You are on page 1of 1

"EKSTRA"

Ang buhay ng isang ekstra sa pelikula ay hindi madali. Madalas sila'y nandoon
para sa buong paggawa ng pelikula ngunit maliit lang ang parte nila dito at kaunti lang
ang bayad na binigbigay sa kanila. Ginagawa nila dahil sa pag-asa na baka madiskubre
sila at maging tanyag na aktor. Makikita ang lahat na ito sa pelikulang Ekstra.
Ang pangunahing tauhan sa pelikula ay si Loida na gumaganap bilang ekstra sa
mga pelikula. Siya'y nagtatrabaho sapagkat kailangan niyang bayarin ang utang niya sa
paaralan ng kanyang anak upang siya'y makapagkuha ng kanyang eksams. Binigyan
siya ng ilang pagkakataon na magkaroon ng isang mas prominenteng papel sa pelikula
ngunit sa panglawa at huli niyang pagkakataon, hindi siya nag-arte ng maayos.
Napahiya siya ng direktor at nawala sa kanya ang posisyon. Binayaran naman siya ng
mas mataas at umuwi siya para bayaran ang kanyang utang.
Sa tingin ko, ang pelikulang Ekstra ay isang mahusay pelikula. Pinapakita nito
ang mga maling kasanayan at pagmamaltrato sa industriyang pelikula sa Pilipinas.
Makikita ang pokus ng direktor sa paglagay ng produkto sa pelikula kaysa sa aktwal na
sining ng pelikula. Makikita rin ang ilang masamang kaugalian ng ilang mga artista na
binabayaran ng husto habang ang mga ekstra at ibang tauhan ay naghihirap ng husto
sa kanilang trabaho pero maliit lang ang bayad. Pagkatapos kong panoorin ang mga ito,
nagdadalawang-isip na ako tungkol sa lahat ng mga pelikulang Pilipino na pinapanood
ko.
Sa pangkalahatan, ang Ekstra ay isang magandang pelikula. Nagbibigay ito ng
bagong pananaw sa mga tao tungkol sa produksyon ng mga pelikula dito sa Pilipinas.

You might also like