You are on page 1of 39

Colegio de San Gabriel Arcangel

Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG. 1


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Ang pagsulat bilang bahagi ng Sulating Teknikal


Layunin: Nabibigyang kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)

Ang Pagsulat Bilang Bahagi ng Sulating Teknikal


Mga Uri ng Pagsulat
1. Teknikal na Pagsulat
Ang sulating ito ay isang uri ng pakikipagtalastasan sa anumang disiplina na ang
pangunahing tungkulin ay makabuo ng isang tiyak na impormasyon sa tiyak na obdyektib sa
particular na mambabasa o grupo ng mga mambabasa.
Ayon kina Mills at Walter (1981), ang depenisyon at deskripsyon ng teknikal na pagsulat ay
mailalarawan sa apat na katangian.
a. Ito ang eksposisyon tungkol sa mga sayantipikong disiplina at mga teknikal na pag-aaral
na kinasasangkutan ng siyensya.
b. Ito ay may katangiang pormal at tiyak na elementong gaya ng mga sayantipiko at teknikal
na bokabularyo, gumagamit din ito ng mga graf bilang pantulong at kumbensyunal na
paraan ng ulat;
c. Mayroon itong atityud na mapanatili ang kanyang impersyaliti at layunin sa
pinakamaingat na paglalahad ng mga impormasyon sa paraang tumpak at maikli upang
maiwasan din ang pagsasama ng damdamin sa tiyak na impormasyon.
d. Napakahalaga ng pagpopokus sa mga teknik sa pagsusulat sa mga tiyak at
kumplikadong paraan ng paglalahad ng impormasyon sa tiyak na kahulugan,
pagkakakilanlan sa isang proseso, pagkaklasipika at pagbibigay kahulugan.
2. Referensyal na Pagsulat
Tumutukoy ito sa mga sulating bunga ng mga iba’t ibang pag-aaral, mahabang panahon
ang iginugol sa pananaliksik at bunga ng mga eksperimentong ulat ang mga halimbawa nito ay
Diksyunaryo, Ensayklopidya, iba’t ibang tesis at disertasyon at iba pa.
3. Jornalistik na Pagsulat
Ito’y uri ng pagsusulat sa masasabing paglalahad ng isang tao sa kanyang mga
naranasan at gusto pang maranasan sa buhay na nagbibigay sa kanya ng magagandang
alaala.
4. Akademikong Pagsulat
Ito ay nagkakaiba-iba ayon sa kursong pinag-aaralan ng mga mag-aaral. Halimbawa, sa
Filipino, maari silang pasulatin ng mga sanaysay na may kaugnayan sa leksyon, sa kasaysayan
naman ay maaari silang papagsulatin ng mga dokumentong pangkasaysayan, mga pook,
lalawigan at iba pa. sa pagsusulat ng guro ay dapat muna niyang linangin at kritikal na pag-
isipan ang kanyang mga pag-aaral, ito’y upang makamit niya ang kanyang ninanais na layunin
sa pagsusulat.
Gawain:
Panuto:
1. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa apat na uri ng pagsulat na nabanggit sa itaas.
Ano-ano ang pagkakaiba ng mga ito?
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

PAGSUSULIT BLG.1 / LAS(1)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy ito sa mga sulating bunga ng iba’t ibang pag-aaral, mahabang panahong ginugol na
pananaliksik at bunga ng ekperimentong ulat.

a. Referensyal c. Akademiko
b. Jornalistik d. Teknikal

2. Ito’y uri ng pagsusulat na masasabing paglalahad ng isang tao sa kanyang mga naranasan at
gusto pang maranasan sa buhay na nagbibigay sa kanya ng magagandang alaala.

a. Referensyal c. Akademiko
b. Jornalistik d. Teknikal

3. Ang sulating ito ay isang uri ng pakikipagtalastasan sa anumang disiplina na ang pangunahing
tungkulin ay makabuo ng isang tiyak na impormasyon sa tiyak na obdyektib sa partikular o
grupo ng mambabasa.

a. Referensyal c. Akademiko
b. Jornalistik d. Teknikal

4. Ito ay nagkakaiba-iba ayon sa kursong pinag-aaralan ng mga mag-aaral

a. Referensyal c. Akademiko
b. Jornalistik d. Teknikal

5. Ang mga sulatin sa ibaba ay halimbawa ng referensyal na pagsulat maliban


sa______________.

a. Diary c. Tesis
b. diksyunaryo d. Ensayklopedya
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG. 2


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Korespondensyang Pangangalakal


Layunin: Nabibigyang kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)

Korespondensyang Pangangalakal

Teknikal – isang natatanging uri ng pagsulat na kinakailangan ang kognitiv at sikolohikal ng


mga mambabasa at manunulat. Binibigyang pansin nito ang pagbibigay ng kongkretong impormasyon
upang makatulong sa lahat. Ginagamit dito ang mga teknikal na terminolohiya, halimbawa nito ay
feasibility study, at mga liham pangangalakal.

Ayon kay Garcia et.al (2008) may mg layunin at paksa ang tenikal na pagsulat:
 Nagbibigay ng impormasyon sa pagbuo ng desisyon at mga tiyak na resulta ng isang pag-aaral
(task accomplishment)
 Pag-aanalisa sa mga mahahalagang pangyayari at mga implikasyong dala nito, ang pagkabigo
at pagbagsak ng sistema.
 May layuning mahikayat at makaimpluwensya sa pagbubuo ng desisyon.

Mga Katangian ng Teknikal na Pagsulat


1. Ang daloy ng impormasyon ay simple at malinaw.
2. Binibigyang diin ang objective na paglalahad at walang pagkakaibang anyo ng interpretasyon ng
mga salita, kayarian ng mga pangugusap at sa organisasyon ng mga talata, deklaratibong
pangungusap na gumagamit ng panghalip panao sa ikatlong panauhan.
3. Binibigyan diin ang faktwal na datos, istatiskal at mga elementong nasusukat sa pamamagitan
ng paggamit ng mga iba’t ibang graf.

Mga Simulain ng Mabuting Teknikal na Pagsulat


1. Laging isaisip ang tiyak na mambabasa, ang mga tiyak na kaalaman (Factual) at likhang isip
(Imaginative) kapag sumusulat ng report; isipin din na ang mambabasa ay matalino subalit hindi
lang nakararating sa kanyang tiyak na impormasyon.
2. Tiyakin at alalahanin ang angkop na layunin sa gagawing report.
3. Gumamit ng payak, kongkreto at karaniwang wika.
4. Sa simula at wakas ng bawat seksyon ng report, mahigpit na suriin ayon sa simulain ng teknikal
na pagsulat at layunin sa paggawa nito.
5. Gawing kaakit-akit ang report.

Gawain 1:
1. Ano-ano ang katangian ng teknikal na pagsulat batay sa iyong pang-unawa?
2. bakit mahalagang matutunan ang isang pagsulat?
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

PAGSUSULIT BLG.2 / LAS(2)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang natatanging uri ng pagsulat na kinakailangan ang kognitiv at sikolohikal ng mga


mambabasa at manunulat.

a. Referensyal c. Akademiko
b. Jornalistik d. Teknikal

2. Sa pagsulat ng teknikal na sulatin kinakailangan ang impormasyon ay simple at


_______________.

a. makulay c. malawak
b. malinaw d. kaakit-akit

3. Tinitiyak sa mabuting pagsulat ng sulatin na tiyakin at alalahanin sa gagawing report ang


______________ nito.

a. katangian c. layunin
b. kahalagahan d. kongkreto

4. Kinakailangan sa pagsulat ng mabuting sulatin na gawin ang isang report na maging


_______________.

a. makulay c. malawak
b. malinaw d. kaakit-akit

5. Ayon sa kanya, ang layunin ng sulating teknikal ay magbigay ng impormasyon sa pagbuo ng


desisyon at mga tiyak na resulta ng isang pag-aaral.

a. Garcia c. Rogelio
b. William d. Cruz

GAWAING PAGKATUTO BLG. 3


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Name:____________________________________ Grade / Score: _______________


Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Manwal


Layunin: Nakikilala ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa: a.Layunin; b. Gamit; c.
Katangian; d. Anyo; e. Target na gagamit
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)
PAGSULAT NG MANWAL
Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang
produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso,
estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo
ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga
nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika. Maaari
din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na
maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal.
Kalikasan ng Manwal
KOMPREHENSIBO
• Komprehensibo o malawak ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong may
maipaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa.
NAKAAYOS NG BALANGKAS
•Nakaayos nang balangkas ang mga nilalaman ng manwal na makikita sa talaan ng mga ito at
pormal ang ginagamit na wika.
MAAYOS NA LARAWAN O START
•Nagtataglay ng mga larawan o di kaya'y start ng isang mawal upang mas higit na maipapaliwanag
ng mga impormasyon gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan
APENDISE O INDEKS
• Karaniwang may apendise o indeks ang mga manwal upang maaring hanapin ang mga paksa
dito.
Pinaka karaniwang uri ng manwal
1. Instruksyon manwal o user guide
Manwal o owner's manwal ( manwal ng produkto )
Isang manwal sa pag-gamit na kalimitang kalakip ng iba't produktong binili o binubuo bago
gamitin . Ilang halimbawa nga mga produktong ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances,
kasangkapan, mga gadget at iba pang elekttonik-equipment na nangangailangan ng paggabay para sa
mga ginamit ng mga iyon.
2. Employee's manwal
Ang mga itinatakda para sa mga empleyado ng isang kumpanya upang makapaglahad ng
mga kalakalan, alintuntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kumpanya na nagsisilbi itong gabay at
magkaroon sila nalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat.
Mga kalimitang bahagi ng isng manwal
1.Pamagat- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal
2. Talaan ng nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati ng mga paksa sa loob ng manwal at
pahina kung saan ito itinatalakay

3. Pambungad- naglalaman ng paunawang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o


pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may akda o sa isang taomg may kaugnayan sa
kumpanyang nagmamay ari ng manwal.
4. Nilalaman- Tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanag ng mga gabay,
pamamaraan at alituntunan.
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

5. Apendise- matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng
mga impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp.

Gawain
Panuto: Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong aralin sa itaas.
1. Ano ang karaniwang nilalaman ng isang manwal?
2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng manwal ang isang indibidwal?
3. Ano ang kahalagahan ng manwal sa isang indibidwal at sa isang kompanya?

PAGSUSULIT BLG.3 / LAS(3)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Karaniwang naglalaman ang ito ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto,
kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso,
estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
a. Magasin c. Journal
b. Dyaryo d. Manwal

2. Tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanag ng mga gabay,


pamamaraan at alituntunan.
a. Nilalaman c. Pambungad
b. Pamagat d. Talaan ng nilalaman

3. Naglalaman ng paunawang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag


tungkol sa nilalaman nito mula sa may akda o sa isang taomg may kaugnayan sa kumpanyang
nagmamay ari ng manwal.
a. Nilalaman c. Pambungad
b. Pamagat d. Talaan ng nilalaman

4. Nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal


a. Nilalaman c. Pambungad
b. Pamagat d. Talaan ng nilalaman

5. nakasaad dito ang pagkakahati ng mga paksa sa loob ng manwal at pahina kung saan ito
itinatalakay
a. Nilalaman c. Pambungad
b. Pamagat d. Talaan ng nilalaman
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG. 4


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Iba’t ibang Uri ng Liham Pangangalakal


Layunin: Nakikilala ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa: a.Layunin; b. Gamit; c.
Katangian; d. Anyo; e. Target na gagamit
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)

Liham Pangangalakal
Ginagamit bilang pakikipag-ugnayan na nasa isang organisasyon. Inaasahan sa isang
empleyado ng kompanya sa publiko at pribadong opisina na mahusay siyang gumawa at gumamit ng
mga liham-pangangalakal o liham-transaksyon. Dapat taglayin nito ang metodo na di lamang
pakikinabangan ng kompanya sa halip ay magbibigay rin ng kredibilidad sa kanyang propesyong
napag-aralan. Ito ay magiging mahalagang dokumento ng kompanya .Garcia et.al(2008)
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Liham Pangangalakal
1. Nakikita ang mahahalagang bahagi
2. May tiyak na layunin at anyo
3. May mga mahahalagang impormasyon
4. Tiyak ang kinakailangang malinaw ang impormasyon

Bahagi ng Liham Pangangalakal


1.Pamuhatan- Ito’y pangalan ng kompanya, address, telepono, fax.,telefax at iba pa.
Halimbawa:

SMART TELECOMMUNICATION
195 Buendia Avenue
Lungsod ng Makati
Tel: 416-772-6411
E-mail: S.T@yahoo.com

2.Petsa (Dateline)- araw,buwan at taon ng pagsusulat


Halimbawa:
Oktobre 29,2015

3.Patunguhan(Inside Address)- Ito ay ang pangalan ng tao na padadalhan ng mensahe. Para kanino
ba talaga ang sulat?
Halimbawa:
Mrs. Norma T. Tagle
Dekana
Kolehiyo ng Edukasyon
Batangas State University (JPLPC)
Malvar Batangas
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

4.Bating Pambungad ( Salutation )


Nakapaloob ditto ang paggalang ng sumulat sa sinulatan.

Hal.
Ginoo:
Mahal na Gng. Tagle:
Dear Sir/Ma’am:
5.Katawan ng Liham (Body) : nakapaloob ditto ang buong nilalaman ng liham na nais iparating
6.Bating Pangwakas: (Complimentary Closing) – ang pagwawakas o pamamaalam.
Hal :
Gumagalang,
Sumasainyo,
Lubos na gumagalang,
7.Lagda – ang pangalan, posisyon at titulo ng sumulat
Hal:
Robinson Cedre, Ed.D
Director

Iba pang uri ng Liham

Liham Paanyaya (Letter of Invitation) – taglay ng liham na ito ang paanyaya sa taong sinulatan.

Liham Kahilingan ng Mapapasukan /Aplikasyon ( Application Letter )

Tinatawag din itong cover letter . Ito ay isang liham na tila “nagbebenta ng sarili”. Naglalahad
ito kung ano ang iyong kung ano maibabahagi sa isang kumpanya, kung ang naghahanap ng trabaho
ay nararapat, o kung ikaw ang sasagot sa hinahanap na empleyado ng kumpanya. Sa pagsulat ng
aplikasyon tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam sa anumang oras na
kinakailangan.

Liham Transmital o Endorsment – ang liham na nagpaparating ng impormasyon tungkol sa iba’t


ibang proyekto, gawain o ugnayan sa pagitan ng dalawang kompanya at iba pa.

Gawain :

Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga liham sa pagnenegosyo?

Ano ang naidudulot nito sa pag-unlad ng isang kumpanya o negosyo?


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

PAGSUSULIT BLG.4 / LAS(4)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ginagamit bilang pakikipag-ugnayan na nasa isang organisasyon.

a. Liham Pangangalakal c. Liham Transmital


b. Liham Paanyaya d. Liham Kahilingan

2. Naglalahad ito kung ano ang iyong kung ano maibabahagi sa isang kumpanya, kung ang
naghahanap ng trabaho ay nararapat, o kung ikaw ang sasagot sa hinahanap na empleyado ng
kumpanya.

a. Liham Pangangalakal c. Liham Transmital


b. Liham Paanyaya d. Liham Kahilingan

3. Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa taong sinulatan.


a. Liham Pangangalakal c. Liham Transmital
b. Liham Paanyaya d. Liham Kahilingan

4. Ang liham na nagpaparating ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang proyekto, gawain o ugnayan
sa pagitan ng dalawang kompanya at iba pa.
a. Liham Pangangalakal c. Liham Transmital
b. Liham Paanyaya d. Liham Kahilingan

5. nakapaloob ditto ang buong nilalaman ng liham na nais iparating


a. katawan ng liham c. Pamuhatan
b. Lagda d. Petsa
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG.5


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Pag-oorganisa ng Pulong


Layunin: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)

Pag-oorganisa ng Pulong (Organizing the Meeting)


Ang pag-uumpisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa. Karaniwang
isinasagawa ito kung mayroong gawain o aktibidad na pinaplano at isasagawa. Kailangang alam din
natin ang mga element sa pagbuo ng isang organisadong pulong upang maging maayos ang daloy
nito.
ANG APAT (4) NA ELEMENTO NG ISANG ORGANISADONG PULONG.
1.PAGPAPLANO (PLANNING)
Ito ang magsisilbing balangkas ng gagawin, pag-uusapan at iba pa. nakapaloob dito kung ano
ang dapat na makamit ng grupo pagtapos ng pulong, ano ang magiging epekto kung hindi nakadalo
ang isang miyembro at kung may dapat bang pagpasyahan.
2.PAGHAHANDA (ARRANGING)
Sa imbitasyon (pasulat o pasalita/ pasabi man), kailangang sabihan ang mga taong dapat
dumalo sa pulong; kung kailan (petsa at oras), saan (lugar ng pulong), at ano ang agenda (mga bagay
na pag-uusapan). Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga partikular na gampanin ng mga nasa
pulong:
1. Tagapangulo (Presiding Officer)
Siya ang nangangasiwa at nangunguna sa usapan sa isang pulong. Sinisuguro din nito ang
kaayusanng pag-uusap at pagdedesiyon. Ito ang kadalasang namamagitan sa alitan o hindi
pagkakaunawaan ng bawat kasapi.
2. Kalihim (Secretary)
Siya ang recorder, minutes-taker o tagatala ng mga napag-uusapan at desisyon sa isang
pulong. Ang Minutes ay isang tala o sulat tungkol sa mga naganap at napag-usapan sa isang meeting.
3. Mga Kasapi (Members)
sila ang aktibong lumalahok sa pulong. Responsibilidad nilang ipaalala sa pangulo at kaliham
ang kanilang mga gawain. Sila rin ay may karapatang magbigay ng mungkahi, magpaliwanag,
magtanong at makatuwirang pamumuna at gumagawa ng desisyon.
3.PAGPOPROSESO (PROCESSING)
Ang pulong ay dapat mayroong mga rules, procedures o standing orders kung paano ito
patatakbuhin. Sa pangkalahatan, pareho naman ang mga prinsipyo ng mga patakaran (rules)
ginagamit ng samahan, nagkakaiba lang sa mga detalye.
Apat na uri ng pagdedesisyon:
1.Quorum-bilang ng mga kasapi sa pulong na dapat dumalo. Madalas ito ay 50%+1 ang
inaasahang dadalo sa pulong.
2.Consensus- kinakailangan lahat ay nagkakaisang desisyon.
3. Simple Majority- 50%+1 ang maaaring sang-ayon o hindi ang desisyon ng kasapi.
4. 2/3 Majority- 2/3 o 66% ng dumalo ang maaaring sumang-ayon o hindi sa desisyon.
4.PAGTATALA (RECORDING) ito ang opisyal na tala ng mga desisyon at pinag-uusapan sa pulong.
Maaari itong balikan kung may kinakailangang linawin sa nakaraang pag-uusap. Sa pagtatala ay hindi
lamang dapat kalihim ang nagsusulat. Bagkus, pati ang mga kasapi rin upang hindi malimutan ang
mga napag-uusapan.
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Sagutin
1.Ano ang ibig sabihin ng katitikan o minutes ng pulong at saan ito kadalasang ginagamit?
2. ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa isang organisadong pulong?
3.sino-sino ang mga sangkot sa isang pulong? Ipaliwanag.
4.ibigay ang pagkakaiba ng mga uri ng pagdedesisyon sa isang pulong.

PAGSUSULIT BLG.5 / LAS(5)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang magsisilbing balangkas ng gagawin, pag-uusapan at iba pa. nakapaloob dito kung ano
ang dapat na makamit ng grupo pagtapos ng pulong, ano ang magiging epekto kung hindi
nakadalo ang isang miyembro at kung may dapat bang pagpasyahan.
a. Pagpoproseso c. Pagtatala
b. Pagpaplano d. Paghahanda

2. Sa imbitasyon (pasulat o pasalita/ pasabi man), kailangang sabihan ang mga taong dapat
dumalo sa pulong; kung kailan (petsa at oras), saan (lugar ng pulong), at ano ang agenda (mga
bagay na pag-uusapan).

a. Pagpoproseso c. Pagtatala
b. Pagpaplano d. Paghahanda

3. ito ang opisyal na tala ng mga desisyon at pinag-uusapan sa pulong.


a. Pagpoproseso c. Pagtatala
b. Pagpaplano d. Paghahanda

4. Nakapaloob dito kung ano ang dapat na makamit ng grupo pagtapos ng pulong, ano ang
magiging epekto kung hindi nakadalo ang isang miyembro at kung may dapat bang
pagpasyahan.
a. Pagpoproseso c. Pagtatala
b. Pagpaplano d. Paghahanda

5. Siya ang nangangasiwa at nangunguna sa usapan sa isang pulong. Sinisuguro din nito ang
kaayusanng pag-uusap at pagdedesiyon.
a. Tagapangulo c. Mga Kasapi
b. Kalihim d. Tindera
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG.6


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Mga dapat iwasan sa Pulong


Layunin: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)

MGA DAPAT IWASAN SA PULONG


1.MALABONG LAYUNIN SA PULONG
dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksa ang pinag-uusapan at walang
direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.

2. BARA-BARA NA PULONG
walang Sistema ang pulong. Ang lahat ay gusting magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang
“House Rules”

3.PAGTALAKAY SA NAPAKARAMING BAGAY


hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na
ang isip ng nagpupulong.

4.PAG-ATAKE SA INDIBIDWAL
may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal.
Nagiging personal ang talakayan, kaya’t dahil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.

5.PAG-IWAS SA PROBLEMA
posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng organisasyon. Sa
halip, ang binibanggit nila ay iba’t iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na
problema.

6.KAWALAN NG PAGTITIWALA SA ISA’T ISA


walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t isa.

7.MASAMANG KAPALIGIRAN NG PULONG


masyadong maingay at magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan
naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanoood, nakikinig o
nakikisali, magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita
at naririnig ang lahat.

8. HINDI TAMANG ORAS NG PAGPUPULONG


ang pulong ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Sagutin:
1.Bakit mahalagang pag-aralan ang katitikan ng pulong ? ipaliwanag
2.Ano-ano ang dapat iwasan natin kapag tayo ay nagpupulong?
3. Sikaping magsaliksik ng halimbawa ng isang pulong at suriin kung ang halimbawa ng pulong na
napili ay nasunod ba ang mga alituntunin ng isang organisadong pulong.

PAGSUSULIT BLG.6 / LAS(6)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isa sa dapat iwasan sa pulong ang pagkakaroon ng maraming _____________ dahil pagod na
mag-isip ng nagpupulong.
a. Pag-atake sa indibidwal c. hindi tamang oras
b. House Rules d. Agenda

2. Ito ang kinakailangan sa isang pulong upang magkaroon ng maayos na Sistema at hind imaging
bara-bara ito.

a. Pag-atake sa indibidwal c. hindi tamang oras


b. House Rules d. Agenda

3. Iniiwasan ang pagpupulong na matapat sa ______________ upang maiwasan ang iba’t ibang
dahilan ng miyembro upang dumalo

a. Pag-atake sa indibidwal c. hindi tamang oras


b. House Rules d. Agenda

4. Isa ito sa iniiwasan kapag nagpupulong ang _______________ dahil minsan ay nagiging
personal ang talakayan at nauuwi sa samaan ng loob ng bawat miyembro

a. Pag-atake sa indibidwal c. hindi tamang oras


b. House Rules d. Agenda

5. Isa sa kinakailangan sa pulong ay ang pagiging malinaw ng bawat _______________ upang


magkaroon ng direksyon ang pulong at di mawalan ng gana ang bawat kasapi.

a. Solusyon c. Hangarin
b. Problema d. Layunin
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG.7


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Panukalang Proyekto


Layunin: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)

PAGHAHANDA SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO.


Paano sisimulan ang pagsulat ng panukalang proyekto? Bago magsukat, kailangan munang
malinaw ang nais na mangyayari sa binabalak na proyekto. Ano-ano ang mga layunin nito? Bakit
kailangang isagawa ito? Kailan at saanangyayari ang proyekto? Gaano ito kataga? Sino-sino ang
makikinabang sa proyekto? Kailangan ding tukuyin angvimumunhkahing badget at kung sino-sino ang
sangkot sa pagsasakatuparan ng proyekto. Kailangang ipaliwanag ng mabuti ang mga ito sa isusulat
na panukalang proyekto.
Tandaan, dapat ay makatotohanan ang iminungkahi kung hindi makatotohanan dahil sa laki ng
kinakailangang badget, limitasyon sa panahon o lugar. Kakulangan ng tao at iba pang salik, malaki
posibilidad na hindi ito maaprubahan ng ahensya ng pamahalaang pribadong indibidwal o institusyon
na siyang magdedesisyon kung makakasatuparan ang panukalang proyekto.

MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO


Ang mga akademikong sulatin ay karaniwang nahahati sa tatlong bahagi: panimula, katawan at
konklusyo. Ang estrukturang ito din ang susundan sa pagsulat ng panukalang proyekto, ilalahad ang
nasyonal o mga suliranin, layunin o motibasyon. Sa katawan naman ilalagay ang detalye ng mga
benepisyong maaring idulot ng proyekto.
Mga ss. naman ang mga espisikong laman ng panukalang proyekto, ayon sa pagkakasunod-
sunod

PAMAGAT- Tiyaking malinaw at maikli ang pamagat Hal. " Panukalang Proyekto sa TULAAN
2018 sa Pagdiriwang ng buwan ng wika"
PROPONENT NG PROYEKTO- Ang proyekyo ba ay seminar o kumprehensiya, palihan,
pananaliksik, patimpalak, kunsiyerto, o outreach program
PETSA- Kailangang ipadadala ang proyekto, proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon
upang maisakatuparan ang proyekto
RASYONAL: ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung
ano ang kahalagahan nito.
DESKRIPSYON NG PROYEKYO: isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano
ang nais matamo ng panukalang proyekto ay ang inaasahang haba ng panahon upang makumpleto
ang mga ito.
BADYET: Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito sa ahensiya o indibidwal na tumutulong upang maisagawa ang proyekto

Gawain:
* Ano-ano ang mga kailangang isaisip bago magsulat ng panukalang proyekto?
* Bakit kailangang makatotohanan at makatwiran ang panukalang proyekto?
* Paano makukimbinsi ang ahensya o opisina na aprubahan ang hinaharap sa kanilang panukalang
proyekto?
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

PAGSUSULIT BLG.7 / LAS(7)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isa sa minumungkahi sa pag-oorganisa ng isang panukalang proyekto ang pagiging ____.


a. Makatotohanan c. Magarbo
b. Magastos d. Malinaw

2. Sa bahagi ng pakulang proyekto na ito, nakapaloob kung anong uri ng proyekto ang binabalak o
pinaplanong isagawa

a. Badyet c. Deskripsyon ng Proyekto


b. Rasyonal d. Proponent ng Proyekto

3. Nakapaloob sa bahagi na ito ang detalye ng mga tinalang inaasahang gastusin na


kinakailangan sa isasagawang proyekto

a. Badyet c. Deskripsyon ng Proyekto


b. Rasyonal d. Proponent ng Proyekto

4. Inilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang
kahalagahan nito

a. Badyet c. Deskripsyon ng Proyekto


b. Rasyonal d. Proponent ng Proyekto

5. Isinusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais matamo ng panukalang
proyekto ay ang inaasahang haba ng panahon upang makumpleto ang mga ito.

a. Badyet c. Deskripsyon ng Proyekto


b. Rasyonal d. Proponent ng Proyekto
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG. 8


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Flyers o Leaflets


Layunin: Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal- bokasyunal
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc ) ph. 49-51

Ang Flyers o Leaflets ay tumutukoy sa mga pahina ng mga makukulay na papel upang
maipakilala ang ilang produkto o kaganapan.

Nahahati ito sa dalawang kategorya o layunin : Una, ito ay ginawa upang magbenta ng mga
produkto, mailimbag ang ilang mga impormasyon sa pagpapakilala ng negosyo, produkto, paaralan,
serbisyo, restaurant at iba pa. Ikalawa, nagsisilbi rin itong obligasyon ng publisidad, magbigay ng
impormasyon sa publiko tulad ng pag-iingat sa bagyo, lindol, baha, sakit, publisidad at donasyon ng
dugo ng ibang tao.

Ang flyers/leaflets ay ginawa upang palawakin ang impluwensya ng isang papel o material
upang magpabatid ng mga kaganapan o pangyayari tulad ng piyesta, konsiyerto, laban ng banda, mall
tour ng artista, at iba pa.

Ang flyer ay tinatawag ding leaflet o handbill . ang flyer ay isang piraso ng papel na may sukat
na 8 1/2” x 11” (A4). Ito ay isang mainam na pag-advertise o pagpapakilala lalo na kung maliit lamang
ang sakop ng negosyo. Ito rin ay pinakamurang pamamaraan upang maabot at maipakilala ang
produkto sa maraming tao.

Gamit ng Flyers

Ipabatid ang kaganapan tulad ng konsiyerto o pagbubukas ng bagong kainan.


Impormasyon sa produkto tulad ng gadgets, aklat, gamut pabango at mga info ads.
Mga kinalalagyan ng fact sheet ng mga kaganapan sa seminar, paligsahan at meeting

Gawain : Sagutin mo.

1. Ano ang Flyers o Leaflets?


2. Ano-ano ang iba’t ibang kategorya o uri ng flyers o leaflets?
3. Ano ang dapat isakatuparan sa pagbuo ng flyers o leaflets? Ipaliwanag.
4. Saan ginagamit ang mga flyers?
5. Ano ang maitutulong ng leaflets/flyers ng iyong produkto/negosyo?

PAGSUSULIT BLG.8 / LAS(8)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. tumutukoy sa mga pahina ng mga makukulay na papel upang maipakilala ang ilang produkto o
kaganapan.
a. Magasin c. Promo Materials
b. Flyers d. Dyaryo
2. Ito ang karaniwang Sukat ng Leaflets.
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

a. 8.5 x 11 c. 8.5 x 14
b. 8.5 x 13 d. 11.69 x 16.54

3. Isa sa layunin ng Flyers ay ______________.


a. Magbigay aliw c. Magpabatid ng kaganapan
b. Maningil d. Magpakilala

4. Sinasabing ang flyers ay isa sa mainam na _______________ kung maliit lamang ang sakop
ng negosyo

a. Magpabatid c. makaimpluwensya
b. Mag-advetise d. magsilbi

5. Iba pang katawagan sa Flyers ay _________.

a. Fact sheets c. leaflets


b. Forms d. magasin

GAWAING PAGKATUTO BLG. 9


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Name:____________________________________ Grade / Score: _______________


Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________
Pamagat ng Gawain: Promo Materials
Layunin: Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

Ang Pamimili (ingles;marketing) ay tumutukoy sa pagbebenta o pagpapalitan ng mga produkto,


serbisyo at/o salapi sa loob ng isang pamilihan. Malaki ang impluwensiya nito sa pagpapalago at
pagpapalakas ng isang negosyo.

Ang ”pamamahala sa pamilihan” ay ang pagplano at pagpapalakas ng isang proyektong


pamproduktono serbisyo upang tumugon sa mga hinihingi (demands) at pangangailangan (needs) ng
isang pamilihan. Ginagamitan ito ng mga estratehiya, batas at gabay na tumutulong sa pagpapaunlad
ng isang negosyo.

May apat itong konseptong natatangi. Ito ang “Proyektong Pamprodukto at Serbisyo”, “Hinihingi
(Demands)”, “Pangangailangan (Needs)” at Merkado”.

1.Proyektong pamprodukto at serbisyo

Tiyak na namamahagi ng produkto at/o serbisyo ang isang negosyo kapalit ng pera. Sa
pamamahagi ng mga produkto at serbisyo, dapat bigyan nang pansin ng isang negosyante o
manedyer ang apat na “P” sa marketing.
Produkto (product)
Presyo (Price)
Pagmamahagi (Distribution/Placement)
Pagpapalaganap (promotion)

2.Ang Merkado o Market – ay isangrupo ng mga mamimili na hindi nagkakaiba ang mga ninanais at
pangangailangan na napapaloob sa isang natatanging lugar.
3.Ang Pangangailangan (Needs) ay mga produkto o/at serbisyong hinahangad ng mga tao sa isang
market.
4.Ang Hinihingi (Demands) - ay ang mga hinahangad na produkto o/at serbisyo na kayang gastusan
ng mga tao sa isang market.

Mga Pilosopiyang Pangkalakalan Sa Pamilihan

1. Konseptong Pamprodukto
Ang prinsipyo ng Konseptong Pamprodukto ay umiikot sa produktong binebenta ng isang
kumpanya. Binibigyang diin ang gamit at kalidad ng produkto dahil pinaniniwalaan ng konseptong ito
na binibili ng mamimili ang isang produkto ayon sa tibay, bilis ng paggamit at mga katangian ng
produkto.

2.Konsepto sa Pagbebenta
Ang dami at bilis ng pagbenta ang tinututukan ng konseptong ito. Ang pangunahing layunin nito
ay maparami ang benta (sales) ng produkto sa likod ng hindi magandang kalidad at mababang presyo.
Naniniwala ang konseptong ito na kahit maliit ang kita sa bawat piraso ng produkto, tataas ang kita
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

kung maramihan ang mabebenta. Malaki ang binabayad sa mga sales force ng isang kompanyang
naniniwala sa konseptong ito dahil dito nakasalalay ang pagtaas ng kanilang kita.

3..Konseptong Pamproduksiyon
Ang teknikal at proseso ng paggawa ng isang produkto ang binibigyang diin ng Konseptong
Pamproduksiyon. Naniniwala ang pilosopiyang ito na kung mas mura ang halaga ng paggawa sa isang
produkto, mas malaki ang kita ng kompanya. Ang simpleng formula ng kita o profit ay :

KITA = PRESYO NG PAGBENTA – HALAGA NG PAGGAWA


Kung ibababa ng kompanya ang halaga ng paggawa sa isang produkto nang hindi ginagalaw ang
presyo ng pagbenta, tataas ang kita. Napapaloob din sa konseptong pamproduksiyon ang tinatawag
na Economies of Scale (EOS) o “mga ekonomiya ng sukatan”. Ayon sa EOS, kung mas madalas na
ang paggawa sa isang produkto at maramihan ang paggawa nito, bumababa ang halaga nito upang
mabuo. Kung hindi ibababa ang presyo ng pagbenta sa produkto siguradong madaragdagan ang kita
ng kompanya sa pagbenta.

4.Konsepto ng Pagmamarket
Ito ang pangunahing pilosopiya sa negosyo na ginagamitan ng mga paniniwala at mga konsepto
sa marketing, pinahahalagahan ng konseptong ito ang market o mga mamimili. Ang mga desisyon sa
produkto o serbisyo ay napapalibot sa mga pangangailangan at hinihingi ng market. Binibigyang diin
din ng konseptong ito ang apat na “P” ng Pagmamarket na tinatawag nating Produkto, Presyo,
Pamamahagi, at Pagpapalaganap.

5.Konsepto ng Pagmamarket : Panlipunan


Ang konseptong ito ay hango sa Konsepto ng Marketing. Ngunit binibigyan ng diin ng
konseptong ito ang kapakanan ng lipunan. Binibigyan ng pansin ang kapakanan ng lipunan bago
mabuo at ibenta ang mga produkto at serbisyo. Pumapasok din sa konseptong ito ang tinatawag nating
Pamamahala ng Kapaligiran ( o Environmental Management ) sa larangan ng Pagnenegosyo.

Sagutin:
1.Ano ang ibig sabihin ng pamimili at pamilihan?
2.ano-ano ang apat na P o mga konseptong natatangi sa pamimili?
2.ano-ano ang mga pilosopiyang pangkalakalan sa pamilihan ang dapat tandaan sa pamimili?
ipaliwanag

PAGSUSULIT BLG.9 / LAS(9)


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang grupo ng mga mamimili na hindi nagkakaiba ang mga ninanais at pangangailangan
na napapaloob sa isang natatanging lugar.

a. Marketing c. needs
b. Market d. demands

2. Ito ang mga hinahangad na produkto o/at serbisyo na kayang gastusan ng mga tao sa isang
market.
a. Marketing c. needs
b. Market d. demands

3. Tumutukoy ito sa pagbebenta o pagpapalitan ng mga produkto, serbisyo at/o salapi sa loob ng
isang pamilihan.

a. Marketing c. needs
b. Market d. demands

4. Mga produkto o/at serbisyong hinahangad ng mga tao sa isang market.

a. Marketing c. needs
b. Market d. demands

5. Tinututukan ng konseptong ito ang dami at bilis.

a. Konseptong pamprodukto c. konsepto sa pagbebenta


b. Kopnseptong pamproduksyon d. konsepto sa Pagmamarket

GAWAING PAGKATUTO BLG. 10


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Name:____________________________________ Grade / Score: _______________


Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Mga Punto ng Estratehiya sa Pamamahala na Pangmerkado


Layunin: Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

Mga Punto ng Estratehiya sa Pamamahala na Pangmerkado

Pananaliksik na PangMerkado

Layunin : Ang layunin ng Pananaliksik na Pangmerkado o “Pagsasaliksik sa Market” ay alamin ang


mga pangangailangan, kaugalian, paraan ng pamimili at paniniwala ng isang market. Ginagamit din ito
sa pagtuklas ng mga bagong market sa isang lugar. Kadalasang ginagamit ang pagtatanong,
pakikipanayam, at diskusyong panggrupo sa Pananalisik na pampamilihan

Dalawang Pangunahing Pamamaraan sa Pagkalap ng Impormasyon

Ang paraang kuwantitatibo ay ginagamit sa mga impormasyong nabibilang tulad ng edad,


kasarian at ginagamit na tatak. Inaalam natin kung ilang porsyento ang lalaki at babae na bumubuo sa
mga nasurvey, kung ilang porsyento ang matanda, binate o dalaga. Maaari rin malaman sa paraang
ito kung ilan ang mga lalake na gumagamit ng Tatak A laban sa mga lalakeng gumagamit ng Tatak B.
limitado ang mga maaaring makuhang impormasyon sa Paraang Kuwantitatibo dahil hindi nito kayang
alamin ang ugali, pagkilos at pag-iisip ng mga tinatanong.
Ang paraang Kuwalitatibo ay ginagamit upang malaman ang saloobin ng isang market. Sa
tulong ng Paraang Kuwalitatibo, maaari nating malaman kung ano ang kadalasang dahilan ng market
kung bakit Tatak A at hindi Tatak B ang kanilang binibili at ginagamit. Nalalaman din natin ang paraan
ng mga mamimili sa paggastos ng kanilang salapi, ang kanilang pang-araw-araw na buhay at ang
nakikita nilang imahe sa mga kilalang Tatk ng mga produkto o serbisyo.

Paraan ng Pagkalap ng Datos sa Pananaliksik na Pampamilihan

1a.Interbyu - upang mas makilala ng mga marketer ang kanilang mga mamimili.

2a. Diskusyong PangGrupo – tulad ng sa interbyu ngunit imbes na isa, mga lima pa gawan ng mga
trends o gabaytaas ang kasapi sa mga interbyuwees. Ang paraang ito ay magbibigay sa marketer ng
mga sagot na karaniwang sa buong grupo kung kaya’t mas mainam ang paggamit ng Diskusyon
Panggrupo kaysa sa pag-iinterbyu.

Segmentasyon ng Merkado at Puntiryang Merkado


Ang segmentasyon ng merkado o paghahati sa market ay ginagawa ng mga marketer upang
malaman nang husto ang tutugmang target market para sa kanilang produkto o serbisyo. Ginagamit
din ang ang estratehiyang ito upang malaman ang mga market segment o parte ng market na hindi pa
natutustusan ng angkop na produktong kanilang hinihingi. Halimbawa, ang “Young”s Gel” na isang
sikat na pamada ay isa sa nagpauso sa pagbebenta ng tingi sa nasabing produkto. Nang malaman
nilang mabigat para sa kabataang lalaki ang bumili ng isang buong bote ng gel, nagawa nilang bigyan
sila ng pagakkataon na makapag-ayos ng kanilang buhok na sumusunod sa uso at modernong
fashion.
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Paraan na ginagamit upang mahati ang isang market :

Demograpiya – tinutukoy ang isang puntiryang merkado ayon sa kanilang kasarian, edad, halaga ng
suweldo, edukasyon at trabaho.

Heograpiya - dito naaayon ang target market sa knilang lugar o lokasyon, klima ng lokasyon at
kalakihan ng lugar.

Sikolohiya - tinutukoy din ang target market ayon sa kanilang pag-iiisip at kaugalian. Maaaring ayon
sa kanilang mga pangangailangan, personalidad at kabuhayan (lifestyle).
Sosyo-kultural - sa larangan ng Sosyo-kulturang segmentasyon, inaalam ng mga marketer ang
kabansaan, relihiyon at klaseng panlipunan.

Sagutin
1.Bakit mahalaga ang advertisement/komersyal sa isang produkto?
2.Ano ang naitutulong nito para sa bilis ng pagkonsumo ng mamimili?
3.Ano-ano ang patok na komersyal na tumatak sa iyong isipan? Ibahagi
4.Bakit kailangang gumamit ng estratehiya sa pagbebenta sa pamilihan?
5. sa iyong palagay, bakit mahalagang maging maayos ang promosyon ng isang produkto?

PAGSUSULIT BLG.10 / LAS(10)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ginagamit ang pamamaraan ng pagkalap ng impormasyong nabibilang tulad ng edad, kasarian


at ginagamit na tatak.
a. kwalitatibo c. interbyu
b. kwantitatibo d. diskusyong panggrupo

2. Ang paraang ito ay magbibigay sa marketer ng mga sagot na karaniwang sa buong grupo

a. kwalitatibo c. interbyu
b. kwantitatibo d. diskusyong panggrupo

3. Ginagamit ang pamamaraan na ito upang malaman ang saloobin ng isang market.

a. kwalitatibo c. interbyu
b. kwantitatibo d. diskusyong panggrupo

4. Ginagamit ang paraan na ito upang mas makilala ng mga marketer ang kanilang mga mamimili.

a. kwalitatibo c. interbyu
b. kwantitatibo d. diskusyong panggrupo

5. Dito naaayon ang target market sa knilang lugar o lokasyon, klima ng lokasyon at kalakihan ng
lugar.

a. Demograpiya c. sikolohiya
b. Heograpiya d. sosyo-kultural
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG. 11


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Deskripsyon ng Produkto


Layunin:Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
Pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

Panimula
Ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya ay ang tinatawag na produksyon. Dito
nililikha ang mga bagay o produktong kailangan ng mga mamamayan. Upang umikot ang ekonomiya
kinakailangan nito ang pagpapalitan o distribusyon at ang pagkonsumo. Batay rito, di-maikakailang
isang sistema ng patuloy, palitan at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo ang ekonomiya.

Ang produkto ay tumutukoy sa mga hilaw na materyales na kinakailangan ng bawat tao. Ang
produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo na matugunan ang pangangailangan
at kagustuhan ng mga tao. Nangangailangan ng mga kagamitan at material anumang paggawa ng
isang bagay o kalakal upang magkaroon ng produksyon. At ang pinakamahalagang sangkap nang
produksyon ay ang produkto.

Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao. Nangangailangan ng mga material at kagamitan ang anumang paggawa
ng isang bagay o kalakal upang magkaroon ng produksyon.

Ang produksyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya. Ditto nililikha ang
mga bagay o produktong kailangan ng mga mamamayan. Kailangan din sa pag-ikot ng ekonomiya ang
pagpapalitan o distribusyon, palitan, at pagkonsumo ng mga kalakal at serbsiyo ang ekonoomiya.

Linangin Natin

Kung hindi mo pa nagagawa sa iyong pangkalahatang pangnegosyong plano, maiging malinaw


na sabihin kung sino ka, kung ano ang iyong negosyo, kung ano ang mga layunin ng iyong negosyo, at
ano ang nagbigay sigla sa iyo na magsimulang magnegosyo, bumili o palaguin ang negosyo.
Halimbawa :
Isama ang pangalan ng kompanya, tirahan, numero ng telepono, at mga pangalan ng may-
ari/kasosyo
Sabihin ang kinabukasan ng negosyo, at isalaysay ang pakay (dapat ihanay ito sa iyong target
na pamilihan)
Sabihin ang mga mahalagang buod at layunin ng iyong negosyo at may-ari nito.
Benepisyo ng Kalidad sa Negosyo

Kasaganaan – sasagana ang iyong negosyo kung maraming kostumer ang tatangkilik sa iyo.
Kayamanan - darami ang yaman mo kung masagana ang iyong negosyo.
Kasikatan – makikilala hindi lang ang iyong produkto at serbisyo kundi pati ikaw.
Kaginhawaan – giginhawa hindi lang ang buhay mo at ng iyong pamilya kundi pati rin ikaw.
Katatagan – magiging matatag ang kompanya mo sa anumang pagsubok dahil alam mong de-kalidad
ang iyong serbisyo. Mangingibabaw ka pa rin sa anumang krisis o kompetisyon.
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Ilarawan ang produkto o serbisyo

Naitanong mo na ba minsan ang iyong sarili kung bakit kakaiba ang iyong produkto at serbisyo
kung ikukumpara sa ibang modelo sa pamilihan? Kinakailangang maipakilala na unique ang produkto o
serbisyo dahil nasasakop ito ng malaking lokasyon na tama lang para sa kompetisyon. Importanteng
gamitin ang mga numero upang maging makatotohanan ang pagpapakita na ang negosyo ay kumikita.

Sagutin:
1. Ano ang pakakaiba ng Produkto sa produksyon?
2. Ano-ano ang mga benepisyo ng kalidad sa negosyo? Ipaliwanag

PAGSUSULIT BLG.11 / LAS(11)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng


mga tao

a. Produkto c. kaginhawaan
b. Kasagaan d. Produksyon

2. Isa sa benepisyo ng kalidad sa negosyo na ito ang pagdami ng kostumer na tumatangkilik sa


produkto

a. Produkto c. kaginhawaan
b. Kasagaan d. Produksyon

3. Tumutukoy sa mga hilaw na materyales na kinakailangan ng bawat tao.

c. Produkto c. kaginhawaan
d. Kasagaan d. Produksyon

4. Isa sa benepisyo ng kalidad sa negosyo ang paggaan ng gawain sa produksyon.

a. Produkto c. kaginhawaan
b. Kasagaan d. Produksyon

5. Isa benepisyo ng kalidad sa negosyo na ito ang pagiging kilala ng produkto at serbisyo.

a. Kasikatan c. kaginhawaan
b. Kasagaan d. kayamanan
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG. 12


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Iba’t ibang Anyo ng Produksyon


Layunin: Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw
ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

IBA’T IBANG ANYO NG PRODUKSYON

Elementary Utility - ito ang anyo ng produksyon na hindi na kailangan pang dumaan sa kahit
na anong prosesong gawa ng tao. Isa itong produkto na maari na agad pakinabangan ng tao tulad ng
prutas at gulay. Tinatawag din itong natural utility.
Form Utility – ito naman ang mga hilaw na sangkap, mga bagay na nagmula sa natural utility
subalit hindi sapat ang kaligayahang naidudulot sa tao kung kaya kailangang sumailalim sa isang
proseso upang mabago ang anyo. Halimbawa nito ang trosong nagiging kasangkapan, papel at iba
pa; at ang mga butyl ng palay na ginagawang harina. Makikita ang pagbabago ng mga hilaw na
sangkap na ito sa anyo o hugis ng isang material upang magkaroon ng dagdag na pakinabang.
Time Utility - ito ang mga produktong ginagawa sa angkop na panahon. Isang halimbawa nito
ang pagtitinda ng mga napapanahong pagkain tulad ng halu-halo. Karaniwan nang itinitinda ito kung
tag-init samantalang karaniwan nang mabili ang maiinit na pagkain tulad ng lugaw kung tag-ulan.
Mayroon din namang mga produkto na maaring itago muna at ipagbili na lamang kung napapanahon
na ito. Halimbawa nito ang damit tulad ng kapote at jacket.
Service Utility – ito ang anyo ng produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao.
Binabayarang serbisyo ng isang tao ang service utility upang matugunan ang kanyang mga
pangangailangan. Halimbawa nito ang ang serbisyo ng abogado, gwardya, doktor, drayber at iba pa.
Possession or Ownership Utility - ito naman ang anyo ng produksyon kung saan hindi na
kailangan pang baguhin ang isang produkto subalit kailangang ipagbili sa isang taong higit na
nakikinabang. Halibawa nito ang mga alahas.
Place Utility – may mga produktong tumataas ang kapakinabangan pati na rin ang halaga
kapag ito ay inililipat ng lugar o pook. Ang bigas na gawa sa Gitnang Luzon kapag dinala sa Maynila ay
tatas ang halaga. Ang mga prutas sa Davao ay alaong tatas ang utility kapag iniluwas sa Japan.
Gawain 1 : Magbigay ng taglimang (5) Halimbawa sa Iba’t ibang Anyo ng Produksyon

Possession or
Elementary
Form Utility Time Utility Service Utility Ownership Place Utility
Utility
Utility

PAGSUSULIT BLG.12 / LAS(12)


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang mga produktong ginagawa sa angkop na panahon.

a. Elementary Utility c. Time Utility


b. Service Utility d. Form Utility

2. Ito ang anyo ng produksyon na hindi na kailangan pang dumaan sa kahit na anong prosesong
gawa ng tao.

a. Elementary Utility c. Time Utility


b. Service Utility d. Form Utility

3. Ito naman ang mga hilaw na sangkap, mga bagay na nagmula sa natural utility subalit hindi
sapat ang kaligayahang naidudulot sa tao kung kaya kailangang sumailalim sa isang proseso
upang mabago ang anyo.

a. Elementary Utility c. Time Utility


b. Service Utility d. Form Utility

4. Ito ang anyo ng produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao.

a. Elementary Utility c. Time Utility


b. Service Utility d. Form Utility

5. Ito naman ang anyo ng produksyon kung saan hindi na kailangan pang baguhin ang isang
produkto subalit kailangang ipagbili sa isang taong higit na nakikinabang.

a. Place Utility c. Time Utility


b. Service Utility d. Ownership Utility

GAWAING PAGKATUTO BLG. 13


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________


Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Salik ng Produksyon


Layunin: Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )
Mga Salik ng Produksyon

May apat na salik sa pagbuo ng isang produkto. Hindi mabubuo ang isang produkto kung
mawawala ang alinman sa mga salik na ito. Kabilang sa mga salik na ito ang lupa, lakas-paggawa,
puhunan o capital at kakayahan ng entreprenyur.

Lupa Bilang Salik ng Produksyon


Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.
Halimbawa nito ang matatabang luoang pinagtamnan, ang mga lupang pastulan, lupa sa lungsod at
iba pa. nadaragdagan ang kapakinabangan ng lupa habang nalilinang ito.
Maaaring gamitin ang lupa sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasaka, pabahay,
pagtatayuan ng mga tanggapan, pagawaan at iba pa. walang hanggan ang maaaring gamit ng lupa.
Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na tinatawag ng Upa. Makabuo ng
isang produkto sapagkat
Lakas –Paggawa Bilang Salik Ng Produksyon
ang lakas-paggawa ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na lakas-paggawa
ang lakas-tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay. Ang kalikasan
ang nagbibigay ng mga hilaw na sangkap o likas na yaman ngunit nakasalalay sa kamay ng tao ang
paglinang nito upang maging kapaki-pakinabang ito.
Sa salik na ito umiiral ang kontribusyon ng lakas ng tao upang mabuo ang isang produkto. Hindi
sapat na may mga hilaw na sangkap upang mapakinabangan ng tao ayon sa kanyang nais. Dito
pumapasok ang lakas-paggawa. Sa pamamagitan ng pag-iisip at talento ng tao, nabubuo ang isang
produkto. Hindi lamang nangangahulugan ng pisikal na paggawa ang lakas-paggawa. Matatawag ding
lakas-paggawa ang pag-iisip ng tao.

Ang Kapital o Puhunan Bilang Salik ng Produksyon

Ano ang maaring mangyari sa produksyon at pangangalakal kung walang kapital? Marahil, ang
mga pangunahing pangangailangan lamang ang magagawa dahil walang namumuhunan sa
produksyon ng kagamitan, mga pampaginhawa sa buhay at bagong teknolohiya.

Kahalagahan ng Kapital

May malaking bahagi sa produksyon ang puhunan. Magiging kapaki-pakinabang lamang ang
lupa kung gagamitan ng puhunan. Mahalaga rin sa paggawa ang puhunan upang matugunan ang
pangangailangan. Nagiging maunlad ang industriyang pinaglalaanan ng malaking puhunan.

Ang Kakayahang Entreprenyur Bilang Salik ng Produksyon


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Isang entreprenyur ang nagtatatag ng negosyong makapagbibigay ng malaking


kapakinabangan sa mga mamamayan. Siya ang nasa likod na produksyon. Sa kanyang matalinong
pagpapatakbo nakasalalay ang paglago ng isang negosyo. Siya ay tinaguriang tagapamahala,
superbisor, innovator, at risk bearer sa produksyon.

Sagutin:

1. Bakit kinakailangan ang magkaroon ng magandang plano sa patatayo ng negosyo?

2. anong benepisyo ang maaaring makuha kapag may kalidad ang iyong negosyo?

3. ano ang pagsubok ang maaaring lutasin ng iyong produkto o serbisyo?

4. sa iyong palagay ano ang pagkakaiba ng demands at needs?

5. ano naman ang pagkakaiba ng kwantidad sa kwalidad?

PAGSUSULIT BLG.13 / LAS(13)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.


a. Salik sa lakas- Paggawa c. Salik sa Kakayahang entreprenyur
b. Salik sa lupa d. salik sa produksyon

2. Ito ang pinakamahalagang salik ng produksyon na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapaki-


pakinabang na bagay.
a. Salik sa lakas- Paggawa c. Salik sa Kakayahang entreprenyur
b. Salik sa kapital d. salik sa produksyon

3. Ito ang nasa likod ng produksyon na nagtatatag ng negosyong makapagbibigay ng malaking


kapakinabangan sa mga mamamayan
a. Miyembro c. guro
b. entreprenyur d. kalihim

4. Ito ang mga pangunahing pangangailangan lamang ng magagawa dahil walang namumuhunan
sa produksyon ng kagamitan, mga pampaginhawa sa buhay at bagong teknolohiya.
a. Salik sa lakas- Paggawa c. Salik sa Kakayahang entreprenyur
b. Salik sa kapital d. salik sa produksyon

5. Sa pagsisimula ng negosyo, ito ang kaniyang kinakailangan upang makapagsimula.


a. Puhunan c. teknolohiya
b. Benepisyo d. produksyon

GAWAING PAGKATUTO BLG. 14


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Name:____________________________________ Grade / Score: _______________


Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain : Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto


Layunin : Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

Dokumentasyon – Ito ay mahalagang pangangailangan sa pananaliksik na nangangailangan ng


maingat na pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na ideya, datos o impormasyon.
Kahalagahan at Tungkulin ng Dokumentasyon
1. Ang dokumentasyon ay gumaganap ng mahalagang tungkulin sa isang papel
pampananaliksik.
2. Nagbibigay din ito ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na kanyang ginamit.
3. Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o impormasyon iyon kung binabanggit
ng mananaliksik ang awtor.
Istilong A.P.A (American Psychological Association)
Noon : ang footnoting o paggamit ng talababa ang pinaka gamiting paran ng dokumentasyon ng mga
pananaliksik.
Ngayon :
Iminungkahi ng American Psychological (A.P.A.) Modern Language Association (M.L.A)
Talang Parentetikal (Parenthetical Citation)- na higit na simple at madaling gawin kaysa sa footnote.
Nagagawa rin itong tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa pagbabasa. Kung sa M.L.A. ang pangalan
(apelyido) ng awtor at bilang ng pahina (ng akda kung saan matatagpuan ang ideya, datos o
impormasyong hiniram) ang inilagay sa loob ng parenthesis.

Sa Istilong A.P.A
Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang
isulat sa loon ng parenthesis.
Halimbawa :
Ayon kay Nunan (1997), mahalaga ang pagkakaroon ng wika…..
Kung si Nunan ay may ko-awtor (tatlo o higit pa), kailangan may et al.
Halimbawa :
Ayon kay Nunan, et al. (1997), mahalaga ang pagkakaroon ng wika…
Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng pangungusap
kasama ang taon ng publikasyon. Paghiwalayin ang dalawang entris sa loob ng parenthesis sa
pamamagitan ng kuwit.
Halimbawa :
Ang Lingua Franca ay ang wikang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang katutubong wika
upang sila’y magkaunawaan (Wardaugh, 1986).
Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon.
Halimbawa :
Ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon kumuha ng kursong pakikinig (Seiler at
Beall, 2002).

TALABABA
Ito ay tala o paliwanag na nakalimbag sa ibaba ng pahina ng papel kung saan kinuha ang
paliwanag o entri ng binanggit sa pahinang iyon. May numero sa kaliwang bahagi bago ang pangalan
ng awtor na kumakatawan sa bilang ng paliwanag o entring binanggit.
Halimbawa:
Amiel Llwelyn A. Mercado et al., Basic Language para sa Unang taon sa kolehiyo. Manila: Jimczyville
Publications, c.2000,p.54
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Maaari nating pagkuhaan ng talababa ang silid-aklatan na may mga koleksyon ng aklat, CD’s, DVD,
Magasin at Internet.

A. TALABABA-BIBLIOGRAPIYA
Ito ay isinasagawa sa pagbanggit ng impormasyong bibliograpikal sa talababa at bibliograpiya.
Pormat ng talababa
a. paglalagay ng superscript
b. pagnunumero ng tala
c. pagbabantas
d. indensyon

B. PARENTETIKAL-SANGGUNIAN
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyong bibliograpikal sa loob ng
parenthesis na nasa teksto mismo. Kasunod nito ang listahan ng sanggunian sa katapusan ng papel
na nakalahad ng sunod-sunod batay sa alpabeto.
Pormat ng talang parentetikal-sanggunian
a. kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto, pahina na lamang ang banggitin.
b. Banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor kung higit sa isa ngunit hindi lalagpas sa tatlo ang
awtor.
c. Banggitin ang apelyido ng unang awtor at sundan ng et. al at pahina kung may apat o higit pang
awtor.
d. Banggitin ang pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng pahina, kung pamagat lamang ang
naibigay .
e. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may mahigit isang tomo, banggitin ang tomo:
(tutuldok ang maghihiwalay sa bilang ng tomo at pahina).
f. Banggitin na lamang ang akda kung may babanggiting dalawa o higit pang-akda ng iisang
awtor. Paikliin kung kailangan.

POSISYON AT PAGBABANTAS
a. Ang talang parentetikal ay inilalagay pagkatapos ng salita o ideyang hinalaw.
b. Ipinoposisyon ito bago ang iba pang bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, kuwit, kolon at
semi-kolon. Kung babanggitin ang talang parentetikal pagkatapos ng isang maikling tuwirang sipi
na gagamitan ng panipi.
c. Ang talang parentetikal ay inilalagay pagkatapos ng tuldok sa tuwirang sipi. Ito ay sa mahabang
tuwirang sipi naman. Dalawang espasyo ang naghihiwalay talang parentetikal at sa tuldok at hindi
na nilalagyan ng anumang bantas pagkatapos nito.

Gawain : Sagutin Natin!


1. Ano ang Sistema ng Dokumentasyon?
2. Ano ang estilong APA?
3. Ano ang talababa?
4. Ano ang pagkakaiba ng talababang-bibliograpiya at parentetikal-sanggunian? Ipaliwanag.

PAGSUSULIT BLG.14 / LAS(14)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay mahalagang pangangailangan sa pananaliksik na nangangailangan ng maingat na


pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na ideya, datos o impormasyon.

a. Talababa c. talababa-bibliograpiya
b. Parentetikal-sanggunian d. dokumentasyon
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

2. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyong bibliograpikal sa loob ng


parenthesis na nasa teksto mismo.

a. Talababa c. talababa-bibliograpiya
b. Parentetikal-sanggunian d. dokumentasyon

3. Ito ay isinasagawa sa pagbanggit ng impormasyong bibliograpikal sa talababa at bibliograpiya.

a. Talababa c. talababa-bibliograpiya
b. Parentetikal-sanggunian d. dokumentasyon

4. Ito ay tala o paliwanag na nakalimbag sa ibaba ng pahina ng papel kung saan kinuha ang
paliwanag o entri ng binanggit sa pahinang iyon.

a. Talababa c. talababa-bibliograpiya
b. Parentetikal-sanggunian d. dokumentasyon

5. Sa estilong ito inilalagay ang footnoting o paggamit ng talababa ang pinakagamiting paraan ng
dokumentasyon ng mga pananaliksik

a. Talababa c. talababa-bibliograpiya
b. Estilong APA d. dokumentasyon
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG.15


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Naratibong Ulat


Layunin : Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

Naratibong Ulat
Ang ulat ay isang pagpapahayag ng iba’t ibang kaalaman na maaaring pasalita o pasulat. Ito ay
bunga ng maingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag-usap sa mga taong may tanging
kaalaman o pagmamasakid sa mga bagay-bagay.
Mayroong dalawang uri ng pag-uulat: pasalita at pasulat
MGA URI NG PAG-UULAT
1. MAGBIGAY KABATIRAN O IMPORMASYON
Ito ay pag-uulat ng isang tao sa paksang ibinigay. Na naglalayong magpabatid ng
kaalaman.
2. MAGLAHAD NG PAG-AARAL O PAGSUSURI NA GINAWA
Ito ay pagpapabatid sa nangyari sa eksperimento o pagmamasid na ginawa ng mga tao
na eksperto sa iba’t ibang larangan.
3. ANG PANGANGALAP NG IMPORMASYON AT PAGLIKOM NG DATOS.
A. Pagbabasa sa mga tiyak na aklat sanggunian
B. Pagbabasa sa iba pang sanggunian
C. Pakikipanayam sa mga taong kasangguni at mga taong awtoridad sa paksang iuulat.
D. Maayos na pagtatala ng mga datos.
E. Gumagamit ng indeks card
F. Itala sa bawat indeks kard ang impormasyon mula sa isa lamang pinanggalingan ng datos.
G. Isulat sa indeks card:
 Pamagat ng aklat
 Awtor ng aklat
 Sino at kailan nalimbag
 Pahina ng aklat na kinunan sa aklat
 Ang mahalagang kaisipang nakuha sa aklat
 Isaayos nang paalpabeto ang mga indeks kard batay sa pangalan ng awtor upang
madaling hanapin ang tala kapag kinailangan.
Ang Pagsulat ng ulat
1. Pagbuo ng maayos na balangkas
a. Itala ang mga pangunahing kaisipan
b. Sa ilalim ng bawat pangunahing kaisipan
c. Itala ang maliliit na detalye na kaugnay at susuporta sa pangunahing kaisipan.
2. Pagsulat ng burador ng sulatin
Isaalang-alang ang tatlong bahagi ng sulatin:
a. Kawili-wiling simula- gumigising ng kawilihan
b. Katawan- mayos at malinaw, tiyak at di-maligoy
c. Magandang Wakas- maikling lagom ng ulat
3. Pagrerebisa ng burador
a. Pagsasaayos ng kayariang pangwika- wastong balarila, angkop na salita.
b. Kawastuhan ng nilalaman- malinaw, tiyak, di-maligoy, idagdag ang kakulangan, alisin ang
kalabisan.
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

c. Isaayos ang pormat at talataan: pamagat, pasok palugit, malaking titik at bantas.
4. Pagsulat ng pangwakas na sipi ng ulat
Tandaan: Upang maging matagumpay sa pagbibigay ng ulat kailangan ang:
a. Ganap na paghahanda
b. Maayos na paglikom ng datos at impormasyon
c. Magandang pagtatala ng mga datos at impormasyon
d. Magandang pagbubuo at pagsulat ng ulat.

Gawain
Batay sa mga impormasyong nakalap, ano-ano ang dapat na nilalaman ng isang mahusay at
epektibong naratibong ulat?

PAGSUSULIT BLG.15 / LAS(15)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. isang pagpapahayag ng iba’t ibang kaalaman na maaaring pasalita o pasulat


a. Magbigay kabatiran c. naratibong ulat
b. Pagrerebisa ng burador d. paglalahad ng pag-aaral
2. Ito ay pag-uulat ng isang tao sa paksang ibinigay. Na naglalayong magpabatid ng kaalaman.
a. Magbigay kabatiran c. naratibong ulat
b. Pagrerebisa ng burador d. paglalahad ng pag-aaral
3. Ito ay pagpapabatid sa nangyari sa eksperimento o pagmamasid na ginawa ng mga tao na
eksperto sa iba’t ibang larangan.
a. Magbigay kabatiran c. naratibong ulat
b. Pagrerebisa ng burador d. paglalahad ng pag-aaral
4. Isa sa paraan ng pagsulat ng ulat ay ang pagsasaayos ng wastong salita.
a. Magbigay kabatiran c. naratibong ulat
b. Pagrerebisa ng burador d. paglalahad ng pag-aaral
5. Sa pagsusulat ng naratibong ulat isa sa kinakailangan ay ang ___________ sa tulong ng
pagbabasa ng mga sanggunian.
a. Magbigay kabatiran c. mangalap ng datos
b. Pagrerebisa ng burador d. paglalahad ng pag-aaral
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

GAWAING PAGKATUTO BLG.16


Name:____________________________________ Grade / Score: _______________
Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Paunawa, Babala, at anunsyo


Layunin : Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong tenikal-bokasyunal na sulatin
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

BABALA ( WARNING )
- Ito ay tumutukoy sa pagbabatid ng isang sulat sa babasa na maaaring magdulot ng
kapahamakan, pinsala o hindi alinsunod sa kung ano ang nararapat at dapat iwasan.
- Ito ay may pagkakatulad sa anunsyo na nagsasaad ng impormasyon ngunit ito ay nagsasaad
ng mga dapat at 'di dapat gawin sa isang lugar lalo na sa mga pampublikong lugar na ito rin ay
ginagamitan ng simpleng simbulo ngunit ang ilan ay pasalita.

MGA URI NG BABALA


Pasalitang Babala
Uri ng babala na nakalimbag maaring sa isang karatula o nakalimbag sa pader.
Halimbawa:
*Babala sa kapaligiran
- Bawal magtapon ng basura dito!
- Bawal magkalat!
* Babal sa kalusugan
- Bawal manigarilyo dito
- Bawal uminom ng alak dito

Pasimbulong Babala
Dito gumagamit ng mga simbulo upang magsilbing babala sa mga tao. Ginagamitan ito ng grapikong
ilustrasyon ipang ipabatid ang isang babala.

Bawal mag u turn

PAG-AANUNSYO
Ito ay isang paraan ng paglahad ng iyong nais iparating sa tao o madla. May pagkakapareho sa
anunsyo ang babala sapagkat ito ay nagsasaad ng impormasyon ngunit ito ay nagsasaad ng mga
dapat at di dapat gawin sa isang lugar lalo na sa mga pampublikong lugar-ginagamitan ito ng mga
simpleng simbolo ngunit ang ilan ay pasalita. Ito rin ang pagpapakilala, pagbebenta o tuwirang pag-
aalok pa nga ng mga produkto, paglilingkod (services), tao, lathalain, pelikula atbp. Ito naman ay sa
pamamagitan ng telebisyon, radio, magasin, flyers o pampleto, dyaryo, streamer at iba pang
modernong mga pamamaraan.

Mga paraan ng Pag-aanunsyo


a. Asosasyon
Mga kilalang personalidad: Artista, atleta at magagandang modelo ang ginagamit upang
mahawa ng kanilang kasikatan ang mga produkto.

b. Bandwagon effect
Layunin nito na sumang-ayon o makiisa ang isang mamimili sa desisyon ng pangkat ng
mamimili. Dahil ito sa takot na hindi mapabilang sa “Popular Choice”.
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

c. Demonstration effect
Ito ay ang paglalahad at pagpapakita ng paraan ng paggamit at pakinabang ng produkto.

d. Mga pagpapatotoo
Tumutukoy ito sa mga binitawang pahayag, pagpapatotoo, o testimonya ng mga tao
hinggil sa kalidad ng nasubukang produkto.

e. Ang “selling point”


ito ay ang kredibilidad o reputasyon ng mga taong nagpapatunay ng kalidad ng produkto.

f. Pag-uulit-ulit
Mga paanunsyong inuulit-ulit sa loob ng 15 segundo o bawat commercial break. Ang pag-
uulit ulit (repetition) sa pangalan at katangian ng isang produkto ay tumatatak sa isipan ng mga
mamimili.

g. Presyur
May layunin itong madaliin ang pagpapasya ng mga mamimili naglalapat ng presyur ang
paanunsyo upang ang mamimili ay agarang kumonsumo.

h. Pag-apela sa emosyon
Gumagamit ng awa, kasiyahan, paghanga atbp. Emosyon sa pamamagitan ng mga
modelo o larawan na babagay sa produkto.

i. Paggamit ng mga islogan


Ginagamit ang islogan upang madaling matandaan ng mga mamimili ang pangalan ng
mga produkto at upang mahuli ang atensyon ng mga mamimili. Ang slogan ay maikling pahayag
na hamon o tema ng isang produkto. Ginagamit ito upang madaling tandaan ang pangalan ng
produkto o serbisyo.

j. Snob effect
Hinihikayat ang mga mamimili na gamitin ang ipinagbibiling produkto upang maging
kakaiba. Ang isang tao na SNOB ay gusting maging kakaiba o hindi kabilang sa mga pangkat
ng tao. Lumilikha ito ng impresyon ng “exclusivity” na maaaring tugma sa pag-uugali ng mga
mamimili.

k. Brand name
Pagpapakilala ng katangian ng produkto tulad ng tatak at pangalan ng produkto.

l. Fear
Sa paraang ito ay dinadaan sa pagbibigay ng takot o pangamba sa mga mamimili na kung hindi
bibilhin ang produktong inaanunsyo ay magdudulot ng negatibo sa kanila.

Gawain: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan;


1.ano-ano ang pagkakaiba ng mga paraan ng pag-aanunsyo?
2. ano ang pagkakaiba ng pasalitang babala sa pasimbulong babala?
3. magbigay ng tigtatlong halimbawa ng pasalita at pasimbulong babala.

PAGSUSULIT BLG.16 / LAS(16)


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagbabatid ng isang sulat sa babasa na maaaring magdulot ng


kapahamakan, pinsala o hindi alinsunod sa kung ano ang nararapat at dapat iwasan.
a. Babala c. pag-aanunsyo
b. asosasyon d. bandwagon effect

2. Layunin nito na sumang-ayon o makiisa ang isang mamimili sa desisyon ng pangkat ng


mamimili. Dahil ito sa takot na hindi mapabilang sa “Popular Choice”.

a. Babala c. pag-aanunsyo
b. asosasyon d. bandwagon effect

3. Mga kilalang personalidad: Artista, atleta at magagandang modelo ang ginagamit upang
mahawa ng kanilang kasikatan ang mga produkto.

a. Babala c. pag-aanunsyo
b. asosasyon d. bandwagon effect

4. Ito ay isang paraan ng paglahad ng iyong nais iparating sa tao o madla.

a. Babala c. pag-aanunsyo
b. asosasyon d. bandwagon effect

5. Ito ay ang paglalahad at pagpapakita ng paraan ng paggamit at pakinabang ng produkto.

a. Demonstration effect c. pag-aanunsyo


b. asosasyon d. bandwagon effect

GAWAING PAGKATUTO BLG.17


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

Name:____________________________________ Grade / Score: _______________


Grade & Section:____________________________ Strand / Track :_______________
Subject: _______________________ Date: ______________________
Type of Activity (Check or choose from below)
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills Exercise / Drill Illustration Informal Theme __________

Pamagat ng Gawain: Menu ng Pagkain


Layunin : Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong tenikal-bokasyunal na sulatin
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan ( Tech-Voc )

MENU NG PAGKAIN
Ito ay tumutukoy sa iba't ibang putahe o klase ng pagkain na mayroon. Mapalad ang tao dahil
nilikha siyang nakahanda na ang lahat ng kakailanganin sa pamumuhay sa mundo. Anuman ang
kanyang gustuhin ay maaari niyang makuha sa isang iglap lamang. Hindi na siya kailangang pumunta
pa sa ibang lugar upang maghanap ng makakain dahil ang lahat ng nasa kanyang paligid ay sapat na
para sa kanyang pangangailan.
Kaugnay nito,hindi na gaanong mahirap para sa mga Pilipino ang mag-okasyon sapagkat
mabilis na lamang ang paghahanda para rito basta may badyet at sapat na panahon para sa
paghahanda.
Kultura na sa ating bansa ang paglalaan ng panahon para sa iba’t ibang kasiyahan o
pagdiriwang, isa nang patunay ay dahil bagaman at may kahirapan sa buhay, mas nangingibabaw
para ang pagkamasayahin ng pinoy.
Sa paghahanda ng pagkain para sa isang okasyon, kailangan mong pag-isipang mabuti kung
ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsasawa nito, narito ang ilan sa maaaring makatulong sa
iyong preparasyon:

1. BADYET PARA SA PAGKAIN


Kailangang ito ang nauuna sa iyong listahan sapagkat dito nakasasalay kung magiging simple o
magarbo ang mga pagkaing iyong ihahanda. Bukod pa rito, dapat mong iisahin kung ano ang
mahalaga at hindi sa paggastos. Sikaping mailista ng maayos ang anumang lalabas na pera uoang
hindi ka magkaroon ng kalituhan sakaling magkaroon ka ng pagkakataong itala ito sa iyong mga
gastos.

2. TEMA NG GAGAWING PAGDIRIWANG


Bukod sa pagkain, mainam na nakagaganda ng isang okasyon kung may temang sinusunod
ang dumadalo ng okasyon. Ito ang nagtatakda kung ano dapat ang maging ‘mood’ ng isang handaan

3. URI NG OKASYONG PAGHAHANDAAN


Kinakailangang angkop ang iyong pagkaing ihahanda sa okasyong iyong paghahandaan
sapagkat dito makikita ang kaayusan ng lahat.

4. BISITANG DARATING
Kung maliit lamang ang iyong badyet, hindi ka dapat mahiyang maglagay sa imbitasyon ng
limitadong upuan para sa mga inaasahan mong bisita. Ito ay isang paraan para makalkula mo ang
sapat na bilang ng iyong kailangang pasayahin at basugin.

5. MGA PUTAHENG IHAHANDA


Iba’t iba ang hilig ng mga Pilipino pagdating sa pagkain, pero nagkakaisa sila pagkain ng
matatamas ng pagkain. Madali ring magsagawa sa pagkain ang mga tao kung kaya dapat kang
maghanda alamin mo kung ano ang angkop na putahe sa iyong okasyon sapagkat hindi dapat
mahiwalay ang prepasyon mo sa mga ito.

Katangian at kalikasan ng Menu


Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

1. Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay pampagana, sabaw, kanin,
panghimagas , ulam na gawa sa karne, isda, gulay o kung ito'y inumin
2. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makabili ang mamimili ng kanilang gusto o
kaya ito ay abot kaya para sa kanila
3. May ilang menu rin namang magtataglay ng mga larawan ng pagkain o inumin.

Menu ng Pagkain ( Resipi )


- Nakalahad ang mga paraan kung paano lulutuin o gagawin ang isang putahe o pagkain.

Fomat sa pagbuo ng Resipi


1. Kadalasang nasa taas na bahagi ang pangalan ng lulutuin at kalitan ding may larawan itong kalakip
ipang higit na maging katakamtakam para saga makakaikita.

2. Iniisa isa ang mga sangkap na kinakailangan king saan nakalagay din ang hinihinging sukat o dami
para sa bawat isa.

3. Detalyado ang pagkakasukat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang kalalabasan ng lulutuin.

4. Kasunod nito inii-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin sa pagluluto

5. Tiyak at malinaw ag pagkakalahad sa bawat proseso ipnang masigro ang tamang timpla, itsura at
lasang lulutuin.

6. Sadyang mahalaga nag toyana paglalahad ng mga sangap at proseso sa pagluluto sapagkat ito ang
susundin ngga mambabasa ng ibig sumubok sa pagluluto ng mga ito.

7. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang matamo ang akmang
kalalabasan ng nais na lulutuin.

Gawain:
Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng isang menu ng pagkain?
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pagkain sa iba’t ibang okasyon?
PAGSUSULIT BLG.17 / LAS(17)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa iba't ibang putahe o klase ng pagkain na mayroon.

a. Bisitang darating c. uri ng okasyon


b. Tema ng pagdiriwang d. menu ng pagkain

2. Kung maliit lamang ang iyong badyet, hindi ka dapat mahiyang maglagay sa imbitasyon ng
limitadong upuan para sa mga inaasahan mong _______________.

a. Bisitang darating c. uri ng okasyon


b. Tema ng pagdiriwang d. menu ng pagkain

3. Kinakailangang angkop ang iyong pagkaing ihahanda sa ______________ sapagkat dito


makikita ang kaayusan ng lahat.

a. Bisitang darating c. uri ng okasyon


b. Tema ng pagdiriwang d. menu ng pagkain

4. Bukod sa pagkain, Ito ang nagtatakda kung ano dapat ang maging ‘mood’ ng isang handaan.

a. Bisitang darating c. uri ng okasyon


b. Tema ng pagdiriwang d. menu ng pagkain
Colegio de San Gabriel Arcangel
Area E, Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines, Founded 1993
Recognized by DepEd, TESDA, and CHED, PACUCOA Accredited Level 1
Senior High School Department

5. Nakatala rito ang listahan ng mga sangkap na kinakailangan dahil nakasalalay dito kung
magiging simple o magarbo ang mga pagkaing iyong ihahanda.

a. Bisitang darating c. uri ng okasyon


b. Tema ng pagdiriwang d. budyet para sa pagkain

You might also like