You are on page 1of 1

Hinagpis ng Ina

ni: Dada Pariseo

Kalikasan, kalikasa, kalikas, kalika Ang kalikasa`y tulad ng isang mahalagang salitang kapag binawasan mo ng kahit na isang letra, magbabago at masisira ang ipinahahatid na diwa.

Ang kalikasan ngayo`y lukob ng pagluha, luhang nagpapabaha ng mga putol na puno at basura, tambak ng basurang ating namumura pa nga, subalit sumagi ba sa ating mga isipan na ang mga ito`y tayo rin ang siyang may gawa?

Kalikasan ang nagbibigay buhay sa tao, ngunit ang tao ang siyang pumuputol ng buhay ng kalikasan. Ang tao`y kayraming hinihiling sa kalikasan, datapwa`t ang kalikasa`y humihiling lamang ng iisang bagay.

Kaysarap sanang mabuhay sa mundong ibabaw, sagana sa lahat ng ating pangangailangan ngunit papaano kung ang lahat ng ito, sa isang iglap tuluyang maparam, Kalikasa`y tuluyang mahilam, Tao`y saan pa kukuha ng pandugtong sa kanyang buhay, Wala na, wala na ngang tunay !

You might also like