Sept. 1999 I. Kabataan, dinggin mo ang panawagan Pusot isip ay bulagin sa kasamaan Ang bagay ng sanlibutay napaparam Karangalan ditoy walang kabuluhan KORO Ang iyong lakas, ang iyong buhay sa Dios Amay ialay Habang ikaw ay bata pa maglingkod sa May lalang Tahakin ang landas ng katotohanan Sama-samang kakamtin bayang banal II. Wala na ngang kailangang hanapin pa Maliban sa pag-ibig ng Dios Ama Ang ligaya sa piling Nyay ibang-iba Laging sapat ang Kanyang mga biyaya (ULITIN ANG KORO) III. Kailan ka pa tatalikod sa iyong layaw Kung huli nat wala na ang kaluguran Ngayon na nga panahon ng kaligtasan Abutin mo nakaunat Nyang kamay (ULITIN ANG KORO) CODA Sama-samang kakamtin bayang banal