You are on page 1of 2

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

SENIOR HIGH SCHOOL


Kurso: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)
Guro: Bb. Michelle B. Perez
Paksa: Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng pagsulat ng sulating Teknikal

TEKNIKAL NA PAGSULAT
ay isang uri ng komunikasyon sa anumang larangan na ang
pangunahing gampanin ay makalikha ng isang tiyak at
particular na inpormasyon sa tiyak ding layunin sa isang
particular na mmbabasa o grupo ng mga mambabasa.Ito ay
objektiv,malinaw at tumpak,maikli at di emosyunal na
paglalahad ng mga datos. Madalas gamitin ng mga manunulat
teknikal ay ang nga espesyal na teknik kagaya ng pagbibigay
ng definisyon,deskripsyon ng mga mekanismo,ng proseso,ng
klasipikasyon ng mga interpretasyon
Ayon kina MILLS AT WALTER(1981),ang definisyon at
deskripsyon ng teknikal na pagsulat ay mailalarawan sa apat
na katangian:
1.Ito ay eksposisyon tungkol sa mga siyentipikong
disiplina at nang mga
teknikal na pag aral na kinasasangkutan ng siyensya.
2.Ito ay may katangiang formal at tiyak na elementong
gaya ng mga siyentipiko at teknikal na vokabularyo,gumagamit
din ng mga graf bilang pantulong at kumbensyonal na paraan
ng ulat;
3.Mayroon itong atityud na mapanatili ang kanyang
imparsyaliti at objektiviti sa pinakamaingat na paglalahad ng
mga impormasyon sa paraangb tumpak at maikli upang
maiwasan din ang paghalo ng emosyon sa purong
impormasyon o isyu.
4.Mahalaga ang pagbibigay ng konsentrasyon sa mga
teknik sa pagsulat sa mga tiyak at komplikadong sistema ng
paglalahad ng impormasyon sa
particular,definisyon,deskripsyon ng mekanismo,deskripsyon
ng isang proseso,klasipikasyon at interpretasyon.

You might also like