You are on page 1of 5

Pelikula Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa Pilipinas ay may halong impluwensya

ng dayuhan ngunit nang maglaon ay nahaluan ng Pilipino at Asyanong impluwensya. Simula ng paglaya sa mga Kastila, lumaki at lumawak ang mga manunuod ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga kwentong sumasalamin sa kultura, problema at mga pangarap ng Pilipino. Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula sa bansa sa tulong ng dalawang negosyanteng Swiss, gamit ang Lumiere chronophonograph. Inasahan na ang gulat sa mga Espanyol nang nakita nila ang bagong imbensyon. Ngunti dahil sa giyera, natigil ang pag-usbong ng teknolohiya sa bansa. Nagsimula lamang na umunlad ang mga pelikula sa bansa noong 1909 kung saan pinapalabas ito sa simula ng mga bodabil o mga karnabal. Sa taong din iyon nagsimulang lumabas ang mga sinehan tulad ng Empire at Anda. Ang mga direktor ng pelikula ay dumadayo na sa bansa upang kumuha at ipakita ang kani-kanilang mga gawa, na marami ay mga dokumentaryo. Ang mga unang silent film ay lumabas noong 1912, kung saan tinalakay ang buhay ng bayani, gaya ni Jose Rizal. Pagkatapos ng World War I, nagsimula nang gumawa ang mga Pilipino ng sarili nilang mga pelikula, tulad ng Dalagang Bukid (1919). Makikita sa mga ito ang hangarin ng mga Pilipino na hanapin ang kanilang lokasyon sa mundo ng pulitika, kultura at lipunan sa mundo. Sina Vicente Dalumpides at Jose Nepumuceno ang nakilala bilang mga unang Pilipinong producer. Noong 1930s naman lumabas ang mga talkies gaya ng Ang Aswang, Collegian Love at King-Kong. Ngunit sa kawalan ng teknolohiya ay natatalo ng mga dayuhang pelikula ang mga pelikulang Pilipino. Napilitang magsara ang mga original na studios at umusbong ang mga bago, tulad ng Sampaguita Pictures, Excelsior at LVN dahil na rin sa magandang balik ng puhunan para sa mga negosyante. Sa paglusob ng mga Hapon, napilitang lumipat ang mga produksyong pangpelikula sa teatro dahil na rin sa naubos na mga kagamitan sa pelikula. Sa panahon ng giyera, naisip ng mga mananakop na gamitin ang pelikula bilang uri ng propaganda upang subuking ilayo ang mga Pilipino sa impluwensyang Amerikano, gaya na lamang ng The Dawn of Freedom na ginawa ng Eiga Heisuka. Ngunit dahil sa

nanatili lamang sila saglit ay bumalik din sa normal ang industriya, ano lamang na nabago ang pokus nito patungo sa mga kwentong realistiko. Sa bandang huli ay nagsimulang malugi ang mga studios pagdating ng 1960s dahil sa pagkamatay ng mga unang producer at pagbabago sa panlasa ng mga tao. Simula nang nagsara ang mga film studios, napilitang gumawa ng sariling mga pelikula ang mga sikat na artista at direktor, tulad nina Fernando Poe Jr. at Manuel Conde. Ang mga ibang artista naman ay napilitang magretiro o lumipat sa radyo at telebisyon. Mapapansin na ang mga pelikula simula sa puntong iyon ay ginawa upang pagkakitaan, at madalas ang mga ito'y ginaya sa mga pelikulang Kanluranin ngunit tinipid sa mga kagamitan at aspeto. Sumikat sa mga panahong ito ang mga pelikulang ginaya sa mga gangster movies kung saan tinalakay ang krimen sa mas madugo at mas realistikong paraan. Ang mga melodrama naman ay napuno ng mga kwento ng mga pagtataksil ng mga asawa o kaya'y mga babaeng iniwan lang sa hangin. Ngunit mas makilala ang mga bomba movies na nagtatampok ng mga maiinit at malalaswang eksena sa gitna ng mga kwento sa magulong lipunan ng dekada '60 hanggang '80. Ngunit nagsimula din namang umusbong ang mga bagong kwento, artista at direktor, tulad nila Nora Aunor, Vilma Santos at Dolphy. Ang mga batang direktor tulad nina Ishmael Bernal, Lino Brocka at Marilou Diaz-Abaya naman ay nagtampok ng mga pelikulang may halong drama, komedya, komentaryo realismo ng buhay Pilipino. Kahit na ninais ng pamahalaan na lumawak ang kontrol nito sa sining sa pamamagitan ng mga buwis at censorship ay nanatili ang makulay na pag-unlad at pagbabago ng mga pelikula ng panahong iyon. Sa panahon ngayon ay marami ang nagsasabi na tuluyan nang namatay ang pelikulang Pilipino ngunit may mga nagsasabing tahimik lang itong nagbabago. Maraming mga film festivals ang naitayo, tulad ng Metro Manila Film Festival at Cinemalaya. Ang mga pelikulang indie ay unti-unting nagkakamit ng parangal sa loob at labas ng bansa at tinatangkilik na ng mga Pilipino gaya ng pagtangkilik nila sa mga normal nang rom-com at pantasya. Nagsimula na rin ang pag-aaral at pagtuturo ng paggawa ng pelikula sa mga kolehiyo - nauna ang UP nang ipinakilala nito ang kanilang BA Film noong 1981.

Elemento ng Pelikula Pag-arte (Acting) - ang sining ng pagsasabuhay ng isang karakter sa pelikula. Cinematography - ang paggamit ng kamera upang maisapelikula ang mga eksena sa isang production o screenplay Direksyon (Directing) - ang kontrol ng istilo, laman at pangkahalatang porma ng pelikula. Distribusyon (Distribution) - ang pagpapakalat ng pelikula sa mga tanghalan Editing - ang pagpili at pagsasaayos ng mga kuha upang mabuo ang isang tuloy-tuloy na pelikula. Effects - ang pagpapaganda ng mga eksena ng pelikula gamit ang iba't ibang uri ng teknolohiya. Direksyong Pangmusika (Musical Direction) - ang paggamit ng musika upang magbigay pokus sa isang eksena o karakter at maipariting ang emosyon sa isang eksena. Direksyong Pangproduksyon (Production Design) - ang pagkunsepto, pagpaplano at paggawa ng lahat ng gamit at lugar kung saan nagaganap ang mga eksena sa pelikula. Scriptwriting - proseso ng pagsulat ng dayalogo ng mga karakter at mga detalyeng kailangan sa bawat eksena. Sound Recording - ang paggamit ng dayalogo, musika, naratibo, effects at iba pang elemento sa pelikula. Uri ng Pelikula Aksyon (Action) - mga pelikulang nagapokus sa mga bakbakang pisikal; maaaring hango sa tunay na tao o pangyayari, o kaya naman kathang-isip lamang. Animasyon (Animation) pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit/drowing upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay. Bomba - mga pelikulang nagpapalabas ng mga huwad na katawan at gawaing

sekswal. Dokyu (Documentary) - mga pelikulang naguulat sa mga balita, o mga bagay na may halaga sa kasaysayan, pulitika o lipunan Drama - mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manunuod. Experimental - mga pelikulang nagnanais na lagpasan ang mga limitasyon ng pelikula o magpakita ng mga bagay o situwasyong hindi madalas ipinapakita o ginagaw sa pelikula. Pantasya (Fantasy) - nagdadala sa manunuod sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natutuklasan ng siyensya. Historikal (Historical) - mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan Katatakutan (Horror) - nagnanais na takutin o sindakin ang manunuod gamit ang mga multo, bangkay o mga kakaibang nilalang Komedi (Comedy) - mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay inilalagay sa mga hindi maisip na situwasyon Musical - mga komedyang may temang pangromansa; puno ito ng musika at kantahan Period - pelikula kung saan ang mga karakter ay isinalalarawan ang kanilang mga karanasan sa paglipas ng panahon. Nagtatampok din ito ng halos tunay na pagsasalarawan ng kasaysayan. Mga Kilalang Manunulat , Direktor at Producer ng Pelikula Lino Brocka Marilou Diaz-Abaya Joyce Bernal Ricky Lee Ishmael Bernal Kidlat Tahimik

Joey Reyes Talambuhay ni Lino Brocka Si Catalino Ortiz Brocka, na mas kilala bilang si Lino Brocka, ay isa sa mga kilalang direktor sa Pilipinas. Siya ay pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa. Ipinanganak siya sa Sorsogon noong Abril 7, 1939. Nang mamatay ang kanyang ama na si Regino Brocka, lumipat sila sa tirahan ng kanyang ina sa Nueva Ecija. Bata pa lamang siya ay nagsimula na siyang mahilig sa sining. Nakapagtapos siya ng kurso sa Panitikang Ingles sa Unibersidad ng Pilipinas habang naging aktibo siya sa pag-arte sa Pangkat Dramatiko ng UP. Ang pinakaunang pelikula na ginawa niya ay ang Wanted: Perfect Mother na inilaban sa Manila Film Festival. Sa mga sumunod na dalawang taon, si Brocka ay naging direktor ng iba pang pelikula. Ang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag naman noong 1975 ay nabasangang isa sa mga pinakamagandang pelikula ng bansa. Noong 1977, siya ay inanyayahan na ipalabas ang kanyang pelikulang Insiang sa Cannes Film Festival. Nasundan ito ng Jaguar (1980), Bona (1981) at Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984). Si Lino Brocka ay naging aktibo din sa teatro nang sumali siya sa Philippine Educational Theater Association (PETA) kung saan siya nagsulat ng mga dula, at sa telebisyon para sa mga palabas tulad ng Maalala Mo Kaya. Nakatanggap siya ng ilang mga parangal sa loob at labas ng bansa, tulad ng Catholic Mass Media Awards, Gawad Urian, FAMAS, PMPC Star Awards, Ramon Magsaysay Award at Gawad CCP. Siya ay pumanaw dahil sa isang aksidente sa Quezon City noong Mayo 21, 1991.

You might also like