You are on page 1of 3

Ruffa Gutierrez on Yilmaz Bektas's reported wedding: "He hasn't admitted anything and

he hasn't denied anything."

By: Noel Orsal & Rose Garcia

 
"I was actually expecting something na baka
kumirot ang puso ko or baka maglulupasay ako
or...naghihintay ako kagabi na, okey, baka
naman if I'm alone na, like biglang mag-iiyak
ako, magli-listen ako ng mga Turkish songs,
wala! Nakakaloka, hintay ako nang hintay,
wala akong naramdaman. So, siguro nga, time
heals all wounds," says Ruffa Gutierrez about
the news that her ex-husband, Yilmaz Bektas,
is marrying former Miss Universe Zuleyka
Rivera Mendoza.

Isang araw pagkatapos pumutok dito sa PEP


(Philippine Entertainment Portal) ng balitang
pagpapakasal diumano ng Turkish
businessman na si Yilmaz Bektas sa Miss
Universe 2006 na si Zuleyka Rivera Mendoza, nakuhanan na rin namin sa wakas ng reaksiyon
ang dating asawa ni Yilmaz na si Ruffa Gutierrez. 

Nakausap ng PEP si Ruffa sa trade launch ng TV5 kagabi, March 25, sa World Trade Center,
Pasay City.

 Ayon kay Ruffa, nakausap niya si Yilmaz kahapon ng madaling-araw sa pamamagitan ng


Skype. Inilagay niya kasi sa Twitter account niya na meron siyang "ka-reminiscing" at "time
heals all wounds." Incidentally, kung hindi sila nagkahiwalay ay kahapon sana ang 7th wedding
anniversary nila.

 "Okay naman, we're back on speaking terms. We're communicating at naging masaya naman
ang pag-uusap namin last night. We actually talked for three hours," sabi ni Ruffa nang
kumustahin ng PEP ang pag-uusap nila ni Yilmaz.

 Tinanong ba niya si Yilmaz sa balitang pagpapakasal nito kay Zuleyka sa June 21?

 "Tinanong ko siya, pero hindi niya ako mabigyan ng sagot," sabi ni Ruffa. "Well, he hasn't
admitted anything and he hasn't denied anything. So, I guess it's not my place also to comment if
it's true or not. Siguro it's better kung siya ang tanungin natin, if ever."

 Baka gusto ni Yilmaz na siya mismo ang magsabi sa kanya kapag nagkita sila?
 "I don't know, we'll see," nakangiting sabi ni Ruffa.

 When she heard the news about Yilmaz's upcoming wedding, may naramdaman ba siyang sakit
sa dibdib, kahit papaano?

 "Actually, no... I wish him the best of luck. We already filed for annulment. It's ongoing and,
inevitably, it's gonna happen."

 Dagdag niya, "I was actually expecting something na baka kumirot ang puso ko or baka
maglulupasay ako or...naghihintay ako kagabi na, okey, baka naman if I'm alone na, like biglang
mag-iiyak ako, magli-listen ako ng mga Turkish songs, wala! Nakakaloka, hintay ako nang
hintay, wala akong naramdaman. So, siguro nga, time heals all wounds. And wala akong
maramdaman na ganun. When we talked yesterday, nagtutuksuhan kami, reminiscing din and it
was a good talk."

 So, she can say that she has finally moved on?

 "Yeah, we've moved on," sagot ng actress-TV host. "I think we respect each other now.
Nakakapag-usap kami and any time he wants to talk to me, he can call me, and the same thing
with him. It's actually much, much better now than the first few years [after the separation]."

 YILMAZ WILL STILL VISIT. Sa isang interview kay Ruffa ay sinabi niya na kahapon ay
darating si Yilmaz para bisitahin ang mga anak nilang sina Lorin at Venice. Pero walang Yilmaz
na dumating kahapon. What happened?

 "He's coming after Holy Week. I told him to come after Holy Week kasi the kids and I will be
away," paliwanag ni Ruffa.

 Ayon pa kay Ruffa, excited na raw ang dalawang anak sa pagdating ng ama nila.

  "Oo naman. Siyempre, hindi mo maiiwasan that Lorin and Venice will miss their dad, so they
are really excited that he's gonna come. Wala namang problem with me."

 Kung naka-move on na nga and if it's true na magpapakasal na ngang muli si Yilmaz, magiging
senyales na ba ito sa kanya na okey na ring bumonggang muli ang kanyang lovelife?

 "Ay, ayoko ngang bumongga!" natatawang sabi ni Ruffa. "Napaka-busy ko. Parang wala
namang interesting lately. Hindi rin naman ako naghahanap. I think with all the blessings coming
my way, I think it's better if we'll just focus at work. Alam mo naman, when it rains, it pours.

 "So, gusto ko munang mag-ipon at asikasuhin ko yung trabaho ko. Darating din naman yung
love. I'm happy naman on my own. I chose to be single. Marami naman diyang admirers. May
mga dumating, may nawala. May mga nandiyan lang, umaaligid. So, it's up to me naman if I
wanna be with someone or not."
 THE "TRIANGLE." May nai-post din si Ruffa sa kanyang Twitter account na huwag na
siyang isama sa "triangle." Ano ang ibig niyang sabihin dun?

 "Oo, di ba? I think huwag na akong isali sa Shaina [Magdayao] and John Lloyd [Cruz]. I think
it's silly for me to still be involved on that and you know, every time na lang they ask me where
they are, what they are doing, like...I don't care! Hello! Di ba? Like, stop it already. OA na, di
ba?" sabi niya.

 May communication pa rin ba sila ni John Lloyd?

 "Oo naman, we're friends," sagot ni Ruffa. "Hindi naman naputol yun. Kaibigan ko naman
talaga si JL and we're still very much in touch."

You might also like