You are on page 1of 58

Ang Kurikulum sa

Filipino: Batayan ng
Pagtuturo sa
Sekondarya
Ni Gng. Liberty C. De
Jesus

Dalawa
ang
pangunahing dahilan
kung bakit itinuturo
ang Filipino sa ating
mga
paaralang
pambansa.

Ang mga dahilang ito


ay
nakatadhana
sa
umiiral na patakarang
pangwika
na
ipinatutupad kaugnay
ng gagamiting wikang
panturo
sa
mga
paaralan.

Una, ituturo ito bilang isang


sabjek o aralin na bahagi ng
kurikulum sa elementarya at
sekundarya.

Ikalawa, gagamitin ang Filipino


bilang wikang panturo sa mga
tiyak na sabjek o aralin na
iniatas
sa
Patakarang
Bilinggwal noong 1974 at
1986.

Malinaw
ang
pagkakaiba
ng
dalawang
layunin
subalit
magkatuwang ng kaganapan sa
pagkatuto.

Kinakailangang
matutuhan
ang
Filipino bilang isang wikang may
sariling kakanyahan upang magamit
ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek
na itinuturo sa Filipino at magiging
tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles
na pangalawang wika ng mga magaaral.

Ang Pagtuturo ng Wika Batay


sa DepEd Kurikulum sa
Filipino

Sa ipinatupad na kurikulum ng
DepEd para sa pagtuturo ng
Filipino may mga pananaw at
simulain sa pagkatuto ng wika
na binibigyang pansin. Una ay
ang pagkakaroon ng
interaksyon sa pagitan ng mga
mag-aaral, ng guro at ng teksto.

Mas mabisa ang pagkatuto kung


nabibigyan ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na mag-isip, magpalitangkuro at tumanggap ng ideya mula sa
iba. Ikalawa, ang pagkakaroon ng
integrasyon sa mga kasanayan at
gawain sa pagtuturo ng wika. Ang
apat na makrong kasanayan sa wika
ay nakikita o naituturo sa isang
kabuuan at hindi na hiwa-hiwalay na
tulad ng ginagawa dati (Whole
Language Approach and Integrative
Approach).

Ikatlo, mahalaga ang konteksto


sa pag-aaral ng wika. Dito
ginagamit ang nilalaman ng
ibang aralin o disiplina sa
pagtuturo ng wika (Contentbased Instruction / Literaturebased Instruction).

Narito ang mga pagdulog at


istratehiya sa pagtuturo ng wika
na angkop sa mga simulain ng
kurikulum sa Filipino.

Komunikatibong Pagtuturo ng Wika


(Communicative Language Teaching)
Inilarawan nina Richards at Rodgers

(1986) ang CLT bilang isang lapit


(approach) sa halip na isang pamaraan
sa dahilang ito ay nagrerepresenta sa
isang pilosopiya ng pagtuturo na batay
sa komunikatibong gamit ng wika.
Nagsimula ang lapit na ito sa mga
naisulat nang literatura na nauukol sa
konseptong nosyonal-functional at
paglinang ng kasanayang komunikatibo
sa halip na sa gramar o istruktura ng
wika nakatuon ang pagtuturo.

Sa lapit na ito binibigyang


pansin ang sumusunod na
pananaw o simulain:
Pagbibigay

diin sa gamit ng wika


sa komunikasyon sa halip na sa
pag-aaral ng kayarian ng wika.
Pagkakaroon ng katatasan sa
pagsasalita sa halip na sa
pagiging tama o wasto sa
kayarian o gramar ng wika.

Pagbibigay

pansin sa mga
gawaing aktwal na ginagamit ang
wika sa halip na pagsasanay o
drill sa mga bahagi ng wika.
Pagkakaroon ng kamalayan sa
ibat ibang gamit o tungkulin ng
wika ayon sa pagkakataon sa
halip na pagbibigay pansin
lamang sa wika.

Sa komunikatibong lapit sa pagtuturo


ng wika, nililinang ang mga
kasanayang kognitibo tulad ng
kaalaman sa gramar ng wika, pagpili
ng angkop na bokabularyo at
kasanayang sosyolinggwistika o
angkop na paggamit ng wika sa ibat
ibang sitwasyon. Gayundin nililinang
ang makagawi o behavioral na
aspekto ng mga mag-aaral sa
paggamit ng wika sa aktwal na
sitwasyon (Littewood 1984).

May mga mungkahing hakbang


na magagamit ng guro sa
pagtuturo ng wika na sinusunod
ang mga simulain ng pagdulog
na komunikatibo. Narito ang
mga hakbang at ang paliwanag
sa bawat isa.

Pagtiyak sa Layunin. Isa sa mga simulain


ng pagdulog na komunikatibo ay ang
pagkakaroon ng kamalayan ng mga magaaral sa ginagawa nila sa klase at sa
kahalagahan nito sa kanilang pang-arawaraw na buhay. Magiging makahulugan ang
aralin kung malinaw sa bawat mag-aaral
ang layunin nito. Sa hakbang na ito
ipinaaalam sa mga mag-aaral kung ano
ang nilalayon ng aralin. Halimbawa: Ang
tatalakayin nating aralin ay tungkol sa
paghingi at pagbibigay ng payo. Maaari
ring ipakita ang mga larawan na nauukol sa
mga sitwasyon na nagpapakita ng mga
gawaing pangwika o kaya naman ay
dayalogo na maglalaman ng aktwal na
nangyayari sa pag-uusap.

Paglalahad. Dito ipinakikita o


ilalahad ang mga kayarian ng
wika na gagamitin sa isang
sitwasyon o konteksto na ang
tuon ay sa gamit o tungkulin ng
wika. Pag-uusapan dito ang
layunin ng nag-uusap, mga
paraan na ginagamit upang
magkaunawaan tulad ng kilos o
mga pahiwatig na salita.

Pagsasanay. Pagkatapos na
matutuhan ng mga mag-aaral
ang mga kayarian na angkop
gamitin sa sitwasyon, bibigyang
laya ang mga mag-aaral na
gamitin ang mga ito sa ibat
ibang sitwasyon. Dito, ibat
ibang gawain ang ibibigay ng
guro tulad ng pag-uusap tungkol
sa napapanahong paksa,
paglutas ng suliranin, mga roleplay na isasakilos o mga larong
pangwika.

Paglilipat. Paggamit ng mga


natutuhang kayarian at
kasanayan sa makatotohanang
sitwasyon. Ang mga mag-aaral
ay iisip o pipili ng mga
sitwasyon sa tunay na buhay na
ipinakikita ang aktwal na
paggamit ng wika. Halimbawa:
Pagdedebate tungkol sa isang
paksa, paghingi ng payo, at
pagpapaturo sa pagsasagawa
ng isang bagay.

Mga Gawaing
Maaring Ihanda ng
Guro ayon
sa mga Simulain ng
Pagdulog na
Komunikatibo

Paghahanda ng mga sitwasyon o cue


cards, na gagamitin sa role-play ng
mga mag-aaral.
Halimbawa:

Paksa: Pagsali sa club o samahan


Gamit ng Wika: Paghikayat, pagtanggi
Kayariang gagamitin: Pandiwa, pangabay
Sitwasyon: Dalawang mag-aaral ang
nag-ussap
Isang mag-aaral ang nanghihikayat sa
kaklase o kaibigan na sumali sa club.
Sasabihin niya ang ang kahalagahan ng
pagsali sa club, kung kailan at saan sila
magmimiting, at mga ginagawa. Ang
kaklase naman ay tatanggi at
ipaliliwanag kung bakit ayaw niyang
sumali.

Sa pagbibigay ng mga sitwasyon na


isasagawa ng mga mag-aaral, maaring
dalawang paraan ang gawin.
1. Una, sitwasyon na may cue na ilalagay
na cue cards ng mga mag-aaral ang
sasabihin nila.
Halimbawa:
Paksa: Panonood ng sine
Gamit ng wika: Pagtatanong,
pagpili, paghikayat
Kayarian ng wika: Mga pananong na
Sino, Ano, Alin, Bakit
Sitwasyon: Magkamag-aral na nasa
lugar ng mga sinehan. Nais nilang
manood ng sine. Bawat isa ay may
gustong panoorin.

Mag-aaral A
Itanong kung aling sine
ang gustong panoorin.
Magmumungkahi ng
gustong panoorin.
Hihikayatin ang kausap na
gustong panoorin.
Itatanong kung anong
pagkain ang dadalhin sa loob
ng sinehan.
Sasang-ayon sa kausap.

Mag-aaral

B
Sasabihing hindi pa alam
kung ano.
Hindi sasayong-ayon sa
sinabi ng kausap at
sasabihin ang dahilan.
Sasang-ayon din sa
kausap.
Pipili ng pagkain at
itatanong sa kausap
kung gusto rin ito.

2. Ikalawa, maaring sitwasyon na


may impormasyon sa mga magaaral ngunit malaya sila sa
pagbuo ng usapan ayon sa
hinihingi sa sitwasyon.
Halimbawa:
Paksa: Pagpapaalam para
sumama sa field trip
Gamit ng wika: Pamamaalam,
panghihikayat, pagpapaalala
Kayariang gagamitin: Mga
pangungusap na nakikiusap,
nagpapaliwanag, mga
magagaling na ekspresyon tulad
ng maari po ba, sige na
po, at
mag-ingat ka.

Kard ng Mag-aaral A
Galing ka sa eskwela.
Sinalubong ka ng nanay mo.
Nagmano ka. Sinabi mo na
may field trip kayo sa darating
na Sabado. Nagpapaalam ka
sa kanya. Hihikayatin mo siya
na payagan kang sumama at
magbigay ka ng dahilan.
Magpapasalamat ka sa
pagpayag ng ina at hihingi ka
rin ng pera pambayad sa bus
at pambili ng baon.

Kard

ng Mag-aaral B
Tatanungin mo ang
dahilan kung bakit may
field trip, saan, sino, ang
mga kasama, gaano
katagal ito gagawin.
Papayagan ang anak
matapos marinig ang
paliwanag. Magpapaalam
sa anak. Bibigyan ng
pera ang anak para sa
field trip.

B. Paghahanda ng mga gawaing

aktwal na ginagawa sa loob at


labas ng paaralan (simulation)
Ito ay masasabing
simplikasyon ng mga tunay na
sitwasyon sa buhay. Ang mga
halimbawa ng ganitong gawain ay
ang sumusunod:
1. Pagsasagawa ng eleksyon ng
pamunuan ng klase.
2. Pagpupulong ng club o
samahan

3. Pagpupulong ng klase
tungkol sa field trip
4.

5.

6.

Pakikipanayam sa bisita sa
klase.
Pagtatalo ng mga paksa ng
nauuol sa kasalukuyang mga
isyu sa bansa.
Pagsasagawa ng pag-aaral sa
paaralan tungkol sa pagkaing
binibili ng mga mag-aaral at
tungkol sa mga gawi sa pagaaral (study habits).

C.

Paghahanda ng mga
sitwasyon na isasadula
ng mga mag-aaral nang
daglian o unscripted
play
Maari namang mula sa
mga kuwento na binasa
sa aklat sa pagbasa o
panitikan ay makabuo ng
script ang mga magaaral na isasadula sa
klase.

D.

Pagtitipon ng mga biswal tulad ng


mga poster, anunsyo, mapa, tsart,
grap, karikatura, movie page, at TV
programs na pagkukunan ng
impormasyon at pag-uusapan sa
klase.
Ang halimbawa ng ganitong biswal
ay ang karikatura tungkol sa
pagputol ng mga kahoy sa
kagubatan. Maaring pag-usapan sa
klase ang mga epekto nito, ang
mga paraan na dapat gawin upang
maiwasan ang pagkakalbo ng
kagubatan, atbp.

E. Paghahanda ng mga larong pangwika


Ibat ibang larong pangwika ang
maihanda ng guro na magsasanay sa
mga mag-aaral upang mahasa sa
pagpapahayag. Ang ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:
1. Dugtungan Mo
Ito ay isang dugtungang
pagkukuwento. Sisimulan ng guro
isang mag-aaral ang kuwento at
ito ay durugtungan ng iba pang
mag-aaral sa bawat pangkat.

2.

Ihatid Mo
Sa larong ito, papangkatin ng
guro ang mag-aaral. Bibigyan ng
guro ng mensahe ang lider ng
bawat pangkat at sasabihin
naman ng lider ang mensahe nang
pabulong sa isa sa kanyang
kapangkat hanggang makarating
ito sa kahuli-hulihang kasapi. Ang
huling mag-aaral ay siyang maguulat ng mensahe sa klase. Ang
pangkat na makapag-ulat ng buo
at malinaw na mensahe ay may
puntos.

3.

Magbugtungan Tayo
Ilalarawan ng mga
mag-aaral ang mga
bagay, tao, hayo o
lugar at pahuhulaan
ito sa mga kaklase.

4.

Ituloy Mo
Bubunot o kukuha sa
kahon ang mga mag-aaral
ng kapirasong papel na may
nakasulat na pahayag na
hindi tapos. Itutuloy nila ang
mga pahayag ayon sa
kanilang palagay o pananaw.
Halimbawa:
Nababahala ako sa mga
Marami na ngayong
nangyayari

F.

Paghahanda ng mga gawaing transcoding


Ito ay isang paraan ng pagsasalin mula
sa isang anyo ng pagpapahayag tungo sa
iba pang anyo. Ang mga halimbawa ng
ganitong gawain ay ang mga sumusunod:
1. Isang patalastas o anunsyo na isasalin
sa anyong tuluyan.
2. Isang pagpapahayag na gagawing
anyong telegrama
3. Isang tala o impormasyong nabasa na
gagawing balita
4. Kuwento na gagawing dula-dulaan
5. Mapa ng isang lugar na ilalahad sa
isang talata

Sa pagsasaayos ng kurikulum
inilapat ang Understanding by
Design (UBD) na modelo nina
Jay Mctighe at Grant Wiggins.
Narito ang mga elemento ng
kurikulum
ng
Edukasyong
Sekondari ng 2010.

Antas
1:
Resulta/Inaasahang
Bunga
Tinitiyak kung ano ang dapat
matutuhan at maisagawa ng magaaral sa loob ng isang markahan,
yunit o kurso; makikita sa
bahaging ito ng Gabay sa
Kurikulum ang mga pamantayang
pangnilalaman, pamantayan sa
pagganap, mga kakailanganing
pag-unawa
at
mahalagang
tanong.

A.1.
Ang
Pamantayang
Pangnilalaman
ay
ang
mahahalagang paksa o konsepto
na dapat maunawaan
ng magaaral
sa
bawat
asignatura.
Sinasagot ng bahaging ito ang
tanong na, Ano ang nais
nating matutuhan at maisagawa
ng mag-aaral pagkatapos ng isang
markahan o yunit?

A.2. Ang Pamantayan sa Pagganap


ay
ang tiyak na produkto o
pagganap at ang antas o lebel na
inaasahang maisagawa ng magaaral pagkatapos ng isang
markahan o yunit. Sinasagot ng
bahaging ito ang tanong na:
Paano isasagawa ng mag-aaral
ang inaasahang produkto o
pagganap? Anong antas o lebel
ng pagganap ang dapat magawa
ng mag-aaral upang makapasa
siya sa pamantayan?

B. Ang Mga Kakailanganing Pagunawa ay ang mahahalagang


konsepto na dapat matutuhan
ng
mag-aaral sa bawat
asignatura. Mga konseptong
hindi
makakalimutan at
magagamit
ng mag-aaral sa
kanyang
pamumuhay.

C.
Ang Mahahalagang Tanong
ay
mga tanong na nasa
mataas
na lebel at
inaasahang
masasagot ng
mag-aaral
pagkatapos
ng
isang markahan o yunit.
Kinakailangang ang mga ito
ay nasasagot ng Mga
Kakailanganing Pag-unawa.

Antas 2: Pagtataya
Ito ang mga inaasahang produkto
o pagganap; inaasahang antas ng
pag-unawa at pagganap ng magaaral; at mga kraytirya o panukat
na gagamitin sa pagtatay ng
inaasahang produkto o pagganap.

A.
Ang Produkto o Pagganap
ay
ang
inaasahang
maisasagawa
pagkatapos
ng
isang
paksa
o
markahan.
Ito
ang
magpapatunay na natutuhan
niya ang mahahalagang
konseptong nakapaloob sa
isang markahan/asignatura.

B. Ang Antas ng Pag-unawa ang


susukat sa ibat ibang aspekto
ng pag-unawa ng mag-aaral sa
mahalagang konseptong dapat
niyang matutuhan. Masasabing
may pag-unawa na ang magaaral
kung
siyay
may
kakayahan nang magpaliwanag,
magbigay
ng
sariling
kahulugan, makabuo ng sariling
pananaw,
makadama
at
makaunawa sa damdamin ng
iba, makapaglapat, at makilala
ang kanyang sarili.

C. Ang Antas ng Pagganap ay


ang inaasahang produkto o
pagganap na maisasagawa
ng mag-aaral. Makikita rin sa
bahaging ito ang kraytirya sa
pagtataya
ng
nasabing
produkto o pagganap.

Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto


Mga gawaing instruksyunal at
mga kagamitan na gagamitin ng
guro at mag-aaral sa loob ng
klasrum na makatutulong upang
matamo ang mga pamantayan.
Inaasahan
ang
pagiging
malikhain
ng
guro
sa
pagpapatupad ng antas na ito
dahil
nakasalalay
ang
ikapagtatagumpay ng pagtuturopagkatuto.

A.
Ang
Mga
Gawaing
Instruksyunal ay binubuo ng
mga gawaing isasagawa ng
guro at mag-aaral sa loob ng
klasrum upang matamo ang
mga pamantayan, matutuhan
ang mga kakailanganing
pag-unawa at masagot ang
mahahalagang tanong.

B. Ang Mga Kagamitan ay


gamit ng mga guro at magaaral upang maisakatuparan
ang
mga
gawaing
instruksyunal.

Mga Gabay na Tanong sa


Pagsasaayos
ng
Kurikulum
ng
Edukasyong
Sekondari
ng 2010

Pamantayang Pangnilalaman
Masasalamin
ba
sa
Pamantayang Pangnilalaman
ang resulta o inaasahang
bunga?
Ang
mahalagang
ideya,
isyu,
prinsipyo
o
konsepto na dapat matutuhan
ng
mag-aaral
sa
bawat
asignatura na magagamit niya
maging sa labas ng paaralan?
Masusukat at matatamo ba
ng
mag-aaral
ang
mga
binuong pamantayan?

Pamantayang Pagganap
Masasalamin
ba
sa
Pamantayan sa Pagganap
ang mga kraytirya kung
paano tatayain ang produkto
o pagganap ng mag-aaral?
Masasagot ba nito ang tanong
na: Ano ang inaasahang
magagawa ng mag-aaral?

Pamantayang Pag-unawa
Ito ba ang malalaki at
mahahalagang konsepto na
nais maipaunawa sa magaaral?
Masasailalim ba dito ang mga
manginahing suliranin, isyu na
dapat malaman ng mag-aaral?

Mahahalagang Tanong
Nakatuon ba ang mga tanong sa
mahahalagang isyu o suliranin?
Ang
mga
tanong
ba
ay
masasagot ng Kakailanganing
Pag-unawa?
Ang mga tanong ba ay may
kabuluhan sa buhay ng magaaral? Sa lipunan?
Ang mga tanong ba ay kaagad
na masasagot ng mag-aaral?
Akma
ba
ang
tanong
sa
kawilihan, edad at kakayahan ng
mag-aaral?

Narito ang mga Katangian ng


Kurikulum
ng
Edukasyong
Sekondari ng 2010
nakatuon sa mahahalagang konsepto at
kakailanganing pag-unawa
mataas ang inaasahan (batay sa mga
pamantayan) tinitiyak kung ano ang
dapat matutuhan at ang antas ng
pagganap ng mag-aaral
mapanghamon- gumagamit ng mga
angkop na istratehiya upang malinang
ang kaalaman at kakayahan ng magaaral
inihahanda ang mag-aaral tungo sa
paghahanapbuhay
kung
di
man
makapagpapatuloy sa kolehiyo
tinitiyak na ang matututuhan ng magaaral ay magagamit sa buhay.

Batayang Konseptwal ng
Filipino (Deskripsyon)
Tunguhin
ng
Kurikulum
ng
Edukasyong Sekondari ng 2010
(Secondary
Education
Curriculum)
ang
Kapakipakinabang ng Lietrasi
para sa lahat (Functional Literacy
For All) na ibinatay sa mithiing
Edukasyon para sa Lahat 2015
(Education For All 2015).

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng


Filipino
na
malinang
ang
(1)
kakayahang komunikatibo, at (2)
kahusayan
sa
pag-unawa
at
pagpapahalagang literasi ng mga
mag-aaral
sa
lebel
sekondari.
Lilinangin ang limang kasanayan
pakikinig,
pagbasa,
panonood,
pagsasalita at pagsulat sa tulong ng
ibat ibang dulog at pamamaraan
tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng
Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa
Nilalaman (PBN) ng ibat ibang
tekstong literari (rehiyunal, pambansa,
saling-tekstong Asyano at pandaigdig),
at Pagsasanib ng Gramatika at
Retorika sa tulong ng ibat ibang
Teksto (PGRT).

Isinasaalang-alang
din
ang
pagsasanib ng mga pagpapahalagang
pangkatauhan (Values Integration) sa
pag-aaral at pagsusuri ng ibat ibang
tekstong literari.

Sa pamamagitan nito at matapos


mapag-aralan, masuri at magamit
ang ibat-ibang teorya sa pagkatuto
at paggamit ng wika, at pagsusuring
literasi, inaasahang matatamo ng
mga guro ng Filipino ang mga
layuning
nabanggit
batay
sa
inilarawan sa batayang konseptwal.

You might also like