You are on page 1of 12

Paksa

1. Ano ang pangunahing kaisipan? Ang makulay na buhay ni Jose Rizal ay naging makabuluhan upang malaman natin kung paano niya tinitingnan ang lipunan sa kamay ng Espanya at kung paano mamuhay ang mga Pilipino sa isang bansang pinamamahalaan ng mga Espanyol. Ito ay nailahad sa pamamagitan ng mga flashbacks na magpapakita ng iba't ibang aspeto ng kanyang buhay bilang isang manunulat, propagandista, mangingibig, kaibigan, kapatid, doktor, at ang taong nagsilbing ispirasyon sa rebolusyon na magwawakas sa hindi-makataong pamamahala ng mga sakim na mananakop na Espanyol sa ating bansa. 2. Tungkol saan o hinggil saan ito? Ang pelikulang Jose Rizal ay maituturing isang aral sa kasaysayan ng Pilipinas. Tungkol ito sa kwento ng buhay ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Sinasaklaw ng pelikula ang kanyang buhay mula pagkabata hanggang sa kanyang kamatayan sa kamay ng mga Espanyol na namamahala sa bansa. Nasaksihan din natin ang mundo ng mga nobelang malikhaing isinulat ni Jose Rizal, kung saan natunghayan natin kung paano niya tinitingnan ang bansa bilang isang lipunang nasa kamay ng Espanya. Sa mga nobelang ito, layunin niya maikintal sa isipan ng mga tao ang kalagayan ng bansang Pilipinas at maghanap ng mabuting lunas para sa lumalalang sakit ng lipunan: ang walang-awang pagpapakasakit sa mga Pilipino. 3. Ang paksa ba ay tunay at matapat? Maituturing na isang aklat ng kasaysayan na ginawang pelikula ang pelikulang Jose Rizal. Matapos panuorin ang pelikula, masasabi kong tunay at tapat ang paksa dahil ang kwento ay umiikot sa mga pangyayaring naganap sa realidad at naitala sa kasaysayan. Nailahad ng mabuti ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan sa pamamagitan ng pag-gamit ng direktor ng

pelikula ng mga flashbacks na kung saan makikita natin ang petsa at lugar ng pangyayari; tulad nalang ng isang bahagi ng pelikula kung saan nasaksihan natin ang pagpaplano ng mga opisyales ng pamahalaang Espanyol noong 1896 sa Malacaang Palace ng isang paraan kung paano nila mapapabagsak si Rizal dahil nabalitaan nila na siya ang sanhi ng mga nagaganap na rebolusyon.

Banghay
1. Paano isinaayos ang pangyayari? Isinaayos ang mga pangyayari sa isang circular o paikut-ikot na balangkas. Masasabi nating sa paraan na ito umikot ang balangkas ng pelikula dahil sa mga flashbacks, pagpapakita ng ilang bahagi mula sa mga nobela ni Rizal, fastforwards, at iba pang narrative conceits. Sa tulong ng mga tauhan na sina Luis Taviel de Andrade na ginampanan ni Jaime Fabregas at isang tagapaglingkod sa kulungan na ginampanan ni Jhong Hilario, nasaksihan natin ang mga pagbabalik-tanaw ni Rizal sa kanyang buhay at ang kanyang mga motibo para sa ating bansa. 2. Kawili-wili ba ang banghay? Sa paghakot palang ng mga parangal sa ibat ibang mga film festivals tulad ng Best Screenplay at Best Original Story sa 1998 MMFF at1999 FAMAS Awards, masasabi mo na kaagad na ang pelikulang ito ay kawili-wili at mapupukaw nito ang iyong interes. Hindi nga ako nagkamali, naging kawili-wili ang banghay dahil sa malikhaing pagsasaayos sa mga pangyayari sa buhay ni Jose Rizal. Sa tulong ng mga flashbacks, nagawa kong pagdugtung-dugtungin ang mga mahahalagang pangyayari na naging makabuluhan para sa akin bilang isang mag-aaral. Napukaw ng pelikula ang aking interes dahil naging mausisa akong malaman ang kasaysayan ng pelikula. Ang mga pangyayari ay tunay na nangyari sa realidad na magpapakita kung paano namuhay ang mga Pilipino sa isang bansang nasa kamay ng ibang bansa. Dahil nagawang mapukaw ng pelikulang ito ang aking interes, binigyan ako ng responsibilidad ng peilikulang ito bilang isang

mag-aaral na boluntaryo kong tinanggap na ikintal sa aking isipan ang masalimuot ngunit makulay na pakikibaka ng kasaysayan ng aking bansa. Ang simpleng naisin kong matapos ang pelikula ay isang patunay na ang banghay ay naging kawili-wili. 3. Kapani-paniwala ba ang banghay? Sa buong pag-ikot ng kwento, naging kapani-paniwala ang banghay dahil ang kwento ay umiikot sa mga pangyayaring naganap sa realidad at naitala sa kasaysayan. Kung mapapansin natin sa mga flashbacks, na ginawang mas kaakit-akit ang pagkakagawa sa pelikula, mayroong mga petsa at lugar na magpapatunay na ito'y naganap sa realidad. Sa tulong ng aking kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas, tunay ngang ang mga pangyayaring napanuod ko sa pelikula ay makikita sa mga aklat ng kasaysayan. Ngunit, may ilang problema rin ang maaari nating makita sa banghay. Sa eksenang hinagis ni Isagani ang lampara at itoy sumabog sa labas ng bahay, masasabi nating mali ito dahil ayon sa nobelang El Flibusterismo, sumabog ang lampara sa ilog at nakita ang pag-sabog sa ilalim ng tubig. 4. Ito bay payak o lubhang masalimuot? Ang banghay ng pelikulang Jose Rizal ay masalimuot sapagkat nagpakita ito ng maraming suliranin at nag-ugat pa sa mas maraming suliranin. Isang patunay ay ang pagsusulat ni Dr. Jose Rizal ng kanyang mga nobela. Ayon sa pelikula, nagkasundo ang magkapatid na Jose at Paciano na mag-aaral si Jose Rizal sa Europa upang magkaroon siya ng magandang edukasyon upang mailigtas ang sariling bayan mula sa hindi-makataong pamamahala ng mga dayuhan. Ang pagsusulat ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal ay nahaluan ng mga masasamang layunin at inisip ng mga opisyales ng pamahalaan na sila'y kinakalaban ni Rizal at ang lider ng malakihang rebolusyon na magaganap. Ito ay taliwas sa tunay na layunin ni Rizal na lumaban nang hindi

gumagamit ng dahas kundi sa isang mapayapang paraan. Ang simpleng suliranin na maaaring idulot ng pagsusulat ng nobela na kakikitaan ng mga bagay-bagay na laban sa pamahalaan ay nag-ugat sa mas malalang suliranin na pagkakaroon ng isang malakihang rebolusyon laban sa pamahalaan. Dahil rin dito, nag-ugat pa ito sa mga suliranin na may kinalaman sa relihiyon, pamilya, trabaho, panlipunan, pag-ibig, at marami pang iba.

Iskrip
1. Tumutulong ba ang iskrip sa pagbuo ng banghay? Kung pagbabasihan natin ang Best Screenplay at Best Original Story na nakamit ng pelikulang ito, masasabi nating naging maganda ang pagkakabuo ng iskrip ng pelikulang ito. Matapos mapanuod ang buong pelikula, hindi nga ako nagkamali. Maganda ang iskrip ngunit may ilang bahaging nagdulot ng kalituhan samantalang kaunti nama'y nagkukulang sa matinding damdamin. May ilang pag-uusap din na papunta sana sa interesadong punto nguni hindi na natutuloy. Nagdulot ng madamdaming emosyon na hinangaan ko ang iskrip kung saan hiniling ni Rizal na harapin ang firing squad. Hinangaan ko ko rito si Rizal dahil ipinakita niya na tapat ang kanyang pagmamahal para sa ating minamahal na bayan. Naging malikhain din ang pagkakasulat sa eksena kung saan hinarap ni Rizal ang tauhan niya na si Simoun. Nakatulong ang iskrip sa bahaging ito dahil naipakita nang mabuti ang pang-uusig ni Simoun kay Rizal na isulat niyang muli ang tauhan na ito upang mapataas ang kanyang kahalagahan sa nobela. Kahit may kaunting gusot, hindi pa rin natin matatawaran ang napakagandang iksrip na pinagpuyatang tapusin at lalo pang pagandahin nina Ricky Lee, Jun Lana, at Peter Ong Lim na kilala na sa larangan na ito base na rin sa kanilang mga malikhaing iskrip sa ibang mga pelikula.

2. Ang pag-uusap ba ng mga tauhan ay makatotohanan? Masasabi kong naging makatotohanan ang pag-uusap ng mga tauhan dahil ang iskrip na ginamit ay naging angkop sa lugar at panahon. Dahil naganap ang mga pangyayari sa pelikula noong ang Pilipinas ay nasa kamay pa ng mga Espanyol, naging makatotohanan ang pag-uusap ng mga tauhan dahil sa mainam nilang paggamit ng wikang Espanyol. Ang mga aktor at aktres ay kakikitaan ng kombiksyon at kapanatagan sa pagsasalita ng wikang Espanyol. Ang mga paniniwala rin na nakuha ng mga Pilipino mula sa mga Espanyol ay nakaapekto upang maging makatotohanan ang mga pag-uusap sa pagitan ng tauhan. Nadama ko rin ang daloy ng emosyon ng mga tauhan sa pelikula na nangangahulugang naging makatotohanan nga ang mga pag-uusap. Isang patunay ay noong ikinekwento ni Teodora Alonzo sa kanyang anak na si Pepe ang tungkol sa Kwento ng Gamu-gamo kung saan nadama ko ang pagmamahal ng isa parra sa kanyang anak noong sinabihan niya ito na lumayo sa mga pahamak. 3. May kaisahan ba ang bawat pangyayari? Matapos mapanuod ang pelikula, masasabi kong mayroong kaugnayan ang bawat pangyayari sa isa't isa. Sa tulong ng mga flashbacks, nagawang pag-isahin at gawing konektado ng direktor ang mga mahahalagang pangyayari at ideya sa banghay. Naisulat din ang iskrip sa malikhaing paraan na karamihan sa mga pangyayari ay nagbibigay ng ilang sulyap sa mga susunod na pangyayari na lalong nakakapukaw sa interes ng manunuod. 4. Lumitaw ba ang paksa sa pelikula? Sa tulong ng mga malikhaing utak ng mga screenwriters ng pelikulang ito, nagawa nilang mapalitaw ang paksa sa pelikula. Ang paksang "Ang makulay na buhay ni Jose Rizal ay naging makabuluhan upang malaman natin kung paano niya tinitingnan ang lipunan sa kamay ng

Espanya at kung paano mamuhay ang mga Pilipino sa isang bansang pinamamahalaan ng mga Espanyol." ay nagawang maipakita sa pelikula sa pamamagitan ng paggamit ng mga flashbacks na nagpakita sa iba't ibang aspeto ng buhay ni Jose Rizal at sa pamamagitan na rin ng pag-uusap sa pagitan ng mga tauhan na nakadagdag ng mga impormasyon upang lalong mapalutang ang paksa. Isang patunay ay ang pag-uusap ni Jose at Paciano Rizal tungkol sa paglipad ni Jose Rizal patungong Europa. Dito natin nasaksihan na ang isa sa mga layunin ni Paciano para sa kapatid ay ang magkaroon ito ng magandang edukasyon na magagamit bilang isang susi laban sa mga Espanyol. 5. May kwento o istorya bang nabuo? Madaming istorya ang nabuo sa buong daloy ng pelikula. Mayroong tungkol sa pag-ibig, pamilya, paniniwala, pulitikal, hustisya, katapangan, at marami pang iba. Sa tulong ng iskrip, nagawang mailahad ng mabuti ng mga screenwrites ang kwentong nangibabaw sa buong pelikula: ang makulay na buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Nagawa nilang pagdugtung-dugtungin ang mga ideya sa bawat bahagi ng pelikula upang mapalutang ang kwento ni Jose Rizal. Sa pamamagitan ng mga tauhan na ginagampanan ni Jhong Hilaraio (tagapaglingkod sa kulungan) at Jaime Fabregas (Luis Taviel de Andrade), nasaksihan natin ang mga pagbabalik-tanaw ni Rizal sa kanyang buhay at ang kanyang mga mabubuting layunin para sa minamahal na bansa. Nailahad din sa mga flashbacks ang mga karanasan ni Jose Rizal mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang kamatayan.

Pag-arte
1. Nailayo ba ng actor ang sariling personalidad at wari siya ang tunay na tao sa papel na ginagampanan?

Ang gumanap bilang Jose Rizal ay ang batikang actor na si Cesar Montano na tanyag dahil sa mga parangal na kanyang natanggap bunga ng kanyang magaling na pag-arte sa ibat ibang papel na kanyang ginanapan. Naiisip ko na ang magaling na direktor na si Diaz-Abaya ay nakakita ng malaking potensyal kay Cesar Montano kaya niya ito pinili bilang si Jose Rizal. Kung papansinin natin sa maliit na tangkad at katamtamang kutis ng ating pambansang bayani, si Cesar Montano ay bagay na gumanap sa pisikal na katangian at personalidad ni Rizal. Napansin ko na magaling ang pagkakaganap ni Cesar Montano lalo na't naging maingat siya sa pagbitaw ng mga dayalogong ang wika'y nasa Espanyol. Kilala rin si Montano sa mga pelikulang may temang aksyon kung saan makikita natin ang pagiging matapang niya. Kung ikukumpara natin ang mga iyon sa papel na ginagampanan niya sa pelikulang ito, ang matapang na tauhang ginagampanan ni Montano ay naging isang mapagkumbabang tao.Dahil sa magandang pagkakaganap ng tauhan ni Jose Rizal, masasabi natin na may malaking dedikasyon sa kanyang papel na ginagampanan si Montano at nailayo niya ang sariling personalidad sa papel na ginagampanan. Isa pang batikang aktor na si Jaime Fabregas ay nagawang baguhin ang isang abogadong may matigas na puso at nalagyan ng kariwasaan at lambing ang kanyang ginagampanang papel na siyang naging kaibigan ni Jose Rizal noong ito'y nasa piitan. Dahil na rin siguro sa iksi ng mga eksenang nilabasan ni Gloria Diaz, hindi niya masyadong nagawang ipaglaban ang papel na ginagampanan ngunit naging mainam ang kanyang papel bilang isang mapagmahal na ina. Ang iba namang tauhan ay nagpamalas ng magaling na pag-arte, ngunit ang iba sa kanila ay nagkulang sa paglalabas ng mas nararapat na emosyon para mailayo ang sariling personalidad sa papel na ginagampanan. 2. Ang maliliit at malalaking bahagi ba ay nabigyan ng buhay?

DISENYO 1 Masasabi kong nabuo ng direksyong pamproduksyon ang kapaligirang atmospera. Ang mga mahahalagang pangyayari sa pelikula ay naganap noong panahon kung saan sakop pa ng Espanya ang Pilipinas. Ito ay nasa pagitan ng 1861 at 1896. Sa tulong ng mga malilikhaing props na napanuod ko sa pelikula, natulungan ako ng mga ito na maglakbay sa panahon ng mga Espanyol. Ilan sa mga patunay ay ang kasuotan noon, ang mga kalesa, mga istruktura, mga tahanan,at iba pa. Lubusan akong humanga sa namahala sa disenyong pamproduksyon na si Leo Abaya sapagkat nagawa niya at ng kanyang mga tauhan na madala ang manunuod sa panahon ng Kastila. Hindi kataka-taka na nanalo ang pelikulang ito ng Best Production Design. DISENYO 2 Oo, nakatulong ang disenyong pamproduksyon sa pagbuo ng namamayaning damdamin. Ilan sa mga patunay ay ang paggamit ng KKK ng mga sandatang itak imbes na baril. Dahil nga hindi pa ganoon kasibilado ang mga tao, gumagamit sila ng mga tradisyonal na sandata. Sa sama-sama nilang pagtataas ng kanilang mga itak, madarama natin ang galit ng mga tao at ang pagpupursigi na muling gawing malaya ang bansang minamahal. Sinasabi rin na nadala ng disenyong pamproduksyon ang mga manunuod sa panahon ng Kastila. Dahil ito ang tinaguriang "Panahon ni Maria Clara," naging mahinhin ang pag-arte ng mga aktres sa kanilang ginagampanang papel. Isa pang patunay ay ang ikakasal na si Leonor Rivera kung saan nagpadama ng malungkot na pakiramdam ang buong lugar dahil sa mga disenyo nito. Mararamdaman din natin sa tulong ng mga props na ginamit sa eksenang ikinwento ni Teodora Alonzo sa anak ang tungkol sa Kwento ng Gamu-gamo ang pagmamahal ng isang anak para sa kanyang anak. Ang simpleng

pagkasunog ng gamu-gamo ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam na nakapukaw sa interes at emosyon ng manonood. DISENYO 3 Oo, masasabi kong umangkop ang mga ginamit na props at iba pang disenyong pamproduksyon sa panahon, kalagayan sa buhay ng tauhan, at tauhan. Dahil na rin naganap ang mga pangyayari sa pelikula sa mga panahong sakop pa ng Espanya ang Pilipinas, ang mga props na ginamit tulad ng kalesa, lampara, mga kasuotan ng mga tao, arkitektura, at mga ayos ng mga tauhan (make-up, hairstyle, at iba pa) ay naging angkop sa panahon. Madali rin nating mauuri sa antas ng pamumuhay ang mga taong makikita natin sa pelikula sa pamamagitan ng kanilang ayos, pananamit, pamamahay, at paggalaw. DISENYO 4 Oo, tumutulong ito sa higit na pag-unawa sa mga tauhan. Isa sa mga patunay ay nakatulong na agad ang naging ayos ng aktor na gumanap bilang Jose Rizal dahil nagmukha siyang kagalanggalang at may pinag-aralan. Ang mga bahaging nasa unibersidad si Jose Rizal ay nagpakita ng talino ni Rizal (lalo na noong pinag-aralan nila ang mata ng isang patay na tao). Nang dahil na rin sa disenyong pamproduksyon na ginamit sa pelikula, nalaman natin ang ilan sa mga katangian ng isang tauhan batay sa kanyang pananamit o ayos o mga ginamit na props sa kanyang paligid. Gamitin natin bilang halimbawa si Maria Clara. Lagi siyang nagtatakip ng bibig gamit ang pamaypay. Dahil dito, mahihinuha natin ang pagiging mahinhin niya. Kung nalaman na natin ang ilan sa mga katangian ng isang tauhan, mas madali na nating mauunawaan ang mga tauhan. TUNOG 1

1. Masasabi kong nakaragdag ang tunog at musika sa pagbuo ng pelikula dahil nakatulong ito para maipahayag nang mas mainam ang emosyon sa mga bahagi ng pelikula. May mga tunog na mababagal na nagpapakita ng kalungkutan, mabibilis na nagpapakita ng tension, at iba pa. Isa sa mga patunay ay ang bahaging ikakasal na si Leonor Rivera sa isang Ingles na ipinilit sa kanya ng kanyang ina. Naging masakit at malungkot ang pakiramdam ni Leonor Rivera dahil sa desisyon ng kanyang ina na ipagkasundo siya sa ibang lalaki. Sa tulong ng paglalapat ng tunog at musika, mas naramdaman ko, bilang isang manood, ang emosyon na nais ipadama sa atin ng aktres na gumaganap bilang Leonor Rivera. Dahil sa matagumpay na pagpapadama ng mga emosyon sa manonood, masasabi kong naging epektibo ang paggamit ng tunog at musika. Higit kong mapapatunayan na nagging epektibo ang paggamit ng tunog at musika dahil sa mga parangal na nakamit tulad ng Best Sound (1998 MMFF), Best Musical Direction (1999 FAMAS Awards), at Best Music (1999 Gawad Urian Awards) kung saan ang mga paglalapat ng tunog at musika ay pinamunuan ni Musical Scorer of the Year Nonong Buencamino at Sound Engineering of the Year Albert Michael Idioma na parehong kilala na sa larangan ng musika. TUNOG 2 2. Ang paglalapat ng mga tunog at musika ay nakatulong upang gawing mas makatotohanan ang mga tagpo. May ilang bahagi na ang tagpuan ay sa bayan. Nakarinig tayo ng mga tunog ng kalesa na lalo pang nagpadama sa atin kung ano ang pakiramdam ng nasa bayan noong mga nakaraang dekada. May ilang bahagi naman na nasa tabi ng dagat si Jose Rizal. Nakarinig tayo ng pag-agos ng tubig kung saan nakatulong ito upang ipadama sa atin ang matinding emosyon na nararamdaman ni Jose Rizal hapang siyay nagmumuni-muni. Nang dahil sa paglalapat ng mga tunog at musika, mas napadama sa atin ng production team ng pelikula ang emosyon ng isang eksena at kung ano ang pakiramdam ng nasa lugar na iyon.

CINEMATOGRAPHY 1 Ipinosisyon sa ganoong anggulo ang kamera upang bigyang pokus ang mga emosyon at ideyang nangingibabaw sa isang eksena. Kapag naisaayos na ang anggulo ng kamera, mas madaling makikita ng mga manunuod kung ano nga ba ang gustong ipahatid na mensahe at emosyon ng aktor/aktres na gumaganap sa isang papel. Isa sa mga patunay ay ang pagpapakasal ni Leonor Rivera sa Ingles na ipinagkasundo sa kanya ng kanyang ina. Makikita natin na nakapokus kay Mickey Ferriols, ang aktres na gumaganap bilang Leonor Rivera, ang kamera. Mapapansin natin na nakatulong ang magandang anggulong ito upang maipadama sa atin ang malungkot na emosyon na nadarama ng tauhan na kanyang ginagampanan. CINEMATOGRAPHY 2 Pinagalaw ang kamera sa paraan na mabilis na mauunawan ng mga manood ang emosyon na gustong palutangin sa isang eksena. Gusto ng mga namamahala sa sinematograpiya na mabigyan ng pokus ang mga emosyon at ideya na nakapaloob sa banghay. May mga pagkakataon na isinuzoom-in ng mga cameramen ang kamera upang mapalutang ang emosyon ng isang tauhan. Isinuzoom-out naman ng mga cameraman ang kamera upang mapalutang ang emosyon, ng hindi lang iisang tauhan, kundi ng isang grupo ng tauhan. Kung binabagal ng cameramen ang paggalaw ng kamera, nangangahulugan ito na gusto nilang bigyan natin ng atensyon ang isang pangyayari. Kadalasan, kapag mabagal ang paggalaw ng kamera, nagpapahayag ito ng isang malungkot na pangyayari. Ilan sa mga patunay ay ang eksenang binaril si Jose Rizal. Binigyang-pokus ito ng mga cameramen upang maipahatid sa atin ang mensaheng gustong ipahatid sa atin ng sumulat ng screenplay ng pelikula. Nais siguro ng mga screenwriters na madama natin ang emosyon ni Dr. Jose Rizal na masaya parin dahil hindi nasayang ang buhay niya. Nagamit niya ang buhay niya

ng mainam at ang lahat ng kanyang mga nagawa ay naging makabuluhan. Hindi siya nagsisi na dahil sa tunay niyang pagmamahal para sa bayan, siyay namatay. CINEMATOGRAPHY 3 Oo, masasabi kong nabuo nito ang larawan, tagpo, at namamayaning damdamin. Sa buong pagdaloy ng pelikula, nagsilbing gabay ang galaw ng mga kamera upang maging mas madaling maunawaan ng mga manonood ang larawan, tagpo, at namamayaning damdamin. Sa paggalaw ng mga kamera, nakatulong ito upang lalo pa nating makita ang kabuuan ng kapaligiran o tagpo. Sa mabagal na paggalaw ng kamera, mas makikita natin ang bawat detalye sa isang tagpo na makakatulong sa pagbuo ng banghay. Sa pagbibigay ng pokus ng mga kamera sa mga tagpo, mas maipapahayag ng tagpong iyon kung ano ang mensahe, ideya, o emosyon na gusto niyang maipahatid. Ang pinakamabigat na patunay para rito ay ang huling mga oras na nalalabi para kay Jose Rizal. Ang pagbibigay-pokus sa kapaligiran at sa mga taong nanunuod ay nag-iwan ng simbolo. Sa tulong ng mga ito, nagagawang mapagdugtung-dugtong ng isang manonood, tulad ko, ang mga mahahalagang pangyayari sa buong pelikula. DIREKSYON 1

You might also like