You are on page 1of 3

KATAMARAN NG MGA PILIPINO (INDOLENCE OF THE FILIPINOS)

ni Jose Rizal Indolence sa Tagalog ang ibig sabihin ay katamaran; walang silbi; ayaw gumawa. sa Ingles naman ay dislike of work; laziness, idleness or disposition to be idle, the lack of inclination to work. Ang nilalaman ng sanaysay na sinulat ni Rizal: Ito ay isang sanaysay na sinulat ni Rizal bilang depensa para sa mga Indio na kung saan tinawag na tamad ang mga Pilipino ng mga kolonyal na Espanyol. Ipinakita dito ni Rizal ang madaming katwiran at halimbawa upang ihayag ang sinasabing indolence ay isang epekto lamang ng dehumanizing conditions na kung saan ang mga Indio ay sapilitang mabuhay. Dinagdagan ni Rizal ang kahulugan ng indolence. Ito ay the inclination to live off the labor of others. Inamin ni Rizal na tamad ang mga Pilipino. Pero ito ay dahil sa init ng klima sa ating bansa. Lubhang nakapagpapapawis at nakapanghihina ang init at madalas silang sumilong sa lilim. Ang init ay nakapagpapalusog sa lupa, kaya ang mga pananim ay hindi kailangang lagging alagaan. Sinabi ni Rizal na hindi mana o likas ang katamaran sa mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang totoo, bago dumating ang mga Kastila, ang mga Pilipino ay may masiglang pakikipagkalakalan sa mga Instik, Hapon, Arabe at Malay. Naging laganap lamang ang katamaran ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Dahil sa masasamang palakad ng pamahalaan, tiwaling pagtuturo ng relihiyon at dahil sa ugali na rin ng mga Kastila. Bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Kastila ay nakikipagkalakalan na tayo sa ibang bansang Asyano at Gitnang Silangan. Ngunit ito ay naputol ng monopolya ng Galleon Trade. Sa Espanya lamang via Mehiko maaaring makipagkalakalan ang mga

Pilipino. Dahil dito ay natigil ang mga mumunting industriya at mga gawaing kamay. Kaya sinira ng mga Kastila ang kasipagan at pagkukusa ng mga Pilipino. Kinitil din ng mga Kastila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa paggawa dahil sa tinatawag na forced labor. Dahil sa pakikidigma ng Espanya laban sa ibang bansang Europeo at sa mga Muslim sa Mindanao, ang mga Pilipino ay pilit na pinagawa sa paggawa ng barko, pagpuputol ng mga kahoy at paggawa ng mga kuta. Sinabi nga ni Morga na nalimutan ng mga Pilipino ang kaalaman sa pagsasaka, pagmamanukan at paghahayupan at pagtatanim at pag-aalaga ng bulak, gayon din ang paghabi ng damit pagkaraan ng 320 taon. Kung meron mang edukasyon ay tiwali ang sistema nito. Ang itinuturo noon ay puros dasal at ibang karunungang hindi magagamit ng nagsisipag-aral. Walang kursong pangagrikultura, pang-industriya at iba pa, na lalong kailangan noon ng Pilipinas. Hindi tama ang ipinakikita ng mga namumunong Kastila. Tanghali na kung pumasok sa opisina at maaga kung umalis, gayong wala namang nagagawa kundi magbasa ng dyaryo at pumirma ang mga opisyal. Ang mga babae ay sinusundan ng mga alila at pati ang pagbibihis at pagpaypay ay ang mga ito pa ang gumagawa. Hinayaang lumaganap ang sugal. Halos araw-araw ay may sabong at kung pista, ang mga pinunong-bayan at mga prayle ang nagpapasimuno ng kung anu-anong sugal. Mali ang pagtuturo ng relihiyon. Itinuro ng mga prayle sa mga mangmang na Pilipino na ang mga dukha ay makararating sa langit at ang mga mayayaman ay matu tungo sa impiyerno. Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga Pilipino. Sa pamahalaan o sa mga prayle napupunta ang kalakhan ng bahagi ng kanilang inaani. Ayon kay Rizal, ang kawalan ng diwa ng pagkakaisa ay sanhi ng katamaran ng mga Pilipino. Dahil kung walang pagkakaisa ang mga mamamayan, wala silang lakas na hadlangan ang mapaminsalang hakbang ng pamahalaan at iba pang puwersa ng lipunan. Wala ring pagsusumigasig upang maisagawa ang mga bagay na makapagpapaunlad sa nakararami. Ang lahat kung gayon ay hindi kikilos, parang isang baying patay. Kaya sa konklusyon ay sinabi ni Rizal, ang tao sa Pilipinas ay isang indibidwal; hindi siya mamamayan ng isang bansa. Kung titingnan ay ang mga Kastila ang may sala sa pagiging tamad ng mga Pilipino. Kung tutuusin ay gustong mag-aral ng mga Pilipino subalit walang paaralan o kung mayroon man ay kulang sa gamit at tamang salalayan ng karunungan. Gusto ding magnegosyo ngunit walang perang pangpuhunan at kawalan ng proteksiyon mula sa

pamahalaan. Gusto ding magbungkal ng lupa at magtayo ng industriya subalit mataas naman ang buwis at nagsasamantala pa ang mga namumuno. Maaaring magkaisa ang mga Pilipino subalit pinagkaisa na ito ng mga Kastila bilang isang kolonya at bilang isang komunidad na Kristiyano. Ganoon din malamang ay hahadlangan ng mga Kastila ang iba pang uri ng pagkakaisa, para sa ikakaayos ng mamamayan. Sinabi ni Rizal na ang indolent o ang tamad ay ang mga Kastila hindi ang mga Indio dahil ang Peninsulares ay ninais ang magandang buhay ng walang paghihirap o pagtratrabaho.

You might also like