You are on page 1of 6

Pagpaplano sa Pagtuturo

(Ang proseso ng sistematikong pagpaplano, pagbuo, pagsusuri at pamamahala ng


proseso ng pagtuturo sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng pagtuturo at pagkatuto - D.O. 42, s. 2016)
Detalyadong Lesson Plan (DLP)
DLP Blg.: Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras (haba): Petsa:

2 Filipino 8 3 1 Oras Marso 6, 2023

Code:
Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang
Gabay ng Pagkatuto:
ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal,
(Kinuha galling sa Curriculum Guide) F8PU-IIIa-c-30
kolokyal, banyaga)

Nakabubuo ng pang-unawa tungkol sa pag-gamit ng iba’t-ibang sitwasyon


ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal,
at banyaga). Ang impormal na komunikasyon ay mga salitang ginagamit at
palasak na ginagamit sa mga pang-araw araw na pakikipag-usap at sa mga
kakilala at kaibigan ay ay kabilang sa impormal na salita.
Susi ng Konsepto ng Pag-unawa

Iniangkop na Mga

Dominyo Dimensyon ng Cognitive


Process (D.O. No. 8, s. Mga Layunin:
2015)
Remembering

Pangkabatiran
Understanding
Nakakikilala sa iba’t-ibang gamit ng pormal at impormal na antas ng wika.

Applying Nakapagbibigay ng halimbawa ng iba’t-ibang uri ng impormal na


komunikasyon.
Analyzing
Sayko-Motor
Evaluating

Creating

Internalizing
Pandamdamin Values Maipapakita ang pagkakaisa sa bawat akitibad sa klase at talakayan.

Responding
Pagpapahalaga Phenomina Makakalikasan: Magsanay ng kaayusan sa mga ibinigay na gawain.

2. Nilalaman Antas ng wika

3. Kagamitan Curriculum guide, ppt, at musika.

4. Pamamaraan
Ang guro ay magpapakita ng isang bedyo tungkol sa Pagiging Mabuting
Pilipino,ang mga istudyante ay makikinig at pagkatapos nyan ay kukuha sila
4.1 Panimulang Gawain ng lapis at papel para isulat ang mga bagay na nagpapakita ng mabuti sa
(10 minutos)
kapwa. Isusulat nila ang mga ito sa pamamagitan ng pag-gamit ng salitang
englis.

Ang guro ay magpapakita ng mga larawan gamit ang telebisyon. Ang mga
larawan na ipapakita ay mga sumusunod:

4.2 Gawain
(15 minutos)

Ang mga mag-aaral ay huhulaan kung ang mga larawan ay nabibilang ba sa


pormal na pananamit o di-pormal na pananamit.

1. Ano ang masasabi nyo sa mga larawang ipinakita?


2. Paano nyo nasabi na ang mga larawan ay nabibilang sa pormal o di-
4.3 Analisis pormal?
(5 minutos) 3. Saan pa natin kadalasang naririnig ang salitang pormal at di-pormal?
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000
hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak
ang pangahulugan sa “wika”, o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga
diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika.

Ang wikang Filipino ay isa rin sa mga sumisimbolo sa kultura nating mga
Pilipino na kung sino tayo at ano tayo. Napaka halaga na magamit natin ang
ating wikang pambansa dahil bilang isang mamamayan sa bansa nakapaluob
sa ating wikang pambansa ang sariling kulturang tinataglay na pag kikilanlan
ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-ekonomiya at
katatagang politika

ANTAS NG WIKA
Wika ang ginagamit na kasangkapan upang maipahayag ang paksa ng
anomang uri ng babasahin. Ito ang ginagamit bilang midyum ng
komunikasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na wika, nailalahad
ng isang manunulat ang mga impormasyong nakalap sa isang malinaw na
pamamaraan. Sa pagsulat ng mga babasahin tulad ng balita, kailangang
maging maingat ang manunulat sa paggamit ng mga salita upang maiwasan
ang maling interpretasyon.

4.4 Abstraksiyon
(25 minutos) Mayroong dalawang antas ang wika:

1. Pormal

Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.


Ito ang wikang kalimitang ginagamit ng mga iskolar at nakapag-aral sa wika
sa mga pormal na usapan o okasyon. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod
na uri:

a. Pambansa
- Ito ay ang wikang ginagamit sa mga aklat at pambalarila.
Halimbawa nito ang salitang asawa, anak, tahanan, ama.

b. Pampanitikan o panretorika
- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat tulad ng mga akdang
pampanitikan. Ito ay kinabibilangan ng mga salitang mabulaklakin, makukulay
at masining. Halimbawa nito ang ‘hindi maliparang uwak’ sa halip na sabihing
malapad.
2. Impormal.

Ito ay antas ng wika na karaniwan at palasak na ginagamit araw-araw


sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala. Ito ay mayroong uri:

a. Lalawiganin
- Ito ay antas ng wika na ginagamit sa isang partikular na pook.
Nagkakaroon ng antas na ito ng wika dahil sa heograpikong
kadahilanan. Halimbawa nito ay ang salitang langgam sa Cebu ay
nangangahulugang isang hayop na lumilipad samantalang ang
langgam sa Manila at karatig pook ay nangangahulugang isang hayop
na gumagapang o kilala sa Ingles na ant.

b. Kolokyal
– Ito ay ang pang-araw-araw na salita na maaaring may
kagaspangan. Ito ay kalimitang binubuo ng pagpapaikli ng isa o higit
pang titik sa salita. Halimbawa nito ang paggamit ng ‘na’san’ sa halip
na banggitin ang pahayag na nasaan.

c. Balbal
- Sa Ingles ito ay slang. Ito ay nasa mababang uri ng wika. Kalimitan
itong ginagamit sa lansangan. Halimbawa nito ay ang ‘ermat’ sa halip
na ina, ‘yosi’ sa halip na sigarilyo at iba pa.
Halimbawa:

• Atab sa halip na bata

• Lispu sa halip na pulis

d. Banyaga
– Kadalasan sa mga ito ay pangalang tiyak, teknikal, siyentipiko o mga
salitang banyaga na walang salin sa Filipino.

Mga gabay na tanong:


1. Anu-ano ang dalawang antas ng wika?
2. Anu-ano ang dalawang uri ng pormal na wika?
3. Magbigay ng kahit dalawang uri ng mga impormal na wika.
4. Ano ang kaibahan nga pormal at impormal na wika?
5. Ano ang kahalagahan ng wika?
Ang mga estudyante ay hahatiin sa tatlong pangkat. Pipili ang bawat pangkat
ng isang kinatawan na pupunta sa harapan at bubunot ng papel na may mga
panuto kung ano ang gagawin. Pagkatapos ay pupunta ang pangkat sa
harapan at ibabahagi ang kanilang sagot.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.
Pagkatapos, gumawa ng pahayag ayon sa hinihingi gamit ang angkop na
antas ng wika na nakasaad sa loob ng panaklong. Isulat ito sa isang
kahalating papel. Tandaan, isang pangungusap lamang ang isagot.
Unang papel:
Kauuwi mo lamang galing sa paaralan. Pagod na pagod ka mula sa isang
4.5 Aplikasyon araw na paggawa ng mga gawain sa klase. Kinamusta ka ng iyong ina.
(20 minutos)
Paano mo sasagutin ang kaniyang tanong? (lalawiganin)
Pangalawang papel:
Nakatanggap ka ng mensahe sa iyong Facebook mula sa isang taong hindi
mo kakilala. Paano mo siya sasagutin at kikilalanin? (balbal)
Pangatlong papel:
Nabasa mo ang isang brochure ng isang kainan. Nakita mo rito ang numero
ng kanilang kompanya kaya naisipan mong tawagan ito upang umorder ng
pagkain. Paano ka magbubukas ng usapan? (banyaga)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat salita. Pagkatapos, tukuyin


kung ito ba ay pormal at impormal. Isulat ito sa kalahating papel.
1. Yosi
2. Yorme
3. Ina
4. Pulis
5. Kapatid
6. Kaibigan
7. Ermat
8. Pamilya
9. Sikyo
4.6 Pagtataya 10. Ewan
(10 minutos) Mga sagot:
1. Impormal
2. Impormal
3. Pormal
4. Pormal
5. Pormal
6. Pormal
7. Impormal
8. Pormal
9. Impormal
10. Impormal

Sa inyong tahanan, manood ng balita o palabas sa telebisyon. Sumulat ng


4.7 Takdang-Aralin limang pormal at impormal na salita na iyong narinig na kanilang ginamit.
(3 minutos)
Isulat ito sa inyong kwaderno.

4.8 Panapos na Gawain “Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang
(10 minutos) bayan”
5. Masasabi
6. Repleksyon
A. Bilang ng mga mag aaral na nakakuha ng 80% sa C. Nagtagumpay ba ang mga aralin sa remedial?
pagsusuri. Bilang ng mga mag-aaral na nakahabol sa aralin.

B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng D. Bilang ng mga mag aaral na patuloy na


karagdagang mga aktibidad para sa remediation. nangangailangan ng remediation.
E. Alin sa mga estratehiya ko sa pagkatuto ang naging
epektibo? Bakit gumana ang mga ito?
F. Anong mga paghihirap ang naranasan ko na
matutulungan ng aking prinsipal o supervisor na lutasin
ko?
G. Anong inobasyon o mga lokal na materyal ang ginamit
ko/natuklasan ko na nais kong ibahagi sa iba pang mga
guro?

Inihanda ni:
Pangalan: Louie Jay S. Piliotas Paaralan: Vicente Cabahug National High School
Posisyon/
Student Teacher Dibisyon: Cebu
Pagkakatalaga:
Numero ng Sulatronikong
09606714858 louiejay.piliotas@ctu.edu.ph
Kontak: tirahan:

You might also like