You are on page 1of 5

BUOD NG NOLI ME TANGERE

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng


kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi
roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay
naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay
dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya
Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang
iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego,
ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na
nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anakanakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata
ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di
nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa
kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang
mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa.
Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni
Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga
kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang
yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre
Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at
pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na
ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang
1

batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata,


nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay
tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay.
Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinagusig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap
ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas
ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di
pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya
ng

tagapaglibing

na

hukayin

ang

bangkay

ni

Don

Rafael

sa

kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan


ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay
ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang
ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang
ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay
kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa
paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang
nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa

pananghaliang

inihandog

ni

Ibarra

pagkatapos

ng

pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata,


hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang
alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang
saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra


ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre
Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa
pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang
mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na
bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng
pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa
ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang
gumaling
Sa

tulong

agad
ng

Kapitan

ang
Heneral

ay

dalaga.

napawalang-bisa

ang

pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang


tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay
ng

mga

taong

pinag-uusig

ang

kwartel

ng

sibil

at

ang

napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at


ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang
kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay
tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring
mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na
ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa
kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na
napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang
siya'y mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang


ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at
samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa
tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si
Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob
na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang
kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang
iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na
ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak
na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay
niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay
upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pagiibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila
ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay
tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit
naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang
mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang
si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil
hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang
tubig.
4

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng


mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng
pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa
kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang
pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay
kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng
mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio
at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang
hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at
makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil
sa pagtatanggol sa bayan.

You might also like