You are on page 1of 1

Filipino: paghahanap ng katumbas mula Ingles

Unang-una, lalo pa nga ba kung mga ordinaryong salitang Ingles lamang, may mga katumbas naman talaga na sa Filipino. Halimbawa, bakit pa gagamit ng mother, father samantalang mayroon naman tayong ina/nanay, ama/tatay. Ang nasa itaas ang lalot higit na pakatandaan. Mayaman ang ating pambansang wika, may mga salita nang magagamit, maaaring hindi lamang natin alam dahil mas gamit natin ang Ingles. ___________________________________________________________________________________ Dagdag sa itaas ay ang mga sumusunod, na magagamit para sa ordinaryong salita, lalo pa nga ba kaugnay ng mga salitang teknikal/siyentipiko: 1. Salitang Espanyol, at baybay-Espanyol Halimbawa: desaparrecidos (the disappeared ones,silang mga dinukot at pinatay, karaniwan na sa mga diktadura; lumitaw ito sa Pilipinas sa panahon ng rehimeng Marcos). Ilang karaniwang halimbawa sa Filipino: mesa, noche buena 2. Salitang Ingles, baybay-Ingles. Halimbawa: Bibili ako ng computer mamaya. 3. Salitang-Ingles, baybay-Filipino Halimbawa: kompyuter

4. Paglikha: pagsasama-sama ng 2-3 salita para bumuo ng isang bagong salita na may bagong kahulugan/konsepto (sa proseso ay maaaring may nawalang pantig o titik) Halimbawa: tapa at sinangag at itlog = tapisilog nagbabalik sa bayan = balikbayan (Pilipinong nagbalik sa bayan pero pero babalik din sa abrod) 5. Pinakamahirap sa lahat, karaniwang ginagawa ng mga tunay na experto sa wika: Pagkukumpara sa mga salita sa ibat ibang wika sa Pilipinas, at pipiliin ang salitang exacting katumbas, o pinakamalapit sa salita sa Ingles Halimbawa: hegemony -- gahum, salitang Cebuano, ang naging popular nang ginamit sa mga lektyur at sulatin

You might also like