You are on page 1of 2

Wikang Filipino: Tungo sa Kapayapaan at Pag-unlad

Wikang Filipino, yan ang wikang pambansa


Atin ng alam mula pa sa pagkabata
Syang isang daan tungo sa kapayapaan,
Pambansang pagkakaisa at kaunlaran.
Minana natin ito sa ating ninuno
Pinanday ng panahon at itoy nabuo.
Syang dahilan ng buhay at pagkakasundo
Ng mga bayani na nagbuwis ng dugo.
Dati tayoy parang mga ibon sa hawla
Tunay na nasisiil at di makawala.
Sapagkat tayo ay dinatnan na ng sigwa.
Ikinulong at nagmukhang kaawa-awa.
Wika lamang ang ating pagkakakilanlan
Nagsisilbing pagkataot ating pangalan
Kasama ng hininga hanggang kamatayan
At di maiaalis ng kung sino pa man.
Wika ang dahilan ng pagkawatak-watak
Tulad ng tore ng babel na winasak
Naway di maulit ng dugoy di dumanak,
Sa halip,pagkakaisa ang maging anak.
Sating panahon marami na ang naglipana
Bagong teknolohiya satiy pamana
Ngunit ang ating wikay naiwan na yata
Hindi na sumulong, naiwang parang bata.
Kung di tayo lilingon sa pinanggalingan
Tyak di tayo darating sa paroroonan.
Oh bayan! Wika nati ay huwag talikdan
Pasulungin natin sa halip na talikuran.
Tayo ay nahahati ng sandaang pulo,
Kulturat pamumuhay, mga dialekto
Ngunit naging isa, salamat Filipino!
At hindi na mawawasak pa ng kung ano.
Kahabagin nawa tayo ng Poong bathala
Ng maging sang tunay na matatag na bansa

Gamit ang regalo na ibinigay Nya


Walang iba kundia ang ating wika.
Ipagmalaki natin ang wikang pambansa
Linangin pa natin at pagyamaning kusa
Ang Wikang Filipino tungo sa kapayapaan
At pag-unlad nitong ating inang bayan.

You might also like