You are on page 1of 2

Alamat ng Sampaguita

ni Antonio, Emilio Martinez


Kapuwa lumaki sina Nita at Desto sa isang liblib na nayon na napakalayo sa
lungsod ng Maynila. Gayon man, ay kinamulatan nilang nayonay sagana sa
biyaya ng kalikasan, kayat silay nabubuhay nang masagana at mapayapa.
Sa Nita ay siyang tinataguriang tala ng nayon dahil sa kaniyang tinataglay
na pambihirang kagandahan. Hugis-puso at may mga labing kakulay ng saga.
Ngunit tangi sa angkin niyang kagandahan, taglay din ni Nita ang likas na
kahinhinan at napakagiliw siyang kausapin.
Si Desto ay isang naming makisig na binata, may matipunong
pangangatawan, malakas at masipag. Siya ay magiliw ding mangusap at may
kilos-maginoo. Kayat sa bunton ng mga nagingibig kay Nita, si Desto ang naging
mapalad sa puso ang dalaga.
Sa lilim ng isang malagong punong kahoy na nakayunyong sa isang batis,
makailang ulit na magsumpaan sina Desto Nita, na sila ay magmamahalan sa
habang buhay. Gayon man, sa puso ng dalaga ay madalas na mamahay ang
pangamba.
Natatakot ako, Desto, nab aka baling araw ay makalimot ka rin sa
Akin, - ang minsay nasabi tuloy ni Nita sa kasuyo.
Huwag kang mag-isip ng ganyan, - ang matatag na tugon ni Desto.
Maaaring malimot ko ang lahat ng bagay sa mundong, ngunit kailanmay hindi
kita malilimot, Nita. Lalong hindi ko malilimot an gating sumpaan.
Ngunit paano nga, kung akoy iyong malimot? usig pa rin ng dalaga.
Narito Nita ang aking matalim na punyal. sabay abot sa dalaga nag
Hawak na patalim. Sa sandaling magtaksil ako sa iyo ay maaaring gamitin mo
ito upang kitilin ang aking buhay.
Sa sinabing ito ng binata ay naging payapa na ang kalooban ni Nita. Umasa
siyang hindi sisirain ni Desto ang matibay na kapangakuan nito.
Subalit nang mangibang bayan si Desto, pagkaraan lamang ng ilang buwan,
ay nabalitaan ni Nita na ang katipan niyang binata ay napakasal sa ibang dalaga
na higit na mayaman sa kanya. Lubos niyang natalos na tutuo pala ang gayong
balita, at nakilala ni Nita, na ang marupok na puso ni Desto ay madaling masilaw
sa kislap ng salapi.
Gayon man, malabis na dinamdam ni Nita ang paglililo ng katipan. Hindi
mapagkatulog ang dalaga at parang ikamamatay niya ang ginawang iyon ni
Desto. Nagunita tuloy niya ang matalim na punyal ma ipinagkaloob sa kaniya ng
dating katipan.
Isang gabing kabilugan ang buwan, ay nanaog si Nita nang palihim at
nagtuloy sa may lilim ng punong-kahoy na dati nilang pinag-uulayawan ni Desto.
Pagdating niya sa tabi ng batis na iyon, ay inilabas sa kaniyang sukbitan ang
matulis na punyal at iniukit sa balat ng punongkahoy na iyon ang salitang
SINUSUMPA KITA.
Ang ibig-sabihiy sinusumpa niya ang naglililong si Desto.
Pagkatapos tumungala si Nita sa langit at nagdasal;
Mahal naming Bathala, kung mabubuhay po ako nang lagging
Maligalig sa mundong ito sa habang panahon... kunin mo na po ako... at
pinatatawad ko na siya!...
Sa kung anong himala, matapos bigkasin ni Nita ang dasal na iyon, ay
biglang naglaho ang liwanag ng kabilugang buwan. Nagdilim ang langit at
gumughit ang matatalim na kidlat! ... at nang gabing yaon ay naglaho rin ang
buong katauhan ni Nita.
Kinabukasan sa paghahanap ng mga magulang ni Nita, natagpuan ng mga
ito ang punyal na nakatarak sa balat ng punongkahoy na kinatitikan ng mga

salitang SINUSUMPA KITA. At pagkaraan pa ng ilang araw, sa paligid ng punong


kahoy na iyon, ay may nagsitubong mga halaman, na ang mapuputing bulaklak
ay may mahinhing bangong nanunuot hanggang sa kaibuturan ng puso ng mga
tao.
Dahil sa ganap na paglalaho ni Nita, ang mga halamang iyon na nakapaligid
sa nakaukit na salitang SINUSUMPA KITA ay tinawag ng lahat ang mga iyon na
SAMPAGITA.

You might also like