You are on page 1of 2

Ano ang Baryabol ?

Ito ay ang katangiang may dalawa o higit pang halaga na mutually exclusive. Ang
mga baryabol ay mga constructs o mga katangian na iyong iimbestigaahan sap agaaral. Kung kapwa mo ginagamit ang mga lalaki at babae, ang kasarian (sex) ay
baryabol dahil ito ay may dalawang halaga. Kung ang iyo namang tinuturuan ay
mga high achievers, normal achievers at low achievers baryabol ang achievement.
Anu-ano ang mga Uri ng Baryabol ?
a) Malayang Baryabol
Sa payak na pakahulugan, ito ay tinatawag na sanhi. Ito ang batayan ng pagbuo ng
pangkat. Kung ikaw ay nag-eeksperimento ng tiyak na pamamaraan ng pagtuturo at
may tatlo kang pangkat ng mga achievers para ito subukin, ang kakayahan ay isang
malayang baryabol. Sa sinundang pag-aaral, kung sususbukin ang pamamaraan
sa pamaraan sa mga lalaki at babae, ang seks ay isa pang baryabol.
b) Di- Malayang Baryabol
Ito ang kinalabasan o layunin ng pag-aaral. Sa halimbawang nabanggit sa itaas,
ang achievement ay ang dependent variable . Ang
dahilan ng
ating
eksperimento sa pamaraan ng pagtuturo ay upang mabatid kung ito ay
epektibo ; kung itoy makakaapekto sa achievement. Sa simpleng lengguahe, ito
ay resulta; ang malayang baryabol naman ang sanhi.
c) Baryabol na Mababago
Ito ang ang baryabol na maaring mabago o manipulahin. Kung ikaw ay may
dalawang pangkat ng kalahok at iyong itinalaga sa mga treatment, ang
treatment dito ay isang manipulable variable
d) Di- mabagong variable
Ang seks ng mag-aaral ay di maaaring palitan: ang mga babae ay di
mapapalitan para maging lalaki. Samakatwid, ang kasarian ay non-manipulable
variable.
Gayundin ang kalagayang sosyo-ekonomiko, kakayahang pangkaisipan, edad,
lahi (race) at aptityud ay mga non-manipulative variables.
Ano ang Teoriya at ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na Literatura?
Ipinahiwatig sa unang bahagi ng aklat na ito na kinakailangan mong magbasa ng
maraming literatura tungkol sa iyong paksa. Ito ang tinatawag na Pagsusuri ng mga
Kaugnay na Literatura o Review of Related Literature. Nagsasarbey ka ng mga
kaugnay na literatura upang malaman mo ang mga teoriya. Ang teoriya ay isang
malaking tipak ng impormasyon na kaugnay ng iyong paksa.
Anu-ano ang mga Tungkulin ng Teorya?
a) Tinutukoy ang simula para sa suliraning sinasaliksik sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga puwang (gaps), mahihinang puntos, at mga inkonsistensi
sa naunang pananaliksik..
b) Pinagsasama-sama nito ang lahat ng constructs o mga konsepto na kaugnay
sa iyong paksa para sa imbestigasyon.
c) Ipinakikita nito ang mga relasyon ng mga baryabol na naimbestigahan
Ano ang mga Layunin ng Pagrerebyu ng Kaugnay na Literatura?
a) Ito ay nagbibigay ng balangkas na konseptwal o teoritikal ng pinaplanong
pananaliksik.
b) Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga dating pananaliksik na
may kaugnayan sa layunin ng iyong pag-aaral.

c) Nagbibigay ito ng kumpiyansa


d) Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pananaliksik
na ginamit
e) Nagbibigay
ng mga resulta at mga konglusyon ng mga nakaraang
imbestigasyon.
Paano Isinasagawa ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na Panitikan/Literatura
a) Magbasa ng aklat kahit sa iyo lamang pribadong aklatan
b) Maging matiyaga sa pagbabasa ng ibat-iabng materyal tulad ng magasin,
dyornal , peryodikal o pahayagan, ensayklopedya no tesis para sa posibleng
literatura.
c) Ito ay hindi nagagawa sa isang upuan lamang. Babalik ka sa aklatan nang
maraming ulit.
d) Ang lahat ng iyong tala ay kinakailangang nakasulat sa index cards. Maglaan
ng isang card para sa isang awtor o source.
Ano ang dalawang uri ng Kaugnay na Literatura ?
a) Literaturang Konseptwal (Conceptual Literature)
Ito ay tumutukoy sa mga artikulo o aklat na sinulat ng mga awtoridad na nagbibigay
ng opinyon, karanasan, teoriya o mga ideya kung ano ang mabuti at masama,
kanais-nais at di kanais-nais na saklaw ng suliranin.
b) Panriserts na Literaura
Ito ay tumutukoy sa mga ulat ng tunay na pag-aaral na ginawa ng ilang
mananaliksik
Ano ang Ibat ibang paraan ng Pananaliksik?
A.) Palarawang Paraan
Ito ay dinesenyo para sa mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon
tungkol sa kasalukuyang kalagayan.

You might also like