruan ay nagpapakita at nagpapahayag kung ano dapat at ano ang magiging takbo ng mundo sa ilalim ng kanyang paghahari. Isinugo ng Dios si Jesus Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay patungo sa Ama at sa pagbabagong-buhay. Ang Dios ay mapagmahal na ama na nagnanais na maibalik ang kanyang mga anak palapit sa kanya.

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).
6-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 6

UNANG EKSENA ~ MGA HIMALA


Hango sa Lucas 3, Juan 1, Marcos 2-5 Kahit saan magpunta si Jesus, napakaraming tao ang sumusunod sa kanya para makita siyang gumawa ng mga himala at pagpapagaling ng mga maysakit. Pinapalayas niya ang mga demonyo sumasapi sa ilang mga tao, at ang mga demonyong ito ay nanginginig sa takot kapag nakikita si Jesus. Marami sa kanyang mga sinasabi at ginagawang himala ay tungkol sa mga pinunong Judio; kaya di sila kumportable sa ilan sa mga di-pangkaraniwang pamamaraang ginagamit ni Jesus. Minsan, habang nagtuturo si Jesus ay sinabihan niya ang isang lalaking di makalakad, Wag kang mag-alala, pinapatawad na ang mga kasalanan mo. Tinanong siya ng mga pinunong Judio kung sino ang nagbigay sa kanya ng awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan, dahil Dios lang ang may karapatang gumawa nito. Pinatunayan ni Jesus ang kanyang awtoridad nang pagalingin niya ang taong lumpo! Minsan din, pagod na pagod si Jesus pagkatapos na maghapon siyang magturo. Sinabi niya sa mga tagasunod niya na sumakay sila sa bangka at pumunta sa kabila ng dagat. Biglang may dumating na malakas na bagyo. Kahit anong sikap nila, hindi nila makayang pigilang mapuno ng tubig ang bangka nila. Kaya nataranta na sila at lumapit kay Jesus. Bumangon si Jesus at sinabi sa hangin at sa alon, Tumahimik kayo. Tumigil kayo ngayon din. Tumigil nga ang malakas na hangin at naging kalmado ang dagat. Nang makita ito ng mga tagasunod niya, nagtinginan sila at sinabi, Sino ang taong ito na pati hangin at alon ay napapasunod niya? May ilang mga okasyon pa na si Jesus ay bumuhay ng mga patay. Isa dito ay nang may lumapit sa kanya habang naglalakbay siya at humiling na sumama siya sa bahay ni Jairo na ang anak na babae ay maysakit. Nang papunta na sila sa bahay, ibinalita sa kanila na namatay na ang bata. Pero nagpatuloy pa rin si Jesus at pagdating nila sa bahay ay nadatnan niyang humahagulgol sa iyak ang mga tao sa loob. Tinanong sila ni Jesus, Bakit kayo umiiyak? Hindi patay ang bata natutulog lang siya. Pinagtawanan siya ng mga tao. Pagpasok nila sa kuwarto ng bata, hinawakan niya ang kamay nito at sinabi, Ineng, bumangon ka. Biglang bumangon nga ang bata at dali-daling nagpaikut-ikot sa paglakad! Sinabi ni Jesus na bigyan nila ang bata ng makakain. Manghang-mangha ang mga magulang niya! Pagkatapos na buong gabing manalangin ni Jesus, pumili siya ng labindalawang lalaki mula sa kanyang mga tagasunod para sanayin niya, at tinawag silang mga apostol. Naglalakbay sila kasama ni Jesus saan man siya magpunta, habang tinuturuan silang mamuhay ayon sa kalooban ng Dios. Ipinadala niya ang kanyang mga apostol para magpagaling ng mga maysakit, ituro sa iba kung ano ang mga natutunan nila at ibalita sa iba ang mensahe ng Kaharian ng Dios.

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ MGA HIMALA


1. 2. 3. 4. 5. Nilikha ba ng Dios ang mga tao para mabuhay nang di mamamatay? Batay sa mga natutunan na natin sa Kuwento, bakit namamatay ang mga tao? Sino ang nagbigay ng buhay sa tao? Sino sa tingin nyo ang may kapangyarihan na buhayin ang isang tao mula sa kamatayan? Batay sa eksenang ito, anu-anong kapangyarihan o awtoridad ang pinatunayan ni Jesus na meron siya?
6-2

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 6

6. Kung ganitong klase ang awtoridad niya, sa tingin nyo sino siya ngayon? Dios!

IKA-2 EKSENA ~ ANG KAHARIAN


Hango sa Mateo 5, 7, 10, 13, 18-20; Marcos 3-6, 10, 13; Lucas 6, 8-10, 12-15, 17; Juan 3

Nagpatuloy si Jesus sa pagtuturo sa mga tao, Dumating na ang Kaharian ng Dios talikuran na ninyo ang inyong kasalanan at inyong sarili at lumapit sa Dios! Isang araw umakyat siya sa isang bundok kasama ang grupo ng kanyang malalapit na mga tagasunod. Naupo sila at tinuruan niya sila tungkol sa Kaharian ng Dios: Pinagpapala ng Dios ang mga taong kinikilala nilang kailangan nila ang Dios; ang mga mapagpakumbaba at mahirap, ang maamo at maawain ang Kaharian ng Dios ay para sa kanila. Pinagpapala din ng Dios ang may malinis na puso at siyang nasasabik na makasama siya. Pagkatapos, itinuro din ni Jesus ang tungkol sa mga kautusang ibinigay ng Dios kay Moises: Huwag nyong isiping naparito ako para balewalain ang mga kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta. Dumating ako para tuparing lahat iyon! Itinuro niya sa kanila, Sinabi ng kautusan na huwag kayong papatay, pero sinasabi ko sa inyong kapag nagalit kayo sa isang tao o ininsulto nyo sila, nagkasala rin kayo tulad ng isang mamamatay-tao. Ang mga sinabi at ginawa nyo ang hahatol sa inyo. Sinasabi din sa kautusan na wag kayong makipagtalik sa asawa ng iba. Pero sinasabi ko sa inyo na sinumang tumingin nang malaswa sa isang babae ay nagkasala na rin ng pangangalunya sa kanyang puso. Itinuro pa niya, Kapag ninakaw ang damit mo, ialok mo pa ang balabal mo. Maging sagana kayo sa pagbibigay! Mahalin nyo ang mga kaaway nyo. Kahit sino naman kayang magmahal ng kaibigan, pero kayo kahit mga taong di kaibig-ibig ay mahalin din ninyo. Dapat mamuhay kayo na naiiba, ginagawa kung alin ang mabuti, ang tama, at nakalulugod sa paningin ng Dios. Tularan nyo ang Dios na inyong Ama. Namangha ang mga tao sa turo ni Jesus. Meron siyang tunay na kapangyarihan at awtoridad di tulad ng mga tagapagturo nila ng kautusan. (Huminto sandali) Nagpatuloy si Jesus na turuan sila tungkol sa Kaharian ng Dios gamit ang mga maiikling kuwento
6-3

na tinatawag na talinghaga (parables). Sabi niya, Ang Kaharian ng Dios ay parang isang maliit na buto na itinanim sa bukirin. Ang butong ito ay maliit sa simula pero tumubo ito at naging isang malaking puno kung saan sumisilong ang mga ibon. Maraming kuwentong tulad nito ang narinig ng mga tao mula sa kanya. Sinabi niyang ang Kaharian ay Tulad ng isang kayamanang nakabaon sa lupa sulit na pagsumikapang hanapin Tulad ng isang mamahaling perlas ipagpapalit mo ang lahat makuha lang ito Tulad ng isang malaking handaan kung saan ang mga mahihirap, mga di napapansin at mga itinaboy ng lipunan ay imbitadong lahat May nagtanong kay Jesus, Kailan darating ang Kahariang ito na binabanggit mo? Sumagot si Jesus, Ang Kaharian ng Dios ay hindi mo basta masasabi kung nasaan o kung kailan darating, na parang sasabihin ng iba, Narito na, o Nandoon na, dahil ang Kaharian ng Dios ay nasa inyo na. Huwag kayong mabahala sa mga bagay na ito. Magtiwala kayo sa Dios; magtiwala din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming kuwarto at pupunta ako roon para ipaghanda ko kayo ng matutuluyan. Alam nyo ang daan kung saan ako pupunta. Isa sa mga tagasunod niya ang nagtanong, Panginoon, paano kami makakasama kung hindi namin alam ang daan? Sumagot si Jesus, Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang makababalik sa isang magandang relasyon sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung kilala nyo talaga ako, makikilala nyo rin ang aking Ama. Mula ngayon, kilala nyo na siya at nakita sa pamamagitan ko. Namangha ang mga tao sa kanyang mga turo at karunungan. Naintindihan nila ang iba sa mga sinabi niya, pero ang iba ay nanatiling hiwaga sa kanila. (Huminto sandali) Isang gabi may isang Pariseo na ang pangalan ay Nicodemo ang lumapit kay Jesus at sinabi, Rabi (ibig sabihin ay Guro), alam naming ipinadala ka ng Dios para turuan kami. Napatunayan sa mga himalang

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 6

ginawa mo na sinasamahan ka nga ng Dios. Tumugon si Jesus, Tama ka pero maliban na ang isang tao ay ipanganak ulit hindi nila mauunawaan ang Kaharian ng Dios. Anong ibig mong sabihin? tanong ni Nicodemo. Sumagot si Jesus, Sa totoo lang, walang sinumang makakapasok sa Kaharian ng Dios malibang silay ipanganak ulit sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios. Ang tao puwede lang magbigay ng buhay sa isang taong bagong sila, pero ang Espiritu ng Dios ang nagbibigay ng bagong buhay sa Kaharian. Paanong mangyayari to!? tanong ni Nicodemo. Sumagot si Jesus, Ikaw pa naman ay kilalang guro ng mga Judio, pero di mo alam ang simpleng bagay na to? Kung hindi ka maniwala sa akin sa mga itinuturo kong karaniwang bagay, paano pa kung tungkol sa Kaharian ng Dios ang ituro ko sa iyo?

Totoo ang sinasabi ko sa iyo. Ipinadala ako ang nag-iisang Anak ng Dios para ipakita niya ang malalim niyang pag-ibig sa mga tao sa mundong ito. Sinumang maniwala, magtiwala sa akin at sumunod sa kalooban ko ay matatagpuan ang buhay na kumpleto at walang-hanggan! Ipinadala ako ngayon ng Dios para iligtas ng mga tao hindi para hatulan sila. Itatakwil ako ng sinumang gustong magpatuloy sa kasalanan at kadiliman. Dadalhin nila ang bigat ng parusa ng Dios. Pero tatanggapin ako ng sinumang nais mamuhay ayon sa kalooban ng Dios at mabubuhay silang kasama ng Dios magpakailanman!

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ ANG KAHARIAN


7. Ano sa tingin mo ang Kaharian ng Dios? Nasaan ito? 8. Bakit mahirap itong ipaliwanag o isalarawan? 9. Ayon sa eksenang ito, paano makakapasok ang isang tao sa kaharian ng Dios? 10. Anu-ano ang matututunan natin tungkol kay Jesus sa eksenang ito? Nagturo si Jesus tungkol sa Kaharian ng Dios, kung ano ang buhay sa loob ng Kahariang ito. Si Jesus lang ang daan patungo sa Ama, wala nang iba. Kung kilala natin at nakita si Jesus, kilala rin natin at nakita ang Dios. 11. Ang Kaharian ba niya ay tulad ng kaharian ng mga taong narinig na natin sa mga naunang bahagi ng Kuwento? Hindi si Jesus ang taong perpekto ang paghahari. Ginagawa niya lahat kung ano ang mabuti, kung ano ang tama, at nakalulugod sa Dios. Siya ang tunay na Hari na inaabangan talaga ng mga tao! 12. Ano sa tingin mo ang magiging itsura ng mundo kung bawat tao ay nasa Kaharian ng Dios, pinamamahalaan ng Dios, inaalagaan, at iniingatan? 13. Ano sa tingin mo ang koneksiyon ng pamumuhay ayon sa kalooban ng Dios at pagtitiwala kay Jesus? 14. Sa sarili mong salita, ano ang narinig mong itinuturo ni Jesus sa kanyang mga tagasunod sa eksenang ito?

IKA-3 EKSENA ~ ANG NAWALANG ANAK


Hango sa Lucas 15:11-32

Nagkuwento pa si Jesus sa kanila ng isang talinghaga tungkol sa isang tatay at sa kanyang dalawang anak. May isang lalaki na may dalawang anak. Sinabi ng mas bata sa kanyang tatay, Gusto ko nang makuha ang mamanahin ko ngayon din ibigay mo sa akin ang mana ko!
6-4

Kaya hinati ng tatay ang kanyang ari-arian para sa kanyang mga anak. Di rin nagtagal at nagempake na ang mas batang anak, lumayas, at pumunta sa malayong lugar. Sa napuntahan niya, dahil wala siyang disiplina at maluho pa, inubos niya ang kanyang mga kayamanan sa sobrang kasiyahan at sa mga babaeng bayaran. Nang maubos na ang pera

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 6

niya, wala na siyang matirhan at nagutom na. nakakuha siya ng trabaho sa isang bukirin kung saan nabilinan siyang magpakain ng mga baboy. Sa sobrang gutom niya pati ang para sa baboy kinakain na rin niya. At noon bumalik din ang katinuan ng pag-iisip niya. Sinabi niya, Ang mga tauhan ng tatay ko kumakain nang tatlong beses isang araw, habang ako ay nandito ay mamamatay na sa gutom. Babalik ako sa tatay ko. Sasabihin ko sa kanya, Tatay, nagkasala po ako sa Dios; Nagkasala din ako sa inyo; Hindi ako karapat-dapat tawaging anak nyo. Kuhanin mo na lang ako na isa sa mga tauhan nyo. Tumayo siya at umuwi sa kanyang tatay. Malayo pa lang siya, nakita na siya ng tatay niya. Kumakabog ang dibdib niya, tumakbo siya at niyakap

ang anak niya, at hinalikan. Sinimulan ng anak na sabihin, Tatay, nagkasala po ako sa Dios, nagkasala din ako sa inyo; Di na ako karapat-dapat pang tawaging anak nyo Pero di naman na siya pinakinggan ng tatay niya. Tinawag niya agad ang mga tauhan niya, Dali. Dalhin nyo ang pinakamandang damit at isuot sa kanya. Ipasuot nyo sa kanya ang singsing na nakalaan para sa miyembro ng pamilya at dalhin ang sandalyas para sa kanyang paa. Pumatay kayo ng isang baka at litsunin. Magkakainan tayo! Magkakasiyahan tayo! Nandito na ang anak ko! Para bang namatay siya at ngayon ay nabuhay ulit! Nawala at ngayon ay natagpuan na! At nagsimula silang magkasiyahan.

PAG-USAPAN ANG IKA-3 EKSENA ~ ANG NAWALANG ANAK


15. Bakit hindi pinarusahan ng tatay ang anak niya? 16. Bakit niya isinuot ang singsing para sa kanyang anak? 17. Ano ang ipinagdiwang nila? Wala namang ginawa ang anak kundi magrebelde sa amakarapatdapat ba siyang patawarin at ipagdiwang ang pagdating niya? 18. Ano ang naaalala nyo sa ginawa ng tatay sa eksenang ito? 19. Anong mangyayari sa iyo o mag-iiba sa buhay mo kung ganito rin ang nangyari sa iyo tulad ng anak na tinanggap ulit ng kanyang tatay? 20. Ang talinghagang ito ay larawang ng tinatawag na ebanghelyo o mabuting balita (gospel)pagkarinig mo ng kuwentong ito, paano mo ipapaliwanag ang mabuting balitang ito?

KARAGDAGANG PAGSASABUHAY
Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang puwedeng pag-usapan ng grupo: Kung totoo ang pinag-usapan natin ngayon, paano ito dapat makaapekto sa buhay mo? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa Dios? Paano ito dapat makakaapekto sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA SA BAHAY
Mateo 5-7; Marcos 3-6; Juan 3 Juan 14:6, 9 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/). 6-5

WEEK 7 NAMATAY AT MULING NABUHAY SI JESUS


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Pagtubos sa pamamagitan ng kapalit na buhay (substitutionary atonement) si Jesus ang Tupa ng Dios na nag-aalis ng mga kasalanan ng mga tao sa mundo. Kapatawaran ng kasalanan. Si Jesus ang Panginoon na may awtoridad sa pagpapatawad ng kasalanan at sa kamatayan. Si Jesus ang Panginoon na may awtoridad sa lahat ng bagay. Si Jesus ba ang Panginoon ng buhay mo?

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).

7-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 7

UNANG EKSENA ~ KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY


Hango sa Mateo 26-28; Marcos 14-16; Lucas 22-24; Juan 13, 17-20 Pumunta si Jesus at ang mga tagasunod niya sa Jerusalem para sa Pista ng Paglampas ng Anghel (Passover). Kahit saan siya magpunta nahahabag siya sa mga tao at ibinibigay ang mga kailangan nila. Ang mga Pariseo at ilang mga pinunong Judio ay patindi nang patindi naman ang galit kay Jesus at sa mga sinasabi niya tungkol sa kanyang sarili. Patuloy niyang sinasabi niya sa mga tao na kaya niyang patawarin ang kanilang mga kasalanan. Galit na galit dito ang pinunong Judio dahil para sa kanila paglapastangan ito sa Dios na siya lang may karapatan na magpatawad ng kasalanan. Humahanap sila ng paraan para may masabi si Jesus na puwede nilang gamitin para maakusahan siya at maaresto, pero laging marunong si Jesus sa pagsagot sa mga tanong nila. Marami sa kanyang mga kuwento ay may patama sa pagkukunwari ng mga pinunong Judio. Sabi ni Jesus, Kapag ang mga Pariseo at mga guro ay nagturo sa inyo tungkol sa mga utos ng Dios, pakinggan nyo pero wag nyong sunding ang halimbawa nila. Hindi naman nila isinasabuhay ang itinuturo nila. Nakipagkita ang Punong Pari sa mga pinunong ito para pag-usapan kung paano huhulihin si Jesus para ipapatay. Hindi natin siya puwedeng arestuhin sa oras ng Pista, napagkasunduan nila, at baka magkagulo ang mga tao. Ipinagdiwang din ni Jesus at ng kanyang mga tagasunod ang Pista sa isang bahay. Habang nagkakainan sila, dumampot si Jesus ng tinapay, ipinagpasalamat sa Dios, at pinagputul-putol. Ibinigay niya ito sa kanyang mga tagasunod at sinabi, Kunin nyo to at kainin, ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Pagkatapos, dinampot ni Jesus ang baso para sa inuming gawa sa katas ng ubas at ipinagpasalamat sa Dios. Iniabot niya sa kanila ang basong ito at sinabi, Lahat kayo, inumin nyo to. Ito ang aking dugo na ibinibigay para sa inyo isang bagong tipan sa pagitan ng Dios at kanyang binubuong pamilya. Ibinuhos ito para mapatawad ang kasalanan ng marami. Alalahanin nyo ako habang patuloy kayong magkakasamang kumakain at umiinom nito.
7-2

Sinabi sa kanila ni Jesus, Kapag nakita nyo ang mangyayari ngayong gabi, iiwanan nyo akong lahat. Bahagi ito ng plano ng Dios na may magtatraydor sa akin at akoy papatayin. Pero wag kayong matakot, muli akong mabubuhay mula sa mga patay! Alam niyang isa sa kanyang tagasunod na si Judas ang magtatraydor sa kanya, kasama ang mga sundalong Judio para arestuhin siya maya-maya lang kapag wala nang mga tao. Pagkatapos maghapunan, nang dumilim na, pumunta si Jesus sa isang lugar para manalangin. Sa sobrang sakit at lungkot, nakiusap siya sa Dios, Ama, kung meron lang ibang paraan pa maliban sa kamatayan ko, maaari po bang iyon na lang ang mangyari pero gagawin ko anuman ang nais nyong mangyari. Pagkatapos niyang manalangin, nakita niya si Judas na may kasamang isang grupo ng mga armadong sundalo. Binati niya si Jesus nang isang halik isang senyales para ipakita sa mga sundalo kung sino ang aarestuhin nila. Sinabi sa kanila ni Jesus, Isa ba akong marahas na kriminal at kailangan pang may dala kayong mga armas? Bakit hindi nyo ako sa templo inaresto, araw-araw naman akong nagtuturo doon? Siyempre, lahat ito ay bahagi ng plano ng Dios, tulad ng hinula ng mga propeta matagal na panahon na ang nakararaan. Nang inaresto na si Jesus, nagtakbuhan ang mga tagasunod niya at nagsitago. Binugbog siya ng mga sundalo at dinala sa mga pinunong Judio para tanungin. Tanong nila, Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Dios? Sumagot si Jesus, Ako nga, at makikita mong katabi akong naghahari ng Dios sa kanyang trono at babalik dala ng mga ulap sa langit. Pagkasabi ni Jesus nito, galit na pinunit ng Punong Pari ang kanyang damit at sinabi, Sinumang inaangkin sa sarili niyang siya ay Dios ay dapat patayin! Pagkatapos ay pinagsasampal nila si Jesus at pinagduduraan. Dinala si Jesus kay Pilato, ang gobernador na Romano, dahil hindi puwedeng ipapatay ng mga Judio ang sinuman maliban na lang kung may opisyal na pahintulot. Hinimok ng mga pinunong Judio na

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 7

pagkaisahan ng mga tao si Jesus at mapilitan si Pilato na ipapatay si Jesus. Sumigaw sila, IPAKO SIYA SA KRUS! IPAKO SIYA SA KRUS! Natakot si Pilato na baka magkagulo, kaya ibinigay niya si Jesus sa mga sundalong Romano para ipako sa krus. Ang pagpako sa krus ang pinakamalupit at pinaka-nakakahiyang paraan ng kamatayan noon. Binugbog nila si Jesus at hinampas ng latigo hanggang magkasugat-sugat ang kanyang katawan. Pinatungan niya ang ulo niya ng koronang may matatalim na tinik at sinuutan ng balabal na parang sa hari. Pinagtawanan siya at sinabi, Tingnan nyo, ang Hari ng mga Judio! Buong gabing binubugbog si Jesus ng mga sundalo at kinukutya. Pagdating ng umaga, dinala nila si Jesus sa labas ng lungsod na tinatawag na Golgota (lugar ng bungo). Parang isang kriminal, ipinako nila si Jesus sa isang mabigat na krus na kahoy, na nasa pagitan ng dalawang magnanakaw. Habang nakabitin siya roon, sumigaw siya, Ama, nakikiusap po akong patawarin nyo sila, hindi nila alam ang ginagawa nila. Pagdating ng tanghali, biglang nagdilim ang kalangitan natakpan ang araw sa loob ng tatlong oras. Bigla na lang nahati sa gitna ang makapal na kurtinang nakasabit sa Templo! Sa oras na iyon sumigaw si Jesus, Ama! Ibinibigay ko sa iyo ang buhay konatapos ko na ang pinapagawa nyo. Pagkatapos ay nilabas niya ang kanyang huling hininga at namatay. Binali ng mga sundalo ang binti ng mga kriminal na nakapakong katabi ni Jesus para mamatay agad. Nang mapansin nilang patay na si Jesus, hindi na nila binali ang kanyang binti. Para makasiguro, sinaksak siya sa tagiliran ng espada ng isang sundalo lumabas ang dugo at tubig sa kanyang katawan.

Biyernes nang hapon, ibinaba na ang katawan ni Jesus mula sa krus, binalutan ng tela, at inilibing sa libingan ng isang lalaking mayaman. Isang malaking bato ang itinakip nila sa bungad ng libingan at binantayan ng mga sundalong Romano para masigurong walang kukuha ng katawan niya. (Tumigil sandali) Linggo ng umaga, bago pa sumikat ang araw, ilan sa mga babaeng tagasunod ni Jesus ang pumunta sa libingan para ihanda ang kanyang katawan sa paglilibing. Pagdating nila doon, nakita nilang naigulong na ang malaking bato at wala nang mga nagbabantay na sundalo! Bigla na lang may dalawang anghel na nagpakita sa kanila. Sabi nila, Bakit kayo nagtataka? Hinahanap nyo si Jesus, pero wala na siya rito, binuhay siya mula sa mga patay. Magkahalong pananabik at takot ang naramdaman nila kaya dali-dali nilang ibinalita ito sa ibang mga tagasunod ni Jesus. Ang ilan nga sa kanila ay bumalik sa libingan at nang sumilip silawala nga doon si Jesus! Ito ang totoong nangyari, ilang ulit na nagpakita si Jesus sa kanyang mga tagasunod sa sumunod na 40 araw. Nahawakan nila si Jesus, nakitang kumain at gumawa ng mga himala. Ipinaalala sa kanila ni Jesus ang mga itinuro niya tungkol sa kaharian at ibinukas ang kanilang mga isip para maintindihan kung paanong ang buong Kuwento ay patungkol at patungo sa kanya. Higit sa 500 tao ang nakasaksi sa kanyang muling pagkabuhay.

7-3

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY


1. Bakit pumunta si Jesus sa Jerusalem? Ano ang alam na natin sa pagdiriwang na ito? 2. Ano ang nakita nyong koneksiyon sa pagkamatay ni Jesus ng naunang kuwento tungkol sa Pista ng Paglampas ng Anghel (Passover)? Si Jesus ang Tupa na inihahandog sa Pistang ito, na nag-aalis ng mga kasalanan ng mga tao sa mundo. 3. Bakit sa tingin nyo gustong ipapatay si Jesus ng mga pinunong Judio? 4. Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niyang, Kunin nyo to at kainin, ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyoinumin nyo to. Ito ang aking dugo na ibinibigay para sa inyo isang bagong tipan sa pagitan ng Dios at kanyang binubuong pamilya? 5. Ano ang Lumang Tipan ng Dios sa Israel? Ano sa tingin nyo itong Bagong Tipan na binabanggit ni Jesus? Ang tipan ay unang ibinigay kay Abraham at sa kanyang mga anakAkoy magiging Dios nyo at kayoy magiging bayan koBagong Tipan Akoy magiging Dios ninyo AT bibigyan ko kayo ng kakayahang mamuhay bilang bayan ko. Para magampanan nyo ang bahagi nyo sa tipan. Gagawin ng Dios para matupad ang bahagi niya at bahagi natin sa bagong tipan. 6. Bakit sa tingin nyo nahati ang kurtina sa loob ng Templo? Ano ang inihihiwalay ng tabing na ito? Makasalanang tao ay nakahiwalay sa Dios at sa kanyang presensiyanagsisimbolo na malaya na ang taong makalapit sa presensiya ng Dios dahil sa ginawa ni Jesus. 7. Paano natupad kay Jesus ang mga hula ng mga propeta tungkol sa darating na Mesias? Tutuparin niya ang bawat pangakong binitawan ng Dios kina Abraham, Isaac, at JacobBubugbugin siya, lalatiguhin at susugatanUusigin siya at ikukulongTutusukin ang kanyang mga kamay at paaPapatayin siya na parang isang kriminal at ililibing sa libingan ng lalaking mayamanIlalagay sa kanya ng Dios ang mga kasalanan natin at ang parusa ditoAng buhay niya ay magiging isang handog para sa atinDahil sa kanya, marami ang ituturing at gagawing matuwid sa harap ng Dios. 8. Naalala nyo kung ano ang sinabi ni Jesus habang nakabitin siya sa krus? Ama, patawarin mo sila 9. Paano nagawang patawarin ni Jesus ang mga taong pumapatay sa kanya? 10. Naniniwala ka bang kayang patawarin ng Dios ang lahat ng nagawa mong kasalanan? 11. Naniniwala ka bang pinatawad ka na ng Dios? 12. Ano ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Jesus? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa kanya? Nagtagumpay siya laban sa kamatayan resulta ng kasalanan at pagrerebelde ng tao! Hindi lang niya ipinalit ang buhay niya para sa atin para tubusin tayo sa ating mga kasalanan, siniguro pa niyang magkakaroon tayo ng bagong buhay! 13. Batay sa mga natutunan natin tungkol kay Jesus at sa mga itinuro niya, paano mapapalaya ang mga tao sa parusa ng kasalananmalaya na sa kamatayan at pagkahiwalay sa Dios? Sa pamamagitan ng pananampalataya o pagtitiwala sa ginawa ni Jesus nang siyay mamatay at mabuhay muli bilang kapalit ng mga makasalanan. Na hayaan si Jesus na tubusin sila sa kanilang mga kasalanan at ipalit ang kanyang pagiging matuwid para sa ating mga kalikuan at pagrerebelde sa DiosTalikuran ang buhay na ipinamumuhay ayon sa sariling kagustuhan, sariling desisyon kung ano ang tama at mali lumapit sa Dios, sa pamamagitan ni Jesus, nagtitiwala sa kanyang kalooban para sa buhay natin.

7-4

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 7

14. Pitong linggo na tayo sa Kuwentong ito, at ito ang totoong kuwento. Kuwento ito ng isang banal na Dios na hinahabol ang mga makasalanan at mga nagrebelde sa kanya na nagnanais na ibalik sila sa isang malapit na relasyon sa kanya. Ito ba ang kuwento ng buhay mo? Kung HINDI, ano? Ang kuwento ba ng buhay ay ikaw ang bida o ang Dios? [Pakinggang mabuti ang mga sasabihin nila] 15. Ano ang ibig sabihin para sa iyo na si Jesus ay Panginoon AT Tagapagligtas? Siya na ba ang Tagapagligtas at Panginoon ng buhay mo? Kung hindi pa, ano ang humahadlang sa iyo? [Pakinggan silang mabuti at tulungan kung ano ang pananampalataya at pagsisisiHuwag silang pilitinHayaang ang Dios ang kumilos sa puso nila]

IPABASA SA BAHAY
Mateo 26-28; Juan 13, 17-20 Roma 6:23; 10:9; Juan 3:16 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/).

7-5

WEEK 8 BINIGAY ANG MISYON AT ANG ESPIRITU


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Nag-iwan si Jesus ng tagubilin sa kanyang mga tagasunod na gumawa pa ng ibang mga tagasunod ni Jesus at maging mga saksi (The Great Commission). Ibinigay kay Jesus ang lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa. Siya ang Panginoon ng misyong ito. Ang mga tagasunod ni Jesus ay naghintay sa pagdating ng ipinangakong Banal na Espiritu. Ang mga tagasunod ni Jesus ay binigyan ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu. Ipinangaral ang mabuting balita (gospel). Libu-libo ang tumugon nagsisi, at mga nagpabautismo. May panawagan dito na kilalaning Panginoon si Jesus sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa komunidad ng mga mananampalataya (Pamilya).

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).

8-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 8

UNANG EKSENA ~ ANG MISYON AT ANG KAPANGYARIHAN


Hango sa Juan 20; Mateo 28; Juan 14; Gawa 2; 1 Corinto 15:3-8 Ilang linggo pagkatapos mamatay ni Jesus, nagpakita siya nang maraming beses sa kanyang mga tagasunod at nakita ng higit sa 500 mga saksi. Mabilis na kumalat sa ibat ibang lugar ang balita tungkol sa kanyang muling pagkabuhay. Sinabi ni Tomas, isa sa mga tagasunod ni Jesus, Hindi ako maniniwalang buhay siya maliban na lang kung maipapasok ko ang mga daliri ko sa butas sa kanyang mga kamay na ipinako sa krus. Pagkatapos ng ilang araw, nagpakita si Jesus sa kanyang mga tagasunod at sinabi kay Tomas, Ilagay mo dito sa butas sa kamay ko ang daliri mo. Hawakan mo ang sugat sa tagiliran ko. Napasigaw si Tomas, Ikaw nga si Jesus Dios ko! Panginoon ko! Pagkatapos sinabi ni Jesus, Pagpapalain ko lalo na ang mga hindi nakakita pero naniniwala pa rin! Di nagtagal, nakasamang kumain ni Jesus ang kanyang mga tagasunod. Sinabi niya, Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit makaraan ang ilang araw babautismuhan naman kayo sa Espiritu ng Dios. Ito ang magbibigay sa inyo ng kapangyarihang mamuhay ayon sa kalooban ko at upang maibalita nyo sa buong mundo ang tungkol sa akin. Iniutos ni Jesus sa kanyang mga tagasunod, Ibinigay na sa akin ang lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa. Kaya, puntahan nyo ang lahat ng tao sa mundo at gawin nyong tagasunod ko ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan nyo ang mga bagong tagasunod na ito sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan nyo silang sumunod sa lahat ng mga utos na ibinigay ko sa inyo at mamuhay ayon sa paraang gusto ko. At makasisiguro kayo dito: palagi nyo akong kasama, hanggang sa katapusan ng lahat. Ang Espiritu ng Dios ay darating at titira sa puso nyo magbibigay sa inyo ng kapayapaan at ituturo sa inyo ang daan ng katotohanan. Habang nakatingin sila kay Jesus, umakyat na si Jesus pabalik sa langit, natabingan ng mga ulap, at di na nila nakita. (Huminto sandali) Pagkatapos ng ilang linggo, may 120 tagasunod ni Jesus (kasama ang mga apostol) ay nagtipon sa Jerusalem. Habang silay nananalangin, bigla na lang may dumagundong, parang isang malakas na hangin at kulog, sa bahay na pinagtitipunan nila. Bawat isa sa
8-2

kanila ay napuno ng Espiritu ng Dios at nagsimulang magsalita sa mga wikang hindi naman nila nakasanayan! Lumabas sila sa kalye at nagsimulang ibalita ang lahat ng nakita nilang ginawa ni Jesus. Narinig ang malakas na tunog na ito sa buong siyudad, at dumagsa ang maraming tao sa labas ng bahay para makita kung ano ang nangyayari. Sa mga panahong iyon, maraming Judio na galing pa sa ibat ibang bansa ang nasa Jerusalem para sa pista na tinatawag na Pentecostes. Nang marinig ng mga tao na nagsasalita ang mga tagasunod ni Jesus, nagtaka sila, Paano nangyari to? Mga taga-Galilea sila, pero paanong nakapagsalita sila sa sarili nating wika? Nagsalita si Pedro, isa sa mga tagasunod ni Jesus, at ipinaliwanag sa mga tao kung ano ang nangyayari, Katuparan ito ng sinabi ng Dios sa mga propeta. Nasaksihan naming nabuhay si Jesus mula sa mga patay at siya ang tunay na Mesias! Pinaliwanag ngayon ni Pedro kung paanong tinupad ni Jesus ang lahat ng sinasabi ng mga propeta tungkol sa darating na Mesias. Sinabi niya sa mga tao, Bawat isa sa inyo ay dapat tumalikod na sa inyong mga kasalanan at magsimulang lumapit sa Dios. Kay Jesus nyo lang matatagpuan ang kapatawaran siya ang panghuli at tanging sapat na handog para sa kasalanan ng lahat ng tao. Ito ang bagong tipan ng Dios na inaalok hindi lamang sa mga Judio, kundi sa lahat ng gustong mapabilang sa pamilya ng Dios. Nang araw ding iyon, libu-libo ang naniwala sa sinabi ni Pedro, nagsisi sila at nagtiwala kay Jesus. Tumalikod sila sa mga kasalanan nila para sumunod kay Jesus at mamuhay sa paraang gusto ng Dios. Binautismuhan sila at naging kabilang sa pamilya ng Dios. Binigyan din sila ng kapangyarihang maipamuhay ang pangako ng Dios na maging pagpapala sila sa lahat ng mga tao. Ang tipan ng Dios ay di nakasulat sa bato tulad dati, kundi sa mga puso at mga isip ng kanyang mga anak, upang malaman nila palagi kung paano mamuhay sa paraang gusto niya. Inilaan ng mga tagasunod ni Jesus ang kanilang buhay para sa Dios at sa isat isakung may

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 8

nangangailangan, tinutulunganmagkasamang nakikipag-usap sa Dios, sama-samang nag-aaral kung paano mamuhay sa paraang gusto ng Dios. Masayang-masaya nilang ginagawa ang mga ito, at hindi sila maramot sa isat isa. Araw-araw magkakasama silang kumakain para bigyang karangalan at alalahanin ang buhay ni Jesus na ibinigay para sa kanila. Nakita nilang gumawa ang Dios ng mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan nila

mga himala at pagpapagaling sa maysakit habang dinadagdagan ng Dios ang bilang nila araw-araw. Ito ang simula ng tinatawag ng Biblia na iglesia (church) isang komunidad (o pamilya) na binubuo ng mga tao sa buong mundo, na dahil kay Jesus ay namumuhay nang masaya at sagana isang buhay na malapit sa Dios buhay na noon pay binalak na ng Dios para sa tao!

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ ANG MISYON AT ANG KAPANGYARIHAN


Ibinigay na sa akin ang lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa. Kaya, puntahan nyo ang lahat ng tao sa mundo at gawin nyong tagasunod ko ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan nyo ang mga bagong tagasunod na ito sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan nyo silang sumunod sa lahat ng mga utos na ibinigay ko sa inyo at mamuhay ayon sa paraang gusto ko. At makasisiguro kayo dito: palagi nyo akong kasama, hanggang sa katapusan ng lahat. Ang Espiritu ng Dios ay darating at titira sa puso nyo magbibigay sa inyo ng kapayapaan at ituturo sa inyo ang daan ng katotohanan. 1. Ano ang misyong ibinigay ni Jesus sa kanyang mga tagasunod? Gumawa ng iba pang mga tagasunod ni Jesusbautismuhan sila 2. Ano ang isang tagasunod (disciple)? Paano ka makagagawa ng iba pang mga tagasunod ni Jesus? 3. Sa misyong ibinigay ni Jesus, bakit mahalagang malamang na nakay Jesus na ang LAHAT ng awtoridad? May awtoridad siyang iutos sa atin ang misyonMay awtoridad siyang tiyaking matatapos ang misyonAng mga tagasunod niya ay gagawa pa ng iba pang mga tagasunod ayon sa kanyang awtoridad at kapangyarihan. 4. Ano sa tingin nyo ang implikasyon ng salitang PUNTAHAN NYO at GUMAWA KAYO ng iba pang mga tagasunod? Puntahan may intensiyon, may pagsulong, may pagbabagong gagawin Gumawa may proseso, hindi biglaan 5. Ang utos ba na ito ay para rin sa atin ngayon? 6. Ano ang kaibahan ng isang taong naniniwala sa Dios sa isang tagasunod ni Jesus? 7. Ano ang dapat na magbago o mag-iba sa paraan ng pamumuhay mo kung ganito pala ang utos sa atin ni Jesus? Kung tayoy tagasunod, gagawa din tayo ng iba pang mga tagasunod ni JesusSino ngayon ang isang tao na tinutulungan mo para maging tagasunod din ni Jesus? 8. Ano ang pumipigil sa iyo para maging isang tagasunod ni Jesus? 9. Ano ang nakikita mong sinasabi ni Jesus dito tungkol sa mga tagasunod at sa pagpapabautismo? 10. Sino ang dapat bautismuhan? Ano ang layunin ng pagpapabautismo? 11. Kung isinuko mo na ang buhay mo kay Jesus bilang Panginoon ng buhay mo at inilaan ang buhay mo sa pagsunod sa kanya, isa ka nang tagasunod o discipleNabautismuhan ka na ba?
8-3

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 8

12. Ano ang humahadlang sa iyo para makasunod sa utos ni Jesus na magpabautismo? 13. Sa Kuwento, libu-libo ang nagsisi at nagtiwala kay Jesus. Ano ang pinagsisihan nila at saan sila lumalapit? Buhay na nakalaan para sa sarili, na para bang sila ang sarili nilang Dioslumalapit sila sa Dios sa pananampalataya isinusuko ang kanilang buhay kay Jesus bilang Panginoon ng lahat. 14. Ano ang resulta ng kanilang pagsisisi? Ano ang nag-iba sa paraan ng pamumuhay nila? Tumalikod na sila sa dating paraan ng kanilang pamumuhay at nagsimulang mamuhay ayon sa paraang gusto ni Jesus. 15. Ano ang natutunan natin tungkol sa Espiritu dito sa Kuwento? Sinabi ni Jesus na darating ang Espiritu at maninirahan sa puso natin magbibigay ng kapayapaan at gagabay sa katotohananSa ilang paraan tulad ng sa Hardin ng Eden (naibalik ang pagiging malapit sa Dios), sa ilang paraan mas maganda pa ngaang Dios, sa pamamagitan ng Espiritu niya, ay nakatira ngayon sa loob ng kanyang mga anak! Nangyayari na ngayon ang pagbabago at pagpapanumbalik sa orihinal na intensiyon ng Dios sa taoAng Espiritu ang nagbigay kapangyarihan sa pagbabahagi nila ng mabuting balita ni Jesus. Gawa ng Espiritu ang katapangan nila at ang pagbabago sa puso ng mga tao. 16. Nararamdaman mo ba (kahit unti-unti pa lang) na ang Espiritu ng Dios ay nakatira sa loob mo? 17. Paano unti-unting binabago ng Espiritu ang buhay mo ngayon? 18. Pag-akyat ni Jesus sa langit, ano ang nadatnang ginagawa ng mga tagasunod niya? Naghintay sila sa ipinangako ni Jesus na kapangyarihan sa pamamagitan ng EspirituNaghintay sila sa panalangin. Yun ang bahagi nila maghintay sa kapangyarihan ng DiosNakinig at nakipag-usap sa Dios hanggang dumating ang Espiritu.

IPABASA SA BAHAY
Juan 14:15-31; Mga Gawa 1-2 Juan 20:21; Juan 13:35 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/).

8-4

WEEK 9 BUHAY NA GINAGABAYAN NG ESPIRITU


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Mga disiplinang espirituwal (spiritual disciplines) pagpapasakop sa Espiritu, pakikipag-usap sa Dios, pakikinig sa Dios, pagbibigay, atbp.) Pagbabago ng buhay bunga ng Espiritu. Ang Mabuting Balita (gospel) sa mga ordinaryong gawain sa araw-araw pagkilos ng Espiritu sa pang-araw-araw na gawain. Buhay sa loob ng pamilya ng Dios at paglilingkod gamit ang mga espirituwal na kaloob.

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).

9-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 9

UNANG EKSENA ~ ANG UNANG IGLESIA (PART 1)


Hango sa Gawa 2; 4; 9:31; 1 Corinto 16; 2 Corinto 8 Sa Araw ng Pentecostes, sa araw na bumaba ang Espiritu at pinuspos ang lahat ng mga tagasunod ni Jesus ang pasimula ng isang bagong pamilya na binubuo ng Dios, ang Iglesia (Church). Ang mga bagong tagasunod ni Jesus ay nagsasama-sama para makipag-usap sa Dios sa panalangin at nagkakaisa ang pusot isip nila sa pagbabahagi ng mga bagay na meron sila. Ibinebenta nila ang mga ari-arian nila at hindi itinuturing na pag-aari nila ang mga ito. Walang mahirap sa kanila, dahil nagtutulung-tulungan sila kung may mangailangan man. Sama-sama silang kumakain sa bahay-bahay para alalahanin ang ginawa ni Jesus para sa kanila, nagkakasiyahan, nagpupuri sa Dios at kinatutuwaan din sila ng mga tao. Matapang nilang ibinalita ang muling pagkabuhay ni Jesus, at lubos silang pinagpapala ng Dios. Araw-araw ay dinaragdag ng Dios sa bilang nila ang mga naliligtas. Gumagawa ang mga apostol ng maraming himala sa harap ng mga tao. Namamangha ang mga tao sa nakikita nila. Regular na nagtitipun-tipon ang mga mananampalataya sa may Templo at inilaan ang oras at sarili nila sa pagtuturo ng mga apostol tungkol sa Salita ng Dios. Habang ginagabayan ng Espiritu, lumago ang iglesia sa Jerusalem at kumalat sa buong buong bansa at mga katabing bansa habang masipag na ibinubuhos ng mga tagasunod ni Jesus ang kanilang buhay para sa pagkalat ng Mabuting Balita. Patuloy silang ikinuwento sa iba kung ano ang ginawa ni Jesus ang kanyang kamatayan, muling pagkabuhay, at ang bagong buhay para sa lahat ng magtitiwala sa kanya. Naging mapagbigay sila sa iba, handang magsakripisyo para sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan nito, malinaw nilang naipakita at naipadama sa mga tao ang dakilang kahabagan at pagiging mapagbigay din ng Dios. Lalo pang lumakas ang loob ng mga mananampalataya nang makatanggap sila ng sulat galing sa isa sa mga apostol na si Pablo, Gusto kong malaman nyo, mga minamahal na kapatid kay Cristo, kung ano ang mabuting ginawa ng Dios sa mga iglesia sa Macedonia. Ang dami nilang dinaranas na pagsubok, at marami sa kanila ay naghihirap. Pero sa kabila noon, punung-puno ng kagalakan ang puso nila, at nag-umapaw ito sa mga sagana nilang ipinagkaloob. Masasabi ko sa inyong nagbigay sila hindi lang sa abot ng kanilang makakaya, pero higit pa. At sariling kusa nila iyon, walang pumilit sa kanila. Sila pa nga ang paulit-ulit na nakikiusap sa amin na wag ipagkait sa kanila ang pribilehiyong makibahagi sa pagbibigay para sa mga kapatid nating nasa Jerusalem. Higit pa ang ginawa nila sa inaasahan namin, dahil una na nilang inilaan ang buhay nila para sa Panginoon at sa amin din, tulad ng nais ng Dios na gawin nila. Sa isang sulat pa niya, itinuro ni Pablo sa mga mananampalataya, Dapat nyong sundin ang tulad ng ibinilin ko sa mga iglesia sa Galatia. Sa unang araw ng bawat linggo, bawat isa sa inyo ay magtabi ng bahagi ng perang kinikita nyo. Wag nyo nang hintayin ang pagdating ko, at saka pa lang kayo mangongolekta. Sa ganitong paraan, nagpatuloy sa paglago ang Iglesia at naging pagpapala sa isat isa habang nakasuporta silang lahat sa patuloy na paglaganap ng Mabuting Balita. Ito ang panahon ng mabilis na paglago at pagpapala para sa Iglesia habang ginagabayan at pinalalakas sila ng Banal na Espiritung naninirahan sa bawat isa sa kanila, at siyang nagtuturo sa kanila kung ano ang mga dapat nilang paniwalaan at gawin sa buhay.

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.
9-2

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 9

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ ANG UNANG IGLESIA (PART 1)


1. Paano nyo nakita ang bagong buhay sa mga tagasunod ni Jesus? Anu-ano ang mga nakita nyong patuloy nilang ginagawa? Panalanginpagbabahagi ng pag-aaripagbebenta ng mga ari-arian para pondohan ang misyon nilasama-samang kumakainnagtuturo, nakikinig at nag-aaral ng Salita ng Diosnagbibigay sa gawain ng Panginoonnagsasakripisyonagdiriwang ng Banal na Hapunan (communion)handang maglingkod 2. Saan-saan mo nakitang ipinamumuhay nila ang mga gawaing paulit-ulit nilang gustong ginagawa na may intensiyong mapalapit sa Dios, sa isat isa, at maikalat ang Mabuting Balita? a. Pakikinig? b. Pagkain? c. Pagdiriwang? d. Pagpapala? e. Pagkukuwentuhan? Masayang-masaya nilang ginagawa ang mga ito! 3. Anu-anong bahagi ng kuwentong ito ang totoong nakikita ngayon sa buhay mo? 4. Anu-anong bahagi ng kuwentong ito ang gusto mong hilingin sa Dios na magkatotoo din at makita sa buhay mo? 5. Ano sa tingin mo ang dahilan bakit hindi tulad nito ang nangyayari sa buhay mo? Hindi pagtitiwala sa Espirituhindi hinahayaang manguna ang Espiritu!

IKA-2 EKSENA ~ ANG UNANG IGLESIA (PART 2)


Hango sa 1 Corinto Heto pa ang isang kuwento tungkol sa Iglesia Ilang taon ang nakalipas at nagsimulang magkaroon ng sari-saring problema ang mga mananampalataya. Hindi na sila namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu, nagiging katulad na sila ng mga tao sa paligid nila. Ang Corinto ay isang siyudad na daungan ng mga barko, at kasama ng kanilang maunlad na ekonomiya at edukasyon ay ang mga gawain nilang puno ng mga imoralidad. Kung ano ang problema sa siyudad na ito, iyon din ang naging problema sa iglesia na nasa Corinto. Nag-aaway sila at nagkakahati-hati, at ilan pa sa mga lider nila ang nagsisimulang itaas ang sarili nila kaysa sa iba. Ang iba ay nagdedemandahan pa sa korte. Mayroong ilan sa kanila ang nakikisalo sa Banal na Hapunan, sobra-sobra ang kinakain at iniinom na ang iba sa kanila ay nalalasing na at ang iba naman ay naubusan ng pagkain. Naging malaking problema rin sa iglesiang iyon ang kahalayan at sekswal na imoralidad. Nabalita pang may isang lalaking nakikipagrelasyon sa asawa ng tatay niya (stepmother) at wala ni isa man sa kanila ang may ginagawang aksiyon tungkol doon! Higit pa doon, nagsisimula ding magpangkat-pangkat ang mga Cristiano doon base sa kung sino ang mas magaling magturo sa kanila. Sumulat si Apostol Pablo sa kanila at sinabing, Bawat isa sa inyo ang sabi, Kay Pablo ako, o Kay Apollos ako, o Kay Pedro ako, o Kay Cristo ako. Pero sabi ni Pablo sa kanila, Lahat naman ng bagay sa inyokay Cristo kayo, at si Cristo ay sa Dios. Ang mga pastor sa inyo ay di dapat mag-isip na nakahihigit sila dahil nangunguna sila sa mga tao, sa halip, isipin nating lahat na tayoy mga alipin ni Cristo. Marami ring naging pag-aaway sa kanila kung sino ang may pinakamagaling na espirituwal na kaloob. Nagsimula rin nilang pagtalunan kung totoo nga bang nabuhay muli si Jesus o hindi. (Huminto sandali) Ang maganda sa kuwentong ito ay nakinig naman ang mga taga-Corinto, natuto, at sa bandang huli ay nagsisi at tumalikod sa kanilang kasalanan.

9-3

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ ANG UNANG IGLESIA (PART 2)


6. Ano nang nangyayari dito? Bakit nagkaganito? Bakit ang laki ng pagkakaiba sa buhay ng mga mananampalataya noong una kung ikukumpara sa nangyari sa Corinto? 7. Isinulat ni Apostol Pablo sa isa pang iglesia sa Galacia, na malapit sa Corinto, para paalalahanan sila kung paano maiiwasan ang mga ganitong pangyayari sa iglesia Basahin ang Galacia 5:16-25 Ipinako na ng mga nakay Cristo ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus. At dahil nga namumuhay na tayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, magpatuloy tayo sa patnubay nito [sa lahat ng bahagi ng buhay natin!] (vv. 24-25). 8. Paano mo iuugnay ang mga sinabi ni Pablo dito sa dalawang kuwentong narinig natin ngayon tungkol sa iglesia? 9. Ano ang napansin mong mga pagkakaiba ng dalawang listahang ipinakita ni Pablo [gawa ng laman at bunga ng Espiritu]? Ang mga nasa ng laman ay nagdudulot ng mga damdamin at gawaing nakakasira ng relasyon sa iba. Ang bunga ng Espiritu ay parehong panloob at panlabas mula sa pusong binago ng Dios at nakikita sa ginagawa sa araw-araw. Salamin ito ng katangian ng DiosNagmamahal tayo dahil ang Dios ay pag-ibigNagiging matiyaga at mapagpasensiya tayo kasi ganoon din ang Dios. Mga Nasa ng Laman Sekswal na imoralidad Kalaswaan Kahalayan Pagsamba sa dios-diosan Pangkukulam Pagkapoot Pag-aaway-away Pagkasakin Pagkagalit Pagkamakasarili Pagkakawatak-watak Pagkakahati-hati Pagkainggit Paglalasing Pagkahilig sa kalayawan Bunga ng Espiritu Pag-ibig Kagalakan Kapayapaan Pagtitiis Kabutihan Kagandahang-loob Katapatan Kahinahunan Pagpipigil sa sarili

10. Anu-ano ang nakikita nyong magkaibang resulta ng ganitong dalawang klaseng pamumuhay? 11. Paano ka magsisimulang mapangunahan ng Espiritu? Paano ka naman mananatili sa ganitong klaseng buhay? 12. Isalarawan ang klase ng buhay na hindi pinangungunahan ng Espiritu at nagsisikap na mabigyang lugod ang Dios sa sariling paraan? 13. Ano ang natatanging pag-asa natin para hindi tayo matulad sa nangyari sa iglesia sa Corintoo tuluyang maging tulad ng mga tao sa mundong namumuhay ayon sa nasa ng laman (o makasalanang pagkatao)? Mamuhay sa patnubay ng Espiritu sa lahat ng bahagi ng buhay! Basahin ang Roma 12:1-2
9-4

IPABASA SA BAHAY
Gawa 1-4; Roma 8; Galacia 5 Galacia 5:16; Galacia 5:22-23; Juan 15:8 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/).

9-5

WEEK 10 BUHAY HANGGANG KATAPUSAN


TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo May kasamang pag-uusig ang pagsunod kay Jesus. Darating ang araw na bawat bansa, bawat lahi ay magbabalik-loob sa Dios. Ang iglesia ay binubuo ng mga taong gumagawa para tulungan ang ibang tao sa ibat ibang bansa na mapanumbalik sa Dios. Malapit na ang pagbabalik ni Jesus. Ipapanumbalik ng Dios ang lahat ng kanyang nilikha sa kanyang orihinal na plano/disenyo para rito.

IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.

BALIKAN
Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo? Anu-ano ang natutunan natin? Paano nangusap ang Dios sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga napagkuwentuhan natin?

IKUWENTO, IPAKUWENTO AT PAGKUWENTUHAN


Tatlong beses mauulit ang kuwento. Kahit sa tingin nating mukhang paulit-ulit lang, makakatulong ito para matandaan ang kuwento at matutunan kung paano ito ikukuwento sa iba. Gawin ito sa bawat eksena: Ang unang magkukuwento ay ang lider at sasabihin sa grupong pakinggan mabuti. Tapos, papasadahan ulit ng buong grupo para may pakikibahagi lahat ng kasama sa grupo. Tapos, ipapakuwento sa isa sa grupo (na puwedeng tulungan ng iba kung nahihirapan pa).

10-1

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 10

UNANG EKSENA ~ ANG KAPALIT NG PAGSUNOD KAY JESUS


Hango sa Lucas 9:57-62 Nang sabihin ni Jesus, Halikayo, sumunod kayo sa akin, iniimbitahan niya tayong maging mga tagasunod (disciples) niya at hayaang siyang pangunahan tayo sa isang espirituwal na paglalakbay. Hindi ganoon kadali ang paglalakbay na ito, may kapalit ang desisyong sumunod kay Jesus. Ikukuwento ko sa inyo ngayon ang isang kuwento na nangyari nang nandito pa si Jesus sa mundo. Sa kuwentong ito, inalok niya ang tatlong tao ng pagkakataong maging isa sa kanyang mga tagasunod. Habang naglalakad si Jesus at ang kanyang mga tagasunod papunta sa Jerusalem, may isang lalaking lumapit kay Jesus at sinabi, Susunod po ako sa inyo kahit saan kayo magpunta. Tiningnan siya ni Jesus, at dahil alam niya kung ano ang nasa puso nito, sumagot siya, May mga lungga ang mga asonggubat, at may mga pugad ang mga ibon. Ngunit ako ay walang sariling bahay na mapagpahingan. Pagkatapos nito, nilapitan naman ni Jesus ang isang lalaki. Sinabi niya sa kanya, Sumunod ka sa akin. Pero sumagot ang lalaki, Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama. Pagkatapos noon, susunod na ko sa inyo. Pero sinabi sa kanya ni Jesus, Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Pero ikaw doon ka sa mga buhay lumakad ka at ipangaral ang tungkol sa Kaharian ng Dios. May isa pang nagsabi kay Jesus, na parang katulad noong nauna, Gusto ko pong sumunod sa inyo pagkatapos ay idinugtong niya, pero hayaan nyo po muna akong makauwi para makapagpaalam sa pamilya ko at mga kaibigan. Sinabi ni Jesus sa kanya, Ang sinumang nag-aararo na palaging lumilingon ay hindi kapaki-pakinabang ang paglilingkod sa ilalim ng Kaharian ng Dios. Sa simulang sumunod ka sa akin, wala nang atrasan! Hindi mo puwedeng ipagpaliban o ipagpabukas ang Kaharian ng Dios. Kung ganoon ang gagawin mo, walang lugar sa Kaharian ng Dios para sa iyo.

PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.

PAG-USAPAN ANG UNANG EKSENA ~ KAPALIT NG PAGSUNOD KAY JESUS


1. Inanyayahan sila ni Jesus na sumunod sa kanya, maging disciple niyaAnu-anong excuses o dahilan ang ibinigay nila sa hindi pagsunod kay Jesus? Unang lalaki: Sumagot si Jesus sa dali-daling alok ng lalaki na susunod siya kay Jesus(tingnan ang tugon ni Jesus sa ibaba) Ika-2 lalaki: Hayaan mo muna akong umuwi at ipalibing ang aking ama Ika-3 lalaki: Hayaan mo muna akong umuwi para makapagpaalam sa pamilya ko at mga kaibigan 2. Anu-ano ang nakikita nyong mali o problema sa mga sagot nila kay Jesus? Meron ba? (Note: Sa kultura nila, ang lalaking gustong ipalibing muna ang tatay niya ay hindi lang basta naghihintay na makapunta sa libing, kundi para na ring sinasabi niya, Pagkamatay ng tatay ko, at natapos ko na ang obligasyon ko bilang anak niya at natanggap ko na ang mamanahin ko, saka pa lang ako puwedeng sumunod sa iyo.) Hayaan nyo po munasaka na lang 3. Anu-ano ang tugon ni Jesus sa bawat isa sa kanila? Anu-ano ang pinapakita nitong mga hadlang sa totoo at taus-pusong pagsunod kay Jesus?
10-2

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 10

May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon. Ngunit ako ay walang sariling bahay na mapagpahingan. Ipinapakita ni Jesus ang puso ng lalaking ito at ang kanyang pagnanais na mas piliing manataling kumportable ang buhay niya, kaysa sumunod kay Jesus. Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Pero ikaw doon ka sa mga buhay lumakad ka at ipangaral ang tungkol sa Kaharian ng Dios. Mas pinahahalagahan niya ang tungkulin niya sa tao, trabaho niya, o iba pang mga gawain kaysa sumunod kay Jesus. Ang sinumang nag-aararo na palaging lumilingon ay hindi kapaki-pakinabang ang paglilingkod sa ilalim ng Kaharian ng Dios. Mas pinahahalagahan niya ang pamilya at kaibigan kaysa kay Jesus. Mali ang mga prayoridad ng tatlong lalaking ito! 4. Ano ang itinuturo sa atin ni Jesus dito tungkol sa pinakamataas na prayoridad na dapat ay mayroon tayo bilang mga tagasunod ni Jesus? Sabi ni Jesus sa Lucas 14:33, Isipin muna ninyong mabuti ang pagsunod sa akin, dahil kung hindi ninyo magawang talikuran ang lahat ng nasa inyo ay hindi kayo maaaring maging tagasunod ko. 5. Anu-anong pagbabago sa buhay mo at sa mga prayoridad mo ang dapat mong gawin upang lubos kang makasunod kay Jesus? 6. Gaano kahalaga para sa atin na ituro ang kuwentong ito sa mga taong inaakay nating maging tagasunod din ni Jesus? Bakit?

IKA-2 EKSENA ~ ANG PAGBABALIK


Hango sa Lucas 17; Gawa 3; 1 Corinto 15; Pahayag 21:1-8; Pahayag 22:1-7 Nangako si Jesus na isang araw ay babalik siya, sabi niya, Sa pagbabalik ko, malalaman ng lahat na nandito na ako. Para itong isang kidlat na magliliwanang sa buong kalangitan! Kapag bumalik na si Jesus, sisirain niya ang lahat ng kasamaan, kasalanan at pagrerebelde ng mga tao. Wala nang kasalanan, wala nang sakit, wala nang hirap, wala nang kamatayan. Lahat ng Cristiano mga tagasunod ni Jesus buhay man o patay sa araw na iyon ay tatanggap ng mga binagong katawan at mamumuhay sa isang binagong mundo, na ipinanumbalik sa orihinal na disenyo ng Dios para dito. At lahat sila ay mabubuhay magpakailanman! Ipinakita ng Dios sa isang panaginip ng isa sa mga tagasunod ni Jesus, na nagngangalang Juan, kung ano ang mga mangyayari. Matapat namang isinulat ni Juan lahat ng ipinakita sa kanya ng Dios Sinulat niya: Pagkatapos ay nakita ko ang isang bagong langit at bagong lupa, dahil ang dating langit at dating lupa ay naglaho na. At nakita ko ang banal na lungsod na bumababa mula sa Dios doon sa langit. Para itong isang babaeng ikakasal na handang-handa na at
10-3

gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. At nakita ko ang isang ilog, na may tubig na nagbibigay-buhay, singlinaw ng kristal, at dumadaloy mula sa trono ng Dios at ni Jesus. Umaagos ito sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay may punongkahoy na parehong nagbibigay-buhay! Mayroon itong sapat na bunga para pagalingin ang lahat ng pamilya sa bawat bansa. Wala na ang sumpa sa lahat ng bagay. Dahil ang trono ng Dios at ni Jesus ay nandoon, at ang lahat ng mga tagasunod niya mula sa ibat ibang lahi ay nandoon din at sumasamba sa kanya. At makikita nila ang kanyang mukha, at makikilala sila at lalagyan ng tanda na silay pagmamay-ari niya. Walang gabi roon hindi na kailangan ng ilawan o ng araw dahil ang Dios mismo ang magliliwanag sa kanila. At kasama ng Dios, lahat sila ay maghahari sa lahat ng bagay mula noon at magpakailanman. At narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, ang sabi, Tingnan nyo, ang tahanan ng Dios ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silay magiging kanya. At siyay makakapiling na nila. Ang Dios mismo ang

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 10

makakasama nila. Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan. At sinabi ni Jesus na nakaupo sa trono, Tingnan nyo, binabago ko na ang lahat ng bagay! Nangyari ang lahat gaya ng nakatakdang mangyari! Ako ang Alpha at Omega ang Pasimula at ang Katapusan. Ang sinumang nauuhaw ay paiinumin ko nang walang bayad sa bukal na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ang lahat ng magtatagumpay sa mundo lahat ng sumasampalataya sa akin at hinayaang akong talunin ang kasalanan at

pagkamakasariling nasa kanilang mga puso lahat sila ay magmamana ng lahat ng pagpapalang ito, at ako ang magiging Dios nila, at sila ang magiging mga anak ko. Pero nakakatakot ang sasapitin ng mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling. Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy, na siyang ikalawang kamatayan. At sinabi ni Jesus, Magbantay kayo habang hinihintay nyo ako, dahil malapit na akong bumalik!

PAG-USAPAN ANG IKA-2 EKSENA ~ ANG PAGBABALIK


7. Habang pinapakinggan nyo ang kuwentong ito, anu-ano ang naalala nyo sa kabuuan ng Kuwentong narinig na natin noong mga nakaraang linggo? Ang hardinkung paano ang simula ng lahat ng bagay Ang Dios na kasama ng tao, may mabuting kalagayan, maayos na relasyonWalang kamatayan, disenyo ng Dios sa tao na mabuhay nang walang hangganLahat ng bagay naibalik sa orihinal na intensiyon ng Dios! 8. Ano ang nakita nating nasira sa mga unang bahagi ng Kuwento na ngayon ay naipanumbalik na? Sino ang may gawa nito? Relasyon ng Dios at tao, ng tao sa kapwa-taokalikasanbuhaylahat-lahat! Si Jesus ang may gawa kung bakit nagbago ang lahat. Tandaang siya ang Panginoon ng buong nilikha, Panginoon ng lahat ng mga tao, Panginoon ng lahat ng bagay! 9. Ano ang nararamdaman mo nang malaman mo (kung ikaw ay nakay Cristo tagasunod niya) na mabubuhay ka nang magpakailanman?! 10. Sa kuwentong ito, nakita nating LAHAT ng mga bansa ay namumuhay na magkakasama at may mabuting kalagayan at walang katapusang sumasamba sa DiosAno ang ipinapakita nito sa atin kung ano ang ginagawa ng Dios ngayon sa kanyang mga anak sa mga tagasunod ni Jesus? Paano tayo dapat mamuhay kung ganito ang nangyayari at mangyayari? Kung nilikha ng Dios ang lahat na mabuti at ipinapanumbalik ang lahat ng mga bagay sa ganoong kundisyon, hindi maaaring mamuhay tayo na nakasalungat sa kanyang maganda at perpektong plano. Tayo rin dapat ay maging kasangkapan ng Dios para maipanumbalik ang lahat sa mabuting relasyon sa kanya. Basahin ang 2 Corinto 5:18-20. Ang lahat ng itoy gawa ng Dios na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Cristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. At ito ang aming ibinabalita: Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang pinagkatiwalaan na magpahayag ng mensaheng ito. Kaya nga, mga sugo kami ni Cristo, at sa pamamagitan namin, nakikiusap ang Dios sa inyo na manumbalik na kayo sa kanya. 11. Ano ang itinuturo ng talatang ito mula sa Biblia tungkol sa tungkulin natin sa planong ito ng Dios na ipanumbalik sa kanya ang lahat? 12. Sinu-sino ang mga tinutukoy sa kuwentong ito na siyang magmamana ng buhay na walang hanggan at malapit sa Dios? Sinumang hinayaan siyang talunin ang kasalanan at pagkamakasarili sa puso nila Ano ang reaksiyon niyo dito? 13. Ano ang sinasabi sa kuwento na hindi lang itong buhay na walang hanggan at malapit sa Dios ang posibleng maging sapiting walang-hanggang katapusan ng mga tao? Pero nakakatakot ang sasapitin
10-4

TELL GODS STORY: Ikuwento ang Buong Kuwento ng Biblia

Week 10

ng mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling. Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy, na siyang ikalawang kamatayan. Ang pagiging duwag ay nakaugat sa naising pangalagaan ang sariling buhay, at ayaw tanggapin ang kapalit ng pagsunod kay Jesus. 14. Anu-ano ang naiisip mo o nararamdaman mo sa sinasabi dito ni Jesus?

MGA KARAGDAGANG PAGSASABUHAY


15. Kung totoo ang mga napag-usapan natin, paano ito dapat makaapekto sa buhay mo? 16. Sa kabila ng mga mahahalagang desisyon o sitwasyong kinakaharap mo, ano ang nararamdaman mo ngayon tungkol sa buhay mo ngayong alam mo kung saan patungo ang Kuwentong ito? Nagbibigay ba ito sa iyo ng pag-asa? 17. Anong bahagi ng pagsasanay o pag-aaral na ito ang may malaking epekto sa buhay mo? 18. Paano mo gagawing prayoridad sa buhay ang disciple-making o pagtulong sa ibang tao na maging tagasunod din ni Jesus na tutulong din sa iba na maging tagasunod din ni Jesus? 19. Kung seseryosohin talaga natin ang pagiging aktibong disciple-makers, paano ito sa tingin mo makakaapekto sa pamilya natin, sa paligid natin, at sa bayan natin? 20. Paano kita maipapanalangin ngayon?

IPABASA SA BAHAY
Lucas 9; Pahayag 21-22; Hebreo 12:18-29 1 Corinto 9:23; Lucas 14:27 (puwedeng ipasaulo)

Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/story-formed-way/).

10-5

You might also like