You are on page 1of 2

1.

Paksa: Etimolohiya ng Wika

Maaaring gamitin ang carousel brainstorming na cooperative learning kung saan ang
mga estudyante ay hahatiin sa dalawang grupo kung saan mayroong inner at outer
circle at katulad ng carousel, iikot ang dalawang grupo ng magkasalungat at doon ay
magpapalitan sila ng kanilang opinion tungkol sa pinagmulan ng wika.

2. Paksa: Paggamit ng wikang Ingles at Filipino

Ang guro ay maaring gumamit ng tsart upang ipakita ang pinagkaiba ng Ingles at Filipino
sa pagiging isang wika. Gagamitin din ito ng guro upang magbigay ng halimbawa ng
wikang Ingles at wikang Filipino.

3. Paksa: Talumpati

Maaaring gumamit ng bidyonalysis kung saan magpapakita ng bidyo ang guro at


papanoorin ng mga estudyante ang isang talumpati at kanilang oobserbahan kung
paano gumawa at paano ito isagawa ng maayos at tama.

4. Paksa: Kahalagahan ng wika

Maaaring gumamit ang guro ng pictonalysis kung saan magpapakita ang guro ng mga
larawan tungkol sa kahalagahan ng wika. Halimbawa, magpapakita ang guro ng larawan
na mayroong nag-uusap.

5. Paksa: Epekto ng teknolohiya sa wika

Ang guro ay maaaring gumamit ng timeline upang maipakita ang epekto at progreso ng
wika sa pagdating ng teknolohiya. Gagawa ang mga estudyante ng sarili nilang timeline
base sa kanilang pananaliksik.

6. Paksa: Mga tungkulin ng wika at katangian ng isang tao na nagpapahiwatig sa


pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat.

Ang guro ay maaaring magpagawa ng repleksyon paper tungkol sa tungkulin at


katangian ng isang tao sa pagsasalita. Dahil dito ay susulat sila at ihahayag sa klase
ang kanilang naisulat na repleksyon.

7. Paksa: Maikling Dula

Ang guro ay maaaring gumamit ulit bidyonalysis ngunit dito naman ay gagawa sila ng
bidyo na gumagawa ng dula at ito ay kanilang ipopost sa facebook. Ang tawag dito ay
facebook shoutout. Dahil dito, mga estudyante ay magagayak ibahagi ang kanilang
nagawa sa maraming tao at ito ay magreresulta sa kanilang pagbilib sa sarili.

8. Paksa: Epekto ng salitang balbal sa wikang Filipino

Ang guro ay maaaring magpagawa ng editorial cartoon kung saan makikita ang epekto
ng salitang balbal o salitang kalye sa ating wika na Filipino. Sa paraang ito ay
mabibigyan sila ng ideya at maihahayag ang kanilang mga opinyon sa pagbabago ng
ating wika.
9. Paksa: Gamit ng wika sa Lipunan

Maaaring gamitin ng guro ang natural approach dahil ang wika ay natural lamang sa
isang lipunan. Hayaan nating kusa o natural na matutunan ng estudyante ang gamit ng
wika sa lipunan upang malinang ang mga personal na batayang kasanayang
pangkomunikasyon.

10. Paksa: Sanhi at Bunga

Ang guro ay maaaring gamitin ang interactive learning katulad ng paggamit ng


teknolohiya. Mayroong mga aplikasyon na maaring gamitin ng guro upang magkaroon
ng interaksyon ang mga estudyante sa guro.

You might also like