You are on page 1of 46

COUPLE FOR CHRIST

FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE


CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Session 1: PAG-IBIG NG DIYOS
Layunin: Masabi ang katotohanan ng iniibig tayo ng Diyos at may plano para sa ating
kapakanan.
Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:
1. Magpapahayag ng pangangailangan para sa di-karaniwang klase/uri ng pamamagita na
maiwasto ang sitwasyon ng mundo.
2. Makilala ang kabutihan ng Panginoong Hesukristo sa pagliligtas ng sangkatauhan.
3. Maibahagi kung paano ang pag-ibig ng Diyos ay napatunayan sa bawat nilalang.
4. Magpasiya ng suriin ang CLS sa bawat modul na natapos.
Pinalawak ng Balangkas
A. Ang sitwasyon ng mundo ngayon:
1. May malubhang kaguluhan sa mundo ngayon.
a. May Digmaan (magbigay ng mga kasalukuyang digmaan na patuloy na nagaganap)
b. May karalitaan/kahirapan
- pagkagutom sa ibang bahagi ng mundo
- mga taong naghihirap maging sa mayamang bansa
c. May pagpatay sa tao
- lubhang kamuhi-muhi ang pagpapaagas na humahantong sa pagkitil ng milyong
batang di-pa isinisilang.
d. May kawalan ng kaunlaran sa lipunan
2. Sa sariling katauhan may kalungkutan, pagkatakot, kawalan ng kapanatagan, kawalan ng
tiwala at iba pa.
3. Ang bawat isa ay nagkaisa na isang mahalagang bagay ang kailangan para maituwid ang
sitwasyon ng mundo.
a. Ang tao ay gumawa ng ibat ibang pagsisikap upang mapabuti ang mundo, subalit ang
mga pagpupunyaging ito ay hindi nagtagumpay tulad ng:

- Sa larangan ng medisina, sa pamamgitan ng ultra sound malalaman ang kasarian


ng bata bago ipanganak subalit maraming tao ay nagpapasyang kitilin ang di-pa sinisilnag na
bata pag natuklasan may kapansanan o kung ito ay hindi kagustuhang pagtatalik.
- ang tao ay hindi ganap na magtiwala na gamiting mabuti ang kalinuhan ng
diyos.
- sa produksiyon ng pagkain, natutuhan nating mabuti ang mga paraan ng
pagpaparami ng produksiyon sa lupa. Subalit milyon tao pa rin ang namamatay sanhi ng
malnutrisyon (Mahinang kundisyon ng pangangatawan sanhi ng di wastong pagkain.) at
pagkagutom.
- Ang sangkatauhan ay di-natutuong ibahagi ang mga biyayang galing sa diyos
para sa mga taong di mapalad.
- Marami ang nag mungkahi ng mga solusyon sa pamamagitan ng relihiyon likha
ng tao at ibang paniniwala tulad halimbawa ng; transoedental meditation, maryisan, new age at
iba pa.
b. Ang tao ay hindi nagtatagumpay sapagkat ang lahat ng pagsisikap ay mula sa
kaalaman ng tao.
- ang kailangan ay kaalaman at pamamaraan na mula sa diyos
Isias 55:8-9
Ang wika ni Yahweh, Ang aking isipay di ninyo isipan, at magkaiba an gating
daan, kung paanong ang langit higit ng mataas, mataas na lupa ang daat isip koy hindi maabot
ng inyong akala.
B. Ano ang paraan ng Diyos? May plano ba ang diyos ng maialis tayo sa kaguluhan at pagkalito?
1. Mayroon! Ang simula para malinawan ang plano ng Diyos ay mababasa sa istorya ng
paglikha ng sanlibutan. (Sa Genesis)
a. Gen 1:31, lahat ng nilikha ng diyos ay mabuti
- ang kaguluhan ay di-sangayon sa plano ng Diyos.
b. Gen 1:27 nilikha ng Diyos ang tao na kanyan larawan
- Ang kasamaan at kasalanan ng tao ngayon ay hindi sang-ayon sa kalooban ng
Diyos.
C. Gen 3:8-9 ang tao ay likha para sa pakikipag-ibigan sa Diyos.

- Ang pagkabuwang n gating ugnayan sa Diyos ay mula sa ating gawa at hindi sa


mga plano ng Diyos.
2. Ang mga pangyayari ay hindi nahayag o nakilala sang-ayon sa plano ng Diyos. Ang dating
kasalanan ay nagbalik at mula noon ang tao ay patuloy ng tumalikod sa diyos at sa kanyang
hangarin.
3. Kahit ng pinarusahan ng Diyos ang tao ay hindi rin sila pinagbigyan ng Diyos.
a. Pinarusahan ng Diyos si Adan at Eva ng silay magkasala. Gayunman iginawad sa
kanila ng Diyos ang pagpapahayag ng pagpapala, binigyan sila ng damit na katao (Gen 3:21) ng
Diyos at pinangakuan n gang supling at kanyan supling-dudurigin nito ang ulo ng ahas (Gen
3:15)
- Ang supling ay si Hesukristo at ang babae ay ang inang Maria.
b. Pinarusahan ng Diyos si Cain sa pagpatay sa kapatid ng si Ariel. Gayunman binigyan
si Cain ng isang tatak tanda upang hindi patayin ng sinumang makakita (Gen 4:15)
c. Sa pagpapatuloy sa Genesis (Gen 6) nabasa natin ang tungkol sa pagkakasala ng tao sa
panahon Noe. Nagdadala ng malaking baha ang Diyos upang lipulin ang kasaman sa mundo.
Gayunman mayroon siyang pagkahabag. Sinabihan si Noe na gumawa ng daong ng yari sa
kahoy ng magliligtas sa taong matuwid sa kamatayan.
d. Gayon din sa pagpapatuloy ng matinding galit ang Diyos, inilarawan sa pagtatayo ng
Tore sa babel.
4. Subalit ang pangyayari ng tore sa Babel ay nasundan kaagad ng istorya ni Abraham (gen 21)
na nagging simula ng panunumbalik na gagawin ni Hesus.
5. Sa mga kasaysayan ito, makikita natin kung paano minahal ng Diyos ang sankatauhan. Hindi
pinabayaan ng Diyos ang tao na nag-iisa sa kanyang nagin kapalaran.
a. Ang Diyos ay di-lumalayo siya ay nagmamahal sa atin at naghahangad na magkaroon
ng isang pansariling ugnayan sa atin. Naghahangad malaman ang mga detalye n gating pangaraw araw ng buhay.
- Isias 48:17
Ito ang sabi ni Yahweh ang inyong manunubos ang bana na Israel; ako si yawing
Diyos mo, ang nagtuturo sa iyo ang daang dapat mong tahakin.
-

Jeremias 29:11

Sapagkat maganda ang balak ko para sa inyo at hindi masama bibigyan ko nga
kayo ng kinabukasan at pag-asaa.
b. Katunayan, ang Diyos ay nagnanaisna maibalik muli tayo sa kanya. Panunumbalikin
an gating pagsasama at pagpapalagayang loob sa kanya.
- Efeso 1:9-10
Ibinunyag niya sa atin ang kanyang mahiwagang balak ang kagandahang loob na
inilagay na niya kay Kristo. Hinangad nga niyang buuin at pag isahin kay Kristo sa kaganapan
ng panahon tanang bagay sa langit at sa lupa.
c. Ito ang plano ng Diyos. Ito ang pagpapakita ng kanyang pagmamahal.
Ayaw ng Diyos na mamuhay tayo sa kasakitan, kahirapan, at kawalang katarungan,nais ng Diyos
na ang mundoy maging lugal ng kapayapaan, katarungan at kaligayahan. Isang lugal na siya ang
dapat maghari.
C. Paano matutupad ang plano ng Diyos?
1. Kung titingnan natin ang mundong nakapaligid sa atin mukhang hindi mangayari/imposible.
2. Muli ang kailangan nating bumaling sa karunungan ng Diyos, kailangan natin ang kanyang
paniniwala. Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa katotohanan ng buhay?
a.) Ang banal na kasulatan ang nagsasabi ukol sa katotohanan ng Diablo.
Efeso 6:12
Sapagkat ang kalaban natiy hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan
at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito. Ang mga hukbong
espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.
Tayo ay hindi lamang nahaharap sa mga kasamaan ng lipunan o ng ating sarili. Sa kabila ng lahat
nang ito ay may mga bagay na napakalaki, si satanas ay nagpapalaganap ng mga kasamaang ito.
Kung sa ating sarili, hindi natin mapaglalabanan si satanas.
b.) Sinabi rin ng Diyos na sa ating sariling kakayahan na wala siya ay mawawalan ng kabuluhan.
Juan 15:5
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nanatili sa akin ,at ako sa kanya, ang
siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayoy hiwalay sa akin.
Sa ating sariling lakas, hindi natin malalampasan ang mga paghamon, pagsubok sa ating buhay
kristiyano.
3. Kaya ano ang kalutasan? HESUKRISTO!

a.) Si Kristo ang kasagutan.


Siya ang taong espirituwal na mas makapangyarihan kay satanas.
Siya ang puno ng ubas kung saan kumukuha tayo ng buhay, lakas at kapangyarihan.
b.) Katunayan si Kristo ang kapunuan ng pag-ibig ng Diyos.
Juan 3:16
Gayon na lamang ang pag-ibig ng diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang
bugtong na anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan.
4. Kaya kay Jesus naranasan natin ang pag-ibig ng Diyos at kay Hesus ang planong Diyos para
sa pagbabalik loob ay magsisimulang mangyari/maganap.
D. Ano ang dapat nating gawin?
1. Kailangan na dapat tanggapin natin si Hesus bilang tagapagsalita at panginoon.
Roma 10:9
Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Hesus ay panginoon at mananalig ka ng buong
puso na siyay muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
a.) Kung ano ang kahulugan nito ay magiging maliwanag habang nagpapatuloy kayo sa CLS na
ito.
b.) Subalit sa ngayon ang mahalagang malaman ay ito:
* Iniibig tayo ng diyos.
* Ipinadala ng Diyos si Jesus na bugtong niyang anak
* Kay Jesus tayo ay maliligtas at manunumbalik an gating ugnayan sa Diyos, sa kapunuan ng
buhay na ninanais nya.
2. Kung gayon nagawa na ng Diyos ang kanyang tungkulin nasa atin na ngayon ang
paggawa/kasagutan.
a.) Ang pagpili ay nasa atin; mamuhay sa ilalaim ng kapangyarihan ng kadiliman, isang buhay
ng kalayaan, kadakilaan, kapayapaan at kaligayahan.
b.) Tanggapin natin si Hesus at ang kaligtasan ng kanyang dinala, mag simula tayo na totoong
maranasan ang pab-ibig ng Diyos.
PURIHIN ANG PANGINOON!

SESYON NO.2 Ano ang kahulugan ng pagiging isang Kristiyano?


LAYUNIN: Mabigyan linaw kung ano ang Kristiyanidad at ipaunawa sa mga tao ang biyaya ng
pagiging isang Kristiyano.
Partikular na tunguhin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makaunawa na:
1. Tanggapin si Jesus bilang tagapagligtas at Panginoon.
2. Masabi ng maliwanag kung ano ang Kristiyanidad.
3. Maipahayag ang mga biyaya ng pagiging isang Kristiyano.
PINALAWAK NA BALANGKAS
A. Panimula
1. Noong nakaraang lingo, napag-aralan at natutuhan natin na si Jesus ang kapunuan ng pagibig ng Diyos.
2. Nang ating tanggapin si Jesus bilang tagapag ligtaa at Panginoon tayo,y naging Kristiyano.
3. Ngayon maraming natutuhan tayo ukol kay Jesus at kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa
kanya.
B. Ang kaibang katangian ni Jesus
1. Bilang Kristiyano nagmula ang ating pagkakakilanlan sa isang tao, na lubos natin
maipagkakapuri, si Jesus ay tunay na kahanga-hanga.
a.) Sa ngayon bilyon ang nagpapahayag na kanyang tagasunod, 2000 taon pagkatapos ng
kanyang kamatayan.
b.) Di-mabilang ang nagging martir sa pnanampalataya sa kanya.
c.) Ang aklat tungkol sa kanya ang bibliya, ang nangungunang maipagbili sa mahabang
panahon.
2. Itong taong si Jesus ang nagtagumpay para sa ating kaligtasan, ang nagpanumbalik n gating
ugnayan sa Diyos, sa kanya maaari tayong magkaroon ng isang bago at ganap na buhay.
3. Bilang Kristiyano dinadala natin ang pangalan ni Jesus kung kaya ngayon hangad natin
malamn ang tungkol sa kung ano ang kahulugan ng pagiging isang Kristiyano.
C. Maling pakahulugan o hindi pagkaunawa tungkol sa Kristiyanidad.
1. Ang Kristiyanidad ay nabago sa isa lamang sistemang pangrelihiyon.

a.) Isang itinakdang doktrina na pinaniniwalaan, tulad ng Apostles Creed.


* Ang pananalig ay nananatili sa antas ng pangkaisipan
b.) Isang itinakdang pangrelihiyon pagsasanay/kaugalian
* Pagsimba, pagnonobena at iba pa.
c.) Mag-aral o magbasa ng marami ukol sa Diyos
d.) gumawa ng marami para sa Diyos
Ang mga ito ay maling pagkahulugan kung an gating pinaniniwalaan ay isinasagawa sa ating
buhay, tulad n gating kabutihan at pamumuhay ay ibinabatay natin sa mga doktrinang ito, na
ating pinaniniwalaan. An gating mga sistemang pang relihiyon ay mga karanasan ng
pananampalataya at hindi mga ritwal lamang na ginagawabilang isang bagay na nakaugalian na.
2. Ang Kristiyanidad ay isa lamang sistemang moralidad.
a.) Isang sistema ng mga gagawin at hindi gagawin, isang bahagi ng alituntunin ukol sa tama at
mali.
b.) Iwasan ang mga bagay na ito upang makarating ka sa impiyerno, ito ang mga pang-unawa na
di-sapat, sapagkat ang relihiyon ay ginagawang legal at inutil, walang sigla at kagalakan,
manapay, ang ating relihiyon ay ating buhay, tayo ay gumagawa o di- gumagawa ng mga bagay
hindi sa dahilan sinabi sa kasulatan kundi isang pagpapahayag n gating ugnayan sa Diyos at sa
ating mga kapatid.
3. Ang Kristiyanidad ay isang panlipunan, pangsambayanang sistema.
a.) Inihahalintulad ang Kristiyanidad sa pagkamakabayan.
b.) Ang Kristiyano ay isang taong gumagawa ng mabuti at mabait siya ay maayos na lalaki o
babae na lagging nakangiti, magiliw, hindi nagagalit at nagpipilit na mapasaya ang lahat.
Isang pang-unawang di-sapat sapagkat kinalimutan ang pagkamaawain ni Cristo, at nalilimitahan
ang Kristiyanidad sa pagiging isang mabuting samaritano lamang. Ang totoo ang Kristiyano ay
maaring magalit tulad ng dinawa ni Jesus, ang totoo maging ang mga di-Kristiyano at
makagagawa ng mabuti.
4. Ang Kristiyanidad ay isang pang-iwas sa mga katotohanan ng buhay, isang opinion ng
mahirap at alipin. Ito ay para sa mga mahihina sa mga taong hindi makasapat sa buhay.
Isang maling pang-unawa, sapagkat ang mga Kristiyano ay hindi tinuruan na takasan ang mga
problema kundi harapin ang mga ito.
D. Kung gayon, ano ang Kristiyanidad?
1. Ang katotohanan ng Kristiyanidad ay ugnayan sa Diyos , na naganap sa pamamagitan ng
kamatayan at pagkabuhay ni Jesukristo.

a.) Ang ating pagiging Kristiyano ay ating pag-ibig, personal na ugnayan sa Diyos, ang buong
buhay natin ang nagging pagpapahayag ng ugnayan ito.
b.) Ang lahat n gating ginagawa ( mga maling pang-unawa na sinabi )ay pagpapahayag lamang
ng ugnayan ito.
2. Mga mahalagang katotohanan tungkil sa Kristiyanidad.
a.) Ito ay ugnayan sinimulan ng Diyos, dahil sa kaniyang awa at pag-ibig sa atin.
* Efeso 2:4-8 Titus 3:3-7
* Dahilan sa ang Diyos ang pinagmulan ng Kristiyanidad, ang katotohanan ay walang
pagmamaliw at walang pagbabago, hindo ito maaring bawasan o tubigan para sa kaalwanan ng
tao.
* Kailangan nating tangggapin ang salita ng Diyos at iayon an gating buhay dito.
b.) Sa Kristiyanidad, tayo ay nagging isang bagong nilalang at nakibahagi sa mismong buhay no
Kristo.
* 2 Corinto 5:17; Galacia 2:20
* Tayo ay nakibahagi sa walang hanggang buhay ni Kristo, ang ating buhayay hindi natapos sa
kamatayan pisikal.
d. Tinanggap natin ang katotohanan ng Diyos : Kabanalan
* Colosas 3:5-10
E. Tunay na Pahiwatig ng pagiging isang Kristiyano.
1. Kung ang Diyos ay ating ama, pagtiwalaan siya.
a.) Ang Diyos ay may plano para sa atin at ito ay mabuti.
Jer. 29:11
Sapagkat maganda ang balak ko para sa inyo at hindi masama, binigyan ko nga kayo ng
kinabukasan at pag-asa.
b.) Ang plano ng Diyos para atin kung anuman ito ay pinakamagaling, hindi tayo umasa ng mga
bagay na mabuti, kaya tayoy kailangang magsikap na alamin ang kanyang plano at mamuhay
nang nailing sunod.
2. Alamng Diyos an gating pangangailangan at itoy ibibigay sa atin.
a.) Katunayan, ibinigay na niya ito sa atin ngayon ( sabihin ang mga biyayang nakamtan )
b.) Sino sa akala ninyo ang nagbibigay para sa inyo? Lucas 12:22-31, marami ang
pinagmumulan. Buksan ang sarili at marami ang matatanggap.

3. Dahilan sa lahat tayoy iisa ang ama, ano ang ibig sabihin niti sa atin na tayoy magkakapatid
kay Kristo.
a.) Sa isang masiglang komunidad ( tulad ng CFC-FFL ) nararanasan ng tao ang totoong
kapatiran, mayroong paggalang at pagtingin para sa isat isa,na di mo matatagpuan kung saan.
b.) Bilang magkakapatid, tayo ay nakatalagang tutulong at mangangalaga sa isat isa.
4. Bilang mga Kristiyano, natutunan natin ang buhay sa mundo ay pansamantala, kung kaya,
huwag mamuhunan dito, naunawaan ni Pablo ito:
Filipos 3:8
Itinuring kong walang kabuluhan ang lahat ng iba pa kung ihahambing sa kaalaman kay
Kristo Jesus na aking panginoon, Siya ang nagpabale wala sa lahat at itinuring kong ibasursa ang
lahat, makamtan ko lamang si Kristo.
b.) Ano ang magiging layunin natin?
Filipos 3:14
At tumatakbo akong naghahanap ng gantimpala ng makalangit na pagtawag sa akin ng
Diyos kay Kristo Jesus.
c.) Saan ba tayo totoong kasapi?
Filipos 3:20
Nasa kalangitan naman ang ating pagkamamamayan; doon din manggagaling si Jesukristong
hinihintay nating manunubos.
5. Kung naniniwala tayo sa lahat ng ito ( banggitin ang 4 ) ano naman ang magiging saloobin
natin bilang isang Kristiyano? Isa lamang na saloobin ang maaring may katuwiran: maging
mapayapa sa lahat ng oras.
a.) Ang alinmang saloobin ay di makatuwiran, sapagkat ang Diyos ay ating ama at siyay
nagmamahal at nangangalaga sa atin.
Hebreo 13:5-6
Mamuhay kayo na hindi pera ang hangad, kundi makuntento kayo kung anong meron
kayo sinabi nga niya; hindi kita iiwan at di kita pababayaan, at masasabi natin nang may
pananalig; tinutulungan ako ng Panginoon, hindi ako matatakot, ano ang magagawa sa akin ng
tao?
b.) Kung dumating man ang rebolusyon bukas o tuluyang bumagsak ang ekonomiya, o alinmang
pangyayari, ang Diyos ay nangakong tutulungan tayo at magkakaloob para sa atin, maging
mapayapa!

F. Pagtatapos
1. Kung tayoy Kristiyano, tayo ang napakamapalad at binigyang karapatan sa mga tao, sapagkat
ang Diyos mismo ay ating ama. Kailangang wala tayo dapat ikatakot sa anuman, sapagkat ang
Diyos ang mangangalaga sa atin.
2. Paano natin malalaman ang mga bagay na ito? Ang Diyos ang nagsabi nito, paniwalaan natin
ang kanyang salita, ang hindi maniwala sa katotohanang ito ay matatawag na ang Diyos ay
sinungaling, subalit ang Diyos ay hindi nagsisinungaling. Pagtiwalaan natin sya ng lubos.
3. Ilagay natin ang ating buhay ng lubusan sa mga kamay ng Diyos, at danasin ang pambihirang
kapayapaan ni kristo na dadaloy sa ating mga buhay at sa ating pamilya.
PURIHIN ANG PANGINOON!

SESYON 3: Pagsisisi at Pananampalataya


Layunin: Mahikayat ang tao na magsisi sa kasalanan at bumaling sa isang panibagong
pananampalataya kay Jesus.
Partikular na layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:
1. Pagpapahayag ng kanyang pagkaunawa sa mga kasalanan sa kanilang buhay.
2. Masabi ng maliwanag ang kanilang hangaring magsisi sa kasalanan at manumbalik sa
panibagong pananampalataya kay Jesukristo.
PINALAWAK NA BALANGKAS:
A.PANIMULA
1. Habang nagtatagal, narinig natin ang tungkol sa pagibig ng Diyos at ang ugnayang sinimulan
ng Diyos s atin. Ginawa ng Diyos ang lahat para sa atin, ngayon naman ang panahon para tayoy
tumugon.
2. Ang marapat na pagtugon ay pagsisisi at pananampalataya.
Marcos 1:14-15
Si Jesus ay nagtungo sa galilea at ipinangaral ang mabuting balitang mula sa Diyos. Dumating na
ang takdang panahon at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyot talikdan ang
inyong mga kasalanan at magtiwala kayo sa mabuting balitang ito.
a.) Kailangan tayoy magsisi, tulad ng baguhin ang ating buhay, kailangang maniwala tayo sa
ebanghelyo, tulad ng pananampalataya kay Jesus at sa mabuting balita na kanyang ipinahahayag.
b.) Laging magkasama ang pagsisisi at pananampalataya. Ang mga ito ay Gawain ng
pagtugon,hindi maaari na isa lng, kailangan ang isa pa ay kasama.
* Ang baguhin lamang an gating buhay ay di-sapat na pagtugon sa Diyos. Kailangan ang
paniniwala sa kanya, sa kanyang mga plano at mga pangako.
* Ang maniwala na walang ginagawa para baguhin ang buhay upang maging kalugod-lugod sa
Diyos ay hindi rin sapat. Lubha itong nangangailangan ng may ugnayan sa moralidad, sa
madaling salita ang pananampalatayang walang gawa ay patay.
B. PAGSISISI
1. Sa salitang griego ang pagsisisi ay METANOIA na ang kahulugan ay pagbabago ng isipan.
a.) Hindi lamang ito karaniwang pagsisisi ng mga kasalanan, kundi isang pagbabago ng
direksyon.
* Itoy napakahalagang pagbabago ng daan sa pamumuhay; inaalis ang dating mithiing itinakda
sa buhay at sumusunod sa bago.

* Ang pag-sisisi ay nakasasama sa ating pag-iisip at paggawa sa ating saloobin, layunin,


pagpapahalaga at asal.
b.) At tiyakin ang pag-sisisi ay nangangahulugan ng pagtalikod sa kasalanan, tukso, kamalian at
pagbabago ng sariling buhay. Ito rin ay pagtalima sa buhay ng pagsunod sa Diyos at itinuturing
si Jesus na naghahari sa iyong buhay.
* Kasama ditto and pagtalikod sa dalawang isipan, malahin, ( pahayag 3:15-16 ), Pagkukulang
sa ating tungkulin bilang kristiyano.
2. Ano ang hindi Pag-sisisi.
a.) Hindi ito nababatay sa mga damdamin.
Kundi sa pagpapasiyang ang hangarin ay tangggapin lamang ang pagkamakatarungan ng Diyos
sa ating buhay at tanggihan ang anumang hindi katugma nito.
b.) Hindi pagsisisi sa kasalanan dahilan sa natatakot tayo sa mangyayari o magiging bunga.
* Huwag ipagkamali ang kalungkutan sa pagkilala para sa magiging bunga ng kasalanan.
Kailangang kasuklaman ang kasalanang ito.
B. Ano ang Dapat nating gawin upng magsisi?
a.) Maging matapat, tanggapin na nagkasala tayo sa ating buhay
* Tawaging ang ispada na isang ispada, kung itoy kasalanan tawagin ito na isang malaking
karanasan.
b.) Gamitin ang kababaang- loob.
* Magkusang magbago at maging bukas ang kaloobang tanggapin ang tulong ng Diyos sa
pagbabago, huwag asahang magbabago ang lahat sa sariling kakayahan.
c.) Talikdan ang kasalanan, umiwas at magpasiya na hindi muling uulitin.
d.) Hilingin ang kapatawaran ng Diyos.
1 juan 1:9
Kung ipahahayag natin an gating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng
Diyos ang mga ito, at lilinisin tayo sa lahat n gating kasamaan sapagkat siyay matuwid.
Istorya ng alibughang anak Lucas 15:11-24
e.) Para sa katoliko, kailangan natin makinabang sa sakramento ng pagkakasundo tulad ng
pangngumpisal sa pari.
4. May mga partikular na ang kasalanan na dapat itakwil ito ang mabibigat na kasalanang
totoong hindi naayon sa pakikipag ugnayan sa Diyos, hindi ito tumutukoy sa mga sinasabi
lamang na maliit/walang bagay ( tulad ng ugaling magalit) Ang mabibigat na kasalanang ito
ay:
a.) Pagsapi sa di makakristyanong relihiyon.

* Kabilang dito ang mga relihiyong Freemaconry, New Age, Transcedental Meditation.
b.) Ispiritismo at Kulto
* Kabilang dito ang panghuhula, pangkukulam, paglalaro ng ispiritu ng baso at iba pa.
c.) Seksuwal na Kasalanan
* Kabilang dito ang pangangalunya, pakikipagtalik ng hindi kasal, pagsasama / pagtatalik ng
parehong lalaki at parehong babae.
d.) mabibigat na krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, pangingidnap, pagnanakaw,
katiwalian, at iba pa.
e.) walang taros na paglalasing at paggamit ng droga.
Tingnan kung alin sa mga nabanggit na mabigat na kasalanan ang ukol sa iyo, makakatulong sa
inyo na makipag usap sa facilitator ngayon linggo kung paano makaiiwas sa mga ito. Tandaan na
ang hangarin dito ay hindi masamain ang sarili sa mga nagawang kasalanan, kundi
pagpasiyahang talikdan ang mga ito.
5. Ang pagsisisi ay magiging ganap lamang matapos na lubusang talikdan ang kasamaan at
tanggapin si Jesus bilang panginoon.
a.) Ang ating buhay ay kailangang nasa pamamahala ng Diyos. Kailangang si Jesus ang
magpatakbo n gating buhay.
b.) Ang tanggapin si Jesus at hayaan siyang maging panginoon n gating buhay ay kailangan ang
pananampalataya.
C. PANANAMPALATAYA
1. Ang pananampalataya ay paniniwala sa ebanghelyo, na mabuting balita ng pagliligtas ni Jesus.
a.) Ang pananampalataya ay parehong paniniwala sa tagapagbalita, si Jesus at sa mensaheng dala
niya.
b.) Ito ay hindi lamang paniniwala n gating isipan (pansarili) na si Jesus ang tagapagligtas, kundi
panniniwala sa ating puso na siyay dumating upang maging ating pansariling tagapagligtas.
2. Ang pananampalataya ay isang pansariling Gawain at pagpapasiya. Ito ay may maraming
pananaw.
Pahayag 3:20
Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig
at bubuksan ang pinto, akoy papasok sa kanyang tahanan at magkakasalo kaming kakain.

a.) Ito ay isang tiyak na gawa, kailangan buksan ang pinto kung nais si Jesus na pumasok sa ating
buhay.
b.) Ito ay pansariling gawa, kailangan magpasiya tayo sa sarili na bksan ang pintuan, walang
ibang magpapasiya kundi tayo.
c.) Ito ay isang sinadyang gawa, hindi na kailangan tayoy maghintay sa isang mahiwagang
liwanag na magpakislap sa atin mula sa kalangitan ( tulad ng karanasan ni Pablo ) o isang
maramdaming karanasan upang lampas an tayo, alam na natin si Jesus ay dumating sa mundong
ito at namatay para sa ating mga kasalanan. Siya ngayon ay nakatayo sa labas n gating pintuan n
gating puso at kumakakatok, ang susunod na hakbang ay nasa atin.
d.) Ito ay isang madaling gawa, ang hinaharap ay walang katiyakan at ang panahon ay lumilipas.
e.) Ito ay isang mahalaga/ kailanganng gawa.
* Ito ay bahagi ng dalawang gawain pagtugon.
* Ito ay hakbang/daan na kailangan para tanggapin lahat ang mga pangako ng Diyos. Ang
pananampalataya ay nakasalalay sa lahat ng sinabi ng Diyos, halimbawa ay ang paglakad ni
Pedro sa ibabaw ng tubig.
Mateo 14:25-29
At ng madaling araw nay sumunod sa kanila si Jesus na naglakad sa ibabaw ng tubig.
Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig,
multo, sigaw nila, ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, huwag kayong matakot ,
si JESUS ito! At nagsalita si pedro, panginoon talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa
ibabaw ng tubig sumagot siya, halika, kayat lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa
ibabaw ng tibig, palapit kay Jesus.
3. Ano ang hindi pananampalataya.
a.) Ito ay hindi lamang isang damdamin.
* Kundi tinaggap natin ang salita ng Diyos sa isang katotohanan, anuman ang ating
nararamdaman
b.) Ito ay hindi mapagnasang isipan. Hindi ito batay sa mga ilusyon o sariling hangarin, kundi sa
salita ng Diyos.
c.) Ito ay hindi pagsunod na nabubulagan.
* Si Pedroy lumunsad sa ibabaw ng tubig sapagkat inanyayahan siya ni Jesus. Naniwala siya sa
sinasabi ni Jesus dahil sa nagtitiwala siya kay Jesus na di nagsisinungaling at sapagkat alam niya
na may kapangyarihan si Jesus na gawin anuman ang sabihin gawin niya.

4.) Ang Diyos ay nangako sa atin ng panibagong buhay ang pananampalataya at tumatanggap ng
ganon buhay at hahayaan ang Diyos na ipakita sa atin kung paano ipamuhay ito. Kailangan
tayoy handang gawin anuman ang nais ng Diyos sa atin at tunay na gawin ito.
D. MAGIGING BUNGA NG PAGSISISI AT PANANAMPALATAYA
1. Mga gawa 16:31
Sumasampalataya ka sa panginoong Jesus, at maliligtas ka ikaw at iyong sambayanan.
a.) Isang pangako ng kaligtasan sa kasalanan, satanas at kamatayan.
b.) Isang pangako ng kapatawaran at buhay na walang hanggan sa Diyos.
2. Lucas 11:9-10
Kaya sinasabi ko sa inyo humingi kayo ng at kayoy bibigyan, humanap kayo at kayoy
makasusumpong; kumatok kayo, at ang pintoy bubuksan para sa inyo, sapagkat tumatanggap
Ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawat
kumakatok.
a.) Isang pangako ng bagong buhay sa espiritu.
b.) Makapapanalangin tayo para sa pagpapalaya ng kapangyarihan ng banal na espiritu sa ating
buhay.
E. PAGTATAPOS
1. 2000 taong nakalipas, si Jesus ay nagbigay alam ng panawagan sa pagsisisi at
pananampalataya. Ito pa rin ang panawagan ni Jesus sa atin ngayon, tinawag tayo upang
talikuaran ang kasalanan at lahat ng mga hadlang tungo sa Diyos, at tanggapin si Jesus bilang
panginoon.
2. Habang tayoy tumutugon ng ganap, nangako ang Diyos sa atin ng kaligtasan, kapatawaran
at pagkakasundo, walang hanggang buhay, at kapangyarihan ng banal na espiritu sa ating buhay.
3. Tanggapin ang paghamon na magsisi at manampalataya kay Jesus, pagkatapos panghawakan
ang mga pangako ng Diyos at asahang maranasan ang kapayapaan at kapangyarihan ng Diyos sa
ating buhay.
PURIHIN ANG PANGINOON!

SESYON 4: ANG KRISTIYANONG MITHIIN: IBIGIN ANG DIYOS


Layunin: Maipaliwanag ang kahulugan ng una at pinakamahalagang utos, at maturuan ang
tao kung paano sila magsimulang mamuhay sa kristiyanong mithiin nito.
Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:
1.

Maipaliwanag ang kahulugan ng una at pinakamahalagang utos.

2.

Magbahagi ng halimbawa kung paano sila magsimulang isabuhay ang kristiyanong


mithiin nito.

Pinalawak na Balangkas:
A. Panimula (maaaring hindi banggitin/baguhin kung nasabi na ng TEAM LEADER.)
1. Sa unang modyul ng ating CLS, napag usapan ang ukol sa pag ibig ng diyos at plano
para sa sangkatauhan, ang kahulugan ng pagiging isang kristiyano, at ang panawagan ng
Diyos sa atin na magsisi at manampalataya sa mabuting balita.
2. Ngayon, magsisimula tayo sa ikalawang modyul, at dito magpopokus sa:
a.) Paano mamuhay ng matagumpay bilang kristiyano sa makabagong mundo.
b.) Paano magagawa ang plano ng Diyos upang maranasan ang kanyang kapangyarihan
at kapangyarihan at kapayapaan/kaluwalhatian.
B. Ang Kristiayanong Mithiin: Ibigin ang Diyos:
1. Ang mga mithiin ay mahalaga upang tayoy magpatuloy umunlad.
a.) Ito ay patnubay sa ating kaasalan at mga plano sa buhay.
Kayamanan? Katayuan/Posisyon? Katanyagan?
b.) Ang ating layunin ay nagiging mithiin ng buhay, nagpapabago ng kalooban, at
nagbibigay-direksiyon sa ating buhay.
2. Bilang Kristiyano sa mundo, ang ang dapat nating maging mithiin?
a.) Maaring ialay ang ating buhay sa paghahangad ng mabuting layunin. (Tulad ng; isang
mabuting lipunan), subalit kung pag-ibig sa Diyos ay hindi nating mithiin, itoy hindi
sapat.
b.) Nais ng Diyos na siyay ibigin, na pinakamahalagang mithiin. Kung kaya, itoy
kanyang ginawang isang kautusan na pinakapangunahin.

Marcos 12:28-30
Ito ang pinakamahalagang utos, pakinggan mo Israel! Ang Panginoon na ating
Diyos, siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong
puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.
3. Maraming tao ang nagsisikap na maipahayag ang pag-ibig sa Diyos sa ibat ibang paraan:
a.) Pagsisikap ng pagiging madasalin
b.) Pagsisikap ng pagiging mapagkawanggawa
c.) Paggawa sa pagiging banal
Ang ma gawain o paraan na ito ay hindi mali, datapwat hindi ito sapat sa pagpapahayag
ng pag-ibig sa Diyos.
C. Ano ang kahulugan ng ibigin ang Diyos nang buong puso.
1. Alamin muna natin ang pakahulugan ni Jesus sa puso.
a.) Sa makabagong panahon, ang pagkaunawa sa puso ay damdamin/emosyon.
b.) Sa bibiliya, ang kahulugan ay isang luklukan ng pang-unawa at pagpapasiya, sa
ingles, ginagamin na pag-iisip o kalooban.
Ang puso ay sagisag ng kaibuturan ng tao, kung sino siya, kasama nito ang
matalinong kaisipan at kalooban, kaagapay ng damdamin.
c.) Sa bibliya, ang pagkaunawa ay makatuwiran, sapagkat ang uri ng pag-ibig na nais ng
Diyos ay hindi nababatay sa damdamin na pabago-bago, kundi sang-ayon sa isang
pangako, isang pagpapasiya na magmahal.
2.

Ang ibigin ang Diyos nang buong puso ay maging ganap na mangako, magtiwala sa
kanya.
a.) Ito ay katulad ng ating ginawang pangako sa kasal.
b.) Ito ay pangakong unahin hanapin ang Diyos, maging matapat sa kanya, maghari ang
kanyang kalooban at kapakanan nang higit sa atin.

3. Paano natin ilalagay ang Diyos na pangunahin sa ating buhay?


a.) Nangangailangan ito ng isang pagpapasiya na sundin siya.
Juan 14:15
Kung mahal ninyo ako, isasakatuparan ninyo ang mga kautusan ko.

b.) Kailangan na mayroon isang pansariling ugnayan sa kanya.


Isang ugnayan na masigla at buhay, hindi naayon sa batas.
Isang sariling karanasang nagmula sa ugnayan bilang kanyang mga anak.
c.) Kailangan na maglaan ng panahon sa kanya. Sa pananalangin, sa pagbabasa ng
bibliya.
D. Ano ang kahulugan ng ibigin ang Diyos nang buo mong pag-iisip?
1. Nang lalangin tayo ng Diyos, binigyan niya tayo ng pag-iisip. Ginawa niya ito upang
maunawaan natin kung paano siy iibigin at paglilingkuran.
a.) Ang mabuting kaisipan ay di-nangangahulugan ng matalinong kaisipan.
b.) Ang tanong ay hindi sa kung gaano kagaling paunlarin ang ating kaisipan, kundi
paano matutupad ang tunay na mithiin ang ibigin ang Diyos.
2. Ang ibigin ang Diyos nang buo mong pag-iisip ay maglingkod sa kanya ng paglaan ng
ating sarili sa ikatutupad ng kanyang layunin.
3. Sa paggamit ng ating kaisipan ay magkaroon ng di-kapani-paniwalang pangyayari sa
lipunan.
a.) Magagamit ito sa kaunlaran ng mundo (tulad ng; siyensiya, neurosurgery)
b.) O itoy maging kasangkapan para sa distraksiyon (tulad ng; nuclear bomb, biological
warfare).
4. Paano tayo iibig at maglilingkod sa Diyos nang boung pag-iisip?
a.) Panatilihin na ang kaisipan ay malinis at banal
Malaya sa lahat ng masamang pag-iisip. Mateo 5:28
Malaya sa pagsasalita ng di-mabuti sa kapwa. Mateo 7:15
Inaalis ang paghihinala na hahantong sa di-mabuting ugnayan.
b.) Gamitin ang kaisipan ayon sa mga patotoo ng Diyos, at di-sang-ayon sa mga
kalakaran ng mundo.
Ang paraan ng pag-iisip at paggawa ay nagpapakita ng katotohanan na hindi
lamang tayo pansamantalang nabubuhay sa mundong ito kundi para sa
kaluwalhatian ng kaharian ng Diyos.
Ang ating mga pagpapasiya at pagpili ay kailangang may patnubay ng mga
salita ng Diyos sa bibliya.

Panatilihing ang ating isipan ay malaya sa mga alalahanin, sapagkat ang Diyos
ay nangako na tayoy bibigyan at pangangalagaan.
c.) Hayaan ang ating pag-iisip ay abala sa mga bagay tungkol sa Diyos.
Paano ka magiging banal, hindi lamang paano ka uunlad sa maryal na bagay.
Paano ka magbibigay-lugod sa Diyos at hindi paano ka malulugod sa mga
papuri ng tao.
d.) Pangalagaan at panatiling maingat ang kaisipan sa mga masamang impluwnsiya para
gamitin ka Diyos sa kanyang mga layunin/hangarin.
Maging maunawain/maingat sa paggamit ng TV at ibang media, na
maglalantad ng ating isipan sa mga bagay na di ayon sa ating buhay
kristiyano.
Punuin ang ating isipan ng mga kabutihan ng Diyos. Basahin ang bibliya,
mga aklat pang kristiyano at ibang panitikan na makatutulong sanayin ang
ating kristiyanong kaisipan.
e.) Gamitin ang ating isipan ng may kasiglahan para sa hangarin ng Diyos.
Sa ating hanapbuhay, pamilya, kasamahan sa komunidad, at iba pa.
Sa maka-kristiyanong paglilingkod.
E. Ano ang kahulugan ng ibigin ang Diyos nang buo mong lakas?
1. Itoy nangangahulugan ng ibigin ang Diyos ang lahat mong kayaman-panahon/oras,
salapi, lakas, pag-aari, kaloob, kakayahan.
a.) Tayoy nilikha ng Diyos. Pag-aari niya tayong lahat, ang tinatawag nating atin ay
hindi totoong sa atin kundi sa kanya.
b.) Tayoy hindi dapat magtakda ng limitasyon sa pagbibigay.
2. Ano ang konkreto/tunay na paraang ibigin ang Diyos sa pamamagitan ng ating
kayamanan/kakayahan?
a.) Salapi
Magkaroon ng mabuting saloobin ukol sa salapi
-

Ang Diyos ay may gusto sa sa ating salapi, hindi dahils sa kailangan niya
ito, kundi para malaman ang kalooban ng ating puso. Mateo 6:12

Tayoy mga tagapamahala, hindi nagmamay-ari nito.

Tayoy may tungkulin na pamahalaan at gamitin mabuti ang mga kayaman


ibinigay sa atin.

Tayoy kailangang gumawa ayon sa kalooban/kapakanan ng Diyos.

Konkretong/tiyak na hakbang na gagawin:


-

Pagbibigay ng ikasampung bahagi, Malakias 3:7-10

Pagbabahagi ng kayamanan

Panlilimos

b.) Panahon/Oras
Magkaroon ng mabuting saloobin.
-

Hindi natin pag-aari ang panahon/oras, tayoy tagapamahala lamang nito.

Tayoy kailangan na maging bukas-palad sa ating panahon/oras, gamitin


ito di-lamang sa sarili, kundi para sa iba.

Konkreto/tiyak na gagawin:
-

Hilingin ang patnubay ng Diyos kung paano gagamitin ang panahon/oras.


Pagisipan kung ano ang gagawin sa libreng oras, panunood ng sine,
pagbabasa ng nobela, pagtulog?

Ang mga gawaing itoy hindi mali,

subalit ang panahon/oras ay mas mabuting gamitin (sa pagbabasa ng


bibliya, pagbabasa ng mga aklat kristiyano).
-

Magkusang gumawa ng kristiyanong paglilingkod

F. Ibigin ang Diyos nang buo mong kaluluwa.


1. Tayoy kailangan ibigin ang Diyos nang buo natin pagkatao-emosyonal, espirituwal,
mental, pisikal. Ang pag ibig ng Diyos ay kailangan ganap sa buong pagkatao.
2. Tayoy nilalang ng Diyos, tinawag para maging banal, hinangad niya na mag-ukol ng
kabilang buhay na kasama siya. Habang nabubuhay sa mundong ito, tayoy kailangan
ibigin ang Diyos nang buo mong kaluluwa.
G. Ang ibigin ang Diyos ay pinakamataas na mithiin. Si Jesus ang nagpakita ng daan sa
atin, si Jesus ang ating modelo na ibigin ang Diyos.
1. Siya ay nagtalaga para magawa ang kanyang misyon. Juan 4:34
2. Siya ay sumunod hanggang kamatayan. Lucas 22:42
3. Siya ay palaging humuhingi ng kalooban ng Diyos. Marcos 1:35. Mateo 14:23

H. Pagtatapos
1. Ang ibigin ang Diyos ay hindi isang tiyak at di-magagawa kung ating iisipin, manapay
nangangailangan ito ng tiyak, tunay na gawain; mga pagpapasiya at mga pangako.
2. Subalit hindi ito magagawa lamang sa pagpapasiyang gawin ito, magiging
makatotohanan ang ibigin ang Diyos, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na
espiritu.
PURIHIN ANG PANGINOON!

SEKSYON 5: IBIGIN ANG IYONG KAPWA


Layunin: Maipaliwanag ang kahulugan ng kristiyanong pag-ibig at matulungan ang tao na
gamitin ang kristiyanong pag-ibig sa kanilang buhay.
Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:
1. Paliwanag sa kahulugan ng kristiyanong pag-ibig.
2. Pagsasabi ng kanilang matibay na paniniwalang magawa ang kristiyanong pag-ibig sa sa
mga taong nakapaligid sa kanila.
Pinahabang na Balangkas:
A. Panimula
1. Noong nakaraaang Linggo, napag-alaman natin ang una at pinakamahalagang uto,
ngayon, alamin nating ang pangalawa:
Marcos 12:31
Ito naman ang pangalawa, ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.
2. Ang ibigin ang iyong kapwa, kasama ang ibigin ang Diyos, ay bumubuo ng buod ng
buhay kristiyano, pinagsama-sama ni Jesus ang lahat ng kautusan sa dalawang
pinakamahalagang utos na ito.
3. Ang dalawa ay palaging magkasama.
1 Juan 4:20-21
Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos, at napopoot naman sa kanyang kapatid
ay sinungaling. Kung yaong kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya maibig, paano
niya maiibig ang Diyos na hindi nakikita? Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang
umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.
Kaya ito ang maliwanag: walang pag-ibig sa kapwa, walang kristiyanidad.
B. Ano ang hindi kristiyanong pag-ibig.
1. Ang pag-ibig ay di-lamang pagkakaroon ng tunay na damdamin.
a.) Ang pag-ibig ay kalimitan ay nakatuon sa mga damdamin seksuwal, sariling pagsinta,
kasiglahan.

b.) Datapwat ang damdamin ay nagbabago, kaya hindi maaring maging nag-iisang
batayan ng pag-ibig.
c.) Ang mga damdamin ay sumusunod sa tunay na pag-big, subalit ang pag-ibig ay hindi
katumbas ng mga damdamin.
2. Ang pag-ibig ay hindi laging nagsasabi ng OO.
a.) Ang maglingkod sa kapwa o unahin sila ay di-nangangahulugan ayaw mo naman.
b.) Tayo ay may maling pagkaunawa sa isang taong umiibig na isang mabuting tao na
nagsisikap mabigyan-kasiyahan ang bawat isa.
3. Ang Pag-ibig ay hindi nagsasanggalang.
a.) Ang Pag-ibig ay isang mapanganib na gawain. Ano kung may nagkanulo sa iyo?
Ano kung ang minamahal mo sa buhay ay namatay? Ang pag-ibig ay para bang
inilalagay ang tao para masaktan.
Kaya ang maingat na pag-ibig ay nagsisikap na ipagtanggol ang sarili sa
kapinsalaan. Pag-iwas sa kasakitan, kahirapan at pagsubok ay naging isang
kondisyong nakakabit sa pag-ibig.
b.) Ang kristiyanong pag-ibig ay hindi garantiya ng walang kasakitan. Subalit ang sakit
ay napagtitiisan sa pamamagitan ng pangako at ang pinsala ay natanggap sa
pagpapatawad, pagtimpi, at iba pa.
4. Ang Pag-ibig ay hindi makasali
a.) Ang pokus ng pag-ibig ay hindi ang ating sarili kundi ang ating kapwa. Sa kautubong
ugali, ang kristiyanong pag-ibig ay handa sa sariling pagpapakasakit.
b.) Ating pinahahalagahan na unahin muna ang iba ay maaring maging kaabalahan sa
atin o kahirapan.
5. Ang Pagi-big ay hindi nangiimpluwensiya.
a.) Nangiimpluwensiya ka habang nag-aalay ng pag-ibig bilang isang gantipala o
kinalilimutan ang pag-ibig bilang kaparusahan.
b.) Sapagkat ang pag-ibig ay napaka-makapangyarihan, ang tao ay natuksong gamitin ito
sa ganitong paraan, subalit ito ay isang may pasubaling uri ng pag-ibig.
C. Ano ang tunay na kristiyanong pag-ibig? Ano ang pakahulugan ng Diyos sa pag-ibig?
1. Ang kasagutan ay sa Juan 15.

a.) Si Jesus ay nagwika ng pag-ibig na may kaugnayan sa pananatili ng mga kautusan ng


Diyos. Juan 15:9-10
Wala nang ibang kristiyanong pag-ibig bukod sa pagkatuwiran. Ang pag-ibig
ay hindi kaugma ng paggawa ng kasalanan.
Sa karanasan ng mundo ay makikita na ang pag-ibig na hiwalay sa Diyos ay
naging hantungan ng pagkakasala (Hal. Pakikipagtalik sa hindi asawa).
b.) Si Jesus ay tiyakan nagsabi kung paano iibigin ang isat isa. Juan 15:12.
Hindi tayo malayang baguhin ang direksiyon ni Jesus.
c.) Paano umibig si Jesus? Juan 15:13. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit sa sarali.
Hindi lamang paglalaan ng ating panahon/oras, pagbabahagi ng ating
kaalaman, pananalangin sa iba, at iba pa, kundi ang kusang-loob na mamatay
para sa iba.
2. Datapwat marami ay hindi tinawag na mag-alay ng buhay para sa iba. Kung gayon,
paano maisasalin ang pag-ibig sa araw-araw ng gawain?
a.) Ang kasagutan ay nasa Juan 13:1-5 (ang paghuhugas ng paa ng mga alagad ni Jesus).
Ang ginawa ni Jesus ay hindi pangkaraniwan, dahil sa ito ay gawain ng isang
alipin, kung kaya tumutol si Pedro.
b.) Kaya ang pagkamatay sa krus ay hindi lamang isang halimbawang ginagawa ni Jesus,
pinatutunayan niya na kristianong pag-ibig ay isang paglilingkod.
c.) Nang matapos hugasan ang paa ng mga alagad, sinabi niya sa kanila na gawin din ang
kanyang ginawa. Juan 13:14-15.
Pagkatapos, inutusan niya na mag-ibigan ang isat isa batay sa kanyang
halimbawa. Juan 13:34.
d.) Ang kristiyanong pag-ibig, kung gayon ay ipinangangakong paglilingkod, Galacia
5:13b-14.
3. Sino ang inyong kapwa? Mapipili mo ba kung sino ang iibigin?
a.) Ang sagot ay nasa talinhaga ng mabuting samaritano, lucas 10:19b-37.
Kinamumuhian ng mga Judio ang mga samaritano, na nag-aasawa sa mga
hentil. Kaya itoy isang di-pangkaraniwan sa samaritanong ito na tulungan
ang Judio na pinagnakawan at pinahirapan.
b.) Ang pahiwatig sa atin: lahat ng tao na nangangailangan ng tulong ay ating kapwa.

D. Paano tayo iibig sa pang araw-araw na buhay?


Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o
nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o
mapagtamin sa kapwa, hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak
ang katotohanan, ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala puno ng pag-asa ay
nagtitiyaga hanggang wakas.
a.) Matiyaga hindi kaagad nagagalit, nagbibigay ng paraan sa pagkukulang ng iba.
b.) Magandang-loob walang saloobin ng pamumula, ang postura at pananalita ay
nagbibigay-sigla at nagpapalakas ng loob.
c.) Hindi nananaghili hindi nag-iimbot sa pag-aari ng iba o naiinggit sa iba na
nagkaroon ng mga bagay na wala siya.
d.) Hindi nagmamapuri o nagmamataas mababang-loob, hindi nag-iisip ng pansariling
kahalagahan, mas kinikilala ang sariling pagkukulang kaysa kabutihan.
e.) Hindi magaspang ang ugali nag-uukol ng hangal at paggalang sa isat isa.
f.) Hindi makasarili hindi tinitingnan ang natamong karangalankundi sa iyong
katungkulan.
g.) Hindi magagalitin may kakayahang magpigil ng emosyon at damdamin.
h.) Hindi mapagtanim sa kapwa hindi naghihinanakit o nagagalit
i.) Hindi ikinatutuwa ang gawaing masama laging naghahanap ng kabutihan ng iba,
maging itoy kaaway?
j.) Ikinagagalak ang katotohanan nagsasabi ng totoo sa isat isa.
k.) Mapagbata kayang tiisin ang panglalait, pasakit, kabiguan nang hindi humahadlang;
mayroong pagtitimpi sa sarili.
l.) Mapagtiwala naniniwala sa kagalingan ng ibang tao.
m.) Puno ng pag-asa may mabuting saloobin sa buhay at mga suliranin; nananatiling
masaya at mapayapa sa anumang pangyayari.
n.) Nagtitiyaga kayang tiisin ang mga bagay, hindi tumututol subalit may katatagan ang
loob.
E. Pagtatapos
1. Ang kristiyanong pag-ibig ay isang kautusan, at itoy mahalaga sa kristiyanidad.
a.) Nakikita natin kung ano hindi karapat-dapat (sabihin)

b.) Nakita natin kung ano ang karapat-dapat (sabihin)


c.) Nabigyan-pansuri din natin ang mga katangian ng mga pag-ibig.
2. Kung dumating sa inyo ang pagpapasiya na ang kristiyang pag-ibig ay mahirap o
imposible, kayoy tama.
a.) Sa mga ibinigay na katangian ng pag-ibig at pati ang ating makataong limitasyon, sa
ating kakayahan lamang ay hindi magtatagumpay. Itoy magagawa sa tulong ng
Diyos.
b.) Subalit si Jesus ang nag-utos sa atin na umibig at nagbigay rin sa atin ng
kapangyarihang umibig. Upang magawa nating umibig, ginawa tayo ng Diyos na
templo ng banal na espiritu.
Roma 5:5
Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay
ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espritu Santo na ipinagkaloob na sa
atin.

PURIHIN ANG PANGINOON!

SESYON 6: ANG BUHAY SA BANAL NA ESPIRITU.


Layunin:

Pakilusin ang inaasahang pananampalataya at ang masidhing hangarin para sa


mabuting gawain ng Diyos sa buhay ng tao, sa pamamagitan ng banal na espiritu.

Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:


1. Maipahayag ang pagkaunawa sa siyam (9) na kaloob ng banal na espiritu.
2. Masabi ang kanilang mithiin para sa mabuting gawain ng Diyos sa kanilang buhay sa
pamamagitan ng banal na espiritu.
Pinalawak na Balangkas:
A. Panimula
1. Ang ating paksa, ang buhay sa banal na Espiritu ay napakahalaga sapagkat ito ang uring
buhay na nais ng Diyos para sa atin.
a.) Ang buhay na ito sa Espirutu ay normal sa mga Kristiyano noong una. Naranasan
nila nang ganap ang pagkilos ng banal ng espiritu.
Sa aklat ng mga gawa, nakita nating gumanap ang banal na Espiritu sa kanila,
gumabay, nagwika at nagbigay ng mga kaloob.
b.) Kailangang malinawan pa ang banal na espiritu ay di-lamang isang doktrina, kundi
isang tao na totoong nagpabuti ng ating buhay.
Bagamat alam nating ang tungkol sa ama at sa anak, marami ay di-alam ang
tungkulin ng banal na Espiritu.
Ang kabutihan ng Espiritu ay binigyan-diin ni Jesus.
Juan 16:7
Ngunit dapat rin yong malaman ang katotohanan: ang pagalis koy sa
ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang patnubay kung hindi ako
aalis. Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo.
2. Ang Kristiyanidad ngayon ay makikitang mahina, kulang sa lakas at bisa.
a.) Subalit hindi naman malimit na walang kabuhay-buhay ang mga Kristiyano. Ang
mga Kristiyano noong una, ay matatag, masigasig at mapang-akit.

Nagsimula sila sa isang maliit na secta, hanggang sa masakop ang romano


emperyo.
b.) Ang kalakasang iyon ay ginagamit din natin ngayon, iyon ay ang lakas ng banal na
Espiritu.
3. Ano ang mga dapat mangyari? Dapat malinawagan natin

na ang tunay na buhay

Kristiyano ay di-lamang lakas ng kalooban ng tao, kundi isang bagong puso, isang
bagong buhay mula sa Diyos.
a.) Hindi nating magagawa ito sa sariling kakayahan ang banal na Espiritu ang
nagkaloob na maranasan ang Diyos, isang buhay na ugnayan sa kanya, at ang ginawa
niya sa ating buhay.
b.) Sa banal na Espiritu, natamasa natin;
Pakikiisa sa Diyos. Efeso 2:18
-

Isang bagong relasyon sa Diyos bilang ama, nataimtim at pansarili.

Isang bagong nilalang. 2 Corinto 5:17


-

Tayoy mayroon ng lakas Espiritwal para ipamuhay ang buhay Kristiyano.

Lakas para maglingkod bilang mga saksi ni Jesus. Gawa 1:8.


4. Nais ng Diyos na lahat ng taoy magkamit nitong bagong buhay, ang bagong buhay na ito
sa banal na Espiritu ay maaari sa lahat na tumalikod sa kasalanan at tinanggap si Jesus
bilang Tapagpagligtas at Panginoon.
B. Pagtanggap sa Banal na Espiritu (Ano ang ibig sabihin nito).
1. Ang karanasan ng mga unang disipulo.
a.) Ipinangako ni Jesus ang banal na Espiritu.
Lucas 24:49
Tandaan ninyo: Susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking ama, kayat huwag
kayong aalis sa Lungsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan
mula sa itaas.
b.) Ang mga disipulo ay sumunod sa sinabi sa kanila ni Jesus, silay tumigil sa Jerusalem
at naghintay.
c.) Ang araw ng pentecostes (araw ng mga Judio), mga gawa :2
Talata 1-4

Nang sumapit ang araw ng pentecostes, nagkatipon silang lahat sa isang


lugar, at biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animoy hagunot na
malakas na hangin at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May
nakita silang wariy mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila at
silang lahat ay napuspos ng Espiritu.
-

Isang kagulat-gulat na pangyayari, isang ugong tulad ng isang malakas na


hangin, mga dilang apoy, nagsalita sa ibang wika ang mga tao.

Talata 5-13
-

Ang nangyari ay gumawa ng isang malaking kaguluhan.

Talata 14-21
-

Ipinaliwanag ni Pedro na ang mga tao ay hindi laging manapay totoo ang
sinabi ni Propeta Joel sa lumang tipan.

Talata 22-36
-

Ipahayag ni Pedro ang mabuting Balita.

Talata 37-39
-

Sinabi ni Pedro sa kanila ang pagtugon na dapat gawin.

Talata 40-41
-

Ang mga disipulo ay nagbagong-anyo mula sa pagkamatakuting tao sa


pagiging matapang, malakas ang loob, tatlong libo (3,000) tao ang
nagpabautismo!

Talata 42-47
-

Ang banal na espiritu ay lumikha ng matinding pag-iibigan at pagkakaisa


sa lahat ng bagong kristiyano, ang sambayanan ay isinilang.

d.) Ang iba ay tumanggap din ng banal na espiritu.


Gawa 8:14-17 (Samaritano)
Gawa 10:44-46 (Hentil)
Gawa 19:6 (Efeso)
Ang lahat na tumanggap ng banal na Espiritu ay kinilala ang Diyos ng
higit sa ganang sarili at nagtamo ng mga karanasan.
2. Ano ang kahulugan ng pagtanggap sa banal na Espiritu (o pagkabautismo sa Espiritu)
para sa atin, ngayon?

a.) Ating mararanasan ang dating lakas at kaloob ng Espiritu na ginawa ng mga
Kristiyano noong una.
Dating ugnayan kay Jesus
Dating pagbabagong-lakas
Dating mataimtim na panalangin at pagpupuri
Dating lakas sa pagpapahayag ng mabuting balita
b.) Ating matatanggap ang dating mga Espritwal na kaloob, 1 Corinto 12:1,4-11.
c.) Isang paalaala tungkol sa kaloob ng pagsasalita sa ibang wika.
Ang pagsasalita sa ibang wika ay isang karaniwang karanasan sa bautismo ng
Espiritu, katulad ng sa mga gawa.
Ito ay isang kaloob mula sa Diyos kaya itoy mahalaga.
Di-tulad ng ibang ispiritwal ang pagsasalita sa ibang wika ay kaagad nakikita.
Ang pagsasalita sa ibang wika ay may mabuting bunga sa isang buhay
Espiritwal lalo na sa panalangin at pagpupuri. 1 Corinto 14:2,14
Ito ang unang hakbang na mahalaga, at kalimitan ay nagiging daan patungo sa
isang buhay na puspos ng Espiritu.
3. Paano natin matatanggap ang Bautismo ng Espiritu?
a.) Ipinangako ng Diyos sa atin ang banal na Espiritu. Lucas 11:9-13
b.) Kaya maniwala tayo sa Diyos sa kanyang pangako, hilingin natin sa ama na lukubin
tayo ng banal na Espiritu.
Tayoy makaaasa na matatanggap ang Espiritu sapagkat sinabi niya ito.
Kailangan lamang na tayo humiling nang may pananampalataya.
4. Ano ang kahulugan ng mabautismuhan sa Espiritu, para sa atin.
a.) Para sa mga Kristiyano, itoy hindi unang pag-tanggap ng banal na Espiritu
natatanggap na natin ang Espiritu ng tayoy binyagan at kumpilan.
b.) Kundi, kung ano ang naranasan ay isang puspos na pagpapala ng kapangyarihan ng
banal na Espiritu sa ating buhay.
c.) Magbigay ng isang maikling pagpapatunay o karanasan.
Nang makilala ang Diyos ng higit sa ganang sarili.
Panalangin sa ibang paraan (higit na nakasentro sa Diyos, higit ang pasalamat
at papuri kaysa paghiling, at higit sa pakikinig).

Ang bibiliya ang nagbigay-buhay.


Mabuting relasyon (sa asawa, mga anak, sa kapwa).
Isang bagong kagalakan sa kabila ng mga problema.
Mas lalong higit; ang kapayapaan, mga panalanging nasagutan, paggabay at
iba pa.
5. Mga balakid sa pagtanggap ng mga kaloob ng Diyos.
a.) Ugaling di-nagsisisi. Ayaw tanggapin ang kasalanan na isang kasalanan.
b.) Pakiramdam na di-karapatdapat.
c.) Takot sa kung anong iisipin ng iba, na magmukhang loko, na malampasan ng iba.
d.) Pagdududa.
e.) Kapalaluan, ugaling di-kailangan ang mga kaloob ng Diyos.
f.) Pagiging mapili sa kung ano ang mga kaloob na gusto.
C. Ano ang gagawin sa sesyon ng panalangin sa susunod ng Linggo?
1. Wala ng iba, tayoy mananalangin, magkakaroon tayo ng sama-samang panalangin, at
pagkatapos ipananalangin ng namumuno sa grupo ang bawat isa.
2. Ang panalangin ay sisimulan sa kasunduan kay Cristo, maging handa sa panalangin sa
susunod na Linggo. Bigyan ng panahon na basahin ito at pag-aralan ang mga sinasabi
para maipanalangin ito nang may katapatan.
3. Ang bawat isa sa grupo ay kailangan makipagkita sa namumuno, bago sumapit ang
susunod na linggo ng sesyong pananalangin. Ito ang pagkakataon na maliwanagan ang
mga tanong at tanggaping mas malinaw sa bautismo ng banal ng Espiritu.
4. Mangumpisal.
D. Pagtatapos
1. Isang mahalagang paalala: dahilan sa mabuti ang ginawa ninyong pagtugon sa Diyos
(natapos na ninyo ang 2/3 ng CLS na ito), ginagawa ninyo malungkot si Satanas.
Nawalan na siya ng paghawak sa inyo, subalit hindi siya titigil.
a.) Kaya, mag-iingat sa mga tukso ngayon Linggo, o sa mga di-makatuwirang
pagaalaala o sa mga pangyayaring kakaiba na maaring gawin ni Satanas para hindi
kayo makadalo sa susunod na Linggo.
b.) Hindi kayo dapat matakot, tawagin lamang ang pangalan ni Jesus upang
mapaglabanan si Satanas at ang kanyang mga gagawin.

2. Magkaroon ng panahon na repasuhin ang inyong mga intensiyon at mga inaasahan sa


CLS na ito. Ano ang iyong hinahanap? Ang iniaalok ba ng Diyos sa iyo ay malinaw?
Paano ka tutugon?
3. Ang Diyos ay nag-aalok sa inyo ng isang bagong buhay.
a.) Ang bagong buhay na ito sa Espiritu ay ang karaniwang buhay Kristiyano. Hangarin
ng Diyos ito para sa lahat.
b.) Maging bukas sa bagong buhay na ito sa Espiritu, mas mabuting hangarin ito. At
magkaroon ng pananampalataya na itoy matanggap mo, sapagkat ipinangako ito ng
diyos.
PURIHIN ANG PANGINOON!

SEKSYON 7: PAGTANGGAP SA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU


Layunin: Pangunahan ang tao na tanggapin ang bautismo ng banal na Espiritu at ang kaloob ng
pagsasalita sa ibang wika.
Partikular na Layunin: Sa katapusan ng sesyon, ang mga kalahok ay makagagawa ng:
1. Patuloy na maging bukas sa pagtanggap ng kapangyarihan ng banal na Espiritu.
2. Pagpupuri sa pamamagitan ng Espiritu.
3. Pagkilala sa kahalagahan ng kaloob ng pagsasalita sa ibang wika.
Pinalawak na Balangkas:
A. Ano ang sinasabi sa bibliya ukol sa banal na Espiritu?
1. Maraming tao noong panahon ni propeta Ezekiel ay nalulong sa kasalanan at walang
sigla ang buhay espiritwal, tulad ng maraming Kristiyano ngayon. Ito ang sinabi ng
Diyos sa kanila:
a.) Ezekiel 26:36. Ang Pangako ng Diyos ukol sa banal na Espiritu.
Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong Espiritu ang masuwayin ninyong
puso ay gagawin kong masunurin.
b.) Ezekiel 26:37
Binigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga
tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.
Nangako ang Diyos ng pagtulong at ng kapangyarihan makagawa kung ano
ang tama, ang banal na Espiritu ang nagbigay sa atin ng kapangyarihan.
2. Ang banal na Espiritu na ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ni Ezekiel, ibinigay ni
Jesus sa kanyang Disipulo. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, magtatamasa tayo:
a.) Isang bagong pagkatao, kapangyarihang Espiritwal (Gawaing Panloob) Galacia 5:1623. Kalikasan ng tao.
b.) Kapangyarihan na maglingkod, gawa 1:8 (Gawaing Panlabas)
3. Nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay magkaroon nitong bagong buhay. Ipinadala ng
Diyos ang kanyang anak sa mundo upang mabigyan tayo ng pinagmumulan ng bagong
buhay, ang banal na Espiritu.

B. Panimulang paliwanag bago sa panalangin para sa bautismo ng banal na Espiritu.


1. Tayoy narito upang angkinin ang pangako ng Diyos ukol sa banal na Espiritu, Lucas
11:9-13. Ang turo ni Jesus tungkol sa panalangin (basahin).
2. Anong mangyayari sa sesyon ng panalangin (patakaran/pamamaraan)
a.) Pangako kay Cristo.
b.) Paano ipananalangin ang mga kalahok.
3.

Mga mahalagang puntos:


a.) Ito ay hindi ikalawang pagbibinyag (para sa katoliko), kundi isang pagbibigay-laya sa
kapangyarihan ng banal ng Espiritu.
b.) Si Jesus ang magbibinyag sa pamamagitan ng banal na Espiritu.
Ipapatong ang aming kamay sa inyo at ipinanalangin kayo, pero ito ay
pamamagitan sa inyo at sa Diyos. Kami ay mga instrumento lamang. Kaya,
hilingin ninyo sa Diyos kung ano ang kanyang ipinangako at asahan ito ay
mangyayari.
c.) Kakaibang bagay ang mangyayari sa ibat ibang tao.
Huwag hilingin ang isang karaniwang uri ng karanasan.
Bumaling lamang sa Diyos at tanggapin ang bagong buhay sa banal na
Espiritu mula sa kanya.

C. Pagtanggap sa mga kaloob ng Diyos.


1. Alam ninyo ang inyong pangangailangan, hilingin ito.
a.) Higit na lakas ng loob na isagawa ang buhay kristiyano, lakas na labanan ang tukso,
maraming kaalaman ukol sa Diyos, at iba pa.
b.) Gayundin, ang Diyos ay nag-aalay ng ibat ibang kaloob. 1 Corinto 12:4-11.
Maging bukas sa kung anuman ang nais ibigay sa inyong Diyos.
2. Mga mahalagang saloobin dapat gawin.
a.) Huwag mabalisa, mas higit na relaks ka, mas madaling matatanggap ang kaloob ng
Diyos. Mahirap ilagay ang isang bagay sa nakaikom na kamay kaysa sa isang relaks
at bukas na kamay.
b.) Huwag matakot, ang Diyos ay sa ating piling, at lubos niya tayong minamahal. Nais
niyang maranasan ninyo ang kanyang pagmamahal sa isang bagong paraan. Huwag
mabahala ukol sa kung paano ka kikilos habang tumutugon sa paglukob ng Espiritu.

Huwag iisipin na ikaw ay magmumukhang loko kung simula mong papurihan


ang Diyos sa bagong paraan, sa pagtataas ng mga kamay o sa pagbabalita ng
ibang wika.
Hindi namin kayo tatawanan. Kami ay malulugod at magiging masigla sa
inyo minamahal namin kayo.
3. Pagtanggap sa kaloob na pagsasalita sa isang wika.
a.) Ang pagsasalita sa ibang wika ay isang kaloob ng pagpupuri, ito ay isa sa mga kaloob
ng Diyos. Kung kaya ito ay mahalaga. Nais ng Diyos na magkaroon tayo ng kaloob
na ito.
b.) Pagsunod sa Kaloob.
Matapos na kayoy na humiling na mabautismuhan sa banal na Espiritu (at
ang nananalangin sa iyo na hilingin ito), hilingin ang pagsasalita sa ibang
wika.
Sumunod sa patnubay at paglukob ng Espiritu.
Magsimula lamang sa pagpuri sa Diyos sa iyong sariling salita.

Tapos,

magsalita sa ibang wika. Kung kailangan simulang magwika ng mga walang


kahulugan tinig (tulad ng la-la-la). Ang banal na Espiritu ang magbubuo ng
mga tinig ito para magsalita ng ibang wika. (Paghahambing: mas madaling
ibaling ang manibela ng isang sasakyan habang itoy tumatakbo kaysa
nakatigil.
Huwag susuriin ang mga tinig o nakapokus sa karanasan, ipokus lamang ang
sarili sa Diyos sa Diyos at alayan siya ng iyong pagsasalita bilang isang
panalangin ng pagpupuri.
Iwasan ang pagnanasang isipin na ikaw lamang at hindi ang banal na Espiritu
Santo na g bumuo ng mga tinig.
c.) Kaya sa pagbubuo: Unahin muna sa lahat ang hanggang hangaring nagsasalita sa
ibang wika, dahil sa ito ay isang kaloob mula sa Diyos; pagkatapos. Hingin ito nang
may pananampalataya; at makipagtulungan sa Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng
pagbubukas ng inyong bibig at pagwiwika.
4. Matapos na kayoy naipanalangin bumalik sa iyong upuan, magkakaroon ng huling
pananalita at sabay-sabay tayo magtatapos.

a.) Habang naghihintay, magpatuloy ng taos sa pusong panalangin. Ipagdasal din ang
mga kapatid na kasama dito.
b.) Nais nating manatili ang katahimikan habang nanalangin at may pagpapakundangan,
huwag gagawa ng bagay na makaaabala sa mga ipinanalangin.
5.

Katapusang Salita:
a.) Nais ng Diyos na magkaroon ka ng kanyang kaloob sapagkat minamahal ka niya at
nais mamuhay sa iyo sa pamamagitan ng banal na Espiritu, mithiin ang mga kaloob
ng Diyos!

D. Ang Sesyon ng Panalangin


1. Ipaliwanag ang alituntunin ng madali.
2. Umawit ng isang kata (Create in me)
3. Gawin ang panalangin ng pangako kay Cristo.
4. Panalangin para sa bautismo ng Espiritu.
5. Matapos lahat ay maipanalangin, magdaos ng isang maikling oras ng pagpupuri (kasama
ang pag-awit sa pagsasalita ng ibang wika).
E. Panghuling tagubilin
1. Ibat ibang tao may ibat ibang karanasan
a.) Ang damdamin ay hindi mahalagang bagay, manapay humanap ng bagong paraan
na ang Diyos ay makagawa sa iyo at tumugon dito (tulad ng, isang bagong hangarin
para sa panalangin, para sa bibliya, at iba pa).
b.) Kung hindi ka nagsalita ng ibang wika, huwag malungkot ukol dito, huwag mong
ihambing ang pagka bautismo sa Espiritu sa pagkakaroon ng nagsasalita sa ibang
wika.
c.) Magpatuloy na maging bukas ang sarili sa Diyos na bumuo ng inyong pagpuri ng
pagsasalita sa ibang wika.
2. Maging handa na tutuksuhin ka ni Satanas upang magduda.
a.) Hangad ni Satanas na makuha sa bawat isa ang mga kaloob ng Diyos. Para sa kanya
ang susunod na mabuting bagay para hindi makamit ito hadlangan kayo na gamitin
ito.
b.) Huwag hayaan ang mga damdamin ng pagdududa ay guluhin ka, tandaan lamang ang
katotohanan na ipinangako ito ng Diyos at hiniling ninyo ito.

3. Huwag asahang lahat ng problema ay mawawala lahat kaagad, bagamat marami maaring
maganap ang banal na Espiritu au gagawa ng malaking pagbabago sa inyo at makikita
ninyo ito, subalit hindi lahat ay magbabago, maraming bagay ang nangyayari sa
sandaling panahon upang magawa ito. Sa ngayon, may bagong kapangyarihan na kayong
magagamit sa pagsasakatuparan nito.
4. Maging tapat sa regular na oras ng araw-araw na panalangin, gamitin ang isang bahagi ng
inyong panalangin sa pagpupuri at pasalamat sa sariling salita. Manalangin sa pagsasalita
ng ibang wika araw-araw.
5. Ang nangyari ngayon ay simula pa lamang

PURIHIN ANG PANGINOON!

SESYON 8: PAG-UNLAD SA ESPIRITU


LAYUNIN: Maituro ang mailalagang kasangkapan sa pag-unlad at kaganapan sa gulang bilang
Kristiyano.
Partikular na Layunin: Sa katapusan ang mga kalahok ay makagagawa ng:

1. Pang-unawa na sa kabila ng pagtanggap sa kapangyarihan ng banal na espiritu,


nangangailangang umunlad dito.
2. Pasalamatan ang bawat isa sa mga kasangkapan ipinagkaloob ng Diyos para sa pag-unlad at
simulang gamitin ang mga ito.
Pinalawak na Balangkas
A. Panimula
1. Ang bautisimo sa espiritu ay umpisa pa lamang, ngayon kailangan tayong umunlad sa bagong
buhay na ito sa pamamagitan ng espiritu.
2. Upang umunlad kailangan nating gamitin ang mga mahalagang paraan ng pag-unlad na
ipinagkaloob ng Diyos sa atin, ang mga ito ay; panalangin, pag-aaral, pag-lilingkog, pag-sasama
sama, at ang mga sakramento.
a.) Ang buhay Kristiyano ay mailalarawan bilang isang gulong ng isang sasakyan.
Ito ay may tatlong bahagi:
* Panlabas na gilid ( rim) ito ay bahagi ng gulong na katagpo ng daan, itoy gumaganap ng
pang- araw araw na buhay Kristiyano.
* Ang Masa ( HUB ) ito ay bahagi ng gulong kung saan ang kapangyarihan ay nagmumula sa
gilid, ito ay ang magdadala sa gulong ng sama-sama. Ang masa ay ang ating Panginoong
Jesukristo na siyang pumapagitna sa ating buhay, ang kapangyarihan ay ang banal na espiritu.
* Ang mga Rayos ito ay nagdadala ng kapangyarihan at direksyon mula sa masa patungo sa
panlabas na gilid, sa Kristiyanong kabanas an ang mga rayos ay mga paraan na mailagay ang
ating buong pagkatao patungo kay Cristo, upang an gating buhay ay mabago ng kanyang
kapangyarihan at patnubay.
B. Ang unang kasangkapan: Panalangin
1. Ang panalangin ay pangunahing paraan sa pagtatayo at pagpapanatili ng isang malalim at
mapagpamahal na ugnayan sa pagitan natin at Diyos.
2. Ang isang matagumpay na buhay panalangin ay kinapapalooban ng tatlong(3) mahalagang
alituntunin:
a.) Ang ating panalangin ay kailangan matapat
* Magpasiyang gugulin ang panahon para sa panginoon araw-araw.

* Magpasiya sa mga detalyeng praktikal


- kailan? Magpasiya sa isang tiyak na oras sa bawat araw na iyong mapapanatili.
- saan? Mateo 6:6 humanap ng isang lugar kung saan di ka maabala o magugulo.
- gaano kahaba? Simulang sa 5 hanggang 10 minuto, at dagdagan sa susunod.
* Pagtibayin ang isang pormat sa simula.
- ACTS, pagpupuri, paghingi ng tawad, pasasalamat, paghiling
- gamitin ang pang-araw araw na patnubay na panalangin ( daily prayer guides )
b.) Ang ating panalangin ay kailangang pangunahan ng banal na espiritu.
* Ang nakatakda at maayos na panalangin ay makatutulong, subalit maaring maging walang
sigla at walang damdamin, maging bukas ang sarili sa pagbabago ng pormat habang
pinangungunahan ng espiritu.
c.) Ang ating panalangin ay kailangang naka sentro sa ugnayan kay Jesus. hindi manalangin o
kayay manalanging mahusay kundi umunlad ang ating ugnayan sa Diyos.
* Ang taoy maaring mahaling sa mga sistema, bagamat itoy makatutulong, ang panalangin ay
totoong napakasimple, ito ay isang bagay ng pag-ibig sa Diyos at sa pag-ibig niya sa atin.
* Pag-isiping mabuti ang Diyos hindi ang panalangin.
3. Sa kaugalian ng katoliko, ang pamamagitan ni Maria at mga santo ay isang mabuting
kasangkapan sa panalangin. Ang debosyon kay Maria at mga santo ay bahagi ng pananalig ng
mga katoliko; ang panalangin ng banal na rosary ay isang kasangkapan rin.
C. Ang ikalawang kasangkapan: Pag-aaral
1. Kailangang makilala natin ang Diyos at maunawaan siya at kanyang mga paraan. Ang pagaaral ay isang sinadya, pagsasanay ng pag-iisip, hindi tumutukoy una sa mataas na pinag-aralan
kundi sa malawak na sistema ng pang-unawa ukol sa Diyos upang tayoy magmahal at higit na
maglilingkod sa kanya.
2. Tatlong (3) paraan upang mas higit na mapag-aralan ang ukol sa Diyos.
a.) Ang Bibliya
* Ito ang pinakamahalaga, sapagkat ito ang mismong salita ng Diyos, nagtuturo ito kung sino
ang Diyos.Kung ano ang kanyang nagawa, at kung ano ang nais niyang ipagawa sa atin.
* Kailangang magbasa ng bibliya araw-araw.
- magsimula sa sampu ( 10) hanggang labing lima (15) minute
- ituloy ang kusang pag-aaral sa mga bahagi ng bibliya.
-kailangang maging layunin natin na basahin ang buong bibliya.
b.) Babasahing espiritwal
* matapos basahin kung ano ang sinabi ng Diyos sa kanyang sarili sa bibliya, basahin natin kung
ano sinabi ng mga tao ukol sa Diyos. Makagagawa tayo ng espiritwal na kaalaman at pag-aaral
sa buong buhay ng simbahan,
* Isinasama dito ang pagbabasa ng mga aklat espiritwal, magasin, artikulo at iba pa.

c.) Mga pagtuturo at pangangaral


* ang ating sa pagtuturo at pangangaral sa CFC-FFL
* ang salita ng Diyos na binasa sa lingguhang homilya, sa mga Gawain ng simbahan, sa mga
komperensiya, at iba pa.
* simulang maging ugali na magtala ng nota.
D. Ikatlong Kasangkapan: paglilingkod
1. Si Hesus sa pamamagitan ng banal na espiritu ay gumagalaw sa atin, hindi lamang para sa
ating sariling pag-unlad kundi para bigyan tayo ng mabuting paglilingkod para sa kanya at sa
kanyang sambayanan.
2. Kailangang magkaroon na kaisipang maglingkod upang makita ang buong buhay natin na
ibinibigay sa mga Gawain ng Diyos. Kailangang magkaroon tayo ng saloobin sa ating puso ng
isang naglilingkod, tulad ni Jesus.
Mateo 20:26-28
Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo, sa halip, ang sinimulan sa inyo na maging dakila
ay dapat maging lingkod. At sa sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo,
tulad ng anak tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang
kanyang buhay upang matubos ang marami.
a.) At habang inilalagay natin ang Diyos ng una sa ating buhay, tinawag niya tayo na paabutin
ito sa iba.
b.) Ang paglilingkod ay nagpapalago sa atin sapagkat hinihipo nito ang pinakamabuting saloobin
mayroon tayo at sa ating pagkamalaya, ang maglingkod sa ibang tao ay pagiging mababang loob.
3. Mga paraan upang tayoy maglingkod.
a.) Una naglilingkod tayo sa Diyos sa paraang tayoy nabubuhay.
* araw-araw na pananalangin at pagbabasa ng bibliya.
* pagagawa ng kabutihan at kabanalan.
b.) Naglilingkod din tayo sa pagtupad ng mahalagang ibinigay ng Diyos sa ating pang araw araw
na buhay.
* tulad ng; bilang asawa, bilang magulang, bilang empleyado at iba pa.
c.) tapos, naglilingkod tayo sa ating kapwa sa pagkilala ng mga pagkakataong nagawang
paglilingkod sa pang araw-araw na buhay.
* tulad ng kagandahang loob, pag-aalok ng pagsakay, pag-aalaga ng bata, pagbisita sa may sakit,
at iba pa.
d.) tayo ay nagbibigay saksi sa pananalig kay Jesus sa ating pang-araw- araw na buhay. Nagiging
handa sa mga pagkakataon maibahagi ang pananampalataya ng pagsalita sa pamilya, mga
kaibigan , kapitbahay, kasama sa trabaho at sa mundo sa pangkalahatan.

e.) Ipagkaloob ang sarili at ang kakayahan sa Gawain ng Diyos, an gating panahon, talent,
kayamanan.
* Gumawa ng mabuting gawa
Santiago 2:14-17
Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang siyay may pananampalataya,
ngunit hindi naman niya mapatunayan sa gawa? Maililigtas ba sya ng gayong pananampalataya?
Halimbawa, ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain, kung sabihin ng isa sa inyo,
Patnubayan ka nawa ng Diyos, magbihis kat magpakabusog ngunit hindi naman siya binibigyan
ng kanyang kailangan, may mabuti bang maidudulot sa kanya iyon? Gayon din naman, patay ang
pananampalatayang walang kalakip na gawa.
Tumulong sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay pinansyal upang maipahayag ang
mabuting balita.
Humanap ng pagkakataon maibigay ang oras at kakayahan na maglingkod sa mga
Kristiyanong komunidad sa isang karaniwang batayan.
E. Ikaapat na kasangkapan : Pagsasama-sama
1. Ang pagsasama-sama ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginawa ng mga Kristiyano na
nagkasama bilang isang katawan, ito ang pagpapatibay ng katotohanang espiritwal, na tayo ay
magkakapatid na nabibilang sa isang pamilya.
2. Tayo ay hindi nagiging ganap na Kristiyano sa ating sarili, kailangan na sumama tayo sa iba
upang maranasan ang kaganapan ng buhay Kristiyano.
a.) kailangan natin ang tulong ng iba. Kailangan ang kanilang katalinuhan at kalakasan.
b.) kailangan gawin ang mga Gawain ng sama-sama. Ang pagsasama-sama ay hindi obligadong
dagdag na Gawain.
3. Mga paraan para maranasan ang Kristiyanong pagsasama-sama.
a.) panalangin sa liturhiya, pagpupulong at conperensiya at iba pa.
b.) pagtitipon para mag-aral at pormasyon.
c.) paglilingkod ng sama-sama ( tulad ng team CLS).
d.) panlipunang pagsasama
4. CFC-FFL ang magiging daan para tamasahin ang Kristiyanong pagsasama-sama, marami pa
sa susunod na lingo.
F. Ikalimang kasangkapan: Mga sakramento ( para sa Katoliko).
1. Sa kristiyanong kaugalian, ang pinakamahalagang ksangkapan para sa espiritwal na pag-unlad
ay ang mga sakramento, ito ang pangunahing pinagmumulan ng mga biyaya ng Diyos sa ating
buhay.

2. Ipinapayo ang malimit na pangngumpisal at pagkokomunyon.


a.) Bagamat ang pangngumpisal ay kailangan lamang minsan sa isang taon, ating
sasamantalahin ito ng mas malimit.
b.) Bagamat ang komunyon ay minsan sa isang taon lamang kailangan tanggapin ito ng mas
madalas, may tamang disposisyon.
G. Pagtatapos
1. Itong CLS, ag inyong pangako kay Cristo ang Bautismo sa banal na espiritu lahat ng ito ay
simula pa lamang ng isang panibagong buhay, tayoy mga supling kay Cristo at kailangan
umunlad/lumago. Gamitin ang mga kasangkapan ibinigay ng Diyos.
2. Kung ikaw ay sumasampalataya, hindi ka mabibigo.
PURIHIN ANG PANGINOON!

SESYON NO.9 : ANG BUHAY AT MISYON NG CFC-FFL: PAGBABAGONG ANYO


KAY CRISTO.
LAYUNIN: Maipalawanag ang buhay at misyon ng CFC-FFL at magbigay sigla sa tao na may
hangarin na maging isang bahagi nitong mangakong grupo ng mga Kristiyano.
Partikular na layunin:
Sa katapusan ng sesyon ang mga kalahok ay makagagawa ng:
1. Pagpapahayag ng kanilang pagkaunawa at pagpapahalaga sa buhay at misyon ng CFCFFL.
2. Pagpapakita ng kanilang kagalakan na maipamuhay ang kanilang bagong buhay sa banal
na espiritu.
3. Tingnan pasulong kung ano ang maiaalay ng CFC-FFL, simula sa naranasang
sambayanan.
Pinalawak na Balangkas
A. Noong nakaraang lingo napag-usapan ang tungkol sa mahalagang kasangkapan sa pagunlad ng buhay Kristiyano, ang isang kasangkapan ay ang pangangailangan na maging
aktibo sa regular na pagsasama-sama at ugnayang pagtulong sa ibang Kristiyano, ngayon
ipaliliwanag sa inyo ng detalyado kung paano natutuhan nating iangkop ang kaalaman at
kapangyarihan ng Diyos para sa atin at buhay pamilya habang pumapasok tayo sa isang
ipinangakong ugnayan sa isat-isa bilang mga kristiyano.
B. Ano ang Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL)?
1. Ang CFC-FFL ay komunidad ng mga Kristiyano magpapahayag ng ebanghelyo at
misyon na nangako sa pagbabago ng buhay pamilya.
a.) Nagsimula ng Hunyo 1981 sa Maynila, Philippines, 16na magasawahan.
b.) CFC-FFL ay may mga ministeryo para sa mga miyaembro n pamilya na naiiba sa
mga magasawahan, simula ng 1993, CFC-FFL sa may minsteryo para sa mga Kids,
Youth, Singles, Widow/ Separated, widower/ separated, CFC-FFL ay may Womb to
Tomb ministeryo.
c.) CFC-FFL ay abala rin sa pagpapahayag ng ebanghelyo, mayroon tayong Gawain para
sa mahirap, Gawain para sa katarungan at Gawain para sa buhay.
2. Ano ang ating gagawing pagtugon?
a.) Basahin ang CFC-FFL statement of vision and mission.
b.) Basahin ang CFC-FFL statement of philosophy.
c.) Basahin ang CFC-FFL core values.
Sa mga binasang Gawain
3. Makikita natin ang kahalagahan ng misyon ng CFC-FFL ngayon.

Ang pamilya bilang mahalagang bahagi ng lipunan ay plano ng Diyos, gayon pa man,
maraming puwersa sa mundo ngayon ang nagmimithing was akin ang pamilya.,ang CFCFFL ay itinayo ng Diyos upang ipaglaban ang kanyang gawa. An gating tungklin ay
patibayin ang buhay pamilya. Ito an gating dahilan para dito.
a.) Paano matutupad an gating misyon?
Sa paggawa para sa pagbabago ng bawat isa, mga pamilya at ng simbahan sa
pangmundong batayan.
Sa pagbibigay ng isang matibay na tulong panlabas para sa ating kasapi.
C. Paano magtutulungan ang isat isa sa CFC-FFL?
1.Sa ating pinangakong Ugnayana.) Naniniwala tayo na may tungkulin na magbigay-sigla at tumulong sa isat isa
sabuhay kristiano, kaya nangako tayo na uunlad na sama-sama bilang mga
kristiano,
b.) Mayroon tayo apat (4) na puntos pangako na nakapaloob sa ating kasunduan.
Basahin Ang kasunduan ng CFC-FFL at ipaliwanag sa ilang salita.
2. Sa pamamagitan ng mga sambahayan(House holds). Lahat ng miyembro CFC-FFL ay
kasama sa isang maliit na grupo,tinatawag na Households. Kasunod kaagad matapos itong
CLS, inaanyayahan kayo ng maranasan na mapasama sa isang Household.
a.)Ang layunin ng Household Group ay magkakaroon ng isang maliit at mas higit
na ugnayan parasa personal na pagtulong sa buhay kristiano, at mabigyan ng paraan sa
pagpapasigla at mabilis na pagunlad bilang isang kristiano.
Dito makapagbabahagi ka ng iyong mga karanasan bilang kaalaman mula
sa Diyos.
Makabubuo ka ng tunay na pagkakaibigan at pagkakapatiran na kung wala
ito, ang ating buhay Kristiyano ay magkukulang sa pagpapahayag ng
kasiyahan.
b.)Ang sambahayan ay binubuo ng 4 hanggang 7 mag-asawahan.
c.) Ang sambahayan ay nakikita minsan sa isang lingo, sa dating araw ng lingo na
pag kasunduan ng bawat miyembro.

Kulang ang minsan sa isang linggo ay hindi sapat na magkita para


magkaroon ng suporta at pagbibigay sigla sa buhay Kristiyano.
Sobra ng minsan sa isang lingo ay magiging isang dalahin at maaring
mangailangan g panahon na mas higit na maibibigay sa trabaho, pamilya,
pansariling kailangan o kristiyanong paglilingkod.

d.)Ang sambahayan ay ginaganap sa tahanan ng mga miyembro ( hanggat maaari)


sa sistemang paikot ikot kada linggo, ang pagdaraos ng sambahayan sa ating
tahanan ay may mga kabutihan:
Ang pagpupuri sa Diyos sa ating tahanan ay ang nagpatunay na ang
tahanan ay ginagawang munting simbahan isang pagpapatotoo, at ang mga
biyaya ng Diyos ay tiyak na bababa sa tahanan kung saan nagkakatipon

ang mga anak ng diyos, nagpupuri sa kanya ng sama-sama at umuunlad sa


pananampalataya ng magkakasama.
Amg mga taong nakatira sa tahanan ang ating anak marahil an gating mga
magulang, kasambahay, mga taong malapit sa atin ay magkakaroon ng
kamalayan kung ano ang ating kinasangkutan at ano an gating ginagawa
kada linggo para sa kanila tayo magiging tao na ipinamumuhay ang
kanilang Kristiyanong pananampalataya nang hayag at napakabisa.
Kung ano ang ginagawa sa ating tahanan ay magagamit ng Diyos bilang
isang mabuting kasangkapan sa pag-ebanghelyo, lalot higit sa ating mga
kamag-anak, kapitbahay at kaibigan.
e.)May tatlong (3) sangkap sa isang sambahayan pagpupulong na naranasan natin
dito sa CLS.
* ang pnahabang oras ng panalangin at pagpupuri
* oras ng pagbabahagio pagtatalakayan
* ilang oras ng pagsasama-sama
3.Sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pormasyon
a.) May pormal na unang taon programa ng pag-aaral
* Covenant Recollection ( 2 buwan matapos ang CLS )
* Marriage Enrichment Retreat ( 3 buwan matapos ang CR )
* Evangelization training ( sa katapusan ng taon )
b.) lampas ng unang taon maraming kurso at ibat ibang pag-aaral para sa mga taong
nagbibigay ng serbisyo sa CFC-FFL.
c.) Ibat- ibang pag-aaral ang ibibigay sa pamamagitan ng pastoral formation office
(PFO), sa mga prayer assemblies at sa ibang okasyon, mayroon din mga aklat tungkol sa
ebangelisasyon, buhay may asawa, Gawain para sa mahihirap at iba pa.
4. Sa pamamagitan ng ibang gawaing regular n gating komunidad.
a.) Buwanang prayer assemblies ( kapalit ng household meeting).
b.) Annibersaryo araw ng pamilya, evangelization rallies,leaders conferences at iba
pa.
c.) Panlabas na Gawain.
d.)
D. Ano Ngayon?
1. Sa buong CLS maraming bagay ang nangyari:
a.) Ang inyong pagsisisi, pansariling pagbabago at panibagong pananampalataya sa
Diyos.
b.) Ang pagtanggap kay Jesus bilang tagapagligtas at Panginoon.
c.) Ang pagbabagong sigla sa Bautismo ng banal na Espiritu.
2. Ngayon kailangan natin hayaan ang diyos na magpatuloy n gating pagbabagong loob
kay Kristo. Ang banal na espiritu ay kumikilos upang kayoy umunlad na
maunawaan, magmahal at maglingkod sa Diyos ng higit.

3. Dumating na tayo sa pagtatapos ng CLS, subalit ang totoo, hindi pa ito ang
katapusan. Ito ay simula pa lamang, nakamit na natin ang panibagong buhay sa
pamamagitan ng Diyos at sa isat isa. Totoong itoy kapanapanabik.
4. Tayoy magalak na si Jesus ay ating Panginoon.
PURIHIN ANG PANGINOON!

You might also like