Professional Documents
Culture Documents
Apil Kiben
Apil Kiben
Apil Kiben
fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].
b. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa
pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri
ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-,
-an/-han Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap
sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree.
o Tall the tree.)
d. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang
maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap
ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang
pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na datiy
[niya] ngayoy [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa].
Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan
ang ponolohiya)
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito.
Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano
naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang
[house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o
pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang
pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan,
leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang
wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Halimbawa: Wikang Swahili atanipena (magugustuhan niya ako) Wikang Filipino Opo,
po Wikang Subanon gmangga (mangga) Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga
batang babae) Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo) Wikang French
Francois (pangngalan /fransh-wa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit
katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang
matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di
pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na
katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang
ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang
pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat.
Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog
pangwika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika.
Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA Kahulugan: a. Pampasabog b. Igipan ng tubig mula sa lupa c.
Kagamitan sa palalagay ng hangin d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at
pelikula e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa
ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ka na
hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng
paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at
Kastilang [educaion].
7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na
hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong
pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang
salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa
Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/
naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng
buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.
8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga
pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum
sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang
tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay sumasagisag sa tunog na
em.
10. May level o antas ang wika.