You are on page 1of 41

Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa

Lydia B. Liwanag Pamantasang Normal ng Pilipinas

Ang Proseso ng Pag-unawa sa Pagbasa


Layunin ng pagtuturo ng pagbasa ang malinang sa mag-aaral ang pagbasang may pang-unawa o komprehensyon. Ngunit batay sa mga pananaliksik, ang pagtuturo ng komprehensyon ay hindi gaanong napagtutuunan ng pansin.

Ano ba ang komprehensyon?


Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng mga tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman. (Pearson at Johnson , 1978) Sa maikling salita, ugnayan ng teksto at ng kaalaman ng mambabasa.

Modelo ni Rumelhart (1977) ng Interaktibong Pagbasa


Talasalitaan
Gramar o Pagkilala Balarila

Dating
Input mula sa teksto kaalaman Kasanayan sa paghinuha Kohesyon Organisasyon / Kayarian ng Teksto Kahulugan

Mapapansing ang dating kaalaman ng mambabasa at ang mga kasanayan sa paghinuha ang nasa sentro ng modelo, pagpapatibay ng paniniwalang ang komprehensyon ay pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at impormasyon na nasa isipan ng mambabasa.

Ginagamit naman ng mambabasa ang mga impormasyon tungkol sa:


pagkilala ng salita

talasalitaan gramar kohesyon at kayarian ng teksto

upang maiugnay ang bagong impormasyon sa dati niyang kaalaman.

Mahalaga ang dating kaalaman o iskima ng mambabasa tungkol sa teksto. Kung kulang sa angkop na konseptong kaugnay ng teksto, magiging suliranin ang komprehensyon. Mahalaga bago bumasa ang paglinang ng mga dating konseptong nalalaman ng mambabasa na kaugnay ng tekstong babasahin.

Sinasabing kung walang pagunawa ay walang pagbasang nagaganap. Ayon kay Goodman (1969) ang pagbasa ay nagiging makahulugan kung may interaksyon ang mambabasa at ang teksto.

Nagagamit ng bumabasa ang mga dati na niyang kaalaman at karanasan upang iugnay sa binabasa at sa ganitong paraan nauunawaan niya at nasusuri ang binabasa.

Ang pagbasa ay higit pa sa interaksyon sa pagitan ng nagbabasa at ng teksto (Johnson, 1983).


Binigyan ito ni Johnson ng kahulugan bilang isang kumplikadong gawi na binubuo ng may malay o walang malay na paggamit ng ibat ibang istratehiya, kasama ang mga istratehiya sa paglutas sa suliranin upang makabuo ng modelo ng kahulugan na inaasahan ng awtor ng teksto na matatamo.

Sina Goodman (1977) at Smith (1973) ay nagsabi na ang mga konsepto na dala ng nagbabasa sa teksto ay mahalaga kaysa sa teksto mismo para sa pag-unawa o pagbuo ng kahulugan. Ang mga konseptong ito ay nagagamit kapag ginagawa ng nagbabasa ang top-down na pagpoproseso sa teksto.

Ngunit may problema rin kung laging nakaangkla ang nagbabasa sa top-down na paraan o sa paggamit ng sariling iskima sa pag-unawa na maaaring batay sa kanyang kultural na iskimata na hindi katumbas ng nais na ihatid ng ideya ng awtor.

Basahin ang talata. Tungkol saan kaya ito? Paano mo nalaman? Ang peryodiko ay mabuti kaysa magasin. Ang dalampasigan ay mas mabuting lugar kaysa daan. Sa simula mabuti ang tumakbo kaysa maglakad. Kailangan mo itong subukan nang ilang ulit. Kailangan ang kasanayan pero madali itong matutuhan.

Kahit ang mga bata ay nasisiyahang gawin ito. Kapag nagtagumpay, ang mga kumplikasyon ay kakaunti na lamang. Ang mga ibon ay iniiwasan ito. Pero kapag maraming tao ang gumagawa nito ay magkakaroon ng problema. Kailangan ang maluwang na lugar. Ngunit kapag itoy nakawala, wala nang pangalawang tsansa.

Ano ang hula ninyo?

Tulad ng sinabi ni Goodman (1970) ang pagbasa ay isang saykolinggwistikong laro ng panghuhula (psycholinguistic guessing game). Paano ninyo nahulaan ang sagot?

Mga Teorya sa Pagbasa


Ang Teoryang Iskima
Ang komprehensyon o pangunawa ay proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa at kaalaman sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pagunawa. (Pearson, 1978)

Ang lahat ng dating nararanasan at natutuhan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad ayon sa kategorya. Ang mga iskimang ito ay nadaragdagan, nalilinang, nababago at napauunlad (Pearson at Spiro, 1982).

Sa kasalukuyang pananaw, ang mambabasa bago pa man niya basahin ang teksto ay may ideya na siya sa nilalaman nito batay sa dati niyang iskima sa paksa.
Binabasa niya ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha / ekspektasyon niya ay wasto, may kulang o dapat baguhin.

Ang teksto ay lunsaran lamang o resors sa pagbuo ng kahulugan. Hindi ang teksto ang sentrong iniikutan ng pang-unawa kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa. Ang kahulugang nabuo sa isipan ng nagbabasa ang batayan kung nauunawaan niya ang binasa.

Implikasyon sa Pagtuturo ng Pagbasa (Pearson 1979)


1. Iniuugnay ang dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa. 2. Nakasubaybay (monitor) sa kanilang pang-unawa habang bumabasa. 3. Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa mga bahaging hindi pa niya maunawaan.

4. Nakapipili ng mahalagang ideya sa tekstong binasa. 5. Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa. 6. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago bumasa. 7. Bumubuo ng tanong mula sa kanilang binabasa tungkol sa paksa.

Interaktibong Teorya sa Pagbasa Ang isang magaling na mambabasa ay gumagamit ng dalawang uri ng paraan sa pagproseso ng kaalaman mula sa teksto. (Carell at Eisterhold,1983)

1. Paraang bottom-up o pag-unawa sa teksto batay sa mga nakikita rito tulad ng mga: - salita - pangungusap - larawan - dayagram - iba pang simbolo

Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based, outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto.

2. Ang paraang top-down o pagunawa batay sa kabuuang kahulugan ng teksto Tinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.

Nangyayari ito kung ang mambabasa agumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga konsepto o kaalaman (schema) na nabuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.

Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng awtor sa teksto.
Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at teksto Nagkakaroon ng epektibong pagunawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa istruktura ng wika at sa talasalitaan kasabay ang paggamit ng dating kaalaman at mga pananaw.

Narito ang mga kasanayan sa pagbasa na ginagawa sa klase. Tingnan at uriin kung paano ang pagpoproseso rito ng mga magaaral ayon sa dalawang paraan: Bottom-up o Top-down. 1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa 2. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari

3. Pagbibigay ng hinuha o palagay 4. Pagtukoy sa sanhi at bunga 5. Pagbibigay ng wakas sa kuwento 6. Paglalarawan ng tauhan 7. Pagbibigay ng buod ng kuwento 8. Pagbibigay ng sanhi at bunga 9. Pagbibigay ng reaksyon sa binasa 10. Paggawa ng direksyon o mapa batay sa binasa

Implikasyon sa Pagtuturo
Ang mga gawain sa pagbasa na naaayon sa interaktibong pananaw ay nagbibigay ng pangunahing diin sa paggamit ng mga dating kaalaman at konsepto ng mga magaaral sa kanilang paligid. Ang bawat bahagi ng gawaing pagbasa ay kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.

A. Bago Bumasa
Ang mga mag-aaral ay binibigyan na ng mga gawain bilang paghahanda sa pagbasa ng teksto.
1. Pagbibigay ng guro ng bago o panimulang impormasyon tungkol sa paksang babasahin (kung wala o kakaunti ang kaalaman ng paksa).

2. Pagtalakay sa mahihirap na salita (kung mayroon) na matatagpuan sa teksto at paguugnay nito sa dating kaalaman ng mga bata. 3. Paggamit ng dating kaalaman (prior knowledge) ng mag-aaral sa pag-unawa ng bagong ideya o paksa.

4.

Paggamit ng mga larawan, pamagat, mga bahagi ng teksto upang magkaroon ng pangunahing ideya ang mga magaaral sa babasahing teksto. 5. Pagbibigay ng pangunahing pagsasanay na kailangan sa pagtuturo ng bagong kasanayan (prerequisite skills).

6.

Pagbibigay sa mga bata ng layunin sa pagbasa. Ano ang paguukulan nila ng pansin sa pagbabasa? Mga tauhan ba, pangyayari o pag-alam sa sanhi at bunga?

B. Habang Bumabasa
Ang mga bata ay magsasagawa ng mga gawain na ipinakikita ang interaksyon nila sa teksto. 1. Pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa blakbord o teksto habang nagbabasa.

2. Pagbuo ng mapa o direksyon ayon sa binabasa.

3. Pagpupuno ng balangkas, table o grap. 4. Pagsusuri sa organisasyon ng teksto at pagbuo ng dayagram ng mga kaisipan (semantic map, outline, graphic organizer).

5. Paglalagay ng guhit (underlining) sa mahahalagang kaisipan o impormasyon na nakikita habang nagbabasa. 6. Pagtatala ng mahahalagang impormasyon at pansuportang detalye.

C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagbubuo ng mga tsart na ipinakikita ang pagkaunawa sa binasa tulad ng: - pag-uugnayan ng mga pangyayari (plot relationship chart) - sanhi at bunga (cause and effect chart) pagkakatulad at pagkakaiba (comparison/contrast chart) 2. Paggawa ng semantic web (pangtauhan, mga pangyayari, saloobin)

3. Paggawa ng balangkas ng mga bahagi ng kwento (story grammar) 4. Pagpupuno ng frame tungkol sa mga bahagi ng kwento (story frame) 5. Pagpupuno ng tsart (What I Know, What I Want to Know, What I Learned) 6. Pagbubuod ng binasa 7. Pagbibigay ng reaksyon, paghusga o saloobin tungkol sa binasa

Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa Noon Ngayon


1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa- produkto. 2. Nakadepende sa teksto ang bumabasa 3. Walang alam ang mambabasa sa teksto 4. Walang paghahanda bago bumasa 1. Pag-unawa sa binasa - proseso 2. May interaksyon sa pagitan ng bumabasa at teksto 3. Paggamit ng dating kaalaman at iskima ng mag-aaral 4. May mga gawain na bago pa bumasa

Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa Noon Ngayon


5. Walang konteksto ang pagtuturo ng talasalitaan 6. Hindi nakikita ang pag-ugnayan ng pagbasa at pagsulat 5. Iniuugnay ang talasalitaan sa karanasan at konteksto 6. Ginagamit ang pagsulat at pagunawa ng binasa

You might also like