You are on page 1of 8

Sintaks

Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama

ang mga salita para bumuo ng mga parirala at mga pangungusap. Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategori na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap. Pag-aaral ng straktyur ng mga pangungusap. 1a. * binulsa ko ang mabangong panyo 1b. * bumulsa ko ang mabangong panyo 1c. * Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

Parirala at Sugnay
Sugnay

-- isang lipon ng mga salitangmay simuno o paksa at panaguri -- buo o hindi buo ang diwa. 1. Sugnay na makapag-iisa nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. Hal. Ako ay nakahiga,nang siyay umalis. 2. Sugnay na di-makapag-iisa di buo ang diwa hal. Kung akoy mayaman, hindi na ako magtatrabaho. Parirala -- lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.

PANGUNGUSAP
Isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag

ng buong diwa.

2 Bahagi ng pangungusap Karaniwang ayos nauuna ang panaguri Di- karaniwang ayos nauuna ang paksa sa panaguri. (ay)

1. Payak na pangungusap binubuo ng isang paksa

Anyo ng Pangungusap

a)
b) c) d)

at isang panaguri na may iisang diwa May payak na paksa at payak na panaguri. Hal. Pinsan ko po siya. May tambalang paksa at payak na panaguri. hal. Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral. May payak na paksa at tambalang panaguri hal. Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit. May tambalang panaguri at tambalang paksa. hal. Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.

2. Tambalang Pangungusap

-- binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap. -- dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan. Pandugtong = pangatnig = at, o, ni Hal. Ang ulap na makikita sa likod ng Bundok Putol ay palatandaaan ng pag-ulan o pagkulimlim ng panahon, at sa pagsisimula ng ulan, kapag nakitang nabalutan ng maputing ulap ang usok ng buong katawan ng Gulod ng Humarap, na parang tinakluban o binalutan ng kumot, ay nangangahulugang tatagal ang pagsama ng panahon.

3. Hugnayang Pangungusap

-- Binubuo naman ito ng dalawang sugnay. -- Buo ang diwa ng isang sugnay, habang ang isang sugnay ay hindi Pandugtong = dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa. Hal. 1. Hindi kailangang pang hintayin ang pagbibigay babala ng PAGASA sapagkat matalas ang kanilang pakiramdam sa nangyayari sa kanilang kapaligiran. 2. Ang langit ay tinitingnan din sa gabi, at kung ito ay mabituin, ito ay nangangahulugang malinis at walang ulap, kaya hindi uulan.

Langkapang Pangungusap

pangungusap ito na binubuo ng dalawa o higit pang punong sugnay o sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-nakapag-iisa.

Hal. Mahalagang malaman ag lagay ng panahon, kung kailan aaraw o uulan, sapagkat ang uri ng kanilang gawain ay may kaugnayan sa kalikasan, at ang gingamit nilang kompas ay ang kalawakan ng langit.

You might also like