You are on page 1of 19

Pag-aralan Natin

Paghambingin ang mga larawan.

Basahin Natin

Iya

Magandang umaga po! Naghahanap po ako ng bumibili ng


uling.

Gene

Saan ba galing ang uling ninyo?

Iya

Sa kaingin sa tumana. Pero bukas pa po aahunin ang uling


kaya humahanap na ako ng bibili.

Gene

Marami ba? Ilang sako ang makukuha?

Iya

Hindi ko po tiyak. Bukas pa malalaman kung ilang sako ang


makukuha.

Gene

Sige, dalhan mo ako ng sampung sako bilang paghahanda


sa sobrang taas ng LPG.

Iya

Pati rin po ba kayo ay gagamit na rin ng uling?

Gene

Wala tayong magagawa, patuloy kasi ang pagtaas ng LPG.


Kaya lang, nasisira ang ating kalikasan dahil sa pag-uuling.
Nauubos ang mga puno sa kagubatan.

Iya

Wala tayong magagawa. Iyan lamang ang paraan para


kumita ng pera. Nakararaos din kami sa pang-araw-araw
na pangangailangan sa malinis na paraan.

Gene

Ngunit...paano ang ating kalikasan?

Iya

Naisip ko na po iyon. Nasisira nga po ang ating kalikasan.


Kaya naggugulayan na po ako. Huli ko na pong pag-uuling
ito.

Gene

Salamat naman kung ganoon. Sana, Iya magtanim ka na


ng puno sa bahaging iyong kinaingin.

Iya

Opo, Ka Gene. Nagtanim na nga po ako ng niyog at atis


doon sa aking kaingin.

Alamin Natin

Halinat sasamahan
ko kayo, nang inyong
madama kagandahan
ng kagubatang ito.

A. Magtungo Tayo sa Gubat


Halina sa kagubatan
nang ating malaman
mga bagay na wala rito
sa kapatagan
Sige na, nang makita
ang mga puno, ibon,
at hayop na dooy
naninirahan.

Salamat, makikita
ko na rin ang mga
unggoy na kamaganak nitong aking
alaga.

B. Ang Kagubatan Natin

Iba ang pakiramdam


kapag nasa gubat.
Bakit nga kaya?

Halina! Tayo ay
pupunta sa gubat.
Kukuha tayo ng pulot,
kahoy, pagkain,
halamang-gamot at
kabuti. Mainam ding
magpiknik doon.
Lalanghapin natin ang
sariwang hangin.
Doon makikita ang
malinis na tubig, ang
naggagandahang
mga bulaklak at ibat
ibang puno. Makikinig
din tayo sa huni ng
mga ibon.

Ang lahat ay
magkakaugnay at
walang nasasayang
sa gubat. May
perpektong
ecosystem ang
kagubatan.

Ang gubat ay isang


malawak at pabagubagong komunidad.
Binubuo ito ng ibatibang uri ng halaman at
hayop na umaasa sa
isat-isa sa maraming
paraan. Ang iba pang
bumubuo ng kagubatan
ay mga lupa, tubig at
ang mga mineral sa
ilalim ng lupa.

Alam ba ninyo na
ang kagubatan ang
nagsisilbing tirahan
ng libu-libong uri ng
kulisap, halaman at
mga hayop.

Tubig, Hangin at Enerhiya sa Kagubatan

Ang Food Chain sa Kagubatan

Ipinakikita ng food chain kung paano naisasalin o naililipat ang


enerhiya, buhat sa isang organismo patungo sa isa pang organismo.

Ang Food Web sa Kagubatan


Suriin ang food web sa larawan. Ipaliwanag kung paano nabubuo ang
food web.

Magkakarugtong na food chain ang food web. Nabubuo ito mula sa magkakaibang food chain.

Tandaan Natin

Pumipigil sa pagguho ng lupa at


pagdaloy ng tubig
sa kapatagan

Nagpapadalisay
ng tubig

Nag-aalaga at
nagpapayaman ng
lupa

Kahalagahan
ng Kagubatan

Binabalanse
ang klima

Nagsisilbing
kamalig o tirahan
ng ibat-ibang
uri ng nilikha.

Pinagkukunan
ng pagkain at
kagamitan

Nagdudulot ng aliw
dahil sa kanyang mga
puno at hayop
9

Mga yaman mula sa ating kagubatan

10

troso

buhay-ilag tulad ng baboyramo at labuyo

rattan o uway

mga bungang-kahoy

mineral mula sa
pagmimina

halamang gamot

orkidya

11

Ano ang kalagayan ng kagubatan sa mundo?


Heto ang pandaigdigang mapa ng kagubatan.

Noon, halos walumpung porsiyento (80%) ng kalupaan ay sakop ng mga gubat. Subalit ngayon ito
ay tatlumput anim na porsiyento (36%) na lamang. Itoy patuloy na lumiliit bawat taon dahil sa
pangangailangan ng mga tao. Napuputol ang mga troso dahil sa pangangailangan ng mga industriya.
Kinakaingin ang kagubatan para sa agrikultura at pangangailangan sa tahanan.
12

Orihinal at kasalukuyang sukat ng kagubatan sa bawat bansa.


5000
4500
4000
3500
3000
2500
2000
1500
1000
500

Orihinal na sukat (libong km. kuadrado)

Vietnam

Thailand

Sri Lanka

Philippines

Papua New Guinea

Pakistan

Nepal

Myanmar

Mongolia

Malaysia

Laos

Iran

Indonesia

India

China

Cambodia

Bhutan

Bangladesh

Kasalukuyang sukat (libong km. kuadrado)


Source: Asia Pacific Cultural Center
for UNESCO (ACCU), 2000

13

Paano mo mapananatiling masigla at malusog ang ating


kagubatan?

Iwasan ang walang humpay na pagtrotroso

Magtanim ng mga punong-kahoy

Alagaan ang mga itinanim na puno

Maayos na gamitin ang makabagong


teknolohiya sa pagtatanim

14

Maging paksa ng mga panayam ang pangangalaga sa kagubatan

Magtanim ng mga puno ng prutas


gaya ng atis, dalandan, langka,
lansones, rambutan at iba pa.

Sundin ang batas tungkol sa pagtrotroso


15

Basahin Natin
Kalikasan Ay Kayamanan
Sadyang napakapalad ng ating buhay
Maraming biyayang bigay ang Maykapal
Lupa, tubig, hangin at kagubatan
Ang lahat ng mga itoy dapat pangalagaan.
Ang kagubatan ay syang ating inaasahan
Na magbigay ng pagkain at pangangailangan
Subalit kapag ekosistem ay di alagaan
Masisira, mawawasak buong kalikasan.
Masamang epekto dala nito sa ating pamumuhay
Pati na rin ibang bagay na mayroong buhay
Pagkasira ng ekosistem kahirapan ang taglay
Kaya kalikasan ay paunlarin tungo sa tagumpay.

16

Alam Mo Ba?
1.

Basahin ang bawat pangungusap. Ipaliwanag ang bawat


pangungusap batay sa pagkasira ng kagubatan.
a. Mga halaman at hayop ay mawawalan ng pagkain at tirahan.
b. Dahil sa pagkawala ng mga puno, ang lupa ay sasama sa baha.
c. Hindi na mapigilan ng mga kalbong bundok ang biglaang
pagbuhos ng ulan na nagiging sanhi ng pagtaas ng tubig.
d. Ang pagkaubos ng kagubatan ang nagiging sanhi ng
pagtaas ng temperatura o pag-init ng klima sa buong mundo
e. Ang pagkawala ng ugat ng puno na kumakapit sa lupa sa
kagubatan ang sanhi ng pagkaanod ng lupa sa ilog.

2.

Anu-ano ang mga dapat tandaan upang mapanatiling maganda


ang ating kagubatan?

17

3. Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


ekosistem.

18

4.

Ano ang gagawin mo sa ganitong mga sitwasyon?


a. Naibalita na malakas ang bagyong Lilang, signal #3. Ano ang
iyong gagawin sa mga saging na nasa inyong bakuran?
b. Halimbawa, nakakita ka ng bahay pukyutan. Ano ang gagawin
mo upang makuha mo ang pulot?

5.

Magbigay ng pahayag para maipaliwanag ang paksa ng modyul:


Hawak Ko Ang Kinabukasan Mo

19

You might also like