You are on page 1of 2

TAKDANG ARALIN SA FILIPINO 1-11

CUENCO, FREDDIEAN R.
ANTAS NG WIKA
Kolokyal/pambansa - Ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang
pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga
wikang Ingles at Filipino.
Kolokyalismong karaniwan - Ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong may talino - Ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/panlalawigan - Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - Pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na
nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang
Kolokyal/pambansa.
Pampanitikan - Wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.
TUNGKULIN NG WIKA
1. Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag,
pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao
Halimbawa: Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba pa.
Pangungumusta at pagpapalitan ng biro. liham-pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa
mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong .

2. Instrumental ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.
Halimbawa: Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal (business letters, kung
kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba
pang requirements.

TAKDANG ARALIN SA FILIPINO 1-11
CUENCO, FREDDIEAN R.
3. Regulatori ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos
o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi
dapat gawin.
Halimbawa: Ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa
pagsusulit at mga nakapaskil na dos and dont's kung saan-saan .

4. Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang
tungkuling ito.
Halimbawa: Ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo .

5. Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng
mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo.
Halimbawa: tula, nobela, maanyong sanaysay at maikling katha.

6 . Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng
impormasyon. Ang pagtatanong ay hieuristik at ang pagsagot sa tanong ay
impormatibo.
Halimbawa: Ang pagsasarbey, pakikipanayam at pananaliksik.
7. Impormatibo na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid,
(maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian na
yata ng marami).
Halimbawa: Ang pagsagot sa survey, pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o
pamanahong-papel.

You might also like