You are on page 1of 2

Synopsis

Ang ZsaZsa Zaturnnah ay nagmula sa isang bungang-isip na karakter


na ginawa ng isang Pilipinong manguguhit at taga disenyo na si Carlo
Vergara noong Disyembre 2002. ZsaZsa Zaturnnah o Zaturnnah na hango sa
Philippine Media ay lubos na pumukaw sa atensyon ng maraming Pilipino at
maging sa kasalukuyang panahon ay patuloy na nagpapasaya at nagbibigay
ngiti sa bawat nakakapanuod nito.
Ang karakter sa kanyang unang paglabas sa isang grapikong nobelang
Ang Kagilas-gilas na Pakikipagsapalaran ni ZsaZsa Zaturnnah ay unang
nalimbag sa dalawang bahagi noong Disyembre 2002 kung saan nagkaroon
lamang ito ng limitadong distribusyon. Nakamit nito ang parangal na
ipinagkaloob ng Manila Critics Circle bilang National Book Award noong 2003.
Ang librong ito ni Vergara ay pumukaw sa atensyon ng Visual Print
Enterprises upang pagsamahin ang dalawang bahagi nito at pag-isahin sa
iisang bolyum para sa distribusyon nito sa buong Pilipinas.
Ang nasabing nobela ay nakuha ang ika-labindalawang pwesto (12 th
spot) bilang isa sa pinakamabentang libro sa buong Pilipinas ayon sa
National BookStore (pinakamalaking kumpanya ng libro sa Pilipinas). Ginamit
din ito bilang batayan at isang asignatura tungkol sa pag-aaral sa mga
kasarian sa ilang mga unibersidad dito sa Pilipinas, kabilang na ang
Unibersidad ng Pilipinas.
Noong May 25, 2008, si Carlo Vergara (may akda) ay naglabas ng
unang anim na pahina (6pages) ng libro (Zaturnnah Sequel) gamit ang isang
blog bilang isang online preview. Apatnapung pahina (40 pages) ang
nailabas sa pamamagitan ng internet. Ang sikwel ay pinamagatan Zsazsa
Zaturnnah sa Kalakhang Maynila kung saan si Ada at Dodong ay namalagi
sa Maynila. Ang unang tatlong yugto nito ay unang nalimbag at nailabas
noong January 25, 2012.
Zaturnah, isang babaeng may taglay na pambihirang lakas at kaakitakit na katawan, halintulad sa isang DC Comic na karakter Wonder Woman
at Filipino Superhero Darna. Ang tangi lamang pagkakaiba ay patungkol sa
kasarian kung saan si Zaturnnah ay mayroong pang isang katauhan na nagngangalang Ada; isang baklang parlolista na nagmamay-ari ng isang beauty
salon na biniyayaan ng isang batong nagmula sa kalangitan at ng nilunok ay
nakapagpabago sa kanya bilang isang ganap na babae sa katawan at
katauhan ni ZsaZsa Zaturnnah.

Gustong patunayan ni Ada sa lahat at sa kanyang mga magulang na


kaya nyang mamuhay at makagawa ng isang disenteng buhay kahit bilang
isang parlolista o byutisyan lamang. Kasabay ng patuloy na pagbagabag sa
kanya ng multo ng nakaraan sa kamay ng kanyang ama pati narin ang
kanyang buhay pag-ibig na binalot rin ng puro sakit at hinagpis lamang. Tutol
ang ama ni Ada sa pagiging bakla nito kaya sinasaktan at minamaltrato nya
ito para maipakita kay Ada ang pagkamuhi at pangdidiri nya dito. Sa
pamamagitan ng kanyang masalimuot na nakaraan, ginamit nya ito para
mapursigi sa buhay at harapin ang bagong buhay ng mag-isa.
Sa isang maliit na syudad naninirahan si Ada; sa isang paupahan na
pagmamay-ari ni Aling Britney at dun nagtayo na isang beauty salon.
Kasama ng kanyang matalik na kaibigan/assistant na si Didi, si Ada ay
patungo na sa pinaniniwalaan nyang disenteng buhay ng biglang may isang
batong nagmula sa kalangitan na tumama sa kanyang ulo habang naliligo na
nagbigay sa kanya ng kapangyarihan at nakapagbago sa kanya bilang isang
ganap na babae. Si ZsaZsa Zaturnnah.

You might also like