You are on page 1of 1

APOLINARIO MABINI

Pagsinag ng Isang Dakila


By: Ann Beatrice M. Semera
Si Mabini, isinilang sa Tanauan
Pinagpupunyagi ng mga Batangan
Siyay nag-aral sa San Juan de Letran
Ginawa ang lahat para sating bayan.
Ka Pule, iyan ang tawag sa kanya
Ang nagluwal sa kaniyay si Dionisia,
Si Inocencio naman ang kanyang ama.
Pang walo siya sa mga supling nila.
Hulyo bente-tres noong siyay isilang.
Mayo, naman nang kunin sya ng may lalang.
Enero, dinapuan ng kapansanang,
Sa kaniyay hindi ito naging hadlang.
Tinagurian siyang dakilang lumpo,
O kaya ay Dakilang paralitiko.
Kinuha siya na punong tagapayo,
Ni Aguinaldo sa rebolusyonaryo.
Tayoy sinalisod pawing alikabok.
Kay Ka Pule, itoy sang higanteng suntok.
Kayat sa samahan siya ay lumahok,
At ito sa kaniyay naging pagsubok.
Nagmamasid siya ng araw at gabi.
Nang lumaon, syay nadakip at nahuli.
Kahit ganon, tuloy parin ang pagsali,
Sa laban, pahamak man kanyang sarili.
At ng lumabas siya sa bilangguan,
Inisip parin pagsupo sa dayuhan.
Kalayaan ay hindi nya sinukuan,
Isa ito sa dapat nating hangaan.
Guam, lugar kung saan sya pinatapon.
Natakot syang bawian ng buhay doon.
Nangakong lilisan sya sa rebolusyon.
Panumpa sa ibang lahiy syay nagkaron.
Ang kaniyang pagbalik sa Pilipinas,
Inaaninaw padin ang bawat bukas.
Amerikanoy tuloy ang pandurugas,
Paano ba mga ito magwawakas?
Noong siya ay tumapak sa Maynila,
Dumating sa kanyay sakit na kolera.
Kagustuhan naman niyang lumaban pa,
Sa tinik na dinanas, di na nya kaya.
Sobrang haba ng kaniyang dinaanan.
Sa tibay ng loob, kanyang nalampasan.
Si Ka Pule Mabini, dapat hangaan,
Lahat binatid para sa ating bayan!

You might also like