You are on page 1of 5

PATULA NG PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO (UDHR)

ni Gregorio V. Bituin Jr.


tulang may 12 pantig bawat taludtod

PAMBUNGAD At pagnanasa ay ipinahayag na


Bilang matayog na hangarin ng masa.
Sa ikasampu ng Disyembre ng taon
Labingsiyam, apatnapu't walo noon Yayamang kung wala nang pagpipilian
At kailangan bilang huling takbuhan
Nang yaong pangkalahatang asambliya
Ng Nagkakaisang Bansa'y magkaisa Ang maghimagsik laban sa pang-aapi
Kaysa naman magsisi sa bandang huli
Nang pinagtibay nila't ipinahayag
Ang inakdang Pandaigdigang Pahayag Upang tuluyan nang maipagsanggalang
Ang ating angking pantaong karapatan.
Ng Karapatang Pantao sa daigdig
Upang tao'y di basta-basta malupig. Yayamang dapat at kinakailangang
Itaguyod ang pagsulong ng ugnayang
Kasunod ng makasaysayang pahayag
Sa mga kasaping bansa'y tumatawag Pakikipagkaibigan sa pagitan
Ng iba't ibang bansa't ng mamamayan.
Na ilathala ang nilalaman nito
At mapabasa sa mas maraming tao Yayamang mamamayan ng bawat bansa
Ay nagkasundo't may pagsampalataya
Makita, maipaliwanag din naman
Sa eskwelahan at iba pang aralan Sa pangunahing karapatang pantao
Sa dangal at halaga ng bawat tao
Nang walang distingsyon batay sa estado
Pulitikal ng bansa o teritoryo. At sa pagkakapantay ng karapatan
Ng kalalakihan at kababaihan
Mga kababayan, halina't tunghayan
Ang pagkakasalin ko't ang panulaan Nagpasyang itaguyod ang panlipunang
Pag-unlad at mas magandang pamantayan
Hinggil sa Pandaigdigang Karapatan
Ng bawat tao sa alinmang lipunan. Ng buhay sa mundong sadyang mas malaya
Sa lahat ng tao sa lahat ng bansa.
PREAMBULO
Mga kasaping Estado'y namanata
Yayamang pagkilala sa karangalan Na tutulong sa Nagkakaisang Bansa
Pantay, di maikait na karapatan
Itaguyod ang daigdigang paggalang,
Ng lahat ng pamilya ng tao't bayan Karapatan, at batayang kalayaan.
Ang siyang saligan nitong kalayaan
Yayamang itong pagkakaunawaan
Sa pagkamit ng lahat ng katarungan Ng lahat ng karapatan, kalayaan
At sa kaganapan sa sandaigdigan.
Ay may napakalaking kahalagahan
Yayamang yaong pagwawalang-bahala Upang panata'y maisakatuparan
Pag-aalipusta't pagbabalewala
At itong Pangkalahatang Kapulungan
Sa karapatang pantao'y nagbunga man Ay nagpapahayag ng Pandaigdigang
Ng gawang malupit na lumapastangan
Pahayag nitong Pantaong Karapatan
Sa budhi ng bayan at sangkatauhan Bilang isa nang ganap na pamantayan
At ang pagtatamasa ng kalayaan
Ng lahat na ng kahanga-hangang bagay
Sa pagpahayag at paniwala nila Para sa tao't bayang nagkakaugnay
At kalayaan din mula sa pangamba
Na sa huli, ang bawat tao't lipunan

Ang tulang ito’y matatagpuan sa http://matangapoy.blogspot.com Pahina 1 ng kabuuang 5


PATULA NG PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO (UDHR)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang may 12 pantig bawat taludtod

Na pinananatili sa kaisipan Sa lahat ng anupamang anyo nito


Pagkat sila'y mga kapwa natin tao
Ang Pahayag na ito ay magsumikap
Sa pagtuturo't pag-aaral ng ganap ARTIKULO 5

Upang itaguyod itong karapatan Sinuma'y di dapat dumanas ng hirap


Pati kalayaan sa pamamagitan O ng kalupitang di katanggap-tanggap

Ng maunlad na hakbang, sa pambansa man O ng anupamang mapang-aping trato


Maging ito rin nama'y pandaigdigan At pagpaparusang hindi makatao.

At kilalanin ng kasaping Estado ARTIKULO 6


At ng tao sa kanilang teritoryo
Sa harap ng batas ay dapat kilanlin
Itong lahat ng karapatang pantao Lahat bilang taos aanman nanggaling.
Na dapat tamasahin ng buong mundo.
ARTIKULO 7
ARTIKULO 1
Ang lahat ay pantay sa harap ng batas
Lahat ng tao'y malayang isinilang Merong karapatan at lahat ay patas
Na may pantay na dangal at karapatan
Ng walang anupamang diskriminasyon
Pinagkalooban ng budhi't katwiran At sa batas ay may pantay na proteksyon.
Nang makitungo sa diwang kapatiran
ARTIKULO 8
ARTIKULO 2
Karapat-dapat na pambansang hukuman
Lahat ng angkop sa Pahayag na ito Ay dapat tumulong sa pangkabuuan
Ng walang kaibhan sa anumang tipo
Sa batayang karapatang ibinigay
Lahi, kasarian, relihiyon, wika Ng konstitusyon o ng batas na taglay
Kulay ng balat o ibang pang-unawa
Laban sa mga kilos na lumalabag
Pambansa o panlipunang pinagmulan Sa mga karapatang di dapat hungkag
Pag-aari o anumang kalagayan
ARTIKULO 9
Walang pagkakaibang dapat malikha
Sa pulitikal, kalagayan ng bansa Di dapat pailalim ang sinupaman
Sa mga pagdakip na di makatwiran
O sa kinabibilangang teritoryo
O ng anumang pagtatakda ng tao. At sa pagkakulong o pagkakapiit
Na sa makaranas ay sadyang masakit.
ARTIKULO 3
ARTIKULO 10
Ang lahat ng tao ay may karapatan
Sa buhay, kalayaan at kaligtasan. Ang lahat ay may karapatang madinig
Ang kanyang sasabihin at kanyang panig
ARTIKULO 4
At matalakay anumang kanyang tindig
Walang sinumang dapat ipailalim Sa isang patas at hayagang pagdinig
Sa pambubusabos at pang-aalipin
Nitong isang independyenteng hukuman
Ang pang-aalipin at pangangalakal Na tinitingnang walang kinikilingan
Ng alipin ay dapat nang ipagbawal
Sa pagpapasya sa mga karapatan

Ang tulang ito’y matatagpuan sa http://matangapoy.blogspot.com Pahina 2 ng kabuuang 5


PATULA NG PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO (UDHR)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang may 12 pantig bawat taludtod

At tungkuling sa balikat pinapasan At sa iba pang bahagi ng daigdig


Na magpaampon mula sa pag-uusig.
Ng taumbayan o kaya'y ng sinumang
May kasong kriminal na sa kanya'y laban. Ngunit di maipapakiusap ito
Kung ang pag-uusig ay hinggil sa kaso
ARTIKULO 11
Ng mga krimeng di-pulitikal mula
Dapat ituring na walang kasalanan O sa mga gawaing salungat kaya
Ang maysala umano at kinasuhan
Sa marangal na simulaing dakila
Hanggang ang sala niya’y mapatunayan At hangarin ng Nagkakaisang Bansa.
Sa batas at paglilitis na hayagan
ARTIKULO 15
Kung saan ang kailangang garantiya
Ay nasa kanya na para sa depensa. Ang nasyonalidad din ay karapatan
Ng sinumang tao sa lahat ng bayan
Walang sinuman yaong may kasalanan
Sa pagkakasalang mapaparusahan At walang sinumang di makatarungang
Kanyang nasyonalidad ay tatanggalan
Kung ang pagkakasala nila’y nagawa
Noong ang batas para doon ay wala O kaya'y pagkaitan ng karapatang
Nasyonalidad niya'y kanyang palitan.
O ipatupad parusang mas matindi
Kaysa nang magawa ang salang nasabi. ARTIKULO 16

ARTIKULO 12 Lalaki't babaeng may sapat na gulang


Ang kaibhan man nila'y di dapat hadlang
Di dapat ipailalim ang sinuman
Sa hindi makatwirang pakikialam Ay may karapatang makapag-asawa
At magkaroon ng sariling pamilya
Sa kanyang pribadong buhay, sa tahanan
Sa pamilya, sa pakikipaglihaman Naaangkop sa pantay na karapatan
Ang kanilang mga pag-aasawahan
Maging sa pagbatikos sa karangalan
Lalo na sa iniingatang pangalan. Habang sila'y may relasyong mag-asawa
O kaya'y hanggang paghihiwalay nila.
Sa proteksyon ng batas, may karapatan
Lahat laban sa mga pakikialam. Dapat lang pasukin ang pag-aasawa
Kung may malaya't ganap na pagpapasya
ARTIKULO 13
At pagsang-ayon ng mapapangasawa
Ang sinumang tao ay may karapatan Sa pagsasama't pagbuo ng pamilya.
Anumang bansa ang kinaroroonan
Likas at batayang pangkat ng lipunan
Sa malayang pagkilos at pananahan Ang pamilya kaya dapat protektahan.
Sa loob ng hangganan ng bawat bayan.
ARTIKULO 17
Maging sa paglisan sa anumang bansa
Umalis, bumalik sa sariling bansa. May karapatang mag-ari ang sinuman
Para sa sarili't kasama'y iba man.
ARTIKULO 14
Walang sinuman ang di-makatarungang
Ang lahat din naman ay may karapatan Aalisan ng kanyang ari-arian.
Maghanap, magtamasa sa ibang bayan
ARTIKULO 18

Ang tulang ito’y matatagpuan sa http://matangapoy.blogspot.com Pahina 3 ng kabuuang 5


PATULA NG PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO (UDHR)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang may 12 pantig bawat taludtod

Sa kaparaanang lihim na pagboto


May karapatan lahat sa kalayaang O sa kaparehong patakaran nito.
Mag-isip, sa budhi, o relihiyon man
ARTIKULO 22
Kahit sa pagpapalit ng relihiyon
O anumang paniwala niya't layon Dapat na may seguridad panlipunan
Na naaangkop na isakatuparan
Kalayaang ito'y maging sarili lang
Maging pampubliko o pampribado man Sa pamamagitan ng pag-uugnayan
Pambansa man ito o pandaigdigan
Relihiyon ay malayang ipahayag
Sa turo, buhay, pagsamba't pagdiriwang. Ayon sa organisasyon at rekurso
Na siyang kaya nitong bawat Estado
ARTIKULO 19
Karapatan mang ito'y pang-ekonomya
Malayang pananaw at pagpapahayag Maging panlipunan man o pangkultura
Ay karapatan ng bawat mamamayan
Na kailangan sa dangal nitong tao
Kasama anumang pananaw na tangan At sa pag-unlad ng kanyang pagkatao.
Ng walang sinuman ang nakikialam
ARTIKULO 23
Maghanap, tumanggap at magbahagi man
Ng mga impormasyon at kaisipan Sa trabaho, lahat ay may karapatan
Sa pagpili ng kanyang tatrabahuhan
Sa anumang media, at wala rin namang
Mga hangganang isasaalang-alang. Makatarungan, maiging kalagayan
Proteksyon kung sa trabaho'y may kawalan
ARTIKULO 20
Mga nagtatrabaho'y may karapatan
May karapatan lahat sa kalayaan Sa makatarungan nilang kabayaran
Sa mapayapang asambliya't samahan
Pantay na sweldo sa pantay na trabaho
Di nararapat pilitin ang sinuman At trabahong pantay sa dangal ng tao
Na maging kasapi ng isang samahan.
Karapatan nilang magbuo ng unyon
ARTIKULO 21 Para ang interes nila'y may proteksyon.

May karapatan lahat maging bahagi ARTIKULO 24


Sa pamahalaan, direkta ma't hindi
Dapat may pahinga't oras na malaya
Sa kaparaanang malayang pagpili Makatwirang takda ng oras-paggawa
Ng kinatawan, anupaman ang lahi.
May karapatan din na pana-panahon
Lahat sa kanyang bansa'y may karapatan Ay magkaroon ng bayád na bakasyon.
Pampublikong serbisyo'y pantay na kamtan
ARTIKULO 25
Kalooban ng tao'y dapat batayan
Ng kapangyarihan ng pamahalaan May karapatan sa isang pamantayan
Ng pamumuhay na sagot sa sinuman
Na dapat maipahayag ng tuluyan
Sa pana-panahon, tunay na halalan Para sa kalusugan at kagalingan
Ng isang tao't ng kanyang pamilya man
Na sa pamamagitan ng daigdigan
Pantay na karapatang maghalal naman Kasama ang pagkain at pananamit
Paninirahan at di pagkakasakit

Ang tulang ito’y matatagpuan sa http://matangapoy.blogspot.com Pahina 4 ng kabuuang 5


PATULA NG PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO (UDHR)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang may 12 pantig bawat taludtod

Kasama rin ang panlipunang serbisyo Mga sining ay matamasang tuluyan


Seguridad sa nawalan ng trabaho Maging bahagi ng pagsulong ng agham

Nagkasakit, nabalo't may kapansanan May proteksyon din sa kapakanang moral


Pagtanda't nagkulang sa pangkabuhayan Pati na sa pakinabang na materyal.

Pagkat ito'y pawang mga kalagayang Na ibinunga'y anumang kanyang akda


Di nila hawak, di nila mapigilan. Sa agham, sining o panitikang likha.

Karapatan ng mga ina at bata ARTIKULO 28


Ang di-pangkaraniwang pangangalaga
Tao'y may karapatan sa panlipunan
Lahat ng bata'y dapat nang matamasa Maging sa pandaigdigang kaayusan
Nararapat na proteksyon sa kanila
Na mga karapatan at kalayaang
Mga batang iyon man ay iniluwal Nasaad dito'y naisakatuparan.
Sa loob at maging sa labas ng kasal.
ARTIKULO 29
ARTIKULO 26
Lahat ay may tungkulin sa pamayanan
Edukasyon ay karapatan ng lahat Na pag-unlad ng tao'y may kaganapan
At nararapat na ito'y walang bayad
Anumang karapatan at kalayaan
Kahit man lang ito'y sa elementarya Ay may limitasyong sumasakop naman
At maging sa pangunahing antas nila
Nang matiyak ang kaukulang paggalang
Elementarya'y dapat kunin ng lahat At pagkilala sa mga karapatan.
Ito'y edukasyong dapat prayoridad
At kalayaan ng iba hanggang kamtan
Edukasyong teknikal at propesyunal Ang nararapat na pangangailangan
Ay dapat kunin ng mga nag-aaral
Sa moral at pampublikong kaayusan
Maging ng sinuman sa pangkalahatan At pati pangkalahatang kagalingan.
Edukasyo'y dapat pantay na makamtan
Kung salungat sa layunin at prinsipyo
Ang edukasyon ay dapat umaakay Ng Nagkakaisang Bansa ang gawa nyo
Sa ganap na pag-unlad ng pagkamalay
Di dapat gamitin, nasasaad dito
At sa pagpapatibay din ng paggalang Na karapatan at kalayaang ito.
Sa karapata't batayang kalayaan.
ARTIKULO 30
Itaguyod ang pagkakaunawaan
Pagpapaubaya, pagkakaibigan Walang anumang sa Pahayag na ito
Dapat magkaroon ng kaibang kuro
Anupaman ang kanilang pinagmulan
Upang manatili ang kapayapaan. O pahiwatig sa anumang Estado
Pati anumang mga pangkat o tao
Ang magulang ang may karapatang una
Sa edukasyong nais sa anak nila. Ng anumang karapatang magsagawa
Ng anumang pagkilos na maggigiba
ARTIKULO 27
Sa karapata't kalayaang narito
Ang buhay pangkultura sa pamayanan At nakaukit sa Pahayag na ito.
Ay malayang lahukan ng taumbayan

Ang tulang ito’y matatagpuan sa http://matangapoy.blogspot.com Pahina 5 ng kabuuang 5

You might also like