You are on page 1of 2

Maria Clara De Los Santos

MARÍA CLARA

Si Maria Clara, o minsan kung tawagin ay Clarita, ay isa sa mga pangunahing panauhin sa
nobelang Noli Me Tangere. Siya ay kilala bilang kababata ni Crisostomo Ibarra. Anak siya nina
Doña Pia Alba at Kapitan Tiago ngunit ang katotohanan ay ang kanyang ama ay si Padre
Damaso. Siya ay inilarawan sa akda bilang isang maganda, mahinhin at kaakit-akit na babae. Sa
kanya karaniwan naikakabit ang karakter ng isang "dalagang Pilipina." Dahil sa ganitong uri ng
karakter na mayroon si Maria Clara ay lubos na napaghahambing silang dalawa ni Leonor Rivera,
ang naging kasintahan ni Rizal.

Ayon kay Ritta Vartii, kung si Maria Clara ay mahinhin, konserbatibo at kayang indahin ang kung
anumang pananakit sa kanya, si Leonor Rivera naman ay ang kabaligtaran sapagkat si Leonor ay
mas aktibo kesa pasibo, at hindi pangkaraniwang babae kung ikukumpara sa mga babae noong
kanilang kapanahunan.

Ayon kay Dr. Robert Yoder, ang nagpalaganap ng imahe ng isang “dalagang Pilipina” ay si Rizal.
Sa kanyang artikulo na pinamagatang Philippine Heroines of the Revolution: Maria Clara they
were not, “The "ideal" image, promoted by no less than Jose Rizal, is that of Maria Clara, a
demure, self-effacing beauty whose place was on the pedestal of male honor.” Dagdag pa rito,
nagawa ring gamitin ni Rizal ang mga salitang nakasalin sa Ingles mula sa Noli tulad ng “an
Oriental decoration”, “her eyes always downcast,” at “a pure soul” (Yoder, 1998). Sa ganitong
paraan inilarawan ni Rizal ang isang dalagang Pilipina, isang pansilangang palamuti, palaging
nakayuko o iwas sa tingin ng iba, at mayroong dalisay na kalooban. Dahil sa ganitong
pamamaraan ng paglalarawan ni Rizal, madaming kritiko ang nagsabing ang tingin sa mga babae
noong kapanahunan ni Rizal hanggang sa ilang taon ang nakalipas, ay nakapagbaba sa estado
ng mga kababaihan.

Mga sandali’y matamis sa sarili nating bayan,


Doo’y kaibigang tangi bawat sikatan ng araw,
Buhay ang sa hanging simoy na lumilipad sa parang,
Kamatayan ay masarap, kay lambing ng pagmamahal!
Marubdob na mga halik ang naglalaro sa labi
Ng inang pagkagising na sa kandunga’y bumabati;
Sabik kawitin ng bisig ang kanyang liig na pili,
At pagtatama ng tingin, mga mata’y ngumingiti.
Kamatayan ay matamis nang dahil sa Inang Bayan
Doo’y kaibigang tangi bawat sikatan ng araw,
Ngunit ang simoy ng hangi’y mapait na kamatayan
Sa taong walang sariling lupa, ina’t kasintahan!

Base sa tulang nasa itaas na may pamagat na Canto de Maria Clara o Ang Awit ni Maria Clara na
isinulat rin din ni Rizal at isinalin ni J.R. de Leon, makikita kung gaano kapuno ng emosyong
magpahayag si Maria Clara at kasabay nito ay mapapansin rin kung gaano niya minamahal ang
kanyang Inang Bayan sapagkat nabanggit niya na ang kamatayan ay walang saysay kung ito ay
hindi para sa Bayan.
Bagama’t ang paglalarawan ni Rizal kay Maria Clara ay isang mahinhing babae, makikita pa rin sa
kanyang naroon ang kanyang pagmamahal sa Bayan. Imbes na ipinahayag niya ito sa
pamamagitan ng pakikipaglaban, ipinahayag niya na lamang ang kanyang damdamin sa
pamamagitan ng tula. Sa pamamagitan ng bugso ng emosyon ay naipakita pa rin ni Rizal kung
paano naging sandata ng isang babaeng mahinhin ang kanyang emosyon para sa bayan na kahit
mababa ang estado ng mga kababaihan noong kapanahunan nila ay nagawa pa rin naman nilang
ipakita ang kanilang pagmamahal at malasakit para sa bayan.

Maria Clara De Los Santos

You might also like