You are on page 1of 4

Pangalan: GOLETA, MARIE JHUN F.

Petsa:09-24-2019 M
Baitang at Seksiyon: 12 – STEM Marka:

Posisyong Papel na Nagpapahayag ng Suporta sa Bagong IRR ng Republic


Act 10592 na Naglalayong Ibukod ang mga Heinous Crime Convicts sa
Makikinabang sa Batas na GCTA

1. Akong isang mamamayan ng Pilipinas na may karapatang magbahagi ng pahayag


patungkol sa bagong Implementing Rules and Regulations o IRR ng Republic Act
10592 na naglalayong ibukod ang mga heinous crime convicts sa mga makikinabang
sa Good Conduct Time Allowance o GCTA Law ay naglalahad ng pagsuporta sa
pagpapatupad nito. Ang Department of Justice o DOJ at ang Department of the
Interior and Local Government o DILG ay nagsagawa ng pagbabago sa nasabing
batas bilang pagtugon sa sigaw ng publiko sa balitang may posibilidad na mapalaya
ng maaga ang dating alkalde ng Calaunan na si Antonio Sanchez na nahatulan noong
taong 1993 ng kasong panggagahasa at maraming bilang ng pagpatay. Naniniwala
ako na maganda ang maidudulot ng pagpapatupad ng bagong batas na ito sa
paglutas ng isyu ngayon patungkol sa mga dapat makinabang sa Batas na GCTA.

2. Nakasaad sa binagong IRR ang mga batayan sa pagpapataw ng GCTA sa isang


preso. Ayon dito, ang mga heinous crime convicts na nakulong bago ang 2013, o
bago maging epektibo ang RA 10592, ay maaari pa ring makamit ang mas maliit na
GCTA sa ilalim ng Revised Penal Code o RPC na nagbibigay lamang ng good conduct
credit ng 5 araw bawat buwan sa unang dalawang taon ng pangungusap. Ngunit ang
mga heinous crime convicts na nakulong matapos maipasa ang batas ay hindi
maaaring makakuha ng anumang good conduct.

3. Nang mabalita na opisyal na pinirmahan nina Justice Secretary Menardo Guevarra at


Interior Secretary Eduardo Año ang bagong IRR, nagsimula na naman ang mga
maiinit na usapan patungkol sa pagbabagong ito. Marami ang nagsimulang umusisa
sa bagong IRR sapagkat batay sa kanila, mayroong mga hindi isinaalang-alang sina
Guevarra at Año sa paggawa nito.

4. Narito ang mga batayan ng kabilang panig.

5. Una, nilalabag nito ang Equal Protection Clause. Ayon sa batas, kung ano ang
karapatan ng isa ay karapatan din ng lahat. Ang iba't ibang mga aplikasyon ng GCTA
sa mga bilanggo mula sa iba't ibang mga panahon ay lumalabag sa pantay na
proteksyon. Kung hindi ipapataw sa mga lahat ng preso ang bagong IRR bago pa
mapirmahan ang batas, parang sinasabi lang na mga wala silang karapatan upang
bigyan ng patas na paghatol. Malaki o maliit mang kasalanan ang nagawa ay pare-
pareho pa rin tayong tao, at ang pagtrato ng hindi patas ay isang insulto sa dignidad
ng tao.

6. Noong Hunyo 2019, inaprubahan ng pamahalaan ang petisyon ng mga preso sa


Bilibid na gawing retroactive ang Batas na GCTA. Ibig sabihin ay maaari na ring
makinabang ang mga nabilanggo sa taong 2013 pababa. At ayon sa Artikulo 97 ng
Republic Act 10592, ang Batas na GCTA ay walang iksemsyon at lahat ng preso ay
may karapatan sa batas na ito. Nakasaad dito na kahit sinong bilanggo ay may
pribilehiyo na mabawasan ang termino ng pagkakulong bilang gantimpala sa
magandang pag-uugali na ipinapakita habang nasa bilangguan. Kaya kung tutuusin
ay kinontra ng bagong IRR ang mga batas na ito. Kahit ilang araw lamang ang
ibinawas ay hindi tama ang ipagkait 'yun sa ibang bilanggo. Iginiit ng iba na hindi
makatarungan ang pagpapatupad ng mga bagong patakaran sa GCTA sapagkat
nilalabag nito ang karapatan ng mga preso sa patas na batas.

7. Pangalawa, sumasalungat ito sa reformative justice. Ginawa ang GCTA Law sa ilalim
ng administrasyong Aquino upang mapanatili ang hustisya sa pagpapanumbalik o
reformative justice. Ito ay isang paniniwala ng dating gobyerno na ang mga bilanggo
ay maaaring mabago at karapat-dapat sa pangalawang pagkakataon. Kung hindi
sakop ng bagong IRR ng Republic Act 10592 ang mga ibinukod na bilanggo,
itinatanggi sa kanila ang kanilang karapatang magbagong buhay. Ayon sa mga
pahayag ng kabilang panig, mas panghihinaan ng loob ang mga bilanggo na
magpakatino. Hindi rin dapat ibukod ang mga heinous crime convicts dahil maaaring
maging salungat ito sa layunin ng batas na lahat, kahit na ang mga nakasasamang
krimen, ay maaaring mabago.

8. Pangatlo, bunga lamang ito ng kagustuhan ng publiko sa halip na isipin talaga ng


mga opisyales kung ano ang kanilang dapat gawin. Biglaang sinuspende ang
maagang pagpapalaya ng mga bilanggo dahil sa sigaw ng publiko huwag hayaang
makalaya ng kulungan ang si Antonio Sanchez. Ani ng iba, sunod-sunuran lamang
ang gobyerno sa opinyon ng publiko na huwag palayain ang mga kriminal na katulad
ni Sanchez at kailangan daw ng pamahalaan na gawin ang mga bagay sa tamang
paraan dahil kung hindi, iyon ay pang-aabuso ng kapangyarihan.

9. Bilang isang mamamayan sa isang bansang mayroong mga batas, nakukuha ko ang
punto ng kabilang panig. Na mayroong mga patakaran na nalalabag sa pagbago ng
IRR ng Republic Act 10592. Ngunit bilang isang tao na naghahangad ng hustisya,
buo ang aking pagsuporta sa pagbabagong ito sapagkat naniniwala ako na ito ang
magiging solusyon sa problema patungkol sa usaping maagang pagpapalaya ng mga
preso. Narito ang aking mga batayan.

10. Una, makatarungan ang pagpataw ng bagong IRR sa lahat ng bilanggo. Ayon nga sa
bagong IRR, ang mga tinaguriang heinous crime convicts na nahatulan bago naging
epektibo ang batas noong 2013 ay may karapatang mabigyan ng good conduct time
allowance sa ilalim ng Revised Penal Code. Nakapaloob dito na ang naipon na mga
allowance ng oras ay ibibigay sa pagtatapos ng ika-2 taon, ika-5 taon, ika-10 taon,
ika-11 taon at bawat taon pagkatapos. Hindi ibig sabihin na hindi na sila
makikinabang sa GCTA, binawasan lamang ang araw na kanilang makukuha kumpara
sa ibang preso na hindi inilista bilang kabilang sa heinous crime convicts. Hindi sila
sakop ng parehong batas sapagkat iba-iba ang antas ng krimen na kanilang nagawa.
May batas para sa malalang krimen at mayroong ibang batas para sa hindi gaanong
malalang krimen.

11. Ayon din sa bagong IRR, ang mga heinous crime convicts na hindi kwalipikado sa
ilalim ng RA 10592, at nahatulan matapos mabisa ang batas noong 2013, ay hindi
karapat-dapat sa anumang uri ng mabuting paggasta ng oras ng paggawi. Kung ang
mga heinous crime convicts na nahatulan bago ang taong 2013 ay may karapatan pa
rin sa GCTA, ang mga heinous crime convicts naman na nahatulan sa taong 2013 ay
wala nang karapatan. Magkaiba man ang batas na ipapataw sa mga nahatulan bago
at pagkatapos ng 2013 kahit na pare-pareho silang heinous crime convicts ay may
posibilidad pa ring makalaya sila sa presinto. May pag-asa pa naman na makalabas
ang mga hindi sakop ng maagang paglaya ngunit hindi dahil sa GCTA bagkus ay
dahil sa presidential amnesty, pardon, parole, o kapag umabot na sa 85 ang kanilang
edad. Humanitarian consideration na ang mailalapat sa mga presong walang
karapatan sa GCTA.

12. Kung tutuusin ay lahat ng bilanggo ay mayroong pribilehiyong makalaya. Iba-iba nga
lang ang ipapataw na batas, sapagkat iba’t ibang antas ng krimen ang kanilang
nagawa. Sa kaso ng mga heinous crime convicts bago at pagkatapos ng 2013,
makatarungan pa rin ang bagong IRR sapagkat isinaalang-alang ng gobyerno na
bawal gumawa ng batas na ex-post facto.

13. Pangalawa, nasa ayos ang mga bagong patakaran ng IRR. Nakasaad dito na
magkaiba ang iba't ibang mga aplikasyon ng GCTA sa mga bilanggo mula sa iba't
ibang mga panahon. Nararapat lamang na gawing tiyak at klarado ang mga
patakarang ito sapagkat bawal magpasa ng mga batas na ex-post facto. Ang batas
na ex-post facto ay isang uri ng batas na idinadamay ang mga nagkasala noong hindi
pa nasa batas ang pagpaparusa nang nagawa ang kasalanan na bigyan sila ng mas
higit na parusa. Kung gagawing retroactive ang aplikasyon ng bagong IRR ay
madadamay ang mga hinatulan bago ang 2013 na mawalan ng karapatan sa GCTA,
at malalabag ang patakarang bawal ang anumang ex-post facto na batas. Lahat man
sila itinuturing na heinous crime convicts ngunit mas mainam na bawasan na lamang
ng allowance time ang mga bilanggo bago ang 2013 para hindi imaging ex-post facto
ang bagong IRR.

14. Pangatlo, nagbibigay ang bagong IRR ng hustisya para sa mga biktima ng heinous
crime convicts. Karumal-dumal na krimen ang mga nagawa ng mga itinuring na
heinous crime convicts kaya’t mas gugustuhin ng mga pamilya ng mga biktima na
mas mabigyan sila ng hustisya sa paraang pagpapanatili sa bilangguan ng mga
kriminal o ng pagpataw ng karampatang parusa. Sa pagbabawas ng allowance time
ng heinous crime convicts kumpara sa ibang bilanggo, mas nabibigyan ng kagaanan
ng loob ang mga pamilya ng biktima sapagkat kampante sila na hindi pa malayang
makapaglakad sa labas ng kulungan ang mga taong gumawa ng kasamaan sa kanila.

15. Pang-apat, nakabatay ang bagong batas sa ugaling ipinapakita ng mga bilanggo
habang pinagsisilbihan ang kanilang sentensiya sa bilangguan. Ayon sa pamantayan
sa bagong IRR, mayroong mga patakarang dapat sundin ang lahat ng bilanggo para
maging basehan kung sila ay lalapatan ng GCTA Law. Ang mga krimen na nagawa sa
loob ng bilangguan ang magiging basehan ng pagkawalang-karapatan. Sa sandaling
makitaan ng paglabag ng kahit isang patakaran ang isang bilanggo ay maaari itong
maging diskuwalipikado sa mga maaaring makinabang ng nasabing batas, dahil kung
hindi ay hindi ito talaga hihikayat ng mabuting pag-uugali. Hindi naman kasi
maaaring pabago-bago ang kabutihang-asal kung saan mabait ngayon ang isang
bilanggo ngunit sa susunod na araw ay masama ulit. Sa pamamagitan ng mga
patakarang ito, mas nahihikayat talaga ang mga bilanggo, heinous convicts man o
hindi, na mapanatili ang kanilang magandang pag-uugali kung nais talaga nilang
makalaya ng mas maaga. Magiging paraan din ito upang hikayatin ang mga preso na
magbagong buhay bago sila bumalik sa kani-kanilang normal na pamumuhay sa
labas ng presinto.

16. Panlima, demokratikong bansa ang Pilipinas kaya’t ang mga mamamayan ang may
kapangyarihan. Responsibilidad ng pamahalaan at gobyerno na tugunan ang
panawagan ng publiko sapagkat ganoon ang paraan ng pamamalakad ng isang
demokratikong bansa. Inilagay ng mga mamamayan sa Pilipinas sa posisyon ang
mga opisyales sa gobyerno sa pamamagitan ng pagboto. Kaya’t dapat lamang
aksiyunan ng pamahalaan ang panawagan at sigaw ng buong sambayanan na huwag
hayaang makalabas nang maaga sa kulungan si Sanchez at ang ibang bilanggo. Ang
pagbago ng IRR ay hindi dahil sunud-sunuran lang ang gobyerno sa kagustuhan ng
mga mamamayan. Ginamit lamang ang kagustuhang ito upang gawing basehan ng
pagtatama at pagsasaayos ng batas na siya ring pakikinabangan ng bansa at ng mga
mamamayan.

17. Bilang katapusan, babanggitin kong muli na buong puso kong sinusuportahan ang
pagpapatupad ng bagong Implementing Rules and Regulations ng Republic Act
10592 o Good Conduct Time Allowance Law. Bilang mga mamamayan ng bansang
Pilipinas, kailangang maging bukas ang ating mga isipan patungkol sa usaping
hustisya ang kailangan. Ang bagong IRR ay naglalayon lamang na gumawa ng mas
klarado at maayos na batas para sa ikabubuti ng lahat. Hindi dahil sa magkakaibang
batas ang ilalapat sa mga bilanggo ay hindi na kaagad patas ang pamamalakad nito.
Mayroon ding mga isinaalang-alang ang gobyerno sa pagpasa ng bagong batas. Mas
gugustuhin mo bang abusuhin ng mga bilanggo ang batas na ginawa na para rin
lang sa kanilang ikabubuti? Kakayanin mo bang masikmura kung sakaling gawaran
ng “magandang pag-uugali” ang mga taong nakayanang makagawa ng mga
karumal-dumal na krimen? Mas magiging kampante at magaan ang ating mga
kalooban kung alam nating maayos at hindi bukas sa anumang kalabuan ang mga
batas na pumoproktekta at nagbibigay saatin ng karapatan. Hustisya ang sigaw ng
bayan, hustisya ang ibibigay.

18. Suportahan ang pagpapatupad ng bagong IRR ng Republic Act 10592 o GCTA Law!

19. Ibukod ang mga tinaguriang heinous crime convicts sa mga malalapatan ng batas na
maagang paglaya!

You might also like