You are on page 1of 1

Alternatibong paggamit ng Tsaa (teabags) at puno ng saging (banana stem)

bilang tinta ng panulat

Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili nito ang


kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o
“pagiging balance” ng ating kapaligiran at nilalang na nakatira dito sa planeta. Hindi
lamang ang mga taong kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang hayop
at halaman na kasama nating namumuhay dito ay nangangailangan din ng ng
mabuting pamumuhay. Kung hindi mapapanatili ang balanseng sistemang nito,
maaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa panahon kundi pati na rin
sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat mangyari ito at magdusa sa lahat.
Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat
na nabubuhay dito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay,
Sa mga basurang itinatapon ng walang control sa araw-araw, dahan-dahan
nating sinisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit
may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Maari pa nating gawan ng
solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan.
Mga halaman na pakalat kalat na lamang ay pwede nang hanapan ng paraan upang
muling magamit. Ang konspetong ito ang nagbigay ng inspirasyon upang
magsagawa ang tatlong estudyante sa ika-sampung baitang ng Patience ng tinta
gamit ang puno ng saging at ang mga nakuhang tsaa sa iba’t ibang coffee shop na
nakadaragdag sa basura. Naging bahagi ng pang araw-araw nating pamumuhay ang
paggamit ng ballpen. Mula sa pagkabata simula nang matuto tayong magsulat,
hanggang ngayong sap ag-abot ng ating mga pangarap, ballpen ag nagging sandigan
natin sa pagpapahayag ng ating mga nararamadaman. Kung tittingnan, isa lamang
itong pangkaraniwang bagay, pero kung iisiping mabuti, Malaki ang papel na
ginagampanan nito sa ating buhay. Ngunit sa pag daan ng mga araw, pataas ng pataas
na ang presyo ng mga ito. Marami din ang ihinahalong mga mapanganib na
kemikalsa paggawa nito.

You might also like