You are on page 1of 3

Elise Angela H.

Espinosa BS Public Health 2013 14769

16 August 2013 History I TFE2

Ang Pagpatay kay Andres Bonifacio PART I. General Comments

Matapos kong basahin ang seleksyon ay naramdaman kong ito ay masyadong blindsided at biased. Naramdaman ko rin na parang isa lamang ang pinagmulan ng lahat ng mga nasabing detalye kahit na sa dulo ay may mga nakasaad na footnotes at sources. Masyadong iginigiit sa seleksyon na sobrang sama ni Aguinaldo at ng kanyang grupo. Lahat ng mga pahayag ay nagtutungo lamang sa isang kahahantungan: si Aguinaldo at ang grupo niya ang pumatay kay Bonifacio. Tila bay masyadong malaki ang galit at hinanakit ng manunulat kay Aguinaldo. Maaari kong tanggapin ang mga biased na komento gaya ng mga nabasa ko sa seleksyon kung ang binabasa ko ay hindi isang history article. Subalit, gaya nga ng sinabi ko, ay history article ang seleksyong pinabasa sa amin kaya naman ay naniniwala akong hanggang maaari ay ipasintabi muna ang mga personal na opinyon at komento. Hindi ito maiiwasan, ngunit kaya itong bawasan. Isa pang napansin ko sa pagkakasulat ng buong seleksyon ay napaka-morbid nito. Bawat salita ay tahas at walang pagsesensura. Para bang nasasaksihan at nakikita mo nang personal ang lahat ng mga pangyayari---ang pagpapahirap at labis na paglapastangan kay Andres at sa kanyang kapatid na si Procopio, at ang pagsasamantala sa kanyang asawa na si Gregoria.

Habang binabasa ko ay medyo nalilito ako sapagkat maraming ibat ibang pangalan ang mga naglilitawan at ang daming mga pangyayaring hindi gaanong malinaw. Gayunpaman, ang paglilitawan ng ibat ibang mga pangyayari ay ang nakapagpapabuhay sa buong seleksyon. Habang binabasa ko ito, nararamdaman kong palapit nang palapit na ako sa pagkakaalam ng katotohanan---ang katotohanan sa kung sino nga ang siyang tunay na pumaslang kay Bonifacio.

PART II.

Two parts you want to agree/disagree on

Kung ako ang tatanungin, ang mga parte sa seleksyon na pinaniniwalaan at kinasasang-ayunan ko ay ang ikatlo at ikaapat na bahagi ng seleksyon: Paano pinatay si Bonifacio? at Bakit pinatay si Bonifacio? Nakuha ng ikatlong bahagi ang atensyon ko, gaya ng nabanggit sa Part I, ay morbid ang pagkakasulat sa bahagi na ito ng seleksyon. Nakakagulat din na malaman ang mga kaganapang mga gaya ng nabasa ko. Ang mga malulupit na pagtrato sa mga tao ay nakikita ko lamang sa mga telenovela o kaya namay nababasa ko lamang sa mga nobelang kathangisip lamang, kaya naman ay hindi ko inakalang kayang gawin ang malupit at mabagsik na pagpaslang kay Bonifacio. Bukod pa ritoy mas hindi ko kayang akalain na si Aguinaldo ang maaaring nasa likod ng pagpaslang kay Bonifacio. Matapos basahin ang seleksyong ito, sa palagay ko ngayon ay hindi ko na kayang ibalik ang mga katangian ni Aguinaldo na natanim sa aking isip mula nang akoy nasa elementarya pa lamang. Mula noon ay naiisip ko siya bilang isang napakabuting tao sapagkat siya ang unang presidente ng Republika ng Pilipinas, at bilang siya rin ay isa sa mga dahilan kung bakit nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa pananakop ng mga

Espanyol. Subalit ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pang paniwalaan ang mga paniniwala ko sakanya noon. Ang isa pang bahagi na kinasasang-ayunan ko at talagang nakapukaw sa aking atensyon ay ang ikaapat na bahagi: Bakit pinatay si Bonifacio? Nakapagtataka at talaga ngang mapapaisip ka kung bakit pinatay si Bonifacio. Pero hindi ba mas nakapagtataka kung bakit pinatay si Bonifacio ng kapwa niyang Pilipino? Nakakalungkot isipin na matapos makipagsapalaran at makipaglaban ni Bonifacio upang makamtam ng Pilipinas ang matamis na kalayaan ay ipapatay o patayin na lamang siya ng kapwa niya Pilipino? Hindi ba sobra-sobrang kasamaan ito? Mahirap tanggapin na ang dahilan ng alitan o hindi pagkakasundo nina Aguinaldo at Bonifacio ay kapangyarihan. Nakakagulat, hindi ba? Si Aguinaldo, ang ating kauna-unahang pangulo, hindi man kagandahan pakinggan, ay gahaman sa kapangyarihan. Paano natin ipagkakatiwala ang ating bansa sa isang pinunong ang misyon lamang ay ang umangkin ng kapangyarihan?

PART III. Is the article still relevant? Kung ang seleksyon ay gagamitin bilang isang secondary source para sa mga pormal na papel, naniniwala akong hindi masyadong makakatulong ito. Sapagkat, gaya nga ulit ng nasabi sa unang bahagi ng sanaysay na ito, ang karamihan ay puro opinyon ng manunulat. Magandang basahin ang article na ito kung titignan at susuriin nang hindi masyadong kritikal. Nakakapukaw siya ng atensyon ng mga at nakakagising siya sa katotohanan.

You might also like