You are on page 1of 1

IMPEACHMENT

IS ANG P O L IT IKAL AT HI STORI KA L NA GA BAY

ANG PAMAHALAA N NG PI L I PI NAS Isang pamahalaang binubuo ng mga pinunong inihalal ng bayan, ang mga opisyal ay kinatawan at hindi nangingibabaw sa taumbayan kung saan sumusunod ang bawat pinuno sa mga alituntunin ng batas at naglilingkod sa ngalan ng tiwala ng mga mamamayan na kanyang kinakatawan.
- Justice George Malcolm, in Cornejo v. Gabriel, 41 Phil. 188, 194 (1920)

Nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 ang mga sumusunod na probisyon:


ARTI KULO 2 NASA MAMAM AYA N A NG KA PA NGYA RIH A N
Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.
Art.II, Sek. 1, Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987

A RT ICLE XI ANG PAGTI TI WALA NG BAYAN AY ANG K IN NG KAT U NG KU LA NG PA M BAYA N Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan. Ang mga pinuno at mga kawaning pambayan ay kinakailangang mamalaging nananagutan sa mga taong-bayan, maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan, at kahusayan, manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan, at mamuhay nang buong kapakumbabaan.
Art. XI Sek. 1, Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987

A NG SIST EMA NG ELEKTORAL Ano nga ba ang mangyayari kung ang ehekutibo, habang nanunungkulan, ay naging tiwali o di-karapat-dapat sa puwesto? Paano ito tutugunan sa isang agaran at mabilis na paraan?
SULYA P SA KASAYSAYA N

Magmula noong 1935, ang proseso ng impeachment na nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas ay hinalaw mula sa sistema ng Amerika. Sabi ni Benjamin Franklin, mahalagang alternatibo ang impeachment upang pangalagaan din ang interes at kapakanan ng pinaparatangang opisyal, at mailayo siya sa karahasan o pamamaslang.

Ang paniniwala ng mga Amerikano: mainam na nasa kamay ng Husgado ang pagpapasya sa mga kasong maaaring humantong sa kamatayan, o pagbawi ng kalayaan o ari-arian ng akusado.

Kaya ngat pagdating sa impeachment, dalawang hatol lang ang puwedeng ipataw sa mga nagkasala: Ang tanggalin sila sa puwesto, o ang ipagbawal habambuhay ang panunungkulan sa gobyerno.

A N O A N G I MPEAC H MEN T ?

TIWALA
Isang prosesong nakapaloob sa Saligang Batas para sa mapatalsik sa katungkulan ang isang abusadong pinuno ng bansa. Proteksyon ito para sa Estado, hindi isinasagawa para litisin at hatulan ang mga krimen. Ang tanong sa impeachment: Karapat-dapat pa bang ipagkatiwala sa isang opisyal ang kanyang posisyon? Hindi tinatanong kung may pagkakasala ba o inosente ang indibiduwal, gaya ng sa isang kasong kriminal.

S I N O - SI N O A N G MAAA RIN G H UMARAP SA IMP E ACHME NT?


Miyembro ng

Pangulo ng Pilipinas

Commission on Civil Service

Commission on Elections

Commission on Audit

The Ombudsman

Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

Miyembro ng Korte Suprema

A N O A N G MG A BATAYA N PA RA SA IMP E ACHME NT?


PAGTATAKS IL Ang sinumang kinikilalang katuwang ng gobyerno, hindi dayuhan, nakikipaglaban at nakikiisa sa mga kalaban nito sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa loob man o labas ng bansa.
Nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 (Record ng Constitutional Convention ng 1934, pp. 854 855)

PAGPAPASUHOL Sinumang opisyal na papayag na gumawa ng krimeng may kaugnayan sa pagtupad sa tungkulin, kapalit ng anumang alok, pangako, regalo na tinanggap niya nang personal o dumaan sa ibang tao. (Artikulo 210-211, Revised Penal Code)
Nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 (Record ng Constitutional Convention ng 1934, pp. 854 855)

IBA PANG MABIBIGAT NA K RI M E N Ang paglabag gaya ng pagtataksil at panunuhol, ay malubha at mabigat na krimeng sumisira at humahadlang sa maayos na pagtatrabaho ng gobyerno. (Bernas, J. The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines: A Commentary. 2003)
Nakapaloob sa Saligang Batas ng 1935 (Record ng Constitutional Convention ng 1934, pp. 854 855)

KATIWALIAN AT PAGNA NA KAW Sinumang opisyal ng gobyerno na nakakamit ng, nakapangalan man sa kanya o sa iba, halaga ng ari-arian at/o pera na may malaking agwat sa kanyang sweldo. (RA 3019)
Nakapaloob sa Saligang Batas ng 1973 (Bernas, J. The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines: A Commentary, 2003 ed. p. 1113)

PAG KAKANULO SA TIWA LA NG PUB L I KO Ang pagkakanulo sa tiwala ng publiko, lantarang pagpapabaya sa tungkulin, mapaniil na pang-aabuso sa kapangyarihan, pagdungis sa katungkulan dahil sa katiwalian, at pagkiling sa interes ng mga kaalyado kaysa interes ng nakakarami. (Record ng Constitutional Commission ng 1986, p. 272)
Nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987

S I N O A N G MAY KA PA N GYA RIH A NG MAGPATALSIK?


Ang Kongreso ng Pilipinas ang namamahala sa proseso ng impeachment. 2 BU LWAG AN

KA M A RA DE REPRESENTANTE Nagmumula sa Kamara de Representante ang lahat ng kaso ng impeachment

S ENAD O Nililitis at pinagdedesisyunan ng Senado ang lahat ng mga kaso

Kapag ang Pangulo ang isinakdal, pangungunahan ng Punong Mahistrado ang paglilitis; sa ibang kaso, ang Pangulo ng Senado ang mangunguna sa pagdinig.

SINO ANG M AKA PAG SASA M PA N G R E KLA M O N G I MP E ACHME N T?


Sinumang miyembro ng Kamara de Representante
Sinumang mamamayan na inendorso ng sinumang kasapi ng Mababang Kapulungan

AN O A N G MG A H A KBA N G IN PA RA SA IMP E ACHME NT?


I . M ABI LI SAN G P ROSESO Kung ang reklamong impeachment o resolusyon ay isinampa ng di bababa sa isang-katlo ng mga kasapi ng Mababang Kapulungan - Article 2, Section 3, Paragraph 4

R
Reklamo

1/3
I I . MAS M A HA BA NG PROSESO Bawat Kongreso (nasa panglabing-limang Kongreso ng Republika na tayo ngayon) ay may sinusunod na alituntunin para sa impeachment. May kani-kaniyang mga sariling patakaran para sa impeachment ang Mababang Kapulungan at ang Senado. Ginamit ng Mababang Kapulungan ang tuntunin sa mahabang proseso noong ika-3 ng Agosto 2010. Tinangkilik naman ng Senado ang tuntunin sa paglilitis sa impeachment noong ika-23 ng Marso 2011.
Ang hakbangin sa mas mahabang proseso ng impeachment na itinakda ng Saligang Batas ng 1987 ay ang mga sumusunod:

Sisimulan ang impeachment sa pagsasampa ng reklamo ng sinumang miyembro ng Kapulungan o ng sinumang mamamayan.

10

Isasama ito sa Palatuntunan ng Pagpupulungan sa loob ng 10 araw

Ipapasa sa kaukulang komite sa loob ng tatlong araw

OR Oo sa Hindi sa

Boto ng Komite

Magsasagawa ng Pagdinig ang Komite

nakararami

nakararami

60
Ihahalal ng Mababang kapulungan ang prosekusyon

Ihaharap sa plenaryo sa loob ng animnapung araw Ipapasa sa Senado ang Resolusyon at Artikulo ng Impeachment
na ka ra ra mi

Boto ng Plenaryo
Isa ng -kat l o o ma hi gi t pa

OR
Ma ba ba sa i sa ng -kat l o

O o sa OR

TUNTUNIN NG IMPEACHMENT

Gagawa ng tuntunin ang Senado bilang Plenaryo

Magbobotohan ang Senado sa gagamiting tuntunin

na ka ra ra mi

O o sa

Ipapatawag ng Senado ang mga sakdal

PAG LI LI T I S

Magtitipon ang Senado bilang impeachment court

Dadalo ang mga sangkot at sasagot sa mga katanungan

Makatatanggap ang Senado ng mga testimonya at dokumento bilang ebidensya

Magtatanong ang mga Senador

Pagkatanggal sa puwesto at/o Permanenteng diskwalipikasyon

OR
NAG KASA LA
PAGPAPA WALANG-SALA

Botohan

ILA NG BOTO A NG KA ILA NG A N U PA N G MA PAGT I BAY O M APAWALANG - BISA NG KOMITE A N G A RT I KULO N G I MP E AC HME N T ?

TALATA (3)
Dapat kailanganin ang boto ng isang-katlo man lamang ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungan upang patotohanan ang isang katig na resolusyon sa mga Artikulo ng Impeachment ng Komite, o pawalang-halaga ang salungat na resolusyon nito. Dapat itala ang boto ng bawat Kagawad.
CONSTITUTION Art. XI, Sek. 3. Tal. 3, Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987

TALATA (4) Kung ang pinanumpaang sakdal o resolusyon sa impeachment ay iniharap ng isang-katlo man lamang ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungan, iyon ay dapat bumuo sa mga Artikulo ng Impeachment, at dapat isunod agad ang paglilitis ng Senado.
Art. XI, Sek. 3. Tal. 4, Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987

1
KAMARA DE REPRESENTANTE
REKLAMONG IMPEACHMENT

2
REKLAMONG IMPEACHMENT

May dalawang paraan para maabot ang isang-katlong boto:

1. Puwedeng lumagda sa reklamong impeachment ang isang-katlo ng mga Kinatawan. Diretso itong ipapadala sa Senado kapag naisumite na; hindi na kailangan ng diskusyon o debate ukol dito.

2. Ang reklamo ay maaaring ipasa sa Committee on Justice katulad ng ibang mga batas; pagdedebatehan at pagbobotohan ito ng komite, at kung mapagtibay, dadaan ito sa deliberasyon at pag-aaral ng plenaryo. Maaaring pagtibayin o ibasura ng buong Kapulungan ang reklamong impeachment. Kung ang isang-katlong boto ng Mababang Kapulungan ay pabor, maipapasa ito sa Senado bilang Artikulo ng Impeachment.

M AAAR I BAN G PA B ILIS IN A N G P ROSE SO?


Oo. Itinakda ng Saligang Batas na kapag isang-katlo o mahigit pang miyembro ng Mababang Kapulungan ang nagsampa ng reklamo o ng resolusyon ng impeachment, susunod na rito ang paglilitis ng Senado.

SALIGANG BATAS

PAAN O A N G PAG LILIT IS SA IMPE ACHME NT?


Isinasagawa ito sang-ayon sa tuntuning pinagbatayan ng Senado. Sa kawalan ng partikular na tuntunin na inihain sa Senado, susundin ang patakaran sa korte sa paglalatag ng mga ebidensya.

PAANO NAPAPAT U NAYA N A NG PAG KAKASA LA O N A PA PAWA LA N G -SA LA?

Ang batayan ng katibayan ay hindi kailangang magkaroon ng walang-pasubaling pag-aalinlangan,


dahil ang impeachment ay hindi isang paglilitis pang-kriminal.

Ang mga Senador ay inaasahang bumoto sang-ayon sa kanilang konsensya.

Hindi isang Husgado ang Impeachment Court. Isa itong pampolitikang proseso, hindi pang-kriminal.
Sinusunod lamang ang Tuntunin sa Korte para sa mga kaukulang hakbangin, na nakakatulong sa mga patakaran ng Senado sa Impeachment.

ILAN G B OTO A N G KA ILA N G A N PARA MAPATUNAYANG N AGKASALA A N G ISA N G OPISYAL SA IMP E ACHME NT?

Kailangan ang dalawang-katlong boto ng lahat ng miyembro ng Senado para sa alinmang Artikulo ng Impeachment upang mapatunayan ang pagkakasala.

Walong negatibong boto mapapawalang-sa la sa anumang paratang

16

Labing-anim na botomapapatunayang nagkasala sa anumang paratang

AN O A N G R E S ULTA KA PAG N A PATUNAYANG NAGKASALA?


TA LATA (7)
Art. XI Sek. 3 Tal. 7. Saligang Batas ng Pilipinas 1987

Ang desisyon sa mga kaso ng impeachment ay hindi hihigit sa:


SALIGANG BATAS

Pagkakatanggal sa puwesto

Maaaring idagdag ng Senado sa kanilang hatol ang diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang katungkulan sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang napatunayang maysala ay maaari pa ring sampahan ng kaso, litisin at parusahan sang-ayon sa batas. Ang pananagutang pang-kriminal ay masisiguro sa isang paglilitis pang-kriminal. Kung pang-kriminal ang paglilitis sa isang impeachment, hindi na ito masusundan ng iba pang mga kasong pang-kriminal dahil sa prinsipyo ng double jeopardy.

M AY R O O N BA N G LIMITASYON SA P ROSE SO NG IMP E ACHME NT?


TA LATA (5)
Art. XI Sek. 3 Tal. 5. Saligang Batas ng Pilipinas 1987

Hindi dapat humarap ang isang opisyal nang higit sa isang sakdal na impeachment sa loob ng isang taon.
CONSTITUTION

Anumang paghatol sa impeachment ay hindi na sakop ng kapangyarihan ng Pangulo sa ehekutibo.

KAI LANG AN BA NG DU MAA N A NG I MPEACHMEN T SA PAG-AARAL N G HUDIKATURA?

SALIGANG BATAS

KO RT E S U PR E MA

Ang Korte Suprema ay may kapangyarihang pag-aralan ang kaso ng impeachment, upang matukoy kung sumunod ba ito sa mga tuntunin at sa mga kondisyong itinakda ng Saligang Batas. Ang hindi nila puwedeng gawin ay ang magkomento sa nilalaman ng kaso. Dahil ang impeachment ay isang politikal na paglilitis, hindi ito sakop ng judicial review.
Sa Francsico v. Kamara de Representante

IM P E AC H M EN T: KA IS IPA N SA AGHAM NG TEORYA AT P OLITIKA

Impeachment: isang paraan ng Pambansang Pagsisiyasat sa mga Kilos ng mga lingkod-bayan


layunin ng impeachment na magtanggal ng isang opisyal sa puwesto, hindi upang parusahan siya. Hindi kailangang pagkakasalang kriminal ang dahilan para ma-impeach.

ALEXANDER HAMILTON
Isa sa mga tagapagtatag ng Amerika, ekonomista at pilosopo

POLITIKAL ang pag-abuso o paglabag sa tiwala ng publiko, dahil tuwiran nitong naaapektuhan at sinasalot ang lipunan. Tiwala ang binabantayan ng Senado; politikal ang isyung tinutuganan nila habang Katarungan naman ang pinangangalagaan ng Korte Suprema.

TIWALA

Ang opinyon ng publiko ay may malaking papel sa impeachment.

KAALA M A N G PA N G -KASAYSAYA N
1935
Isasakatuparan ang impeachment ng komite ng isang sangay ng lehislatura ang Pambansang Asemblea

1940
Pag-amyenda sa Saligang Batas, sisimulan ang impeachment sa Kamara de Representante at lilitisin sa Senado

1973
Idinagdag ang isang paglabag: katiwalian at pagnanakaw; bumalik ang gobyerno sa isahang sangay na tuntunin (Batasang Pambansa)

1987
Itinakdang muli ang dalawang Kapulungan, mula sa mga dating Saligang Batas, ang na boto ay ginawang 1/3; idinagdag ang pagkakanulo sa tiwala ng publiko sa mga paglabag.

Mula noong 1935, tatlong opisyal pa lamang ang na-impeach: Pangulong Joseph Ejercito Estrada, Ombudsman Merceditas Gutierrez, at Chief Justice Renato C. Corona.
KASO Pagwawaldas at maling paggamit ng kaban ng bayan
PANG. ELPIDIO QUIRINO

N AG S A M PA

R E S U LTA

Pag-abuso sa kapangyarihan; at walang habas na karangyaan Pakikialam, na nakakasama sa interes ng nakararami, sa transaksiyon kung saan ang kanyang kapatid na si Antonio ay may pakikipagsabwatan sa isang Soviet citizen. Pagkunsinti sa katiwalian at pagnanakaw Malubhang mga pagkakamali ng opisyal na nagkait ng malaking kita sa gobyerno

Juan Rodriguez noong ika-28 ng Abril 1949

Ibinasura noong ika-29 ng Abril 1949 dahil sa kawalan ng katibayan at legal na batayan

KASO Diumanoy ilegal na pag-aangkat ng bigas para sa Sandatahang Lakas at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act

N AG S A M PA

R E S U LTA

PANG. DIOSDADO MACAPAGAL

Rep. Arturo M. Tolentino noong Ibinasura noong ika-24 ng ika-12 ng Abril 1964 Hunyo 1964, sa komite

KASO Katiwalian, ekonomikong pandarambong, di-maipaliwanag na yaman, cronyism, at iba pang krimen

N AG S A M PA

R E S U LTA

PANG. FERDINAND MARCOS

58 mambabatas ng oposisyon noong ika-13 ng Agosto 1985

Ibinasura ng Batasang Pambansa ang resolusyon pitong oras matapos ang paghahain dahil sa kawalan ng sapat na halaga ng nilalaman R E S U LTA

KASO Katiwalian at pagnanakaw, pagkakanulo sa tiwala ng publiko, lantarang paglabag sa Saligang Batas
PANG. JOSEPH ESTRADA

N AG S A M PA

Opposition Bloc sa pangunguna ni Minority Bloc Leader Feliciano Belmonte Jr. noong ika-19 ng Oktubre 2000.

Na-impeach noong ika-13 ng Nobyembre 2000. Ipinasa sa Senado noong ika-14 ng Nobyembre 2000. Sinimulan ang paglilitis noong ika-7 ng Disyembre 2000. Natapos ang paglilitis nang mag-walk-out ang prosekusyon noong ika-16 ng Enero 2001.

KASO Panunuhol, lantarang paglabag sa Saligang Batas, pagkakanulo sa tiwala ng publiko

N AG S A M PA

R E S U LTA

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

Ernesto Francisco noong ika-6 ng Nobyembre 2001

Ibinasura noong ika-18 ng Disyembre 2001

KASO Katiwalian at pagnanakaw


PUNONG MAHISTRADO HILARIO DAVIDE

N AG S A M PA

R E S U LTA

Rep. Felix Fuentebella, Joseph Ejercito Estrada noong ika-23 ng Oktubre 2003.

Ibinasura noong ika-19 ng Nobyembre 2003 nang pagbotohan ng Plenaryo ng Mababang Kapulungan na hindi ipasa sa Senado ang Artikulo ng Impeachment R E S U LTA

KASO Lantarang paglabag sa Saligang Batas, panunuhol, katiwalian at pagnanakaw, pagkakanulo ng tiwala ng publiko Pandaraya upang maging Pangulo, korupsyon, politikal na pamamaslang, at paglabag sa Saligang Batas

N AG S A M PA

Oliver Lozano, Jose Lopez noong 2005

PANG. GLORIA ARROYO

Ibinasura noong ika-31 ng Agosto 2005 dahil sa hindi sapat na halaga ng nilalaman

Ika-26 ng Hunyo 2006 Bienvenido Lumbera Imelda Nicolas Randy David Corazon Soliman Bro. Eddie Villanueva at mahigit-kumulang 200 ordinaryong mamamayan Ininderso nina Rep. Francis Escudero at Ronaldo Zamora Ika- 27 ng Hunyo, 2006 Teosto Guingona, Jr. Inindorso ni Rep. Teosto Guingona III Ika-28 ng Hunyo 2006 Bishop Deogracias Iiguez Inindorso ni Rep. Etta Rosales Ika-29 ng Hunyo, 2006 Atty. Abigail Binay Inindorso ni Rep. Ruy Elias Lopez Ika-24 ng Hulyo, 2006 Kaanak ng mga biktima ng paglapastangan sa karapatang pantao (14 na lagda) Union of the Masses for Democracy and Justice (35) Ibat ibang pribado at publikong organisasyon (17) Gabriela (mahigit-kumulang 100) Mga kinatawan ng relihiyosong grupo (13) Mga guro sa pampublikong paaralan at magsasaka (48) Retiradong mga heneral at koronel (13) Inindorso ni Rep. Darlene Antonino-Custodio Ika-12 ng Nobyembre 2007 Bayan Karapatan VP Guingona at iba pa. Inindorso ni Rep. Teodoro Casio

Ibinasura noong ika-26 ng Agosto 2006

Pagkakanulo sa tiwala ng publiko, lantarang paglabag sa Saligang Batas, panunuhol, katiwalian at pagnanakaw, at iba pang mabigat na krimen

Roberto Rafael Pulido noong ika-5 ng Oktubre 2007 Jose "Joey" de Venecia III, Rolex Suplico, Harry Roque Inindorso nina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Teddy Casino, at Gabriela Rep. Liza Maza noong ika-18 ng Oktubre 2008 N AG S A M PA

Ibinasura noong ika-14 ng Nobyembre 2007 Ibinasura noong ika-26 ng Nobyembre 2008

KASO Pagkakanulo sa tiwala ng publiko, lantarang paglabag sa Saligang Batas

R E S U LTA

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

Tatlumput isang civil society leaders sa pangunguna ni dating Pangulo ng Senado Jovito Salonga noong 2009; Akbayan at Bagong Alyansang Makabayan noong 2010

Na-impeach noong ika-22 ng Marso 2011.

KASO Pagkakanulo sa tiwala ng publiko, katiwalian at pagnanakaw, lantarang paglabag sa Saligang Batas

N AG S A M PA

R E S U LTA

PUNONG MAHISTRADO RENATO CORONA

188 miyembro ng Kamara, kasama sila Reps. Niel Tupas Jr., Joseph Emilio Abaya, Lorenzo Tanada, Reynaldo Umali, at Arlene J.Bag-ao

Sanggunian:

Na-impeach noong ika-12 ng Disyembre 2011. Ipinasa ang Artikulo ng Impeachment sa Senado noong ika-13 ng Disyembre 2011. Nagsimula ang paglilitis noong ika-16 ng Enero 2012

http://law2.umkc.edu/faculty/projects/ftrials/impeach/constitution.html http://www.washingtonpost.com/wp-srv/politics/special/clinton/stories/watergatedoc_2.htm http://www.washingtonpost.com/wp-srv/politics/special/clinton/stories/watergatedoc_6.htm http://www.washingtonpost.com/wp-srv/politics/special/clinton/stories/watergatedoc_8.htm Alexander Hamilton, Federalist No. 66 From Woodrow Wilson's book, Congressional government: a study in American politics http://www.ihr.org/jhr/v07/v07p175_Black.html Oxford Dictionary of Politics, denition of impeachment Wests Encyclopedia of American Law United States Senate:Impeachment trials Debate in the 1934 Constitutional Convention Cambridge History of Law in America pp. 544-545 Article on impeachment in unamended 1935 Constitution Article on impeachment in amended 1935 Constitution Article on impeachment in the 1943 Constitution Article on impeachment in the 1973 Constitution Bernas, J.The 1987 Constitution of the Republic Philippines: A Commentary p. 1113 Excerpt from the Record of the 1986 Constitutional Commission Excerpt from the Record of the 1986 Constitutional Commission Excerpt from the Record of the 1986 Constitutional Commission

Lahat ng salin ay mula sa PCDSPO, maliban sa mga pahayag mula sa saligang batas ng 1987.

You might also like